webnovel

Hindi Kailangang Mag-abala Sa'yo Ang Asawa Ko

Lumingon si Gu Jingze at nakita niya si Lin Che na nagpalit sa isang bathrobe. Hindi niya mapigilan ang sarili na titigan ito.

Nagsalita agad si Lin Che. "Wala akong ibang choice kundi ang suotin ito. Pambihira kasi talaga. Kasalanan mo ang lahat ng 'to. Sinadya mo ba'ng gawin ito? Na sirain nang ganoon ang damit ko!"

Nakatitig pa rin si Gu Jingze kay Lin Che na nakasuot ng bathrobe habang ang tali niyon ay maluwag na nakatali sa bewang nito. Napakadali lang mapasok ang loob nito.

Kaagad namang inalis ni Gu Jingze ang ganoong iniisip nang may narinig siyang katok mula sa labas.

Tinanong siya ni Lin Che. "Nandiyan na ang damit na iniutos mo? Bilisan mo. Kunin mo na ang mga iyon."

Tumango si Gu Jingze at tiningnan siya bago umalis para buksan ang pinto.

Ang kanilang silid ay isang suite na may kwarto sa loob at sala sa labas.

Isinara ni Gu Jingze ang pinto ng kwarto at malalim na huminga bago naglakad papunta sa main door.

Ngunit, hindi niya inaasahan, ang bumungad sa kanya ay isang lalaking itim ang buhok at may maputlang mukha.

Si Qin Qing.

Nakita ni Qin Qing si Gu Jingze at kaagad namang dumako sa loob ang kanyang mata. Nang hindi niya nakita si Lin Che, ibinalik niya ang tingin kay Gu Jingze. Parang may kakaiba sa relasyon nito kay Lin Che. Nag-aatubiling tinanong niya ito, "Si Lin Che... nandiyan ba siya sa loob?"

Bagama't nakakaramdam siya ng selos sa lalaking kaharap niya, hindi niya maiwasang yumuko at tingnan ang suot nitong singsing. Nanlaki ang kanyang mata nang makita ito nang malapitan.

Singsing nga iyon ng mga Gu.

Kahit papaano, ayaw niyang magkamali sa harapan ng lalaking ito.

Kaya, lalong nag-init ang mga tingin niya kay Gu Jingze at nagsalita, "Kaibigan ako ni Lin Che."

Nakatayo lang doon si Gu Jingze. Mas matangkad siya nang kaunti kay Qin Qing. Ang pares ng maitim niyang mata ay hindi kayang lupigin katulad ng kalangitan sa gabi, malalim at mapanghimasok.

Sinuri niya ng tingin si Qin Qing. Hindi niya maunawaan kung ano ang nagustuhan dito ni Lin Che. Anong uri ba ng taste sa lalaki ang mayroon ito? Gusto niya ba talaga ang ganitong klase ng lalaki? Ang isa ay si Gu Jingyu at ngayon naman ay itong si Qin Qing. Hanggang itsura lang naman ang mayroon ang mga ito.

Malamig ang boses ni Gu Jingze at mapagmataas. Kahit nagiging mahinahon lang siya sa harap nito ay kapansin-pansin pa rin sa kanyang anyo na hindi siya ang tipo ng lalaki na pwedeng banggain. "Nasa loob si Lin Che, ngunit busy siya ngayon."

"Busy?" Naghihinalang tanong ni Qin Qing. "Sabihin mo sa kanya na narito ako. Tiyak na lalabas iyon."

Walang nagawa si Gu Jingze kundi ang haplusin ang kanyang ilong at sabihin sa kaharap, "Hindi naman sa may ginagawa talaga siya. Ang totoo kasi niyan ay wala siyang saplot ngayon kaya hindi ko maaaring buksan ang pinto para sa'yo."

Nagulat naman si Qin Qing.

Nang makita ang ekspresyon ni Qin Qing, nagpatuloy si Gu Jingze. "Kasalanan ko naman kasi ang lahat. Hindi ako masiyadong nag-ingat... nasira ko ang kanyang damit at inutusan ko ang aking mga tauhan na kumuha ng kanyang damit. Kaya sa ngayon, hindi talaga posible sa kanya na lumabas."

Bagama't iba ang pagkakasabi niya ng mga salitang iyon, naunawaan pa rin ni Qin Qing ang ibig niyang sabihin.

Nakaramdam si Qin Qing ng pagkailang. Iniisip niya na ang lalaking ito at si Lin Che ay may relasyon na... gumagawa ng ganoon.

Sumagot siya kay Gu Jingze, "Baka hindi mo alam, pero may pinagsamahan kami ni Lin Che. Matagal na naming kilala ang isa't-isa." Hindi niya mapigilang tingnan ito bilang isang kaaway.

"Oh, sinabi nga sa'kin ni Lin Che," mahinang tugon ni Gu Jingze. "Nabanggit nga niya iyan sakin."

"Alam kong makapangyarihan ka at kaya mong gawin ang kahit na ano, pero si Lin Che ay isa lamang simpleng babae. Ayaw kong masaktan siya. Kaya kung hindi ka gaanong seryoso sa kanya, hindi ako basta-basta mananahimik na lang."

Katulad nga ng sinabi kanina ni Han Caiying kanina, kahit may relasyon man ito kay Lin Che, tiyak na iiwan din nito si Lin Che kapag nagsawa na ito.

Dahil dito, lalong nagalit si Qin Qing.

Sa kanyang puso, hindi niya naman iniisip na hindi niya kapantay si Gu Jingze o di kaya'y pinaglalaruan lang nito si Lin Che. Sa halip, iniisip niya na baka may ginawa itong si Gu Jingze para lang makuha si Lin Che?

Hindi naisip ni Gu Jingze na balang araw ay pagbabantaan siya ni Qin Qing.

Tiningnan niya ito sa mga mata. "Kung binabalaan mo ako bilang isang kaibigan ni Lin Che, tinitiyak ko sa'yo na tunay at totoo ang namamagitan sa aming dalawa. Pareho kami ng nararamdaman at pinagkakatiwalaan namin ang isa't-isa. Wala kaming itinatago sa bawat isa at mayroon kaming kasunduan na hindi maaaring baliin."

Totoo ang kanyang sinabi, pero hindi iyon ang talagang kabuuan.

Nagpalit ang ekspresyon ni Gu Jingze sa mas lalong nanghahamon. Patuloy pa rin siyang nakatitig kay Qin Qing. "Subalit, kung binabalaan ako bilang isang lalaki, gusto ko lang ipaalala sa'yo na pag-aari ko na ngayon si Lin Che."

Ang matalas niyang ekspresyon ay kagaya ng isang espada na nagdulot ng matinding pagbabanta kay Qin Qing.

Sa puso ni Qin Qing ay lalo lang lumaki ang pagka-disgusto niya kay Gu Jingze. Ilang sandali pa ay may dumating na isang service staff na may dalang dalawang pares ng damit. "Sir, nandito na po ang hinihingi ninyong damit."

Lumambot ang mukha ni Gu Jingze nang sumagot siya sa staff. "Ilagay mo nalang ang mga iyan sa loob."

Hindi naman nakatakas sa mga mata ni Qin Qing ang logo ng mga damit na iyon.

Mamahaling brand iyon. Ang bawat piraso ng damit na iyon ay nagkakahalaga ng maraming libo.

Malayo ang tinging nilingon ni Gu Jingze si Qin Qing. "Kung wala ka ng ibang sasabihin, papasok na sa loob."

Isinara na niya ang pinto nang hindi na hinintay pa ang sagot nito.

"Ano..."

Galit na tiningnan ni Qin Qing ang nakasarang pinto. Hindi na siya natutuwa na ganoon ang ginawang pagtanggap sa kanya pagkatapos niyang magsikap na pumunta dito.

Lalong umalab ang kanyang galit kay Gu Jingze.

Samantala, kanina pa naghihintay sa loob si Lin Che. Nang makita niya si Gu Jingze na pumasok, kaagad niya itong tinanong. "May kausap ka ba kanina sa pinto?"

Ang buong silid na iyon ay soundproof at hindi siya nangahas na lumabas pa. Ang narinig niya lang ay ang ingay ng mga taong nagsasalita, pero hindi niya nalaman kung ano ang mayroon doon.

Tumango si Gu Jingze. "Oo, may dumaang baliw na aso kanina pero pinaalis ko na."

Hindi siya ang uri ng tao na nanghahamak ng taong hindi niya kilala katulad ni Qin Qing.

Subalit, nagagalit siya kapag naaalala niya kung gaano karahas at ka-direkta ang tono ng pananalita nito sa kanya.

Hindi makapaniwalang tumawa si Lin Che sa sagot nito. "Isang aso sa loob ng hotel? Paanong nangyari iyon?"

"Baliw na aso iyon. Hilig ng mga baliw na aso ang isundot ang kanilang mga ilong sa lahat ng bagay."

Pagkatapos ay ibinigay na niya ang mga damit kay Lin Che. "Hayan na. Magbihis ka na. Kasya sa'yo ang mga iyan."

Tiningnan ni Lin Che ang mga damit. Magaganda ang mga ito at mukhang mamahalin.

"Wow, hindi ba't mamahalin ang mga ito?"

Sumagot si Gu Jingze, "Hindi ako sigurado."

Ngumiti si Lin Che kay Gu Jingze. "Ang ganda ng mga 'to. Mukhang mamahalin talaga. Salamat, Gu Jingze. Sino'ng makapagsasabi na ang ibig sabihin ng pagiging asawa mo ay pagiging magarbo ding tulad mo? Hmm. Hindi na masama!"

Ang naiisip lang ni Gu Jingze ay kung gaano ito ka-cute tingnan kahit pinipilit nitong maging malambing.

Sa unang pagkakataon, ang mga simpleng papuring iyon mula kay Lin Che ay lubos na nagpasaya kay Gu Jingze.

Next chapter