16 Hindi Ako Komportable Na Kasama Ang Kapatid Niya

Hindi niya pinansin ang lamig sa tono nito. Sa halip, wala siyang balak na magpatinag dito. "Siyempre naman. Napagkasunduan natin ito at ako ang tipo ng isang babae na iniisip ang kapakanan ng ibang tao."

Nagdilim ang mukha ni Gu Jingze. Nagmamadali itong umakyat sa itaas dahil ayaw na niyang makipagtalo pa dito.

Kinabukasan, hindi nakita ni Lin Che si Gu Jingze nang siya'y magising. Tinanong niya ang katulong, "Nasaan si Gu Jingze?"

Sumagot naman ito, "Hindi po nakatulog nang maayos kagabe si Sir kaya maaga po siyang umalis kaninang umaga."

Naisip na lang ni Lin Che na halata namang hindi komportable si Gu Jingze na makasama siya pero pinipilit pa rin nito ang sarili.

Talaga nga namang makapangyarihan ang pag-ibig. Para lamang maprotektahan si Mo Huiling, titiisin nito ang lahat.

Habang iniisip niya ito, nagsimula siyang maawa kay Gu JIngze.

Makalipas ang ilang araw, hindi pa rin umuwi si Gu Jingze. Naisip nalang ni Lin Che na baka may sinabi si Mo Huiling dito kaya hindi pa ito umuuwi hanggang ngayon.

Kung ganoon nga ang nangyari, mas makabubuti iyon para sa kanilang dalawa.

Hindi pa rin sila masyadong nasasanay sa isa't-isa kahit matagal-tagal na rin mula nang sila ay magpakasal. Pareho silang hindi komportable na magsama sa iisang bahay.

Pero bakit parang hindi siya mapakali?

Bahagya siyang nakaramdam ng lungkot nang maisip niya na may kasamang babae si Gu Jingze, lalo na at si Mo Huiling ang babaeng iyon.

Baka siguro dahil hindi niya gusto ang ugali ni Mo Huiling. Parang ayaw niyang makuha nito ang anumang maibigan nito.

----

Magsisimula na ang filming ng television series. Gaganapan ni Lin Che ang role ng isang matuwid ngunit masamang karakter ni Chen Yihan. Ang unang site kung saan gaganapin ang kanilang taping ay sa B City's filming studio. Nang magsimula na ang filming, doon sila nagkita-kita. Makikita sa pinto ang pangalan ng kanilang palabas na "Swords of Love". Nang mai-release ang nobelang ito, agad itong dinumog ng mga tao at talagang sumikat ito kaya't marami rin ang nakaabang sa series na'to kahit hindi paman nagsisimula ang kanilang filming.

Mas lalo pang umigting ang pananabik ng mga manonood dahil ang gaganap bilang bidang lalaki ay si Gu Jingyu.

Magkakaroon muna ng opening party kung saan doon din gaganapin sa nasabing lugar kaya't nandoon si Lin Che upang dumalo.

Pero, hindi alam ni Lin Che kung bakit bigla nalang siyang naging sikat. Halos lahat ng kasapi ng production team ay alam na ang role na Chen Yihan ay ibinigay sa isang baguhang artista at siya nga ang tinutukoy ng mga ito.

Lahat ng mga nandoon ay mga matatagal ng artista, kaya ang tanging ginawa lamang ni Lin Che ay maglibot ng may dalang baso ng wine at inalok ang bawat isa na makipag-inom. Maya-maya ay nakaramdam siya na parang nag-iinit na ang kanyang ulo.

At, may narinig siyang nagsalita na dumating na raw si Mu Feiran.

Si Mu Feiran ang bidang babae na gaganap sa series at ang pinakasikat na young actress sa kanilang bansa. Nang siya'y pumasok, halos lahat ng mga mata ay nakatingin sa kanya. Nakasunod sa kanya ang ilang mga assistants at managers, na talagang nakaka-agaw-pansin saan man siya magpunta.

Habang tinitingnan niya si Mu Feiran, naisip niya na maganda nga talaga si Mu Feiran. Ito ang kanyang first time na makita nang malapitan ang isang sikat na artista. Hindi niya maiwasang mamangha sa ganito-kasikat na artista. Napakarami ng kanyang fans sa labas at kahit saan man siya magpunta, nagkukumpulan ang mga taong naghihintay sa kanya.

Siya nga talaga ang sentro ng atensiyon.

Pero ng sandali ding iyon, nakita niyang dumating si Lin Li na nakasuot ng bahagyang-dilaw na dress. Inililipad ng hangin ang suot nito kaya't lalo itong nagmukhang maganda at refreshing.

Mabilis namang nagsilapitan ang ilan sa mga taong naroroon upang makipag-usap sa kanya. Sikat din naman si Lin Li. Bagama't hindi siya kasingsikat ni Mu Feiran, nagsisimula na rin naman siyang makatanggap ng ilang pagkilala at maganda din ang takbo ng career nito.

Pero, hindi siya gaanong nakakakuha ng atensiyon gaya ni Mu feiran.

Hindi rin nagtagal ay may nagsabing dumating na si Gu Jingyu.

Nagsisimula pa lang si Gu Jingyu ay agad itong naging sikat. Ngayon, siya na ang pinakabagong pantasya na kilala ng lahat. Pagkalabas niya pa lang sa kanyang celebrity van ay kaagad na nagkumpulan ang kanyang mga fans. Nakakabingi ang kanilang mga ingay. Hindi naman maiwasang magselos ng ilang artista na nandoon din sa loob ng van.

Ang sikat na artista ay sikat na artista. Sa sandaling bumaba siya mula sa van, napakaraming mga tao na kaagad ang lumapit sa kanya.

Sa tabi ni Lin Che, kaagad naman siya pinaalalahanan ni Yu Minmin. "Medyo marami ang eksena na magkasama kayo ni Gu Jingyu. Kailangan mong makipaglapit sa kanya. Lapitan at batiin mo siya mamaya. Kung hindi, tiyak na magiging awkward ang inyong mga eksena."

Nakanganga nang bahagya ang bibig ni Lin Che habang nakatingin kay Gu Jingyu mula sa di-kalayuan. Matangkad siya at maganda ang katawan, mapula ang mga labi at mapuputi ang mga ngipin. May pagkahawig ito kay Gu Jingze.

Malamang sa malamang, alam niya na ngayon na magkapatid ang dalawa.

Pero ano pa man, asawa niya pa rin si Gu Jingze sa pangalan. Medyo hindi siya komportable na makaharap ang kapatid nito nang ganito.

Bago pa man niya matapos ang kanyang iniisip, itinulak na siya ni Yu Minmin. "Puntahan mo na siya."

"Ah... Senior Jingyu, hello." Wala siyang ibang masabi kundi ang batiin lang ito.

Nagmamadali namang lumapit sa kanila ang director at ipinakilala siya kay Gu Jingyu. Sinabi nito na siya ang gaganap sa role ni Chen Yihan.

Tiningnan naman ni Gu Jingyu ang baguhang artista nang may kaunting interes. Bagama't napaka-natural at napakasimple ng mukha nito, napakalinaw at banayad naman ng mga tingin nito. Kapansin-pansin din naman ito, salamat sa kanyang kakaiba't maputlang kutis.

Sa larangang ito na habang tumatagal ay halos nagpapare-parehas na ang mukha ng magagandang babae, kakaiba ang dating nito sa kanya.

Ngumiti siya't nagtanong, "Hey, nakakatakot ba ako?"

"Huh? Hindi. No way."

"Then, bakit parang natatakot kang tumingin ka sa'kin?" Nginitian niya ito nang matamis habang nakatitig sa bilog at matalas nitong mga mata.

Sa totoo lang, hindi talaga komportable si Lin Che, lalo pa't naaalala niya na minsan niyang binalak na painumin ito ng gamot. Pero ang nangyari...

Tumawa siya nang mapakla at nagsalita, "Imposible naman 'yon. Hindi lang ako masyadong komportable... Oh, Senior Jingyu, mauna ka na po. Aalis na ako."

"Hey... bakit ka lumalayo?" Nagtatakang nilingon niya ang director at tinanong, "Mukha ba akong nakakatakot?"

Pasimple naman siyang pinagsabihan ng director. "Siyempre nman, hindi. Napakarami ngang nagkakandarapa sa'yo."

Nakatayo lang doon si Lin Che habang iniiwasan si Lin Li dahil ayaw niyang makasalubong ito. Mabuti na din na kahit nasa iisang set lang sila, eh wala silang eksena na magkasama. Masaya si Lin Che nang malaman niya ito. Ang nais niya lang ay makapag-film ng series na'to nang mapayapa at maayos; nang hindi nasisira ni Lin Li ang kanyang mood.

Nang makahanap na siya ng mapagtataguan, naghanap siya ng lugar kung saan pwede siyang umupo. Maya-maya ay may narinig siyang boses sa ibabaw ng kanyang ulo.

"Hi. Walang nakaupo dito, diba?"

Iniangat ni Lin Che ang kanyang ulo. Nandoon si Gu Jingyu.

Blangko ang kanyang isipan na sumagot siya, "Wala."

Umupo si Gu Jingyu at pinag-krus ang mga paa. Mapapansin ang kanyang kapilyuhan. Bagama't katulad ni Gu Jingze ay mayroon ding malalamig na linyang nakahugit sa kanyang mukha, naiiba ang sa kanya. Mas malaya siyang tingnan. Kung paghahambingin ang dalawa, mas malamig si Gu Jingze samantalang siya naman ay mas malambing.

Iniangat ni Lin Che ang kanyang baso at uminom ng maraming tubig. Nahagip ng kanyang tingin si Lin Li na nakatitig sa kanya at saka humarap kay Gu Jingyu.

Tiningnan naman siya nito. "Ikaw ang gaganap ng role bilang Chen Yihan?"

Magalang at maayos namang tumango si Lin Che. Tama lang na ganito ang ikilos niya sa harap ng isang senior.

"So, magkakasama tayo sa ilang eksena."

"Oo. Nabasa ko nga sa script." Sagot ni Lin Che.

Interesado namang tinitigan siya ni Gu Jingyu. "Since may mga eksena tayong dalawa na magkasama, hindi ba't dapat ay tayo ang unang magkasundo dito?"

Dahan-dahang itinaas ni Lin che ang kanyang ulo. "Pero wala naman tayong love scenes, ah."

Pansamantalang hindi nakapagsalita si Gu Jingyu. Sinuri niya si Lin Che. "Mukhang nabasa mo na ang buong script?"

"Oo."

avataravatar
Next chapter