19 Bakit Hindi Mo Na Ako Tinatawag Na Hubby?

"Lin Che, pwede ba huminahon ka naman kahit kaunti?" Lumapit si Gu Jingze at hinila ito pataas. Hindi niya namalayan na naglakbay na pala ang kanyang tingin sa flat nitong tiyan.

Iniwas niya kaagad ang tingin at magkadikit ang mga ngipin na tinawag si Lin Che. "Lin Che, huminahon ka nga."

Ibinaba naman ni Lin Che ang ulo para tingnan si Gu Jingze. "Hubby, napakalupit mo naman sa'kin."

Pilit na nilalabanan ni Gu Jingze ang init ang ulo. "May mas ilulupit pa ako."

"Hubby... ayaw mo ba talaga sa'kin?" Nakatingin ito kay Gu Jingze habang kinakagat nito ang labi na dahilan upang bahagya itong mamula.

Napahinto naman saglit si Gu Jingze. Habang tinitingnan niya si Lin Che, parang ayaw niya na itong pansinin pa, pero hindi niya alam kung bakit matiyaga niya pa rin itong inaasikaso. "Oo na. Hindi ako nagagalit sa'yo."

"Talaga?" Binuhat niya si Lin Che sa kanyang mga braso.

Mabilis naman itong sumandal sa katawan ni Gu Jingze.

Medyo nagtaka naman si Gu Jingze dahil walang mga rashes na lumabas sa kanyang katawan at hindi rin siya nakaramdam ng kahit anong sintomas ng kanyang sakit.

Tiningnan niya ang ulo nito na nakapatong sa kanyang balikat. Mukhang nakatulog na ito at ang kanyang mga pilikmata'y bahagyang gumagalaw. Sa taas nitong 168 na sentimetro, hindi naman ito matatawag na maliit. Mas matangkad ito kaysa sa ibang babae. Pero ngayon, habang nakasandal ito sa kanyang balikat, parang naging maliit itong tingnan. Parang gusto niya itong protektahan.

Nang maibaba niya na si Lin Che, muli na naman nitong pinulupot ang mga kamay sa kanyang leeg.

Ang mukha nitong mamula-mula dahil sa alak, ay sobrang lapit sa mukha ni Gu Jingze. Naaamoy niya ang bango nito.

Parang nakaramdam siya ng pamamanhid sa buo niyang katawan.

"Hubby, gusto ko pa ng yakap."

"..." Tinanong naman siya ni Gu Jingze. "Alam mo ba kung sino ang kausap mo ngayon?"

"Ang hubby ko," mabilis naman nitong sagot.

Sa loob ng ilang segundo ay hindi malaman ni Gu Jingze kung ano ang sasabihin.

"Umayos ka't wag ka ng magulo." Gusto niya itong itaboy, pero nang iunat niya ang kanyang mga kamay, wala sa sariling hinimas niya ang malambot nitong buhok.

"Yakapin mo nga ako," patuloy nitong pakiusap.

Wala na siyang nagawa pa at hinawakan ito sa kanyang mga braso, at hinayaan ang maliit nitong mukha na magpahinga sa may bandang leeg niya.

Dahil dito, lalo lang nanigas ang kanyang buong katawan.

Sa ilalim ng kanyang mga mata ay narinig niyang nagsalita si Lin Che.

"Hmmm, pwede na rin..."

"..." Lumambot naman ang katawan ni Gu Jingze.

Sa wakas ay naihiga na ni Gu Jingze si Lin Che. Ngunit, hindi pa man siya nakakatayo ay narinig niya na naman itong sumigaw habang ang mga mata ay nakapikit, "Gusto ko pa ng yakap!"

Napasimangot siya at marahang minasahe ang noo.

Ang babaeng 'to... bakit napaka-clingy naman nito?

At noon din ay bigla siyang nakarinig ng malakas na kalabog mula sa kinaroroonan ni Lin Che.

Mabilis siyang lumingon at nakita si Lin Che na nahulog sa sahig.

Bagama't may kakapalan ang carpet sa sahig, mahahalata pa rin na medyo masakit ang pagkakahulog ni Lin Che doon.

Habang nakahawak sa kanyang noo, tumayo si Lin Che at nakatulala habang nakatingin sa unahan.

Nang makita niya si Gu Jingze, kumunot ang noo nito at nagtatakang nagtanong. "Anong nangyari, Gu Jingze? Ba't ako nandito?"

Hindi na siya tinatawag nito ng Hubby?

"Nakainom ka. Kung gising ka na, then, tumayo ka na dyan. Maglinis ka muna ng iyong sarili bago matulog."

Sumagot lang si Lin Che ng "oh" na para bang bigla siyang may naalala. Maya-maya ay tumayo na ito mula sa sahig at umakyat muli sa kama.

Habang pinagmamasdan itong kumilos nang hindi nag-iingat, pakiramdam ni Gu Jingze ay inubos niya na ang katumbas ng isang buong taong pasensiya bago niya napagpasyahang lapitan ito. Walang pag-aalinlangang binuhat niya ito sa kanyang mga kamay.

Bahagyang nanigas naman si Lin che at dahan-dahang namula ang kanyang pisngi.

Hindi siya nilingon ni Gu Jingze pero naramdaman nito na nakahawak ang dalawang kamay ni Lin Che sa lapel ng kanyang jacket. Bahagyang kumukurap-kurap ang kanyang mga pilikmata.

Ang gwapo nitong tingnan habang binubuhat siya.

Pakiramdam niya'y mauubusan siya ng hininga habang nakatitig dito. Napakapit nalang siya dito na para bang nangangamba na baka bigla nalang siya magpakawala ng malalim na buntung-hininga.

Habang nakahawak sa lapel ng jacket nito, iniangat ni Lin Che ang kanyang mukha at dahan-dahang inilapit ito sa mukha ni Gu Jingze.

Ibinaba naman ni Gu Jingze ang kanyang ulo. Habang nakatitig siya sa mapupungay nitong mata, halos hindi na niya makontrol pa ang apoy na nagpupumiglas sa loob ng kanyang katawan.

Sandaling napahinto ang kanyang mata sa mapupula nitong labi. Matambok at malaman ang labi nito na para bang sinadya itong gawin para halikan.

Kumibot ang sulok ng kanyang bibig nang may pumasok sa isip niya. Pero, parang sasabog na ang kanyang katawan sa sobrang paninigas at halos hindi na siya makagalaw pa. Nagmistulang wala na siyang makita kundi ang labi lang nito habang dahan-dahang inilalapit ang kanyang mukha.

Nang biglang...

"Bleurgh..."

Parang may likidong dumadaloy mula sa kanyang dibdib.

Sinukahan siya nito...

Hindi na ito kaya pang tiisin ni Gu Jingze kaya't hinila niya ito papuntang cr. Hinagis niya ito sa bathtub, pagkatapos ay itinutok sa ulo ni Lin Che ang shower spray.

"So damn dirty... Pwede ba, magpakababae ka nga! Anong klase ba ng babae ang ganyan kumilos? Pagkatapos mong uminom nang napakarami, uuwi ka ng bahay na lasing na lasing tapos, sinukahan mo pa ako..."

Dahil sa lakas ng tubig na nakatutok sa kanya, halos maiyak na si Lin Che habang pinipilit na makaalis sa bathtub na iyon. Ngunit, bago pa man siya makababa ay tumalon si Gu Jingze sa tubig, itinulak si Lin Che, at pinilit na paliguan siya.

Sa tagal ng pagkakababad sa tubig, bumuti na ang pakiramdam ni Lin Che at nakahanap ng pwesto kung saan makakapagpahinga.

Mahimbing siyang nakatulog sa mga kamay ni Gu JIngze. Samantala, napalunok naman si Gu Jingze habang tinitigan ang babaeng mapayapang nagpapahinga. Nahihirapan namang inilayo niya ang tingin dito.

Gusto niyang tanggalin ang mga kamay at iwan na lang ito doon; naiinis siya dahil labis siyang pinag-alala ng troublemaker na ito.

Ngunit, nang muli niya itong tingnan, nagdalawang-isip siya nang makita ang hitsura nito habang nakababad sa tubig. Kalaunan ay maingat niya itong inilipat papunta sa loob.

----

Kinabukasan ay nagising si Lin Che na masakit ang buong katawan. Habang nakahawak ang kamay sa kanyang ulo, bumangon siya at tiningnan ang sarili...

Bakit siya nakahubad?

Parang kumakabog ang kanyang ulo sa sobrang sakit, kaya't hindi niya kaagad matandaan kung ano ang nangyari. Anong kahihiyan na naman ba ang ginawa niya kagabe?

Lasing na lasing siya, nagpumilit siyang hawakan si Gu Jingze tapos... sinukahan niya pa ito...

Bigla siyang nagising nang maalala iyon. Nagmamadali siyang pinulot ang mga damit at nagpalit bago patakbong lumabas. Nakasalubong niya naman ang katulong na may dalang hangover soup.

"Madam, gising ka na po pala. Nakahanda na po ang iyong hangover soup."

"Uh, nasaan si Sir?" Nagi-guilty na tanong ni Lin Che.

"Bakit hindi mo na ako tinatawag na Hubby?" Mula sa likuran ay narinig niya ang boses ni Gu Jingze kaya't kaagad lumingon si Lin Che.

Malalaki ang hakbang na lumapit si Gu Jingze. Malalim ang tingin nito at malamig ang kanyang ekspresyon na parang isang yelo; mukhang may maninigas sa mga titig nito.

avataravatar
Next chapter