12 CHAPTER XII

Next Time

Patuloy parin sa pagkaladkad sakin si Kaleb at ako naman tong si easy girl na nagpapahila naman. Di naman kalayuan pero hinihingal ako sa bilis maglakad nitong si Kaleb.

"Wait! Sandali nga lang, Kaleb. Dahan dahan naman! Hinihingal na ako!" binitawan niya naman ang kamay ko kaya pinangtungkod ko pareho sa tuhod ko habang humihinga ng malalim.

"We're almost there, Elliss."

"Anong we're almost there? Eh isang kanto pa ang lalakarin natin!" nagulat ako ng bigla niya akong buhatin. Ang pangitaas kong katawan ay nakaharap sa kanyang likuran. Hawak hawang niya sa isang braso ang mga hita ko na para kong isang sako ng bigas.

"Uy! Ano ba, Kaleb! Ibaba mo ako!" pagpupumiglas ko habang sinasapak ang kanyang likuran tutal ay yun lang ang aking nakikita. Di nagtagal may narinig na kong tunog ng susi at pagbukas ng pinto. Nang makapasok kami ay ibinaba na niya ako.

"Mabuti naman at ibinaba mo na ako. Sumakit ang balakang ko sayo!" sabi ko habang naguunat at nakaharap sa kanya na nakapamulsa sa may pintuan.

"Sandali, pano mo nabuksan? Eh hindi ko naman-" ngayon ko lang napansin ang kabuuuan ng kwarto. Di hamak na mas magarbo at mas malawak ito kaysa sa dorm ko! Kasi hindi ko naman to dorm!

"Anong- s-saan- hindi ko to dorm!" bulyaw ko sa kanya.

"Alam ko. This is mine." sabi niya sabay lapag ng gamit niya sa may sofa. Ibinaba ko narin ang gamit ko dun dahil nangangalay na ako. Pinagmasdan ko ang paligid, hindi halatang lalaki ang nakatira dito sa sobrang ayos ng mga gamit. Wala ata kong makukuha dito ni katiting ng alikabok. Wala itong second floor pero pang second floor ang taas ng kisame nito. May chandelier pa, naglalaro sa kulay white at gold ang mga gamit dito. May glass window din patungo sa malawak na terrace na may swimming pool.

"Bat mo ko dinala dito?" tanong ko habang busy parin sa pagiikot sa kanyang dorm. Dorm pa ba ang tawag dito? Hindi ko din alam.

"Di mo naman sinabi, akala ko ay sa dorm ko tayo pupunta." dagdag ko pa.

"Pag sinabi ko bang dito tayo pupunta ay sasama ka?" nilingon ko na siya.

"May point ka naman dun. Pero sana ay binuhat mo na lang ako simula palang sa school para di na ako hiningal sayo." pagmamaktol ko sa kanya.

"Noted." sabi niya ng nakangiti.

"Noted ka jan! Ikaw lang ba magisa dito? Ang laki naman at ang ganda ng interior!" di ko talaga maiwasang mamangha sa kabuuan nito. Okay na ako sa ganitong bahay!

"Yup. Why? Wanna live with me? Para naman di masayang yung space diba?" sabi niya ng nakakaloko.

"Che! Ewan ko sayo! Ano bang gusto mong kainin? Para makapagluto na ako." tanong ko sa kanya. Siya naman ay nakakunot ang noo na parang di makapaniwala sa tanong ko.

"Do you really think na hinatak kita dito para paglutuin?"

"Bakit? Hindi ba iyon ang sinabi mo?" inirapan niya ako na daig ba ang babae sa kasungitan. Hinila niya ako papunta sa terrace at dun ko lang napansin na may naka-setup na lamesa at upuan sa gilid ng pool. Di ko ito napansin dahil may harang na pader pag nasa loob.

Bumibilis ang pintig ng puso ko habang papalapit dito. May mga kandila pa ito at bulaklak. Meron ding roses na nakasaboy sa pool at sa sahig. Ano ba naman ito! Kinikilig ako! Date ba to? Sana sinabi niya na lang eh papayag naman ako. May nakahanda na ditong pangdinner. Napatingin ako sa orasan ko at 5:30 PM pa lang.

"Akala ko gagabihin tayo sa school kaya dinner ang pinahanda ko." sabi niya na nakapagpalingon sakin.

"Ano to, Kaleb?" inirapan na naman ba ko.

"Food." tignan mo tong kinakausap na maayos na to!

"Hindi. Ang ibig kong sabihin bat may pa roses ka pa? Eh kakain lang naman tayo."

" Wag ka na nga magtanong. Kumain na lang muna tayo." namula na parang kamatis ang mukha niya at nagiwas ng tingin. Ang cute ng reaksyon niya kaya di ko na siya kinulit. Pinaupo na niya ako at umupo narin siya sa harap ko.

"Hindi ka sanay sa ganto, no? Akala ko pa naman ay playboy ka! Kakain lang tayo eh halos mamula na buong mukha mo!"

"Stop. Elliss." namula na naman siya ng husto. Natatawa lang ako sa itsura niya. At patuloy siyang inasar.

"Ilang babae na ba ang naimbitahan mo dito? Parang bago naman sayo at nahirapan ka pang yayain ako." mapang-asar kong sabi. Mukha na siyang sasabog sa pagkapikon!

"I don't bring girls here and I've never had girls. Why? Are you used to this? Ilang lalaki na ba ang nagaya sayo para kumain?" mapanloko niyang tanong na feeling niya naman eh ikaiinis ko.

"Oo naman! Maraming nagaaya sakin sa probinsya namin. Ligawin ako ng mga lalaki doon-"

"Just..eat."

"Pikon!" pang-asar ko sa kanya at nag-belat pa ako sa kanya. Mukhang natrigger ko siya dahil doon. Tumayo siya at akmang hahabulin ako kaya tumayo narin ako at tumakbo. Nakapasok na ulit kami sa loob at naghahabulan parin.

"Waaa! Pikon! Belat!" paulit ulit kong pangaasar sa kanya habang hinahabol ako. Nakarating na kami sa sofa malapit sa pintuan at doon naghabulan.

Nasa likuran siya ng sofa at ako naman ang nakatapat sa upuan nito. Di ko na alam kung paano ako iikot kaya umambang tatalon na lang ako papunta sa kabila nang sumabit ang paa ko. Napakalampa mo talaga Daphnie Elliss!

"Aaahh!" napapikit na ko pero mabuti na lang at may sumalo sa akin. Buhat buhat niya ako na parang pambagong kasal. Onti onti niya akong binaba na para bang mababasag ako. Nang naibaba niya na ako ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at hinimas ito. Tinignan ko siya at halata sa kanyang mga mata ang pagaalala. Hinaplos niya ang buhok ko at onti onting hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"Are you alright?" tumango ako dahil di ko alam kung may lalabas pa bang salita sa bibig ko pag binuka ko iyon.

"Please don't do that again. Stop making me worry." sabi niya at hinalikan ang akin noo. Napapikit ako sa sarap sa pakiramdam ng lumapat ang kanyang malambot na labi sa aking noo. Para bang sinisiguro niyang safe na ako ngayong nandito na siya.

Napatingin siya sa akin at ganoon din ako sa kanya. Wala kang ibang maririnig kundi ang lakas ng tibok ng puso naming dalawa. Napakasarap pakinggan ng himig nito, wala itong tama o maling nota basta't sa oras na malaman mong pareho ito ng tinitibok ay alam mong nasa ayos na ang lahat at wala ka ng iisipin pang iba. Bawat tibok nito ay kasabay ang paglapit ni Kaleb sa akin, onting onti na lang! Para bang may sariling pagiisip ang aking mga mata at nagkusa itong pumikit. Daphnie Elliss! Eto na! Ready na ako!

Pero imbis na labi ni Kaleb ang sumalubong sa akin ay pagbukas ng pinto ang bumungad sa akin. Iniluwa nito si Tristan na kasama si Mari.

"Kaleb, pahiram ako kotse mo ah! Magde-date lang kami ni-" napatigil si Tristan sa pagsasalita at sabay nanlaki ang mga mata nila ni Mari. Nataranta ako! Ano bang dapat kong gawin? Naitulak ko si Kaleb kaya bumagsak siya sa kanya sofa at ako naman ay lumuhod at hinawak hawakan ang sahig. Jusko! Lord! Ano ba to?! Nakakahiya!

"Ano to? Sahig? Ang kintab ah! Hahaha!" sabi ko habang pekeng tumatawa at hinahampas hampas pa ang sahig. Tumingin ako kanila Tristan at Mari na nagtataka sa ginawa ko. Si Kaleb naman ay nakatayo na at nagpipigil ng tawang tinitignan ako. Tumikhim ako bago tumayo at inayos ang aking uniform.

"Oh! Tristan! Mari! Andyan pala kayo?" sabi ko sa dalawa na kunwari ay di ko napansin kanina. Ano bang nadatnan nila? Halata namang nakita nila eh! Tumabi na si Kaleb sakin at tinignan ng masama si Tristan.

"I told you wag kang basta bastang pumapasok sa dorm ko ng hindi kumakatok Tristan!"

"Wala ka namang sinabing ganyan, Kaleb. Osiya, sige na! Sorry, lovebirds! Bye!" sabi ni Tristan kay Kaleb at may pag peace sign pa. Kumaway na lang ako kay Mari na nakatingin sakin ng whatsgoingon look and tellmeeverythingtomorrowok? look.

"Tara kain na tayo! Baka malamig na yung pagkain." sinabi ko kay Kaleb para pagaanin ang paligid.

"Tss. Istorbo." ako ba ang sinasabihan non? Ang sungit ah! Nauna pang maglakad sakin.

At ayun na nga ang nangyari, kumain kami ng walang imikan at pagtapos nun ay nagvolunteer siyang ihatid ako sa dorm ko. Di na ko tumanggi dahil natatakot akong maglakad magisa sa dilim. Nang makarating kami sa tapat ng aking dorm ay sandali pa kaming natahimik.

"U-uhm, salamat sa paghatid. Ingat ka pa-pauwi. Good Night!" tinry kong magmukhang masigla pero halatang pilit.

"Good Night. Thank you for today, Elliss." sabi niya sabay halik sa aking pisngi at naglakad na palayo. Pero bago pa siya pumasok sa elevator ay mag sinabi pa siya.

"Sa cheeks muna, next time na sa lips. Bye, Elliss!" sabi niya ng nakangiti at mapanloko.

"Next time mo mukha mo!" sigaw ko pero tinawanan niya lang ako at pumasok na sa elevator.

avataravatar
Next chapter