7 CHAPTER VII

Text Me

Kung siniswerte ka pa nga naman oh! Si Kaleb pa ang naging kagrupo ko sa Entrepreneurship! Ugh! Monday na monday ay ganto ang pakiramdam ko! Sabado nung nagsend ang Prof. namin ng groupings, kaya dalawang araw na akong ganto! Hindi ko kagrupo si Mari eh wala naman na akong ibang matalik na kaibigan bukod sa kanya.

"Ok, class! Meet with your groupmates ang settle your parts and plans for the activity. You're dismissed once our time is done. Iiwan ko na sa inyo ang isang oras ng ating klase." yun ang sinabi ng aming Prof. after niya mag discuss tungkol sa mga criteria, location at mga pwede naming gawin para sa booth.

Mga nakakausap ko naman ang iba kong kagrupo pero di ko sila kaclose. Ang mga kagrupo ko ay si Wayne, Blake, Samantha, Ynna, at si Kaleb. Di ko alam kung advantage ba ito sa amin o ano, kami lang ang grupong may anim na miyembro. Umupo na ako sa isa sa mga upuang nakapaikot. Napalingon ako sa tumabi saking si Kaleb pero di ko na lang pinansin at nagsimula na kami sa paguusap.

Di naman nagtagal ang meeting dahil madali kaming nagkasundo sa ibebenta, kaya madali na lang ang iba. Sinuggest kong gawing Café ang aming booth. Mga sweets ba, yung mga binibake dahil dun ako magaling. At mga tea, coffee and milktea ang beverages tutal ay yun ang patok sa mga tao ngayon.

"I'll just add you guys on my facebook then gagawa na lang ako ng groupchat para makapagusap tayo kung kailangan." wika ni Ynna na tumatayo bilang aming leader. Ibinigay na rin namin sa kanya ang aming mga account.

"Then, isesend ko na lang lahat ng mga nalista ngayon kapag nakagawa ka na ng groupchat." sabi naman ni Samantha na mukhang secretary ng grupo dahil todo sulat siya kanina habang naguusap usap kami.

"Maghahanap na ako ng pwedeng ibenta na sweets, para mapag-aralan at ma-jot down ang mga ingredients." volunteer ko naman sa kanila na ikinatango nilang lahat.

"Sorry, I don't know if I can follow." sabi ni Blake na nakalimutan kong di masyado nakakaintindi ng Tagalog. Buti naman at todo rescue si Wayne na siya na lang ang nagsabi sa kanyang katabi.

"Oh, then can I be the representative for the booth?" inapprove naman naming ang suggestion ni Blake, dalawa na raw sila ni Wayne ang bahala sa buong booth. Si Samantha at Ynna naman ang magmamanage sa lahat ng kailangan. Ang tanging iisipin ko lang ay ang pagbe-bake. At ang katabi ko naman ang bahala na daw sa beverages.

"Are you sure?" tanong ni Ynna kay Kaleb.

"Kaya mo bang magtimpla ng mga iyon?" tanong ko pa sa kanya.

"Then teach me, you know how right?" sabi niya at nakatingin pa sakin ng nakakaloko. Bumaling naman ako sa mga kagrupo kong sang-ayon na sang-ayon sa kanya.

"Meron ba kayong appliances na pwedeng magamit para sa pagluluto sa booth, Daphnie?" wika ni Ynna.

"Um, mahilig ako mag bake kaya kumpleto ako nun sa dorm. Pero wala akong pang bev-" bago ko pa matapos ay sumingit na si Kaleb.

"Edi good, ipapadala ko na lang ang gamit sa dorm mo para di ka na mahirapang turuan ako."

"Ha? Eh ano-"

"When shall we start practicing, Ynna?" nakakainis na to ah! Di man lang ako patapusin!

"It's up to you guys. Pero mas maganda kung mas maaga simulan, para no pressure pag malapit na." agree naman ako kay Ynna pero.

"Samantha, diba kailangan mong malaman lahat para maisulat mo. Sasama ka naman sa practice diba?" tanong ko kay Samantha na parang di maintindihan ang sinabi ko.

"Pwede mo naman isend sa chat. I think kaming apat na lang ang magsasama para mabantayan din namin ni Ynna itong boys kung nagawa ba talaga sila. We'll help them aside from managing the booth."

"Why? Is there a problem? Gusto mo bang sama sama tayo?" tanong naman ni Ynna.

"Ay! No! It's fine!" sabi ko agad sa kanya.

"We really want to help but I'm scared na baka we'll just slow you down." sabi ni Blake na nag-agree ang ibang members sa kanya.

"We can't cook, magbake pa kaya." parang nag choir sila sa pagkanta sa simbahan ng sabay sabay pa talaga nilang sinabi iyon sakin. Nagtaas na lang ako ng kamay na para bang sumu surrender sa police. Tumawa na lang sila at nag sari sariling buhay sa pagdadaldalan at pag cellphone. May twenty minutes pa kaming natitira bago makalabas.

"Are you avoiding me?" tumindig ang balahibo ko ng bumulong si Kaleb sa aking kanang tenga. Nararamdaman ko na ang dibdib niya sa aking balikat sa sobrang lapit. Gusto ko siyang lingunin at irapan pero di ko magawa at baka magdikit ang mukha namin.

"Ano? Hindi no! Bat naman?" sabi ko habang inabala ang sarili sa pag-aayos ng gamit.

"Really? Let's start tomorrow then. Sulitin natin yung two weeks sa pag papractice."

"Ano bang-" nilingon ko siya at napaka wrong move non! Isang inch na lang ata ang pagitan ng mga mukha namin! Namula ako at napaka bilis ng tibok ng puso ko. Napatingin siya sa aking labi at inangat muli ang tingin sa aking mga mata. Ano bang dapat kong gawin?! Itulak ko ba siya? O sapakin ko siya? O ano?! Ano?!

Buti na lang at nauna na siyang umatras dahil di ko talaga alam ang dapat kong gawin! Ginulo niya pa ang buhok niya parang inis na inis. Tumingin muli siya sakin at inagaw ang cellphone na nasa tapat ng desk ko.

"Uy ano ba!"

"Buksan mo." iniharap niya sa akin at mukha lang akong timang na nakatunganga. Tinitgnan ang cellphone na nasa harapan ng mukha ko. Napairap siya at kinuha ang thumb ko at ipinress sa fingerprint ng phone para magbukas. May tinype siya doon at iniabot sa akin ang aking phone.

"Text me so I'll know your number." sabi niya at umalis na. Aba't! May ten minutes pa kaming natitira! Batas ka Kaleb?! Ha? Batas ka?

"Ayos yun ah." bulong ko sa sarili ko at tinignan ang number na nakatype sa aking phone. Tinignan ko naman ang name na nakalagay at lintek! Heart na emoji ang inilagay ng mokong!

"Umuwi na si Kaleb?" tanong ni Wayne sakin na ikinikibit ko lang ng balikat. Dahil hindi ko rin naman alam.

Mabilis lang din natapos yung araw. As usual, punta ko sa Student Assisstants' Office tas uwi para magaral at gumawa ng homework tas kain tas tulog. Bat ganun? Kinakabahan ako bukas eh wala naman kaming exam. Di ako mapakali sa akin kama. Mag e-eleven na ng gabi at di parin ako natutulog. Nung dapat ay pipikit na ako ay tumunog ang aking phone. May notification ako, friend requests ng mga kagrupo ko. Inaccept ko naman silang lahat at naisali na ako sa groupchat.

Wala namang paguusap na naganap. Literal na inadd lang kami ni Ynna sa groupchat at sinend ni Samantha ang mga naisulat niya kanina. Io-off ko na sana ang wifi para di na ako maabala pa ulit sa mga notifications pero saktong pagsara ko nito ay ang pagchat ni Kaleb sa aming group chat na ang nakalagay ay..

Kaleb: text me, elliss

My ghad! Di ba uso sa kanya ang private message? Bat kailangang sa groupchat niya pa sabihin? O di rin ba siya makapag intay ng bukas at kailangang sabihin na niya? Buti na lang at napatay ko na ang wifi, di niya malalamang nabasa ko. Bukas ko na lang ibibigay ng personal sa kanya ang number ko.

avataravatar
Next chapter