webnovel

Chapter I

"Five minutes! Damn it."

5 minutes akong naghintay na umandar itong jeep na sinakyan ko. Kahit hindi ako talaga nagmamadali, pero kasi ayoko lang masira ang "perpekto" kong plano. Sa wakas umandar din ang jeep na sinasakyan ko at ang buong akala ko ligtas na naman ako. Yun ang akala ko!

"Eek!" Napasigaw na lang ang iba pang pasahero nang biglang prumeno ang jeep. May pumara kasi para sumakay.

Ako? Napairap na lang sa inis. Masyado talagang masinop tong driver! Grr!

"Uy Hannah! Nandito ka pala?" Sabay kalabit sakin ng isang lalaki na may pamilyar na boses.