webnovel

Chapter 7

Buddy

Kinakabahan akong pumasok sa aming paaralan. Anong gagawin ko kung makasalubong ko siya? Anong sasabihin ko? Kailangan ko na ata siyang layuan? O dapat ba na bigyan ko ng pagkakataon?

Hindi ko naman siya namataan sa kahit san na sulok ng paaralan. Kaya hindi ko na lang muna inisip.

May dalawa akong vacant na subject kaya naisipan ko na maglakad lakad nalang sa campus.

"Liv!" May tumawag mula sa likod ko.

"Uy, Prixton. Mukhang PE niyo ngayon ah."

"Ah, hindi. May try-outs para sa basketball team. Balak ko lang sumali. May klase ka ba?"

"Wala naman vacant ko dalawang subject, inaasikaso raw ang recollection ng 3rd and 4th year College Students."

"Sama ka? Papunta na ako sa court. Nandoon naman sila Benette at Stephen kasama si Cashmere."

"Si Cashmere lang? Wala si Kalani?"

"Hindi daw pumasok eh. May hangover."

"Ah, Sige. Tara?"

Varsity-material naman talaga itong si Prixton. Matangkad, sobrang ganda ng katawan, gwapo, at matalino pa. San ka pa?! Haha.

"Si Carms oh!"

"Hello!" Bati ko sa kanila.

Naabutan ko na simula na ang 1st batch of players. Hinati ang batch na iyon sa dalawa. Nakasama si Prixton sa batch na ito. Laking gulat ko nang namataan ko si Alec na kalaban nila Prixton.

Nahagilap ko ang paningin ni Alec at kita ko rito ang pagiging focus niya sa laro. Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa nangyari. Kaya ichecheer ko na lang si Prixton.

"Go, Prixton!!" Sigaw ko nang nakuha niya ang bola sa jump ball.

Ipinasa niya ang bola sa kakampi niya at nang makakita ng butas ay kinuha muli niya ang bola at wooooh! Prixton Girbaud for 3!

Pagkapasok ng bola ay tinuro niya ako. Nakita ko na naman ang mga tingin ng mga tao dito.

"May namumuong tae... este pag-iibigan." Biro ni Benette.

"Che! Manood ka nalang dyan." Sagot ko.

"Pag na-inlove ka, babae ka na, sis!" Dagdag pa ni Cashmere.

"Hay! Pati ikaw?" Ngumuso ako habang pinipigilan ang pagtawa ko.

Napalingon ako sa court nang nakita ko na ginaguwardyahan ni Prixton si Alec. Binangga ni Alec si Prixton sabay pasok ng tres na foul counted pa.

"Iba rin ang laro ni Mr. President." Dinig ko kay Stephen.

Nang natapos na ang batch nila na mag-laro ay pinagpahinga muna sila ni Coach. Ibinigay ko ang tuwalya ni Prixton pati na ang bottled water na dala ko.

"Good Game, Prix!" Bati ko sa kanya.

"Para sa crush ko."

"H-Huh?" Napanganga ako.

Hoy! Pinipigilan ko ang sarili ko na  mag-assume na ako yun. Pero hindi naman sa umaasa pero parang ganon na nga.

Habang nagkukwentuhan ang mga lalaki sa barkada ay nakita ko si Alec. May naka-kandong na babae sa kanyang hita at hinihimas himas pa niya ang braso nito. Sobrang eww! As in, Fboi? Oo!

Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanila. Tinawag na muli ang mga naglaro sa bawat batch. Iaanunsyo na ang mga pasok sa 1st screening.

"First Batch. Congratulations, Alec Daniel Alvidrez and Prixton Girbaud!"

"Nice one, Prix! Sabi ko sayo makakapasok ka!"

"Thanks, Guys! Ano labas uli tayo mamayang gabi?" Pag-aaya ni Prixton.

"Sure! Ano, G?"

"Pass muna ako. Kailangan ko mag-review at maghahanap pa ako ng subject sa Photojournalism project ko."

"Sige kami kami na lang. Are you sure?" Tanong ni Prixton.

"Yes."

Lumabas na kami ng gymnasium at nang padaan na kami sa kinauupuan ni Alec ay bigla itong tumayo kaya nainis ang babaeng naka-kandong sa kanya.

Nauna na sila dahil hiwa-hiwalay kami ng klase ngayon. Tinawag ni Alec ang pangalan ko.

"Carmen! That's nothing."

"Bakit ka ba nag-eexplain sa akin? Hindi naman dapat eh."

"I-I just want to clear things for you. I'm serious about you."

"Well? Anong gusto mong sabihin? Wala naman tayo eh kaya hindi mo kailangan mag-explain. Para kang tanga eh di ka naman boyfriend."

"Yeah! Oo nga, Ang tanga ko kasi akala ko may pakialam ka sa ginagawa ko. Sige ingat ka."

Nakakagago yun ah. Medyo hindi ko siya maintindihan. His mood swings.

May klase ako ngayon sa foreign language. Naka-focus naman ako at nakakasagot sa mga tanong. May idea na ako sa subject na gagamitin ko. It's either ruins or mga artwork sa mga abandoned buildings.

Hindi ako nagdala ng sasakyan. Naisipan ko na mag-commute na lang pauwi sa bahay. Wala na ngayon doon si Kuya pati na rin ang Mama at Papa. Si Manang lang ang kasama ko.

"Good Afternoon, Ma'am. Kumain na po kayo?"

"Hindi pa po, Manang. Ano ho ba ang pagkain ninyo dyan?"

"Ano ba ang gusto mo kainin?"

"Pwede po bang caesar salad na lang po?"

"Sige ho, Ma'am. Ihahatid ko na lang po ba sa kwarto nimo?"

"Opo, Salamat, Manang."

Tumambay muna ako sa labas ng kwarto ko. May maliit na lamesa at upuan dito at kita ang view ng karagatam. Tahimik ang gabi at rinig ng aking mga tainga ang pagbagsak ng alon. Nararamdaman ko rin ang sariwang simoy ng hangin.

Nag scanning lang ako ng mga lesson para may idea ako bukas. Tapos nagbasa na lang din ako ng mga fiction books ko.

"Hey!"

"Sino yan?"

"Carmen!"

"Hoy! Sino ka?!" Sigaw ko.

"Shh."

"Alec? Anong ginagawa mo dito?"

"Wanted to see you?"

"Gabi na umuwi ka na."

"Look, I just wanted to come by and see if you're okay."

"I'm okay and nakita mo na ako. You can go now?"

"Can't we have a little chat?" He asked.

"Fine. Pumasok ka na."

Pinaupo ko siya sa isang upuan at katapat ko siya ngayon rito sa aking lamesa.

"You want hot chocolate?"

"Sure, Thank You." He smiled.

Nagtimpla ako ng hot chocolate. Dahil may hot water thermos ako sa kwarto ko.

"Ano ba ang kailangan mo sa akin?" Tanong ko pagka-lapag ko ng tasa sa lamesa.

"I have to ask you to do something."

"Pagkatapos mo'ng manalo sa election now you're asking me for a favor? I don't know if you're just insensitive or stupid?"

"Pwede bang makinig ka na muna sa sasabihin ko? You are always full of commotion."

"K."

"You gotta be my girlfriend."

"Ano? Are you out of your mind?"

"Yes. Oh, No. I need you to act one."

"Putcha, Hindi ako artista. Hindi rin ako nirerentang babae. Naiintindihan mo ba yun?"

"Come on, It's a favor."

"Pabor yun sayo alam ko yun. Kahit malunod pa ako sa dagat, I won't say yes."

Nilabas niya ang phone niya at binuksan ito para ipakita sa akin.

"What the f*ck? Did you really do that on purpose? Baliw ka talaga ano?" Galit kong sambit.

Pinakita niya sa akin ang litrato na hinalikan niya ako nung kaarawan ko pati na rin noong isang gabi.

"Look, You want to take good care of your reputation in school? Good girl with brains and capabilities? You don't want all of that to disappear, am I right?"

"Bakit mo ba ginagawa ito, huh?"

"Because I want you to be my buddy."

"Buddy? You mean, Fvck buddy? Huh?"

"Something like that, Yes. But not that Fvck buddy. Kailangan ko lang na may maipakita na may girlfriend ako. That's all." He nodded.

"And what's the catch for me?"

"No proofs about your forbidden kiss with me."

"Deal. Hanggang kailan ba ito?"

"Hanggang sa ayaw ko na. O kung sabihin ko na tapos na."

"So anong ibig sabihin mo? Huh? Wala akong choice na umalis?"

"Well you have one, actually."

"And how and what is that?"

"When you finally fall in love and say, 'I love you'. "

Next chapter