webnovel

Chapter 6

Surrender

"That's okay, Carmen! He only won because of his looks. I know that."

Hay! Nakakainis naman. Hindi sa hindi ko matanggap ang pagkatalo ko. It's just, Our school deserves a much better President.

Bumalik na ako sa aking klase. Pinag-usapan ang aming proyekto tungkol sa Photojournalism. Pinagpapasa na kami ng subject sa aming project. Wala pa rin akong idea. Kaya hindi ako nagpasa, easy diba?

Umuwi ako ng bahay at naligo ng matagal. Sasama rin ako sa night out ng barkada namin. Pumili ako ng white denim shorts na ipinares ko sa black off shoulder long sleeve ko. Nag makeup ako dahil ayaw ko na magmukha akong malungkot or sober mamaya.

Nag bb cream, pulbo, at coral lipstick ako. Tapos nag white na vans ako.

"Aalis ka na naman?" Tanong ni Kuya.

"Yes, May gig kasi sila Benette ngayon."

"Lock the doors pag-uwi mo dahil mamaya na ang alis ko pabalik ng Maynila."

"Okay, Kuya. You take care." I hugged him.

Nag-lakad lang uli ako papunta sa bar. Kahilera lang kasi ng beach house namin ang bar na iyon.

Kaunti pa lang ang mga tao dahil alas-syete pa lang ng gabi. Naabutan ko ang barkada na nagkukwentuhan.

"Hey, Liv!" Binati ako ni Prixton na naka pink na t-shirt at jeans.

"Hi, Guys!" Kumaway ako sa kanila.

"So, Anong drink mo?"

"One Margarita." Order ko.

Nagkuwentuhan lang kami ng barkada namin. Hanggang sa umakyat na sa entablado ang banda ni Benette. W-Wait, What?! Is that Alec? No way! I'm here para matanggal ang inis ko sa kanya tapos nandito siya sa harap ko?

"Go, Benette!" Sigaw naming mga babae.

Si Benette ang guitarist ng banda and it looks like na si Alec ang bago nilang lead vocalist.

I just wanna take my time

We could do this, baby, all night, yeah

'Cause I want you bad

Yeah, I want you, baby

Slow, slow hands

Like sweat dripping down our dirty laundry

No, no chance

That I'm leaving here without you on me

I, I know

Yeah, I already know that there ain't no stoppin'

Your plans and those

Slow hands

What? Boses ba talaga ni Alec yun? Hindi ako marupok. Hindi dahil maganda ang boses niya ay madadala na ako at malilimutan na ang pagkatalo ko sa kanya.

Naka-ilan na rin ako ng martini at margarita.

Natapos ang set nila na marami ang natuwa at nag-request pa ang ibang mga audience ng kanta.

"San ka punta, Liv?" Tanong sa akin ni Prixton.

"Sa CR lang ako."

"Samahan na kita. Aantayin kita sa labas baka kasi mapano ka eh."

"No! It's okay. I'll be fine."

Hindi naman ako zigzag kung maglakad. Hindi pa naman ako gaanong nahihilo. Nag salamin ako at nagpulbo. Pinatungan ko rin ng lipstick ang labi kong medyo wala ng kulay.

Palabas na ako ng comfort room at may nang-hablot na naman sa akin.

"Alec?"

"Hi! I just wanna say congratulations."

"Well, Congratulations to you, too. I'm expecting so much for you Mr. President."

"I hope we can be friends rather than just being acquaintances."

"Sure but not more than that."

Masaya at sobrang buhay na ang mga tao sa lakas at bilis ng tugtugin rito. Hindi ako ganoong pala-sayaw tulad nila Kalani at Cashmere.

"Let's dance?" Tanong ni Prixton na nakatayo at naglahad ng kamay.

"Sure." Hindi ako makatanggi.

Sinabayan niya ang tugtugin and damn! Napaka sexy niyang tignan. Why is he this seductive?

Napatingin ako sa isang lalaking sobrang matalim ang tingin sa amin. Nakaupo siya sa isang table malapit sa amin. Hindi ko na lang ito pinansin. Nang medyo hingal na kami ay umupo uli kami.

I saw the time when Prixton opened his phone. It's almost twelve midnight. At mukhang wala pa silang balak umuwi kaya mauuna na ako.

"Guys, I have to go." Paalam ko.

"What? Mamaya na!" Pigil nila Cashmere sa akin.

"No, Really. Kailangan ko talaga umuwi."

"Hatid na kita."

"No, Prix. You enjoy the night. It's only just a few steps away."

Lumabas na ako ng bar. Habang naglalakad ako eh pakiramdam ko na may anino na sumusunod sa akin.

"Carmen?"

"What is it again, Alec?"

"Can I walk you home?"

"N—"

"Just this time please?"

"Okay." Bumuntong hininga ako.

Tahimik lang siya habang naglalakad kami.

"You sing well." I opened up a conversation.

"Thanks." He replied.

"This is my place." Pagpapaalam ko.

Imbes na magpaalam siya through his voice and words. Nagulat ako na dumampi ang kanyang labi. He softly sweep his lips and rode it in with his tongue.

I tiptoed so that I could reach him. Bakit ganito ang nangyayari? Bakit hindi ako lumalayo? Bakit hindi ko siya itinutulak? Why am I surrendering?

"I'll get you, Carmen. You will be mine."

Tulala akong naglakad papasok sa bahay namin. Hindi ko alam paano ako magrereact. Nahiga ako at napatingin sa ceiling ng kwarto ko.

How come that I couldn't resist on that kiss? Why all of a sudden did all my anger and irritation flashed away from me? This is the second time I've been kissed. At hindi ko pa iyon boyfriend.

This is really bad. This can't be.

Next chapter