webnovel

Chapter 5

Tumigil ang Mundo

"Hello, Carmen. I kind of miss your lips."

WHAT THE HECK? WHO THE HELL IS THIS PERSON? I AM COMPLETELY OKAY WHEN HE KISSED ME. BUT THIS IS CREEPING ME OUT.

"You know I'd like to see you some other time again."

Whatever. I'll block the hell out of this stalker. Life's too short to mind these things. Parang gusto ko na lang mag-review at baka wala na naman ako sa sarili ko bukas.

Hay! Matutulog na lang ako.

I woke up two hours earlier than my alarm clock. 10 am pa ang school ko at alas-syete ako nagising ng umaga.

Naisipan ko na mag stretching sa tabi ng pool sa bahay namin. Kaya naman nag black leggings ako at nag-suot ng black na sports bra.

Nag jogging na rin ako sa tabing dagat. Naka-suot ang earphones ko at pinili ang mga kantang pang-workout ko.

"Aray! Bat ka nampapatid, huh?"

"Oh, Sorry! L-Liv Cameron?"

"P-Prixton? Prixton Girbaud?"

"It's been a long time!"

"Grabe! Kailan ka pa nakauwi dito?" Pangangamusta ko sa kanya.

"Last week lang. Sa Colegio ka pa rin ba nag-aaral?" Tanong niya.

"Yes, Third Year College na ako."

"Wow! That means schoolmates uli tayo?"

"What, Really? Sa Colegio ka uli?"

"Yes." He smiled.

"Maybe you want to come with me in going to school. So that may kasama ka."

"Sure pero you want to have breakfast? Are you done with your routine?"

"Sure tapos na naman ako naka 20 minutes jogging na ako."

"Oh, Okay. Let's go?"

"Yup."

Si Prixton ay ang kababata ko dito. Anak siya ng kaibigan ni Mommy. Umalis siya sa Pilipinas noong namatay ang Papa niya kinailangan kasi nila na sumama sa pamilya ng Mama niya sa America.

"Let's just meet sa house niyo? Susunduin na lang kita para sabay tayo pumasok."

"Sige doon pa rin naman kami nakatira." I replied.

He's still as dashing as he was when I last saw him nung fifteen years old ako. His blonde hair is still shining. Siya ang childhood crush ko. And ever since umalis siya, I never liked anyone than him.

Umuwi na ako ng bahay pagkatapos namin mag breakfast. Nag-bihis ako at nagpa-bango. Nagpaganda rin ako dahil nagbabalik na ang aking bespren.

Ni-blowdry ko ang buhok ko kahit na maikli lang ito. Nilinis ko ang salamin ko dahil may bakas ito ng aking daliri. Nag-lagay na rin ako ng liptint sa labi ko.

Narinig ko ang busina mula sa baba kaya kinuha ko na ang backpack ko.

"Sinong kasama mo?" Tanong ni Kuya nang nakita niya akong pababa ng hagdan.

"Si Prixton po, Kuya. Yung kababata ko."

"Ah, Sige, Mag-iingat kayo." Bilin niya habang sumisimsim sa kanyang mainit na kape.

Pagkalabas ko sa aming bahay ay naka-parada ang kulay puting Mercedes Benz.

"Good Morning, Liv!" Bati niya sa akin.

"Good Morning, Prixton!"

Pinagbuksan niya ako ng pintuan at kinuha rin niya ang backpack ko para ilagay sa likuran. Hay! Hanggang ngayon ay gentleman pa rin siya.

Naka-suot siya ng kulay navy blue na polo shirt at naka itim na pantalon. Naka puti siyang adidas na low-cut.

"Alam mo na ba kung nasaan ang room at ang schedule mo?" Tanong ko sa kanya.

"Not yet. Pero pupunta ako ng registrar's para kunin iyon."

"Oh, I see. Samahan na lang kita baka kasi maligaw ka doon. Na-renovate na kasi iyon two years ago."

"Really? Thank You, Liv."

Siya lang ang tumatawag sa akin ng Liv. Kaya okay lang sa akin na yun ang tawag niya.

Pagkarating namin ng school ay ramdam ko ang mga matang nakapalibot sa aming dalawa. Halos hindi ako maka hinga dahil pakiramdam ko ay lahat ng kilos ko ay nakabantay.

"Prixton?" Tanong nila Benette at Stephen.

"Bro!" Nag fist bump silang tatlo.

"Dito ka na uli sa Siargao?" Tanong nila Stephen.

"Yes. Kailangan na kasi namin asikasuhin ang bahay namin rito. Dito na uli kami ni Mommy."

"That's great, Bro. Paano alis tayo mamaya?" Pag-aaya ni Stephen.

"Ah, Oo! Sama ka sa amin. May gig kami mamaya ng banda ko." Dagdag pa ni Benette.

"Sige ba, Sasama ka ba, Liv?" Tanong ni Prixton sa akin.

"May gagaw—"

"Sasama yan, Si Carmen pa ba? Ano, Carms?" Singit ni Benette.

"Hay! Sige mamaya after school. San ba magkikita?"

"Yun oh! Uwi muna then magkita kita na lang tayo sa bar, okay?"

"Sige, See you!" Paalam ko.

Magkasama kami ni Prixton papunta ng registrar's office. Kilala akong registrar kaya napabilis ang pagkuha ng schedule niya.

"Here's your schedule. Your ID will be available tomorrow." Inabot ng registrar ang papel.

"First Class mo ay sa 3rd Floor. Magkaparehas tayo."

"Sabay na ba tayo papunta?" Tanong niya.

"Yes pero hahatid lang kita dahil kailangan ko pa pumunta sa Meeting Room namin. Election kasi ngayon."

"Official ka?"

"Nope, Presidential Candidate."

"Wow! That's great. I'll vote for you then." He smiled.

Umalis na ako at pumunta sa aming meeting room. Naghahanda na sila kasama ang kalaban namin na partylist. Magsisimula ang botohan ng 11 ng umaga. Dito lang kami naghihintay.

"Good Luck, Carmen."

"Good Luck, Alec."

Bumalik na ako sa table namin at tumunog na ang bell na hudyat na simula na ang pagboto ng mga estudyante. Nag-dasal ako na sana ay makuha ko ang oportunidad na ito.

Natapos ang ilang oras at sinimulan na ang pag-tally ng mga ballot. Sa harap namin mismo tina-tally ito. Sobrang dikit ng mga boto kaya talagang kinakabog ang dibdib ko.

Dapat ata hindi ako nag-kape kanina dahil kinakabahan ako. Lumipas ang ilang oras at sinabing kailangan na namin lumabas ng meeting room dahil ifa-finalize na raw nila ang resulta.

"You'll win this, Carms." Niyakap ako ng team ko.

Pupunta kami ngayon sa auditorium para iaanunsyo kung sino ang nanalo sa election.

Sa mga board members ay nanalo ang mga kandidato mula sa aming partylist. Ang Vice President ay nagmula rin sa amin.

"I will now announce this year's College Student Government President."

"This Year's Student Government President is...."

I hear fuc*ing drum rolls in my head.

"President Alec Daniel Alvidrez!"

At tumigil ang mundo.....

Next chapter