webnovel

Chapter 3

Fishy

Pinapunta ko ang mga barkada ko at nag-kwento tungkol doon sa Alec na yon. Si Kalani ay bising-bisi sa laptop niya.

"Grabe! Cashmere! Nabbwisit talaga ako sa kayabangan niya."

"You know naman siguro na bandmate ni Benette ito, diba?"

"Yes pero hindi ko alam na doon pala siya sa school nag-aaral kung san nandoon din ako."

"Ang alam ko eh, Transferee siya galing Manila. Pero I'm not sure why he transferred."

"Well, He's from Grand Duke University sa London. Kararating lang niya ng Manila and went straight to Siargao." Biglang nagsalita si Kalani.

"Nakikinig ka pala." Biro ko kay Kalani.

Bakit naman niya pipilin mag-aral sa probinsya kung nasa ibang bansa na siya? There's something fishy about this douche bag.

"Teka lang ah, Hanap ka ng hanap ng impormasyon tungkol sa lalaking ito eh nag-review ka na ba para sa debate niyo bukas?"

"Ay putspa! Oo nga pala. Sige nood muna kayo dyan. Mag research lang ako."

Bukas na pala ang debate namin tapos election na the next day. Sa bagay, dapat madali na sa akin ito dahil lagi naman akong kasali sa mga debate sa school.

"Ano, Carmen? Mauna na kami dahil hinahanap na kami sa bahay." Paalam nila Cashmere.

"Sige, bukas na lang ah. Ingat kayo!"

Bumalik ako sa aking laptop. Nag research ako tungkol sa mga issues ng school na pupwedeng gawing topic sa aming debate.

Dumating na rin sina Mama at Papa at nag-aya na mag-hapunan na kami.

"Ang kuya mo pala parating ngayon." Sabi ni Mama.

"Ah, Opo, Ma. Nakausap ko si Kuya kanina."

"Hay! Miss niyo na ba talaga ako at pinag-uusapan ninyo ko?"

"Kuya! Let's eat!" Tawag ko sa kanya na kakapasok lang sa dining room.

Ang sarap kumain kapag kumpleto ang pamilya mo. Lalo na nandito pa si Kuya.

"How's your miting de avance, Carmen?" Dad asked.

"Maayos naman, Dad. Bukas ang debate namin."

"Aalis kami ng Mama ninyo."

"What, Pa? San kayo pupunta?" Tanong ni Kuya.

"Anniversary namin ng Mama ninyo kaya syempre.."

"Ahh, Go lang, Dad! Baka pag-uwi niyo may baby na tayo ah?" Biro ko kina Mama.

"Nako, Ikaw talaga, Carmen ha!"

Pagkatapos ng dinner ay umakyat ako ng kwarto ko para mag bathtub. Gusto kong mag-relax dahil marami akong ginawa.

Binuksan ko ang speaker at nagpatugtog ng relaxing na music.

Nag lagay na ako ng bath bombs kaya nagkaroon ng kulay ang bathtub ko.

Nakapikit na ang mata ko nang bulabugin ako ng cellphone ko. Nag pop-up ang name ni Kalani.

"Carmen! Ano nasan ka?"

"Nandito sa bahay, Bakit?"

"Sumunod ka dito sa Fermin Bar! Nandito kaming lahat." Pag-aaya niya.

"Ha? Bakit? Ano bang meron dyan?"

"Basta sumunod ka nalang. Malapit lang ito sa beach house niyo kaya lakarin mo nalang."

"O siya sige mag-aayos na ko."

Umahon na ako sa bathtub. Hay! Naistorbo ang pag-rerelax ko dito. Kumuha na ako ng masusuot. Kinuha ko yung puting maxi dress ko. Tapos nag sandals ako.

"Saan ka pupunta, Carmen?" Tanong ni Kuya nang nahuli niya ako na palabas sa backdoor.

"Ah Kuya, sa Fermin Bar po. Pupuntahan ko lang po yung kaibigan ko."

"Gabi na ah. Sasamahan na kita."

"Ay! Hindi na, Kuya. Magpahinga ka nalang dyan. Sige bye!"

Tanging wristlet at phone ko lang ang dala ko. Sumingaw ang maingay na tugtugin mula sa bar.

Pumasok ako sa loob ng bar at hinanap ang mga kaibigan ko. Halo-halong amoy ng sigarilyo, alak, at pabango ng tao ang naaamoy ko sa loob.

Nakakahilo ang siksikan ng tao rito. Maraming sumasayaw at sumasabay sa patalon-talo na tugtugin.

Tiningan ko ang sarili ko sa camera ng phone ko. Inayos ko ang buhok ko...

Pero natigil ako nang may nakita akong nakakadiri and at the same time, eh interesting.

Si Alec Daniel Alvidrez. Isang kandidato para sa pagka-presidente sa Student Government. Ang kalaban ko sa posisyon na iyon.

He's ultimately kissing a woman outside the comfort room? That is not a President-Material.

"Carmen! Come on here!" Tawag nila sa akin.

"I'm sorry di ko kasi kayo makita kanina pero may nakita akong iba."

"Ano yun?" Naka-kunot ang mga noo nila.

"That Alec Alvidrez. Kissing a girl outside the comfort room."

"Weh? Are you sure na siya talaga yun?"

"Oo naman! Para saan pa at naging apat ang mata ko kung di rin naman ito malinaw."

"Sa bagay, You have a point. Pero, so what?"

"That's not how a President move! He will really ruin the reputation of our school."

"Don't tell me na may gagawin ka, ha? Liv Cameron Llorente, I know that smirk."

"Bright idea." I winked.

"Hay! Kung ano man iyang plano mo. Make it clean ah. Ano? Iinom ka ba?" Tanong ni Cashmere.

"Cas, Kailan ba ko uminom ng alcohol, hmm? Iced Tea nalang ako."

"Hay! Good girl talaga ng barkada namin. Third year college ka na and di ka pa iinom."

"Joke lang! Sige Piñacolada nalang."

Naki-sayaw din ako sa mga kaibigan ko. Pero patalon-talon lang ako. Hindi naman kasi ako ganoon ka-wild. Di rin ako masyado umiinom ng alak.

Nagtagal lang ako ng ilang oras at nagpaalam na rin na uuwi na ako. Nagpahinga na ako dahil ayaw ko na mukhang akong bogsa sa debate bukas ng umaga.

Ginising ako ng maingay kong cellphone kaya naman bumangon na ako at naligo. Suot ko ang uniform ko na itim na pencil skirt at maroon na long sleeve and black pumps. Nilugay ko ang buhok ko na hanggang balikat ang ikli.

Sinalubong ako nila Mommy para makapag-almusal. Nag-handa sila ng paborito kong daing na pusit at beef tapa. Si Papa ay kasabay namin kumain.

"Good luck pala sa debate mo mamaya, okay?" Hinalikan ako ni Mommy sa noo.

"Thanks, Ma! I have to go na."

"Wait! You forgot your keys."

"Keys? What keys, Ma?" Pagtataka ko.

"To your car." Papa winked.

"R-Really? Nandyan na?" Kumislap ang mata ko.

"Yup! It's outside the door." Singit ni Kuya.

Tumakbo ako palabas ng bahay and hell no! Sinalubong ako ng kulay itim na sedan na sumisigaw ng Jaguar. This is too much for a birthday gift.

"I guess you gotta drive it to school."

"I think so, Kuya."

Pinindot ko ang unlock button sa susi ng aking sasakyan. Binuhay ko ang makina ng sasakyan.

Mga 15-minutes drive lang pala ang school namin. Di man ito kalakihan pero mahal ko ang eskwelahan namin dahil dito nalinang ang isip at kakayahan ko.

"You're just in time, Carmen! Mag ready ka na and the debate will start in 15 minutes." Salubong sa akin ng Campaign Manager namin.

Kinuha ko ang handouts ko and my phone. Nang tinawag na ako ay pumalakpak ang mga tao.

"Let's formally start this Presidential Debate with a sign of respect."

Ibig sabihin non ay kailangan ko na makipag-kamay kay Mr. Alvidrez.

"Good Luck, Ms. Llorente." May ngisi sa kanyang labi.

"Give your best shot, Mr. Alvidrez."

Let's get the show on the road.

——————————————————

A/N: hello dreamers! vote naman tayo dyan! i'm curious kung gusto ninyo ako makilalaaAaaAaa. gusto niyo ba? comment down 😆

Next chapter