webnovel

Chapter 1

Chapter 1: Happy Birthday

Nakakaganda ng mukha at ngiti ang magandang tanawin mula sa aking veranda. Gandang salubong sa umaga ko!

"Good Morning, Baby!" Bati ni Mama na kakapasok pa lang ng aking kwarto.

"Hi, Mama!" Niyakap ko siya.

"Kamusta ang gising ng anak ko?"

"Excited na po ako, Mama." Mas hinigpitan ko ngayon ang yakap ko sa kanya.

"Mag-ayos ka na, Anak. Ang papa mo ay susunod na lang dahil pauwi pa siya galing Maynila."

"Okay, Mama!"

Tumayo na ako at pumasok sa loob ng bathroom ko. Ako ay naligo at dali-daliang pumili ng damit sa aking walk-in closet.

Pinili ko iyong kulay puting bistida na abot hanggang tuhod ang haba. Sleeveless ito at niyayakap ang aking kurba sa katawan. Sinuot ko ang regalo sa akin ni Papa noon na Birkenstock.

Naglagay din ako ng lip and cheek tint sa mukha. Pagkatapos ay nilabas ko na ang maleta ko at naabutan na naghihintay na si Mama sa salas namin.

"You ready, Anak?" Bungad niya sa akin.

"Yes, Ma! Let's go?"

Sumakay na kami sa kulay itim na Trailbrazer. Papunta kami ngayon sa beach resort kung saan gaganapin ang aking debut.

Pagkarating namin doon ay kailangan pa namin sumakay sa speedboat para mas mabilis na makarating doon.

Pagkababa namin sa sinasakyan naming speedboat ay pinong puting buhangin ang sumalubong sa mga paa ko. Niyayakap din ako ng preskong sariwang hangin.

"Good Afternoon, Ma'am! Naghahanda na po kami para sa event mamaya." Bati ng isang babae.

"That's good! Please make sure na maayos na ang lahat one hour before sunset, okay?"

"Yes, Ma'am."

Hinatid kami sa aming villa at doon ay nagsimula na akong mag-text sa mga inimbita ko. Gusto kong makasiguro na sila'y makakarating ng matiwasay.

"Anak, Nandyan na raw ang makeup artist at stylist na kinuha natin."

"Okay, Mommy. Papasukin na lang po sila."

"Sige, Mag-ayos ka na at mayroon ka pang photoshoot. Aasikasuhin ko lang ang venue. Padadalhan na lang kita ng snacks niyo dito."

"Okay, Mama. Thank You!"

Sinimulan na akong ayusan ng aking makeup artist. Light makeup pa lang ang gagawin sa akin dahil photoshoot pa lang naman ito. Ayaw nila na mahulas agad ako.

Isang oras akong nag-ayos at sinuot ko na ang kulay puting long sleeved na lace high-low dress.

Lumabas kami ng villa at pumunta sa loob ng resort para kumuha ng litrato sa grand staircase.

May hawak-hawak akong bouquet na kulay pink na tulips. Ito ang paborito kong bulaklak.

Sa kalagitnaan ng photoshoot ko ay bumulaga sa akin ang lalaking pinakamamahal ng buhay ko.

"Papa!" Tumakbo ako at niyakap siya.

"How's my daughter? Napaka ganda talaga ng anak ko." Puri niya sa akin.

"Thank You, Pa! Kumukuha po kami ng litrato ngayon para sa album."

"Ang mga kaibigan mo ay dumating na. Pupunta na sila sa kani-kanilang villa. Ang mga family members natin ay sabay sabay darating mamayang mga 2pm."

"Okay, Papa. Puntahan ko na lang po sila mamaya."

Pinagpatuloy na namin ang pagkuha ng litrato. Nag palit naman ako ngayon ng cocktail dress at nag-suot ng flower crown. Doon naman kami ngayon sa tabing dagat.

Medyo napagod ako kanina kaya pinagpahinga na muna ako. Tiningnan ko ang orasan at Alas-tres pa lang ng hapon. Naisip ko na dumaan muna sa villa ng mga kaibigan ko. Nagpalit muna ako ng dress na sinuot ko papunta rito.

"Liv Cameron!" Sigaw nila.

Kinantahan nila ako ng happy birthday at pinainom ng isang glass ng champagne.

"Cheers to being legal!" Tili ni Cashmere.

"I can't wait for the party to start!" Dagdag pa ni Kalani.

"Nako, Girls. Mamaya na kayo uminom para maenjoy ninyo ang party mamaya." Pigil ni Stephen na boyfriend ni Kalani.

"Oo nga! Tsaka mag-aayos pa ako para sa debut. Iidlip muna ako para makapag pahinga ako." Paalam ko.

"Sure, Go ahead! Mag siswimming muna kami ah."

Bumalik na ako sa kwarto ko at umidlip saglit. Nag alarm ako para after 30 minutes ay gising na ako para mag-ayos muli.

Nang nakapagpahinga na ako ay tumawag na ako sa makeup artist ko.

Peach colors ang ginamit niyang kulay sa akin mata. Kulay nude naman ang aking labi. Parang pang beach makeup lang ang ginamit sa akin para magaan lang.

Nag extensions ako ng buhok dahil shoulder-length lang ang buhok ko. Ngayon ay humaba ito hanggang sa aking bra-line. Naka kulot ito sa ends ay nilagyan ako ng kulay puting flower crown.

Ang theme ng party ay kulay blush pink at white. Kaya naman ang ball gown ko ay kulay blush pink na off-shoulder. Nag kulay nude ako na strap heels.

Habang nag-aayos ako ay pumasok na sa loob sina Mama at Papa. Kinamusta nila ako at binalitang maayos ang lahat at kumpleto na ang mga bisita.

"Ikaw na lang ang hinihintay namin, Anak. Just 20 minutes til' your party. Happy Birthday, Anak!" Bati ni Papa at Mama sa akin sabay abot ng isang maliit na box sa kayang sakupin ng kamay ko.

"Ano po ito, Ma, Pa?"

"Open it, Sweetheart."

I untied the ribbon that wrapped the box. Then I curiously opened it and saw a key.

"Just perfect for a girl who just got legal!"

"Thank You, Mama and Papa! I love you both!"

"Anything for my unica hija."

Tinapos na ng makeup artist ko ang pag aayos. Lumabas na ako ng kwarto at pumasok sa lobby ng resort. Bababa kasi ako sa grand staircase at doon ako sasalubungin ng mga tao.

"Please welcome, Our dashing debutante, Liv Cameron Llorente!"

Narinig ko ang palakpakan at sigaw ng mga tao.

Sabay dahan-dahan akong bumaba sa hagdan. Bawat hakbang ay nag-iingat ako dahil ayaw kong mahulog o matapilok. Sinundo ako ni Benette at inabot ang kamay niya.

"Happy Birthday, Carmen!" Bati niya sa akin sabay abot sa isang bouquet ng tulips.

Nag-lakad kami patungo sa dagat at umupo ako sa gitna kung saan mayroon sofa, lamesa at bubong ang kinauupuan ko.

May mga lanterns sa paligid na nagbigay liwanag sa gabi. Hindi ito ang tipikal na klase ng debut na mayroong mga 18 roses or 18 candles. Isang birthday celebration lang ito na kasama ang mga mahahalagang tao sa buhay ko.

Pagkatapos ang pormal na programa at dinner ay nagpalit na ako ng cocktail dress na kulay baby blue.

Nagpakuha ako ng litrato sa bawat lamesa. Binati at kinamusta ako ng mga kamag-anak namin.

"Carmen! How are you, Hija?" Bati ni Tita Katherine sa akin.

"I'm good po, Tita! Kamusta na si Ate Serenity?"

"Ayun, She's quite busy dahil sa baby nila ng Kuya Adam mo. I heard you're doing well in school?"

"Yes po. I'm really doing my best to finish as a Valedictorian or at least as Salutatorian."

"I know you can do it. By the way, Where's your Mom and Dad?"

"They're in the lounge po kasama ang ibang bisita."

"Okay, I'll go there. Enjoy your party and happy birthday!"

Nagsayawan kami at kumanta sa tinutugtog ng banda. Hanggang sa namataan ko si Benette na parte rin ng aming barkada.

"Benette! Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko agad sa kanya.

"Na-traffic pa kasi ako. Lumuwas pa ako galing Cebu."

"Buti ay nakarating ka. Sige kumain ka na muna doon." Turo ko sa buffet table.

"By the way, Kasama ko pala si Alec."

"Alec? Sinong Alec?"

"Yung new student."

"Di ko kilala yun eh." Napakamot ako sa ulo ko.

"Hay! Si Alec, Bandmate ko."

Bago ata yung Alec na iyon sa banda nila Benette dahil di ko naman siya kilala.

Natapos ang party namin ng bandang alas-onse ng gabi. Sila Mama at Papa ay nasa kanilang villa na. Ako ay pabalik pa lang ng villa ko dahil inasikaso ko pa ang iba kong bisita at nagpatulong sa pagbuhat ng mga regalo.

Nag-lalakad ako mag-isa pabalik ng kwarto ko.. putspa biglang may humablot sa akin.

Hindi ako makasigaw dahil may nakadikit sa akin labi. Mainit ang pisngi ko ngayon at ramdam ko ang labi niya.

"Widen up your mouth."

Hindi ko alam kung bakit napasunod niya ako. Hindi ko rin alam bakit parang naka-glue gun ang paa ko sa lapag at di na ko maka-galaw.

Tumigil siya sa pag-halik sa aking labi. Nasilayan ko ang mukha niya pero masyado akong wala sa sarili kaya hindi ko ito natingan ng husto.

First Kiss on My 18th Birthday? First Kiss para sa isang babaeng kahit kailan eh hindi pa na-inlove. Not bad pero shit! This is bad.

"Happy 18th Birthday, Carmen." At tuluyan siyang tumalikod.

Next chapter