9 CHAPTER 17

"It's hard to wait around for something that you know might never happen. But it's even harder to give up when you know it's everything you want."

Now playing: Be My Mistake

Ivy

Habang nag-iinuman parin ang mga magkakaibigan, ay nag pasya na akong pumunta na sa aming magiging kuwarto, nina Grace at Jussel. Nag paalam na muna rin ako sa mga ito, baka kasi bigla nalang silang mag alala dahil nawala ako sa paligid.

Sinabi ko na kailangan kong mag pahinga ng maaga, ngunit ang totoo, gusto ko lang talagang mapag isa. Ewan ko ba, bigla nalang kasi akong nakaramdam ng lungkot. Bagay na iniiwasan kong lumala dahil pweding maapektuhan ang aking kalusugan.

Noong malapit na ako sa aking destinasyon, noon naman biglang may umakbay sa akin. Hindi ko na kailangan pang alamin kung sino iyon dahil sa bango pa lamang ng kanyang pamilyar na perfume, alam ko na kung sino.

May hawak itong dalawang bote ng beer. Amoy na amoy ko na rin ang malakas na amoy ng alcohol mula sa kanyang suot na damit, halatang may tama na ito ng alak dahil kanina pa siya namumula.

"Hindi ka pa ba nahihilo? O nasusuka?" May concern na tanong ko sa kanya. Patuloy parin ako sa aking paglalakad kung saan, sinasabayan din niya ang aking bawat hakbang.

Hindi kaagad ito nakasagot atsaka napatigil sa kanyang paglalakad, kaya natigilan din akong napapatitig sa kanyang magandang mukha.

"How about you?" Ganting tanong nito. "Bakit bigla ka nalang nawala sa mood, and prefer to be alone?" Napaiwas ako ng tingin at muling nagpatuloy sa paglalakad. Agad din naman ako nitong sinundan.

"Kailangan ko ba talagang sagutin 'yan?" Ayaw ko kasi na mapunta sa kung saan ang topic. Ayaw ko, dahil baka bigla ko nalang isigaw sa harap nito ang nagpupumiglas kong damdamin. Mahirap na.

Magsasalita pa sana ito nang unahan ko na siya.

"Eh kung bumalik kana kaya sa mga kaibigan mo, for sure hahanapin kana ng mga iyon." Pagtatabuyan ko rito. Pero sa halip na pakinggan ako ay parang bata na napa nguso lamang ito sa aking harapan with matching puppy eyes pa.

Ugh! Bakit ba siya ganito? Lasing na ba siya or what? Napapailing na lamang ako sa aking sarili bago pabirong sinikmuraan siya.

"Ayaw mo na ba akong kasama?" Kunwari naman na nasasaktan na tanong nito habang nakahawak pa sa kanyang dibdib.

Hindi ko tuloy mapigilan ang mapatawa ng malutong dahilan upang mapatitig siya sa aking mukha.

"Wow! Ang sarap naman 'non pakinggan." Pambobola nito. Mabilis naman na napayuko ako dahil sa awtomatikong pamumula ng aking mukha.

Ngunit nagulat nalang ako noong basta na lamang niya akong hinawakan sa aking kamay. Pagkatapos ay basta na lamang hinila papunta sa kabilang direksyon, kung saan naman ang kanyang kuwarto.

Pagdating namin sa may veranda, ay malawak ang mga ngiti na pinaupo niya muna ako sa may isang pahabang sofa.

Inilapag din nito ang kanyang hawak-hawak na dalawang bote ng beer sa ibabaw ng babasaging lamesa sa aking harapan.

"Stay here." Utos nito sa akin. "I'll be right back." Pagkatapos ay masaya itong umalis habang tumatakbo.

At hindi nga siya nagtagal, mabilis nga itong nakabalik kung saan mayroon na siyang kasama na waiter habang mayroong naman itong hawak na isang case ng San Mig Apple.

Pagkatapos niyang mailapag ang mga iyon, ay umalis na rin ang ito. Muli na naman kaming naiwan ni Sommer, sandali kaming nagkatitigan. Iyong titig na para bang may sinasabi ang kanyang mga mata ngunit hindi ko naman mabasa kung ano.

Kaya naman, ako na ang naunang nag bawi ng tingin bago napatikhim.

"Ganon kana ba ka uhaw sa alak?" Natatawa na tanong ko sa kanya habang nakatingin sa isang case na nasa aming harapan.

Napatawa na lamang din ito at nahihiyang napakamot sa kanyang batok.

"I know you don't drink hard liquor so this is all I brought." Sabi niya. Nanlalaki naman ang mga mata na napailing ako ng maraming beses.

"No! Hindi ako iinom." Pag tatanggi ko. "Hindi nga ako napilit ng mga kaibigan mo kanina, hindi ba?" Dagdag ko pa. Naalala ko kung paano ako paulit-ulit na pilitin nina Billy at Sarah kanina. Gusto kasi ng mga ito na makipag sabayan ako sa kanilang inuman.

Aba'y syempre, gusto ko pang sikatan ng araw kinabukasan kaya tumanggi ako.

Dahan-dahan naman na tumabi si Sommer sa akin bago na upo. "Eh paano ba yan? Ako ang mamimilit sayo." Sabi niya.

Kahit gustong-gusto kong ngumiti dahil sa kilig, ay ubod ng lakas na pinigilan ko iyon.

"Hindi mo ako madadaan sa mga pag papa cute mo." Wika ko bago napatirik ng aking mga mata.

"Please?" Pamimilit pa niya.

"A-Y-O-K-O!" Bigay diin ko pa.

Sandali naman itong natigilan. "Kahit ilang bote lang." Napatawa ako kasi ang akala ko ay ititgil na ito.

"Sommer, alam mong mabilis lang akong malasing." Pagdadahilan ko pero....

"Fine!" Pagpayag ko ng tuluyan. Nakikita ko kasi sa kanyang mga mata na gusto lang talaga nito ang may makakasama. Kaya sige, kahit na sa ilang bote lamang ay pwede na akong tamaan, eh ayos lang.

Walang katumbas ang saya na aking nakita noong sandaling gumuhit iyon sa kanyang mga mata. Agad na nagbukas ito ng bote, para sa aming dalawa at masayang sinimulan na namin ang inuman.

Habang nag iinuman, hindi ko mapigilan ang lihim na mapatitig kay Sommer. Habang nag kukwento ito ng kanyang buhay noong mga panahon na nagmomodel pa siya. Napaka daming kalokohan ang ibinahagi nito sa akin.

Ngayon ko lamang narinig ang aking sarili na mapatawa ng ganito, iyong halos magkaroon na ng megaphone ang aking lalamunan. Iyong tipo na halos mapunit na ang aking bibig dahil sa sobrang pag ngiti.

Ang saya-saya ko. Ang saya ng puso ko dahil kasama ko siya ngayon. Ang saya ko sa tuwing nasa tabi ko siya, kahit na nagiging abnormal ang pag tibok ng aking puso, hindi ako nag-aalala dahil alam kong healthy parin iyon. Na tumitibok iyon ng ganoon dahil masaya ako.

Isa ito sa mga moment na hindi ko makakalimutan kasama siya. Isa sa mga nakaw na sandali na naging masaya kami, mga nakaw na sandaling iniisip kong mayroong siya at ako.

Hanggang sa maramdaman ko nalang na hindi ko na kaya pang i-control ang aking sarili. Medyo nanlalabo na ang aking paningin. Pahiwatig lamang na lasing na ako. Habang si Sommer naman ay napapansin ko na mas lalong lumalapit na ang kanyang katawan sa akin.

Napasulyap ako sa case na kanina ay punong-puno pa ng mga bote ng beer, na ngayon ay may iilang piraso nalang ang nakalagay roon.

"M-Mabuti....*hik* mabuti pa siguro...*hik* matulog na tayo.." Hirap na hirap sa pananalita na sabi ko sa kanya.

Halatang lasing na rin si Sommer. Sobrang namumula na ang kanyang mga pisngi at namumungay na rin ang kanyang mga mata. Kaya naman, nag pasya na akong tumayo na para sana makabalik na kung saan ang aking kuwarto, at para narin makapag pahinga na si Sommer.

Isa pa, hindi ko alam kung anong oras na ngayon. Tiyak na kanina pa ako hinihintay nina Grace sa aming kuwarto dahil mukhang mahimbing na rin na natutulog ngayon ang mga magkakaibigan.

Kahit na hilong-hilo na ako ay pinilit ko parin ang ituwid ang aking pagtayo. Ngunit ihahakbang ko pa lamang sana ang aking mga paa nang mabilis akong pigilan ni Sommer.

Natigilan ako nang maramdaman ang kanyang mahigpit na pag yakap mula sa aking likod.

"Please, stay." Bulong nito sa aking tenga. Dahilan upang magtayuan ang lahat ng balahibo sa aking katawan dahil sa mainit na hininga nitong tunatama sa aking balat.

Sa hindi malamang dahilan ay basta na lamang din akong napaharap sa kanya. Hindi inaasahan na ilang inches na lamang ang layo ng aming mukha sa isa't isa.

Parang ilang segundo rin yata akong hindi huminga. Lalo noong makita ko ang pag baba ng paningin ni Sommer sa aking labi bago siya napalunok ng mariin.

Parang biglang naglaho ang epekto ng alak sa akin. Bigla akong pinag pawisan ng malamig, ngunit nang iinit naman ang aking katawan. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman.

Napapatitig ako sa mukha ni Sommer. Pero bakit ganoon, hindi mapigilan ng aking mga mata ang manlaki nang mapansin na palapit na ng palapit ang kanyang mukha sa akin. Para kaming nasa isang pelikula na maghahalikan sa isang eksina.

Hanggang sa naaamoy ko na ang kanyang amoy alak ngunit mabango parin na hininga.

Hahalikan ba niya akong muli? Hindi ko mapigilan na itanong sa aking sarili. At mabilis na nasagot ang aking katanungan noong dahan-dahan na muling naglapat ang aming mga labi.

Hindi ko mapigilan ang hindi mapapikit at muling damhin ang kanyang malambot na labi sa akin pero...agad din na ipinaghiwalay ko ang aming labi.

"L-Let's get inside, Sommer." Utal at nanghihina ang mga tuhod na sabi ko sa kanya. "Lasing ka lang." Dagdag ko.

Awtomatiko kong naramdaman ang gumuhit na kirot sa aking dibdib nang sabihin ang mga katagang iyon.

Lasing lang siya kaya niya nagawa na halikan akong muli. Tama? Dahil kung hindi siya lasing o naka inom, alam kong hindi niya gugustuhin na gawin muli iyon sa akin.

Napatango naman ito kaya agad na inalalayan ko papasok sa kanyang kuwarto.

Hindi ko maintindihan kung bakit ako kinakabahan. Pakiramdam ko kasi, kapag hindi pa ako nakaalis ngayon din ay may isang bagay na mangyayari na hindi dapat.

Pero...ayoko naman na iwanan nalang ng basta si Sommer ng ganito. Lasing na lasing na siya. Mabuti nalang at kinakaya ko pa itong alalayan hanggang sa tuluyan ko na siyang maihiga sa kanyang kama.

Alam kong naka inom ako, pero alam ko pa naman ang ginagawa ko. Mabuti nalang at kahit papaano, medyo na himasmasan na ako.

Ikinuha ko siya ng malinis nitong nighties mula sa kanyang closet. Habang naglalakad pabalik sa kanyang kama, hindi ko mapigilan ang mapaisip.

Handa na ba akong gawin ito sa kanya? Okay lang kaya na bihisan ko siya ng hindi niya alam? Hays! Bahala na nga. Kaysa naman matulog itong amoy alak, hindi ba?

Sumampa ako sa kama kung nasaan si Sommer. Napapalunok at nanginginig ang mga kamay na napatitig sa ako sa laylayan ng kanyang damit. Nagdadalawang isip kung itutuloy ko ba talaga itong gagawin ko o hindi. Pero syempre, kailangan kong lakasan ang aking loob kaya naman, agad na ipinikit ko ang aking mga mata at mabilis na hinubad ang suot nitong damit.

Pipikit nalang siguro ako hanggang sa tuluyan ko na siyang mabihisan, ano? Tanong ko sa aking sarili.

Ngunit hindi inaasahan na makapa ko ang kanyang tiyan, kung saan nandoon ang kanyang mga nagyayabangan na abs na ilang beses ko na ring nakita, pero hanggang ngayon ay napaka lakas parin ng dating ng mga iyon sa akin.

Dismayado na muling iminulat ko ang aking mga mata. Dahan-dahan lamang hanggang sa tuluyang mapadako ang aking paningin sa kanyang tiyan kung saan ako nakahawak ngayon. Hindi ko mapigilan ang muling mamangha sa aking nakikita. At parang isang bata na marahan kong hinawakan ang mga iyon.

Napataas ang aking paningin sa kanyang magandang mukha. Mahimbing na itong natutulog kaya alam kong, hindi naman niya malalaman ang aking gagawin.

Unti-unti akong napayuko, bago siya ninakawan ng halik sa kanyang noo. Ewan ko, bigla na lamang nag-unahan sa pagpatak ang aking mga luha nang tuluyang dumampi na ang aking labi sa kanyang noo.

Noong sandaling ilalayo ko na sana ang aking mukha, ay siya namang biglang paghawak nito sa aking balakang dahilan upang mapahiga ako sa kanyang tabi.

Natataranta ang aking puso at nanlalaki ang mga mata nang mapatingin ako sa kanyang. Lalo na noong sandaling pumaibabaw na ito sa akin.

"Sommer---"

Naputol ang aking nais sabihin nang basta na lamang ako nitong hinalikan sa aking labi. Nag poprotesta ang aking isipan, ngunit ang aking damdamin ay umaayon naman sa kanyang ginagawa, hanggang sa mahuli ko nalang ang aking sarili na sinasabayan na rin ito sa halik na kanyang ibinibigay sa akin.

Habang hinahalikan niya ako, marahan na itinaas nito ang laylayan ng aking damit and immediately cupped my breast. Caused me to let out a soft moans. Her soft warm hands against my skin caused me breath to hitch.

A familiar electricity flows through my whole body. Then brought her nose to my neck, inhaling my scent. My heart fluttered. My body shivered from head to toes. I swallowed hard as the heat between my thighs started to rise.

Hindi na ako mapag isip pa ng matino. Ang tanging naiisip ko lamang ngayon ay ang damhin ang bawat haplos ni Sommer sa akin. Ang ibigay ang bagay na NEVER ko pang na ibigay sa iba. Ang damhin ang bagay na ngayon ko lamang mararanasan.

Something I could not give to others, but I was ready to give up for Sommer. Something I can't even give to Prince.

Ngunit...half naked na ako at naka unbuttoned na rin ang aking suot na pants, noong marinig ko mula kay Sommer ang salitang hindi ko inaasahan na maririnig sa mga sandaling ito.

"I miss you....Rae."

Biglang tumigil ang mundo ko. Tila nabingi rin ako sa aking narinig. It was as if my heart was crumpled. Tumatagos sa buto ang kanyang sinabi. Napakatalim at talagang kumikirot sa dibdib.

Agad na muli akong napaluha at mabilis na napatayo mula sa aking pagkakahiga. Mabilis na kinuha ko ang aking damit. Hindi ko alam pero, gusto ko ng umalis ng mabilisan mula sa loob ng silid na ito.

avataravatar
Next chapter