webnovel

Damien

Loko-loko talaga tong si Damien kinalimutan akong tawagin sa oras ng hate kong subject ayystt. Kung kelan uwian na tsaka ako hinabol tapos humingi siya ng tawad. Ihahatid niya na lang ako sa bahay ko, namimiss niya kasi yung childhood memories namin noon. Pagdating namin sa bahay hinanap niya agad si MaLa ko. "Magandang hapon MaLa" ang bati ni Damien sa MaLa ko. "Pasensya ka na Damien nahihirapan na magsalita at makarinig si MaLa..." kita ko ang lungkot sa mukha ni Damien, "Ilang taon na ba siya ang tagal ko nang hindi pumupunta dito like 7 years ago" habang kinukuha ako sa kabinet ng kitchen ng mga ingredients sinagot ko siya "100 years old na siya" nadinig ko ang footstep niya papasok dito sa kitchen "woah! ang tanda niya na pala" at lumingon ako sa kanya "I know right" at hinanda ang mga materyales na gagamitin ko sa pagluto ng hapunan. "Naks ikaw ang nagluluto dito?" tumango ako sa kanya habang naghihiwa ako ng mga gulay. "Feel free to look around madami na ang nagbago sa bahay na toh" ang sabi ko sa kanya napatulout-tuloy naghihiwa. "Ay Stella pwede ba magswimming sa dagat?" tanong sakin ni Damien "Oo naman basta wag kang lalayo dun sa line, lampas tao na kasi doon eh" hinanda ko na ang kaldero na may tubig para pakuluiin ang tubig "whe???pano mo nalaman? porket malulunod ka dun sa part na yun mamaya mababaw lang eh-" "tsk" ang sabat ko sa kanya "I am an expert dork!" pagkasabi ko nun binuksan ko yung kalan at hinanda na ang mga paminta, patis, gulay na hiniwa ko na at ang mga beef na hinanda ko kanina pa. "Basta wag ka lang masyadong curios mamaya patayin ka nito" nung inaayos ko yung beef tinignan ko siya at nakangising aso at paulit-ulit na tumatango "Salamat Stella!" bumalik ako sa ginagawa ko. Dinig na dinig ko ang mga yapak niya na nagmamadali papunta sa baba at papunta sa dagat. "WOOOHOOO! NAMISS KO TOH!!!" tumingin ako sa may bintana at kita ko siyang nagsasaya. Dumating na ang oras ng hapunan, dinalhan ko ng pagkain si MaLa at napangiti siya sa hinanda ko. At tumingin siya sa akin bilang pasasalamat. Tapos bumaba na ko na may dalang towel para kay Damien. "Damien kakain na!!" ang sigaw ko sa kanya at dali-dali naman siyang umahon at pinasalamatan ako sa dala kong towel, buti na lang meron akong malalaking

t-shirt at pinahiram ko muna yun sa kanya. "Bahala ka diyan sa pambaba mo ah wala akong niyan" biro ko sa kanya tapos sabi niya sa akin "Don't worry waterproof ang suot kong pambaba" gulat ako dun sa sinabi niya at hinawakan ko tuloy shorts niya, oo nga hindi basa eh. Napa-waw na lang ako at inaya siya sa loob ng bahay para kumain. "WOW BULALO!" at sabay niyang nilanghap ang nangingibabaw na amoy ng Bulalo na niluto ko. Nagsimula na kaming kumain at nagkukwentuhan.

"Stella puwede bang magshooting dito sa inyo?" ang tanong sakin ni Damien habang ako ay naghuhugas ng plato, galing talaga tong lalaking toh di man lang ako tinulungan. "Ha? Shooting? sa dami-dami ng lugar eto pa talaga ang pinili mong location" Nakita ko siya sa tabi ko pinupunasan ang mga hinugasang mga plato't kaldero. "ehh ito lang kasi ang magandang pwesto para gumawa ng music video" napatigil ako sa ginagawa ko nang narinig ko yun. 'Ano gagawin niyang setting tong bahay ko yoko nga!' "ahm nope you are not allowed to make any ruckus in here, in my house" "Why is this house is under your name?" tanong sakin ni Damien. "Yes it is already under my name since the day I met you". Ngumiti ako nanagpapahiwatig ng yabang at pinagpatuloy ang hugas at ang pagpupunas ng mga pingggan atbp. Maya-maya bigla na lang siya lumuhod at nagmamakaawa na gawin ang shooting nila sa bahay ko. Ayoko lang talaga kasi akong maexposed na dito ako nakatira-mamaya pasukan ako ng mga di ko kilala o mamaya gagawan nanaman ako ng bagong issue. "I know what you are thinking right now...I promise you that no one will ever know that this is your house okay? Just tell me what not to touch or enter and I will explain to them what you said to me" tumayo siya at hinawakan ang dalawang kamay ko "Please Stork please~" at binigyan niya ko ng puppy eyes. Naawa den ako wala den akong magagawa ang kulit-kulit kasi " O sige na nga payag na ko basta wag kayo magdadala ng gossip girls" Tumango siya at nagpasalamat. Alas nueve na ng gabi kaya umuwi na siya sa kanila. Hiningi niya pala number ko at nagexchange numbers kami kaya tinext ko siya kung kelan ba gaganapin yung shooting. Nireplayan niya ko ang sabi niya next weekend pa. I felt relieved kasi may time pa ko para mag-ayos.

...............................................

"Dude sino yung nagtackle sayo?" tanong sakin ni Vander. "Ah kaibigan ko yun di kami nagkita nun ng 7 years" malaki den ang pinagbago ni Stella eh. Maganda siya kung aayusin niya lang ang sarili niya. "ah ganun ba anong pangalan niya? pakilala mo naman" sabay umakbay sakin si Vander. "pangalan niya Stella, Stella Star L. Aquaria" biglang nagulat si Vander at tinaggal niya yung braso niya sakin. "Bro! Madaming haters yan" napakunot ako ng noo sa sinabi niya "A-ano? haters? bakit naman?" tanong sa kanya na para bang hindi naniniwala. "Alam mo naman si Juliette diba malakas den yan dito sa university kahit pangit ng ugali niya andaming may gusto at fans yan" napahalukipkip ako. Totoo nga kahit ganoon siya madami pa ren siyang suporters. "oi kayong dalawa diyan ano pinaguusapan niyo?" napatingin kami dun sa nagsasalita. Gosh akala ko kung sino ang nakarinig sa amin si Dylan lang pala. "Bro Dylan nagulat kami sayo akala kasi namin kung sino..." sabi ni Vander habang hawak ang kanyang dibdib. "Ba't kayo magugulat? malupet ba yan?" tumingin kami sa isa't isa ni Vander, naalala namin na stepsister niya si Juliette. Galing noh sa lahat pa na magiging stepsister niya ay si Juliette pa. "Magagalit ka samin pag nalaman mo kung ano ang pinaguusapan namin eh" malungkot na inihayag ni Vander. Lumapit samin si Dylan "sino ba kasi yan?" magsasalita sana si Vander kaso naunahan ko siya " si Juliette okay?" nagulat si Dylan sa sinabi ko at napatingin siya sa sahig, nagbuntong hininga at tumingin siya ulit samin. "Bakit niyo naman siya pinaguusapan?" tanong niya samin ng kalamado. Nagulat kami ni Vander kung bakit kalmado niya itinanong. First time kasi yon na hindi magalit. He hates Juliette. Walang nakakaalam na stepsister niya ay si Juliette kami lang SailorZ official ang nakaaalam nun. Si Juliette kung makahawak, kumausap kahit yakap parang boyfriend niya si Dylan. Imagining it na sila talaga naku iiwanan ko talaga tong si Dylan kahit yung buong SailorZ pa... "Ah wala kasi may bagong binubully kasi si Juliette eh kaibigan pa naman ni Damien yun" lumaki mga mata ko at tinakpan yung bibig niya ibinulong na huwag siyang maingay mamaya madamay o managot si Stella. "Stella? siya ba yung babaeng bumagsak sayo noon?" wala den narinig niya den ang pangalan ni Stella. "Ah oo" sabi ko. "Oi Damien, Dylan, Vander tapos na break naten! Tara pagusapan natin kung pano yung sa music video naten!" sigaw ni Yeong na kasama niya si Makoto. Pumunta kami sa studio at pinagusapan ang gagawin. Sinabi ko na sa kanila na meron akong nahanap na setting at nagfifit den siya sa kanta namin. Hindi ko sinabi na si Stella ang may ari ng location kaya sinabi ko na binayaran ko lang yung may ari. Pag sinabi ko lagot ako dun kay Stork. Tapos nagcelebrate kami kasi nakaplano na ang gagawin namin. Buti na lang may empty rooms sina Stella sakto lang samin dahil lima lang kaming magshooshoot. Sana hinde magalit si Stella at sana wala nang dadagdag sa aming lima. "Uy teka lang guys ah tawagin ko lang si Boss para alam niya na dadating tayo this weekend" tumango silang lahat ang itinuloy ang galak. Pumunta ako sa walang tao. Tinatawagan ko na si Stork, ayun nagriring "Hello?" "Hi! Boss Stork!"bati ko sa kanya "Oh? ano nanaman kailangan mo?" tanong sakin na tipong nagmamadali siya "ahh pinapaalala ko sayo na dadating kami sa Saturday" mukhang natigilan siya. "Ah oo nga pala sige ba-" "sandali sandali uy"pagputol ko sa kanya "ano yun?" naiinis na yata sakin si boss. "A ano two days kami diyan so bale meron kang limang rooms yeah hehe" kinakabahan ako alam ko na kasi sisigawan niya ko "HA? ANO?!" sabi na ba eh "LIMA andami naman nun! ah sige explain mo yung rules ah!" ngumiti ako "Salamat boss!" "Oh sige bai!" bigla niyang ibinaba yung phone.

.............................................

Bobo mo talaga Damien ba't siya tumawag sa oras ni Professor Herb Ays! yan tuloy pagagawan niya nanaman ako ng 100 words na essay AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA LAGOT SA AKIN YUN MAMAYA.

Next chapter