webnovel

Chapter 01

Alas singko pa lang nag umaga ang gising na ako kahit na mamayang 10 pa ang pasok ko. Kailangan ko kasing mag trabaho para sa amin ni mama wala na si papa dahil iniwan niya na kami nung bata pa ako

I was young at that time kaya hindi ko na masyadong malala ang mukha niya, simula nun si mama na ang nagtaguyod na paaralin at pagpapakain sakin, pero ngayon hindi na kagaya dati na kaya niya pang mag trabaho

Due to her over work nagka heart disease siya, biruin niyo ba naman limang trabaho ang pinasok niya para lang sa kinabubuti ko

kung alam ko lang dati na marami at hindi isa lang ang trabaho niya edi sana tumulong ako o di kaya'y ako na lang ang nag tra-trabaho edi sana hindi na siya nag kasakit

Nung nalaman kong may sakit na siyang nararamdaman sinisi ko agad si papa dahil sa pagkaka alam ko hindi naman kami kanitong nahihirapan nung nandito pa siya, pero na wala din yun dahil hindi ko dapat siya sinisi dahil desisyon niyang umalis

And besides hindi ko alam ang dahilan kung bakit siya umalis sa puder na tinayo nila mama ng sabay, at dahil hindi ko masisi si papa sarili ko naman ang sinisi ko but again I think,

Ba't ko sisihin sarili ko dapat sila mama at papa, bubuo sila ng magandang nilalang tapos hindi aalagaan ng maayos. Nag anak pa kayo.

I could think like that but no, hindi ako ganun, yun yong gusto nila dati eh sadyang hindi lang tagala maganda ang kinalabasan ng kong ano mang plano nila dati.

My gosh ang dami ko ng sinabi baka mamaya mapunta ang usapan kung bakit ang ganda ganda ko.

Pagkatapos kong mag ayos lumabas na kaagad ako at ni-lock ang bahay dahil wala namang tao sa loob sa dahilangang ginawa nang bahay ni mama ang hospital

Dahil wala pang sasakyan sa ganitong oras ng lakad lang ako dahil hindi naman ganon ka layo ang trabaho ko, habang nag lalakad ako isang malaking larawan ang napako sa aking paningin

Nasa malaking bulletin board ito nakita ko lang naman si Nadia Ivy Pronegou, idol na idol ko talaga siya, kong nag tataka kayo kong sino siya, she's a super model, lahat ng magazine at runway niya ay binibili ko at pinapanuod

Siya din ang dahilan kung bakit gusto ko maging model, naalala ko pa sabi ko sa sarili ko nag pag tungtong ko ng 19 dun ko na sisimulan abotin ang pangarap ko

Pero ito ako ngayun malapit ng mag 20 hindi ko parin nagagawa yun, ipinagpaliban ko muna yun dahil mas importante ang kalagayan ni mama. Napa buntong hininga akong naglakad ulit

Pag dating ko sa store nag taka ako dahil bukas na ito, ako kasi ang nagbubukas nag store dahil yun ang trabaho ko, dahan dahan kong pinuksan ang pinto bumongad sakin yong babaeng anak ng boss ko na may kasamang lalaki

"Zean sigurado ka bang hindi tayo mabubuking nag mama mo dito?" Tanong nag lalaki, call me dirty minded pero Kasi yung posisyon nila naka luhod ang lalaki sa harap ni Zean

"Hindi yan, mamayang 8 pa yun pupunta dito" sabi ni Zean, totoo yun ang trabaho ko lang kasi dito ay tig bukas ng store at mag aayos ng damit na paninda ni ma'am wala na kasi siyang time mag ligpit tuwing mag sasarado na tong store

Kung akala nila na hindi sila mabubuking sa mismong harapan ni ma'am pwes ako ang mag bubuking sa kanila, "hoy ikaw lalaki anong ginagawa mo kay Zean?" mabilis kong linulak yung lalaki papalayo kay Zean

"OMG ate Kalli!!" Sigaw ni Zean ng makita ako "what did you do?!!" Sigaw niya at lumapit agad sa lalaki "Nicolai okay ka lang, gosh I'm sorry" tinulungan ni Zean tumayo yong Nicolai kuno

"Zean wag ka ngang lumapit sa lalaking yan manyak yan iiwan ka rin pagkatapos makuha ang gusto" sabi ko at masamang tinignan ang lalaki "wow ako pa talaga manyak, eh ikaw nga tung susulpot bigla bigla eh"

"So tama nga ang nasa isip ko, Aba napaka–!!" Susugodin ko na sana siya ng pigilan ako ni Zean "ate Kalli stop na please, let me explain mali yang nasa isip mo" pag mamakawa ni Zean, tinignan ko siya nag matagal habang nag papacute siyang tumingin sakin

Hindi naman cute ampota

Binaling ko ang tingin sa lalaki at nag simulang mag lakad, naging alarma naman ito na parang may gagawin akong masama sa kanya, papalapit ng papalapit ako sa kanya habang preno-protectahan niya ang saliri gamit ang mga kamay

Mas natakot pa siya ng malapit na kami sa isa't isa, naka ngiwing tinignan ko siya at nilagpasan at in-on ang ilaw, napaka dilim ba naman dito, pagkatapos kong binuksan ang ilaw umupo ako sa couch at hinintay na magpaliwag sila

"Para kang amo namin na galit dahil hindi na namin nagawa ng maayos ang trabaho" sabi ni Zean habang minamasdan ako, yun din nasa isip ko eh sarap pala sa feeling HAHAHA

"So ate Kalli this is Nicolai, a college student at San Jose University of College, yes same school kayo" pakilala ni Zean sa kanya kahit hindi ako interested, anyway mahilig pala siya sa mas matanda

17 pa lang kasi si Zean "alam mo naman diba na mamaya na avent sa pag momodel ko eh hindi ko bet yung gawa ni mommy kaya kinausap ko si Nicolai na tulungan ako, kulang kasi siya sa materials kaya nandito kami" paliwanag niya

Tama nga ang sinabi niya dahil yung ibang material na gamit ni ma'am pag gawa ng damit ay nandun sa tabi naka kalat "so please ate Kalli wag mo sabihin kay mommy" pagmamakaawa niya

Yan nanaman yung pa cute, kaya napa tango na lang ako. Napag desisyonan kung hindi sila isusumbong pero baka mag bago isip ko in the future. Walang hiyang anak hindi supportive sa gawa ng ina

Kung sa bagay pumapangit na nga yung mga gawa ni ma'am ngayon, epekto ata kapag matanda na. Habang nag aayos at nag lilinis ako ng mga gamit dito abala naman sila sa pagtatapos ng damit na susuotin ni Zean

Paminsan ko pa silang tinitignan at minamasdan ang ginagawa nila, mahirap na baka may something sila

Alas Siete nag natapos ako sa trabaho, tapos na rin naman sila, nag pra-practice na lang si Zean mag lakad, to be honest naiingit ako sa kanya dahil nagagawa niya yung gusto niya eh ako tamang tingin lang iniisip na pweding gawin sakaling magawa ko na yun

Hindi rin nag tagal at umalis na sila dahil baka makita sila ni ma'am ehh bobo sila pupunta kaya mamaya si ma'am sa event. Makikita talaga ni ma'am na iba yong suot ni Zean ide magagalit si ma'am. Speaking of magagalit, galit din ako, ako ba naman pinaligpitin ng ginamit nila, tsk

Maya maya lang dumating na si ma'am kaya umalis na rin ako, bumabyahe pa kasi ako dahil malayo dito yung university kailangan ko pang mag jeep papuntang MRT tapos sasakay ng train tapos mag je-jeep ulit mapuntang university

Medj masakit sa bulsa.

Kakatapos lang ng klase ko ngayong araw, it's already 2 pm usually 3 pm matatapos ang klase ko dapat nga may isang subject pa akong papasokan pero wala nanaman ang prof namin sa subject nayon kaya makaka uwi na kami

Hindi ito yung first time na hindi pumasok ang prof namin, naka ilang besus na rin siyang wala paminsan nga everyday.

"Hoy Kalli san ka pupunta?!" Rinig kong sigaw ng babae sa likodan ko, nasa main gate ako ngayon ng university muntik na sanag umapak ang maganda kong binti sa labas ng gate nang tawagin pa ako ng bruhang yun

"Oy Marites anong kailangan natin? Kung chismis ang hanap mo I'm bere sore wala akong chismis ngayon" diretsong sabi ko, tinaasan niya naman ako ng kilay "gaga ka hindi Marites ang pangalan ko" usal niya

"Alam ko," naka ngiwing sabi ko

Her real name is Blyana , maganda naman yong name niya pero tinatawag ko siyang Marites kasi isa siya sa mga Marites ng pinas. chismosa, pabida at laging galit. "Tsk, ohh ano san ka nga pupunta?" Tanong ulit niya

"Sa trabaho malamang" sarcastic na sabi ko "eh mamayang alas singco pa trabaho mo, sabihin mo talaga na tatakas ka lang sa practice" naka ngising sabi niya "pano mo na sabi? Ikaw ba ako? Ikaw ba magtra-trabaho?" Sunod sunod kong tanong

"Sige lang mag hanap ka ng palusot Kallisten" naka ngisi parin niyang sabi dahil alam niyang hindi naman talaga totoo ang sinasabi ko, napa nguso ako "na bago na kasi yung oras ko kila Manang kilay"

"Che pinag patuloy mo talaga yang pag papalusot mo inoh, pumasok ka sa practice ngayun ilang araw ka ng wala, gagalit na si coach" wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya

Kasali kasi ako sa tennis team dito, hindi ko talaga bet sumali kong hindi ko lang talaga kailangan ng scholarships. Tinatamad din akong mag practice kaya tinatagoan ko yong ka members o kaya si coach, pero TANGINA si Marites.

"Isang malaking himala at andito ka Ms. Solandis" bungad agad ni coach Cao, parati namang ganyan ang sinasabi niya tuwing sasali ako sa practice "kumusta coach bakit buhay ka pa?" Bati ko sa kanya

"cuarenta y cuatro pa lang ako Solandis," pagsasabi niya sa edad niya "mag bihis kana dun, late ka pang dumating" utos niya, nag wa-warm up na kasi yung ibang members nakisali na din si Marites dun nung pag dating namin

Pumunta na ako sa nakalaan na locker room para sa amin nasa tapat lang naman ito sa tennis court, kinuha ko yong damit na iniiwan ko sa locker ko, parati akong may damit pang practice dito para incase sa biglaang practice ko.

Leggings lang suot ko nag suot rin ako ng puting short para hindi kita yung you know ko, pinarisan ko ito ng black na t shirt may design na thrasher, may kalakihan din sa akin yong damit

Pagkatapos kong mag bihis kinuha ko yong tennis racket ko na nasa locker ko din bago lumabas. Pina warm up agad ako ni coach Cao, habang nag wa-warm up ako nag lalaro na sila Marites may tumitingin sa amin na student na pupunta sa basketball court

Halos magka tabi lang kasi yung court namin sa basketball court, madami dami ring tao ang papuntang basketball court ngayun, may laro kasi sa ibang university

Napawisan ako konti sa pag wa-warm up, dahil pito lang kaming members wala akong kalaro, bwesit. Si Ramy at Cristine ay double player namin pati rin Sina Fhate at Adena double player rin kaya sila yung magka laro ngayun

Si Marites at si Sariah naman ang magkalaban sa kabilang net, kaya wala talaga akong kalaro isa rin ito sa dahilan kong bakit hindi ako nag pra-practice

Mag isa na lang ako nag practice sa gilid, ginawa ko yung mga foot step, swing and pag serve. Ganun lang ang ginawa namin hanggang dumating si coach Cao na may kasamag lalaki

Una niyang nilapitan yung anim at pina kilala niya ang lalaki sa kanina, ay limot ata ni coach na andito ako. Matapos maki pag kamayan sila sa lalaki ay pinapahinga sila ni coach

Hindi ko nalang sila pinansin at pinatuloy ang ginagawa ko hanggang sa tawagin ako ni coach "Salondis dito ka nga" utos niya, napa simangot ako, siya ang may kailangan dapat siya din lumapit sakin

"Bakit coach?" Naka simangot ko pading tanong "Si Mr. Villanueva pala tennis player rin under kay coach Zandro, kilala mo naman siguro siya dahil naka kuha ito ng gold medal nung last year national" pakilala ni coach, napa iling ako "hindi ko kilala yan coach"

Nakita kong napa ismad si Mr. Villanueva, syempre kilala ko yan siya yung sikat ngayon eh, Jayvyn Solaris Villanueva boung pangalan niya "really? Oh well, Villanueva, this is Solandis the one I'm talking about" napangiwi ako ng hindi na ako pinansin si coach

"Oy coach ikaw ha, pinag chi-chismisan mo ko purket hindi ako masyadong nag pra-practice" biro ko kay coach "Hmm I don't think magugustohan ko siya" na wala ang ngiti ko ng sabihin iyon ni Villanueva

"Hoy dong kapal ng payslak mo hindi rin kita magugustohan kahit pogi ka" sabat ko sinamaan naman niya ako ng tingin pati na rin si coach "okay Solandis I think you misunderstood mr. Villanueva andito siya para maging partner mo sa pag practice"

"Bakit coach magaling naman ako ah" sabi ko kay coach "yes I know magaling ka but masyado ka nang napaiwan kila Blyana, they had a big progress ikaw ang kawawa dito Solandis" napa yuko ako ng sabihin ni coach iyon

"Don't worry tuturuan ka lang ni Villanueva hanggang sa mag sisimula na yung Nationls" usal pa ni coach "coach Cao baka nakakalimotan mong hindi pa ako pumapayag dito" singit naman ni Villanueva,

"Parang wala naman atang balak pumayag yan coach, wag niyo ng pilitin" sabi ko at napa tingin naman sakin si Villanueva "how can you be sure?" Taas kilay niyang sabi, napa ismad na lang ako at hindi siya pinansin na mukhang ikinainis niya naman

"May chance pang pumayag si Villanueva, gusto niya muna makita kung gaano ka kagaling para hindi masayang yung oras niya sa pag turo sayo" pag i-explain ni coach, "I don't want to waste my time" sabi ni kupal

Next chapter