1 Chapter 1: Traffic

Nagmamadali ako ngayong araw na ito kasi malelate na ako sa trabaho ko. Nalate kasi ako ng gising ngayong araw na ito sa dami ng iniisip ko. Pero wag muna nating ikwento yang mga iniisip ko kasi sobrang kailangan ko ng lumipad papuntang office. Waahhh kaya tara na takbo.

Siya nga pala. Ako si Maya. Ayun heto ako, ipapasilip sainyo ang buhay ko. Balingkinitan lang ang katawan ko at hanggang balikat ang buhok. Katamtaman lang din ang taas ko at di kagandahan. Nagtatrabaho ako sa Ortigas at heto nanga ako nagmamadali ng pumasok.

"Ma! Alis na po ako." pasigaw kong sinabi para marinig ni Mama.

"Okay! Wala ka na bang nakalimutan?" tanong ni mama.

"Wala na po. Sige na po at malelate na po ako." sabay takbo palabas ng gate.

Kaso pag labas ko sa street namin ay wala akong masakyan. Grabe, ano to? Magsisimula na ba akong maglakad mga kapatid? Puno na kasi lahat ng tricycle na dumadaan at super malelate na talaga ako. Mahirap talaga kapag ganitong oras babyahe eh. Sa kalagitnaan ng pagrereklamo ko sa mundo ay may biglang tumawag sa akin.

"Maya!", sigaw ng lalaki kung kaya napatingin ako sa direksyon niya. Nakamotor siya at nakahelmet kaya di ko maaninag kung sino ba siya. Huminto siya sa harapan ko at tinanggal ang helmet.

"Kuya Riz! Ikaw pala yan. Papasok ka na din sa work po?" tanong ko kay Kuya Riz.

"Oo, tara sabay ka na sa akin! Tamang tama may extra helmet ako." Grabe buti nalang savior to si Kuya Riz.

Si Kuya Riz nga pala ay ka alma mater ko sa school noong college sa PUP. Sobrang nirerespeto ko ito kasi iba talaga ang dedication niya sa pangarap niya. Napakafocus na tao. Sa katunayan nga ay parang once lang ito nagkagf noong college tapos noong nagbreak sila ay wala na akong narinig na nalilink sa kanya until now. Gwapo naman to si Kuya Riz. Chinito pa which is trend sa mga millenials ngayon. Actually sikat siya sa mga girls sa school kaso nga lang since focus siya, wala na siyang time mag entertain. Hahahaha Ang cool lang kasi babae nga ang lumalapit kay Kuya Riz. O siya! Sobrang ibinida ko na si Kuya Riz sainyo. Libreng sakay kasi to eh hahaha.

Sumakay na ako sa motor ni Kuya Riz at sobrang convenient talaga to grabe. Yung 2 hours kong byahe dahil sa walang masakyan at traffic , ngayon 30 minutes nalang. Saan ka pa? Kaya gusto kong mag aral magdrive ng motor eh at bumili syempre para magamit ka pagpasok sa office kaso nag iipon pa ako ng lakas ng loob. Habang nagmumuni sa pangarap kong bumili ng motor ay may nahagip ang mata ko, si Ethan. Buti nalang tinted yung helmet sa harapan, di niya ako mapapansin. Kamusta na kaya siya? Napansin ko nalang na biglang nabasa ang gilid ng mga mata ko. Gosh Maya! Bakit apektado ka pa din? Diba okay ka na? Diba tinanggap mo naman na? Bakit ganito padin? Change topic nanga. Wag na natin siyang pag usapan muna. Saka na pag ready na akong ikwento.

Tinignan ko ang orasan at maaga pa naman. Mukhang makakaabot ako neto sa office in time. Magaling magdrive si Kuya Riz at halatang ingat siya kasi may sakay siya ngayon.

"Kuya Riz kamusta ka naman po?" tanong ko sakanya.

"Eto, nagpaplano nga ako na umalis na sa work at magtayo ng business. Pero di pa sapat ang ipon kaya working mode.Ikaw ba? Kamusta dyan sa work mo ngayon?"

"Ayun nga po. Hirap ako sa pagpasok kasi ang traffic talaga. Kung meron lang sanang trabaho na mas malapit doon ako." sambit ko naman.

"Totoo yan. Kaya nga bumili ako ng motor para convenient. Iba na kasi ang traffic ngayon. Since madaming lending companies ng mga sasakyan ay ang dami daming bumibili ng sasakyan tapos yung iba wala namang parking lot at nakaharang lang sa daan kaya nagcacause ng traffic." paliwanag ni Kuya Riz.

"Tama nga kuya eh. Ako din gusto kong bumili at magdrive ng motor para convenient din." sabi ko sakanya.

"Hay naku Maya! Wag na. Delikado ang magdrive ng motor. Gusto mo bayaran mo nalang ako same sa pamasahe mo para may driver atleast safe ka." sabi ni Kuya Riz.

Iba talaga to si Kuya Riz. Perfect kuya. How I wish na magkaroon ako ng kuya na gaya niya. Ako kasi ang panganay kaya di ko naranasan na may ate at kuya. Pero dahil nakilala ko to si kuya Riz, i felt that I have one.

"Naku salamat kuya Riz, pag iisipan ko po yan. Ayan na pala. Dyan lang po. Salamat talaga kuya Riz." sambit ko kay kuya Riz kasi dito na ang work ko. Di pa ako late yehey!

Inihinto ni kuya Riz ang motor sa may gilid.

"Salamat talaga kuya Riz.Grabe, dahil sayo di ako nalate." iniabot ko ang helmet sakanya at nagpaalam na.

Grabe ang saya ng ganito. Yung hassle free na byahe. Buti talaga at natyempuhan ako ni Kuya Riz. Di ko naman ganung kaclose si Kuya Riz pero kapag kailangan ko ng tulong ay palagi siyang andyan. Actually noong gabing iyon andyan din siya. Kung kailan kailangan ko talaga ng kadamay di ko malaman kung bakit si Kuya Riz ang andyan pero since kailangan ko ng comfort that time. Tinanggap ko iyon. Kaysa naman mag isa ako at magpakalukmok. Simula nung gabing iyon, tinuring ko na talagang para ng totoong kuya si Kuya Riz. Salamat Kuya Riz.

"Ay tipaklong ka!" napasigaw ako ng biglang may kumalabit sa akin sa gitna ng pag iimagine ko sa mga nagawa na sa akin ni Kuya Riz. Paglingon ko. Bigla akong namutla.

"Ethan?"

avataravatar
Next chapter