webnovel

Simula

Looking in their eyes, I see a memory

I never realized how happy you made me

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko habang pinipigilang tumulo ang mga luhang kanina pang gustong makawala. Nakikinig lang ako sa mga ingay ng mga tao mula sa kalsadang kinatatayuan ko. Pilit kong winawala sa isipan ko ang nangyari kahapon. Iniwanan ko sa ere ang boyfriend ko, ang ex-boyfriend ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at basta na lamang siyang iniwanan ng hindi nagpapaliwanag. Nasaktan kasi ako. Hindi kinaya ng sistema ko. Naririndi ako pero nangibabaw ang pagmamahal ko sakaniya.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Sumalubong sa akin ang mga natatawang expresyon ng mga tao sa paligid ko marahil dahil sa kanina pa ako nandito sa gilid ng kalsada at walang kibong nakatayo lang. Kinuha ko ang panyong nasa bulsa ng pantalon ko at pinunasan ang mukha ko. Napabuntong-hininga nalang ako at napatingin sa relos na nasa pulsuhan ko. Alaskwatro na nang hapon.

Hinanap ng mga mata ko kung saan ko na ulit iniwanan ang kotse ko. Napakunot ang mata ko nang makitang pinalilibutan ito ng mga kalalakihan. Agad agad naman akong lumapit sa kanila.

"Anong ginagawa niyo sa kotse ko?" Mataray na tanong ko sakanila. Napatingin naman silang lahat sakin at kinilabutan naman ako sa paraan ng pagtingin nila saakin. Tangina mukhang adik.

"Ah, Miss? Ganda kasi ng kotse mo eh. Baka naman pwede mo kaming isakay diyan?" Nakakalokong tanong nung isang lalaki na makapal ang mukhang hinihimas ang windshield ng kotse ko.

"Hindi pwede. Tumabi kayo diyan at aalis na ako." Aakmang bubuksan ko na ang pinto ng kotse ko nang biglang humarang sa harap ko ang isa. Napataas naman akong kilay ko sa ginawa niya at tinitigan siya ng masama.

"Ayaw mo kaming sumakay, Miss? Sige, ikaw nalang ang sumakay saamin. Pwede naman yun diba? Diba mga tol?" Nakangising tanong niya sa mga iba pang lalaki.

"Tanga kaba? Sabing hindi pwede eh! Tumabi ka nga diyan!" Marahas kong tinulak yung lalaki at mabilisang binuksan ang kotse ko at pumasok dun. Bago ko pa mapaandar ang sasakyan ay may kumatok sa bintana ng kotse. Binuksan ko naman ito at sinalubong ang mata nung lalaking loko-loko.

"Ang sungit mo talaga, Lana. Hindi ba pwedeng kahit ako lang ang isakay mo diyan?" Nakangising tanong niya sakin. Bakit ba ngisi ng ngisi 'to? Nagmumukha tuloy siyang aso sa paningin ko.

Tinaasan ko naman siya ng kilay at inilabas ang kalahating katawan ko sa bintana ng kotse at inilapit ang mukha ko sakaniya. Mukha nga siyang aso. Narinig ko naman ang pagsinghap ng mga ibang pang lalaking kasama niya at napansin ko ang pamumula ng tenga ng lalaking kaharap ko ngayon.

"Hindi Lana ang pangalan ko. At hindi kita pasasakayin sa kotse ko dahil hindi kita kilala at mas lalong hindi kita pasasakayin dito dahil mukha kang aso." Mariing bulong ko sakaniya. Dahan-dahan namang nanlaki ang mata ng lalaking 'to kaya di ko napigilang matawa ng mahina. Hindi ko parin inialis ang tingin ko sakaniya at ngumisi ng nakakaloko sakaniya.

"Mukha ba akong aso?" Mahinang tanong niya na alam kong ako lang ang nakarinig at mas inilapit pa niya ng onti ang mukha niya sakin. Hindi naman ako nagpatinag sakaniya at mas tinitigan pa siya.

"Oo." Medyo paos kong sagot sakaniya. Mas lumaki pa ang ngisi ko ng makita kong umigting ang mga panga niya.

"Tutal mukha naman pala akong aso, mag-aasal aso narin ba ako?" Napalitan ng paghanga ang expresyon ng mukha niya. Bago pa naman ako makasagot ay may naramdaman akong kamay na marahang pumisil sa kaliwang boobs ko. Agad na nanlaki ang mga mata ko at hinuli ang kamay ng lalaking yun at marahas na ipinaikot sa likuran niya.

"Ah! Aray! Lana naman!" Hindi ko naman pinansin ang pamimilipit niya sa sakit at mas diniinan pa ang hawak ko sa kamay niya. Umikot ang tingin ko sa mga lalaking kasama ng mokong na 'to. Tinitigan ko sila ng masama at sabay sabay naman silang napaiwas ng tingin at lumayo sa kotse ko. Good.

"Wala naman akong napisil, Lana! Ang liit kaya niyan!" Mas lalo namang nag-init ang ulo ko kaya mas lalo ko pang diniinan ang hawak ko sakaniya.

"Tangina mo kung sino ka mang demonyo ka." Mariing sabi ko sakaniya. Bigla naman siyang natawa ng malakas kaya mas lalo kong diniinan ang hawak ko sakaniya.

"A-Aray! Hindi mo ba ako kilala, Lana?" Nakakalokong tanong niya na parang wala lang sakaniya ang pamimilipit ko sa kamay at braso niya.

"Hindi. Sino kaba? At pwede ba? Hindi Lana ang pangalan ko dahil anak ako ng isang Allegro at Danae Allegro ang pangalan ko. Moron." Marahas kong binitawan ang kamay niya at malakas na tinulak siya palayo saakin. Mabilis ko namang pinasok ulit ang katawan ko loob at sinara ang bintana ng kotse. Mabilis kong binuhay ang makina ng sasakyan at mabilis na umalis sa lugar na yun.

Napailing nalang ako sa nangyari. Hindi ka parin talaga nagbabago, Blade Nuri Laderas.

Next chapter