webnovel

Chapter 2

"You can't leave the country, Marga!" sigaw ng kanyang papa ng sabihin ang gusto niyang mangyari. Margareth is so desperate to leave the country because of what happened. She was so reckless for giving her virginity sa lalaking kakilala niya lang...No! She knew that guy at hindi siya nagkakamali doon. Isang malaking tangahan ang nagawa niya.

Walang magandang mangyayari kapag galit ka. She knew that it's her fault pero iyon ang naging desisyon niya at paninindigan niya iyon but what if that guy ay bigla na lang sumulpot sa harapan niya? O takutin siya nito sa pamilya niya na siya ang nakaone night stand niya? Baka palayasin na siya ng daddy niya or worst ay mabubulok siya sa loob ng bahay nila at hindi na makakalabas pa.

Ilang araw na siyang gulong-gulo and leaving the country is her first priority. Ito na lamang ang natitirang alas niya upang lumayo at kalimutan ang nangyari. Oo nagalit siya sa pamilya niya dahil sa ginagawa nila sakanya na parang isang bihag at sunod-sunuran na lamang sa kagustuhan ng mga ito.

She dated hundreds of men para makuha ang deal para sa kumpanya nila. It was like her darkest nightmare dahil kung hindi matandang binata o binata nga pero manyak naman ay wala siyang magawa upang sumunod na lang. Once she refuse to do it ay sinasaktan siya. Wala siyang ibang choice but to accept whats her destiny at ang tadhana niya ay ang maging sunod-sunuran.

"But dad I need to leave now! Please let me!" napasigaw na siya dahil sa pagkairita. Kahit ito lamang ay ibigay sakanya ng kanyang pamilya. Their company is going big dahil na rin sa hawak nila ang mga malalaking investors sa loob man o labas ng bansa at wala ng makitang rason si Margareth upang gawin pa niya ang mga kagustuhan ng daddy niya na maging isang puppet.

"Tapos na akong gawin ang lahat ng gusto niyo! Kahit ito lamang ang maging kabayaran ng lahat ng nagawa ko. I'm begging you dad. Pleae let me leave the country." Naluluha na siya pero pinipigilan lamang niya iyon na bumagsak.

"If I tell you not to leave! Not to leave, Marga! If I tell you to stay, you'll stay here!" Halos mabasag ang eardrums ni Margareth sa pagalit na sigaw ng kanyang daddy.

Begging to her dad is hopeless tiyak na hindi ito papaya but she want to try baka sakaling payagan siya. Tutal tapos na rin ang mga pinapagawa sakanya. Their business is working well without her at bakit ayaw pa rin siyang palayain? She's not into business at lalong hindi niya gugustuhing maging puppet habang buhay!

"Hindi pa ba sapat ang lahat dad? Your business growing! I give you all I have kahit na nagmumukha akong bayaran upang makuha lamang ang mga deals sa mga naglalaking investors niyo!" hindi na niya mapigilan ang galit na namuo na sa puso niya sa matagal na panahon.

Isang malakas na sampal ang natanggap niya mula sakanya daddy. It was hard and painful but as always she endure it. Hindi siya nagpapakita ng kahit na anong pakiramdam kahit na siya ay nasasaktan na. Isang turo sakanya ng kanyang daddy na hindi mahalaga ang pagiging mahina sa mundong ibabaw. Hindi kailangan ng tao ang awa dahil kapag mahina ka at kinakaawaan ka ay madali kang tapakan ng iba. She learned those lessons but deep inside in her heart she was breaking into pieces. Kahit na matigas siya sa panlabas pero sa loob she is vulnerable, breakable and weak.

Nakabawi si Margareth mula sa pagkakasampal sakanya. Nag alab ang mata ng kanyang daddy na parang kaya siyang sunugin nito anumang segundo. Hindi niya nakayanang labanan ang tngin ng kanyang daddy. Power and authority. Money and connections. That's what her dad has. Hindi niya iyon kayang labanan.

Dinuro-duro siya ng kanyang daddy. "You're not leaving this country at aalis ka lang kapag sinabi ko." Kinuha nito ang kopita na may lamang wine saka nito ininom lahat bago ibinato sa sahig.

Mariing napapikit si Margareth ng akmang sasampalin siyang muli ng kanyang daddy but his hand fell on his side bago siya tinalikuran.

Napaupo sa sahig si Margareth na tila nawala ang lahat ng kanyang lakas. Bumuhos ang kanina pang mga luha na nagbabadyang lumabas sa kanyang mga mata. It was always painful and hopeless. She's hurt but no one notice it o kahit bigyan man lamang siya ng pagpapahalaga.

Akala ng lahat ay namumuhay siya ng masaya kasama ang kanyang pamilya dahil mayroon silang limpaklimpak na pera but it was all lies at palabas lamang ng kanyang pamilya. Para siyang patay na patuloy na nagdurusa sa sakit.

Palabas ang kasiyahang ipinapakita ng kanyang pamilya sa harap ng bawat kamerang nakatutok sakanila sa tuwing lalabas ang kanilang mga mukha sa tv o sa mga magazines pero sa likod ng lahat ng ito ay luha at pasakit kay Margareth samantalang sakanyang ama at ina ay dagdag pera para sakanilang kumpanya.

Mabilis niyang pinunasan ang luhang lumandas sa kanyang pisngi ng marinig ang mga yapak ng paa palapit sa kanya.

"Akala mo kasi papayagan ka ni Daddy. Ikaw na ang pinakatangang nakilala ko upang hingin iyon sa isang demonyo na makawala ka sa kamay niya. You're a dumb, Margareth. You don't use your brain." Humahalakhak na sambit ni Merideth, ang panganay na kapatid niya.

Hindi alam ni Margareth kung bakit ganito ang trato sakanya ng kanyang pamilya. She's living in a hell dahil sa pagtrato sakanya. Araw-araw ay pinaparamdam nila na wala siyang lugar sa pamilya pero sa tuwing nagtatangka siyang umalis ay hindi nila siya pinapayagang makaalis. Bilanggo siya ng kanyang sarili pamilya maging ang ate sana niyang sandalan niya ay galit sa kanya.

Tumayo si Margareth. Matapang niyang hinarap ang kanyang ate.

"I'm not! I'm not weak nor dumb, Ate! Ikaw ang bobo sa ating dalawa dahil sa pag-aakala mong inaagaw ko ang lahat sayo!" Sambit niya na may halong galit sa bawat salitang binibitawan niya.

Galit sa kanya ang kanyang ate dahil sa pag-aakala nitong paborito siya ng kanyang daddy at mommy well in fact they did not treat her well. Oo, nakukuha niya ang lahat ng bagay na kailangan niya at nakapag-aral siya sa isang mamahaling eskwelahan pero sila ang nagkokontrol sa lahat ng desisyong ginagawa niya.

She enrolled business management kahit na hindi niya gusto ang kursong iyon but she left without choice. Architecture ang gusto niyang kunin pero hindi iyon gusto ng kanyang daddy dahil wala iyong maitutulong sakanilang kumpanya pagdating sa pamamahala.

Nagdadagan ang galit ng kanyang ate ng malaman nitong balak siyang ipagkasundong ipakasal sa lalaking mahal nito. Walang nagawa si Margareth, pumayag siya sa kagustuhan ng kanyang magulang. Iyon ang dahilan ng kanilang pag-aaway ilang araw na ang nakalilipas.

Tumawa ng malakas si Merideth bago bumalik sakanya ang mga mata nitong may galit at pagkamuhi.

"You're a whore! Lahat na lang ay inaagaw mo sa akin!" sinugod siya ni Merideth at agaran siyang napaatras pero huli na nang mahablot nito ang kanyang buhok.

"Ate tama na! Ate!" pagmamakaawa niya pero wala iyong nagawa upang tigilan siya ng kanyang ate.

"Tama na? Ito ang gusto mo diba ang agawan ang lahat sa akin? Ito ang bagay sayo!" itinulak siya ng kanyang ate dahilan ng pagkakaupo niya sa sahig. Wala siyang lakas upang salubungin pa ang galit ng kanyang ate. Tama na ang dalawang beses na nasaktan siya physically and emotionally sa araw na ito.

"Ano bang nagawa ko sayo? I refuse the engagement but nothing happened. Dad didn't want to stop the engagement. Sinaktan niya ako sa gusto mong mangyari. I've tried to convince him but nothing-" bago pa niya maipagpatuloy ang sinasabi ay pinutol na siya ni Merideth.

"You didn't try hard Margareth because you are weak! Mahina ka! Kung ako sana ang paborito nilang anak ako dapat ang ikakasal kay Ace! Hindi ikaw!"

"Do you think ginusto ko itong buhay na ito ate? Ang maging paborito? Paboritong utusan at maging puppet? Paboritong saktan? Hindi! I never dream everything about what I have now dahil walang halaga iyon sa akin dahil nasasakal at nasasaktan ako!" tumulo na ang mga luha sa mata ni Margareth. Hindi na niya napigilan ang lahat ng nararadaman niyang halo-halong galit, inis, pagod at walang kapagurang pagbibigay ekplenasyon sa kanyang nararamdaman na wala namang nagbibigay pakialam.

Pagod na siya sa lahat ng ito. Pagod na siyang isampal sakanya ang katotohanang hindi lahat ng pagkakataon ay may matatawag kang happy life that will lead you to happy ending. Life is not always about happiness but a mixture of pain and happiness. Magkahalo dahil nanatili kang buhay at sakit naman dahil nanatiling nararamdaman mong wala kang ibang matatakasan sa kasawaing nararamdaman mo.

Dahan-dahang tumayo si Margareth. Pinunasan niya ang kanyang pisngi gamit ang kanyang palad at matapang na tumingin sakanyang kapatid.

"Sana nga ikaw na lang ang nasa sitwasyon ko. Sana ikaw na lang para maranasan mong hindi masarap ang mamuhay kahit na madami kang pera dahil hindi nito binubuo ang pagkatao mo kundi sinisira lamang. Sana ikaw na lang."

Matapos bitawan ni Margareth ang mga katang iyon ay agad na siyang umalis sa kwartong iyong. Hindi na niya kayang manatili pa roon kahit ilang Segundo. Gusto na niyang magpahinga kahit sa panaginip man ay makakita siya ng panandaliang katahimikan at kasiyahan sa mga panaginip niyang masasaya.

Nagtatalo ang kulay kahel at itim sa langit ng nagising si Margareth. Mugto ang kanyang mata sa pag iyak. Nakatulugan na niya ang pag iyak kaya bakas pa rin sa pisngi niya ang mga tuyong luha.

May kumatok sa pintuan bago ito bumukas. Pumasok doon ang kanilang kasambahay.

"Pinapatawag na po kayo para sa dinner." Nakangiting sambit ng kanilang kasambahay. Ngumiti rin pabalik si Margareth bago tumango.

"Mag-aayos lang ako." Sambit niya.

Dumiretso siya sa banyo upang maligo at ayusin ang kanyang sarili. Ayaw niyang humarap sakanyang ama na mugto ang mata dahil nagpapakita lamang iyon ng kahinaan.

Matapos ang ilang minuto ay bumaba siya para sakanilang dinner. Wala si Merideth sa hapag tanging ang kanyang daddy at mommy lang ang naroon. Hindi nila inabalang tignan siya kaya umupo na lamang siya sa tabi ng kanyang ina.

Nasa gitna ng dulo ng mesa ang kanyang ama at seryosong kumakain.

Hindi niya magawang tignan ang kanyang daddy dahil sa pagtatalo nila kanina. Gusto pa rin niyang subukan ngunit wala siyang naiisip na ibang paraan upang kumbinsihin itong pumayag sakanyang kagustuhan na umalis ng bansa.

Dinaluhan siya ng mga kasambahay. Nilagyan ng tubig ang basong nasa harapan niya.

"May pupuntahan tayong party bukas ng gabi. I'll get ready your dress." Sambit ng kanyang mommy. Tumango na lamang siya at nagsimulang kumain.

Tahimik silang kumain pero binasag iyon ng kanyang ama.

"Ipapadala ko sa opisina mo ang mga kailangan mong aralin para sa next project natin. Kilalanin mo na rin ang mga bagong investors. Lahat ng details tungkol sakanila ay memoryado mo dapat." Muling tumago si Margareth.

Memorizing hundreds of names of the all the business tycoon in the Philippines ay hindi madali pero para kay Margareth ay kaya niya dahil wala siyang ibang option kundi ang sumunod. Isa iyon sa estratehiya ng kanyang ama upang makuha ang deal sa mga investors. Magpapakilala si Margareth upang ibenta ang kanyang sarili. Oo, ibenta that is the exact word for it. Ibenta dahil iyon naman ang ginagawa sakanya ng kanyang daddy.

Magpapakilala siya sa mga investors na madalas ay mga matatandang may asawa na pero hindi mabuti ang pagsasama o ang mga matandang binatang gusto pang yumaman ng husto at karamihan ay ang anak ng mga ito ay ipangkakasundong ipakilala at gawing blind date.

Some of it was successful but some are not. If she failed to do her work ay walang kapantay na parusa at masasakit na salita ang matatangap niya sakanyang ama.

Hindi niya maatim ang mga ginagawa ng mga matatandang investors na hipuan siya o yayaing maghotel! Hindi siya isang bayarang babae na handang magbigay kasiyahan sakanila. Sa pagtanggi niya sa mga investors ay doon nila isinasara ang deal at hahanap ng pwedeng paglalaanan ng kanilang pera upang mas lalong lumago pa.

Failure is not in her dad's vocabulary dahil gusto nito ay palaging nanalo at nakukuha ang lahat ng gusto. Kulang na lang ay ibenta siyang tunay at makakuha ng malaking halaga.

Margareth made a deep sigh at kumain na lang. Nagdarasal na sana ay matapos na ang oras ng pagkain upang makaalis na siya.

Bago pa siya makaakyat sa hagdanan ay hinila ni Merideth ang kanyang buhok. Napasigaw si Margareth at namilipit sa sakit. Binitiwan ni Merideth ang kanyang buhok ng nakasalampak na siya sa sahig ng mangiyakngiyak.

"Malandi kang haliparot ka!" isinaboy ni Merideth ang hawak sa kanyang mukha.

"Ano 'tong mga ito?" nagawa pag magtanong ni Margareth kahit na masakit pa rin ang kanyang ulo.

Tumatawang nakatingin si Merideth sakanya. Nasisiyahan ito sa pagiging kaawa-awa niya. Matapos ang mahaba at tila kontrabidang pagtawa ay napalitan iyon ng galit.

Pumulot si Margareth ng isa. Ang mga itinapon ni Merideth ay mga litratong kuha siya habang nagsasayaw sa bar. Ang bar na pinuntahan niya ilang araw na ang nakalilipas. Nasa likod niya ang lalaking nakasayawan niya ngunit hindi kita ang mukha nito.

Napalunok si Margareth. Nag-iwas siya ng tingin kay Merideth na nag-aalab na ang mga mata.

Galit at pandidiri ang tinging ibinibigay ni Merideth sakanya.

"Hindi ka na nakuntento sa isa at naghanap ka pa! Anong kati ang meron ka?" Hindi sumagot si Margareth. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Malakas ang pintig ng kanyang dibdib dahil sa takot na mabunyag ang tinatago niyang sikreto.

"Hindi totoo 'yan! Nagkakamali ka! Hindi ako ang babaeng nasa litrato!"

"Ano ang nangyayari dito?" Isang maotoridad na boses ang umalingawngaw sa grand sala nila. Nakakatakot iyon kumpara sa pagiging kalmado nito sa pagsasalita. It was her mom looking at her intensely.

"I caught her cheating!" galit na usal ni Merideth.

"I'm not!"

"You! You're a disgrace to this family! Kapag may makakita ng mga litratong ito lalo na ang media ay masisira ang pangalan ng pamilya natin!" isang sampal ang iginawad ng kanyang ina sakanya.

Ramdam ni Margareth ang hapdi ng sampal. Naluha siya dahil doon. Wala siyang takas dahil may katibayang napunta nga siya sa bar na 'yon.

"Hindi mo man lang inisip na ang pamilya natin ang masisira dito!" Muling usal ng kanyang ina.

"Pamilya? O ang kumpanya? Ang pera niyo? Pero ako? I'm not belong to this family! I'm an outcast!" ibinaling niya ang mata sa kanyang mommy. Galit siya dahil sa sinabi ng kanyang mommy! Hindi kailanman nagkaroon ng pakialam ang kanyang mommy sa kalagayan ng pamilya nila dahil palaging ang kumpanya ang iniisip nito.

Agad siyang tumayo mula sa pagkakasalmpak sa sahig at tumakbo patungo sa hagdanan. Gusto niyang mapag-isa! Pero mas gusto na niyang mawala dahil sa lahat ng nangyayari sakanya.

"Margareth! Margareth!" Tawag sakanya ng kanyang mommy pero hindi niya iyon pinakinggan. Diretso lamang siya patungo sakanyang kwarto.

Safe haven niya ang kanyang kwarto dahil doon niya ibinubuhos ang lahat ng kanyang hinanakit sakanyang pamilya. Doon niya ibinabaling ang kanyang galit. Doon niya inilalabas ang lahat ng luhang nakaimbak sakanyang mga mata.

Next chapter