1 Prologue

'Every beat counts'

That became my motto ever since the moment I let her entered my life.

The moment I let myself involved with her.

The moment I let myself love her more than she loves me

The moment she became my everything, my world.

Yes, I let myself fall for someone kahit alam kong iiwanan niya din ako. Kahit alam kong di siya magtatagal. Kahit alam kong pansamantala lang tong nararanasan ko. Kahit na alam ko yung kalagayan niya.

Still, I chose to choose her. I choose to stay with her. Be with her. Make her feel my love til she couldn't breath anymore.

Kung mamamatay man siya yun ay dahil sa pagmamahal ko at di dahil sa kalagayan niya.

"How dare you make me fall for you so hard, it hurts"

I held her left hand as I speak

"Please stay. Lumaban ka mahal"

I kissed the back of her hand and caressed it with my thumb.

"There's still lots of things that I wanted to do to you, with you" I sadly smile at her.

I touch her face using my other hand while the other is still holding her left hand.

"So please lumaban ka ha at gumising ka na. Naiinip na ko"

I kissed her in the eye.

"I miss you my love" I said

Andami kong naaalalang memories namin dalawa.

Kung pano kami naging no one to each other before to someone special ngayon.

I remember those days kung pano niya ako inisin. Kung pano siya magselos.

Kung pano niya inamin yung feelings niya for me.

Fresh pa sakin yung mga yun as if it just happened yesterday.

Di ko alam kung kelan at pano ako nahulog sa babaeng to.

Basta ang alam ko lang isang araw nagising ako mahal ko na siya hehe

Naalala ko pa kung pano kami nagtalo kung sino manliligaw saming dalawa haha

She gives me anything she thought would make me smile.

Di niya alam, siya lang sapat na.

Makita ko lang siya masaya na ako.

Makasama ko lang siya masaya na ako.

Masaya siya, masaya na din ako.

She completes my day kahit na wala pa siyang ibigay sakin kahit time, attention and love lang yung ibigay niya kontento na ako dun.

Naalala ko rin everytime tumatawag kami or nagvi-video call ay bigla bigla na lang niya akong kinakantahan.

Kahit nga sa kotse or di kaya pag nasa apartment ko siya.

Minsan nga pag nasa labas kami bigla bigla na lang napapakanta yan pero siyempre yung ako lang nakakarinig.

Maganda boses niya guys. It's just that for my ears only lang daw kasi yung mga harana niya sakin.

Namiss ko tuloy boses niya.

Naisipan ko na lang na magpatugtog ng kanta. Baka sakaling magising na siya haha

I was about to get my phone para sana iplay yung music na favorite niya at ipatugtog ito ng biglang gumalaw yung mga daliri niya sa kamay na hawak ko kanina pa.

I look over her face then to her hand and back to her face again.

I heard her moan so napatayo ako bigla sa kinauupuan ko.

"Ma—-" sinusubukan niyang magsalita

"Oh my God! Mahal you're awake"

Even though close yung mga mata niya I know for a fact na gising na siya.

After a few seconds ay unti unti na niyang binuksan ang kanyang mga mata.

I saw how her chest falls down and up rapidly kaya priness ko yung button sa headboard ng bed niya to let the nurses and doctor knows na gising na siya.

"Mahal just hold on okay? The nurses and the doctor will be here any minute"

As I said those words to her ay bigla na lang....

*toooooooooooot

avataravatar
Next chapter