6 6

"ANG kapal ng mukha mong magpakita pa sa akin ha? Gusto mo nang mamatay noh!" Joelle snapped at him. Ito ang lalaking nagnakaw ng first kiss niya noong nakaraang araw! Ang dahilan ng pagkapuyat niya! How dare him show his face to her again!

"Is that how you say thank you to the person who just saved your pretty head?" kalmadong sabi nito pero mahahalata ang pagsilip ng nakakalokong ngiti sa mga labi nito. Parang gusto niyang patikimin itong muli ng kamao niya.

"You---!" huminga siya nang malalim para kalmahin ang sarili. "May appointment ako ngayon kaya wala akong panahon sa'yo. Tabi!" sabi niya saka bahagyang itinulak ito para lagpasan ito saka siya dumiretso sa isang bakanteng mesa doon. Naningkit lamang muli ang mga mata niya nang umupo sa harap niya si Ridge. Oo, tanda na niya ang pangalan ng lapastangang lalaking nagnakaw ng unang halik niya. Ang lalaking gustong gusto niyang gulpihin ng mga oras na iyon kung hindi lang kailangan niyang makausap ang kababata niyang si Alexis. Speaking of that kid, asan na ba iyon? Late na nga siya ay mukhang mas late pa ito!

"Lumayas ka riyan! May iniintay ako" mataray na sabi niya kay Ridge. Prenteng nakaupo na kasi ito sa harap niya.

"Ikaw ang umalis, mesa ko 'to at may hinihintay din ako." sabi nito saka dinampot ang tasa ng kape sa mesa. Dito siguro ito nakapuwesto kanina at kape nito ang naroon. Inirapan niya ito pagkatapos ay kinuha niya ang cellphone niya saka nagpipindot. Kailangan makausap niya si Alexis bago pa siya makapatay ng tao. Gwapong tao in particular. Hindi nagtagal ay may sumagot na sa kabilang linya.

"Where are you?" sikmat niya sa kausap sa telepono. Mabuti na lamang at naibigay ng mga kapatid niya ang numero ni Alexis. "Sinong may sabing pwede kang ma-late! You dare make me wait huh?"

"J-joelle?" wika ni Alexis sa kabilang linya.

"Ako nga! You! Do you wish to die this very moment? Where are you!"

"Ah eh... J-joelle, masama kasi ang pakiramdam ko---"

"Hoy Alexis Grant Silvestre! Kapag hindi ka dumating sa coffee shop na ito within 15 minutes ---"

Hindi pa siya tapos sa ginagawa niyang pagbabanta sa kababata ay naglaho na sa kamay niya ang cellphone niya.

"Hey Alexis, it's Ridge. Kasama ko na siya. Ako nang bahala." Napanganga na lang siya nang pagkatapos makipag-usap ng damuho sa kababata niya ay ibinaba na nito ang tawag saka iniabot sa kanya ang cellphone niya. "I guess that makes me your date, Ms. Joelle Lianzares."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Naguguluhan siya ngunit isa lamang ang malinaw sa kanya, pinagplanuhan nito at ng magaling niyang kababata ang pagkikita nilang iyon, minus the commotion earlier.

Tumayo siya at akmang lalayasan ito nang pigilan nito ang braso niya.

"Bitaw!"

"Where are you going?" tanong nito.

"Mananakal ng kababata. Gusto mong madamay?"

Tumawa lamang ito. Akala ba nito nagbibiro siya? Gusto na naman ata nitong masaktan sa mga kamay niya eh.

"Don't you think it's fate? Itong magkita tayo ulit nang hindi sinasadya? Iyong kababata mo pala ang kaibigan ko" nakangiti pang sabi nito. Bakit ba hindi siya natutuwa sa ngiti nitong iyon? Maybe because she was starting to like that smile of his at naiinis siyang isiping naaakit siya sa ngiti nitong iyon.

"Fate-in mo yang mukha mo! Huwag ka nang magpapakita sa akin ulit, pwede ba? Baka di kita matantiya!"

" How can you just get rid of me? When I was you first kiss." Nakangising sabi nito na nakapagpalaki ng mga mata niya. How could he open up that topic just like that?

"How did you---"

"So it is really your first kiss. That explains the reaction.."

"Shut up! Sasamain ka na talaga sa akin." Banta niya rito. Ramdam na niya ang pamumula ng mga pisngi niya. "Get lost will you!"

"Oh this is interesting!" napalingon siya nang marinig ang boses na iyon mula sa kabilang table.

"Kuya Enzo! What are you guys doing here?" nakakunot-nnong tanong niya. Sinasabi na nga ba niya at may sumusunod sa kanya kanina pa. It was her brother Enzo. Katabi nito ang Kuya Brix niya.

"Nanonood. Ang cool ng mga eksena eh" nakangising sagot naman ng Kuya Brix niya. Ano bang meron sa mundo at minamalas ata siya ng sobra-sobra ngayong araw na ito.

"Hey, young man." baling ng Kuya Enzo niya kay Ridge. "Alam mo bang inosente pa ang prinsesa naming iyan. Ni hindi pa iyan nagkaka-boyfriend tapos maririnig naming nahalikan mo na siya?"

"Kuya ---"

"Shhhh! Hindi ikaw ang kausap ko." awat sa kanya ng kapatid bago muling binalingan ang nakatingin lamang na si Ridge. "Alagang alaga namin ang prinsesa naming iyan. Alam mo ba ang magiging impact ng ginawa mo sa kanya at sa pamilya namin? Pag-uusapan kami ng lahat... hindi kami patatahimikin---"

"Kuya, ano bang drama yan?" naiiritang awat niya sa sinasabi ng kapatid na hindi na niya masundan ang itinatakbo.

"Marry my sister." Sabi ng kapatid niyang kay Ridge pa din nakatingin.

"What?"

"Okay." Napanganga siya sa sagot na iyon ni Ridge.

"Good..." tumango-tango ang kuya niya.

"Teka nga! Andito kaya ako. Ano bang pinagsasasabi niyo?" konti na lang pag-uumpugin na niya ang mga ito. Kung makapag-usap tungkol sa kanya parang wala siya roon. "Kuya, anong 'Marry my sister' ang pinagsasasabi mo?"

"It is what it is."

"Kuya!" hinarap niya si Ridge. "At ikaw maka-'ok' ka naman!"

Nagkibit-balikat lamang si Ridge. Napu-frustrate na talaga siya.

"Tigil-tigilan niyo nga akong lahat!" naiiritang sigaw niya.

"Too late." Narinig niyang sabi ng kuya Brix niya saka lumingon sa may entrance ng coffee shop. Kakapasok lamang ng Kuya Craig niya habang nasa tainga nito ang cellphone nito.

"Bye Dad" narinig niyang wika ng Kuya Craig niya bago nito ibinaba ang tawag at tuluyang nakalapit sa kanila. Oh no! Don't tell me? "Dad wants to talk to you." Kalmadong sabi nito sa kanya.

"KUYA!!!!"

avataravatar
Next chapter