5 5

"AISH!" pinagpag niya ang malagkit na likidong tumapon sa puting puti pa namang t-shirt ni Joelle. Sa amoy ng likidong iyon, nasisigurado niyang iced coffee iyon na nagmula naman sa basong hawak ng lalaking nakabungguan niya.

"What the--- bulag ka ba?"

Nakataas ang kilay na tiningala niya ang matangkad na lalaking nasa harap. Ito ang mga mukha ng lalaking walang galang sa mga babae at malamang na patulan siya nito physically. Gayunpaman ay hindi siya nasindak rito at sa mapang-usig na tinging ipinupukol nito sa kanya ng mga oras na iyon. Bakit ba? Eh wala siya sa mood eh! Tinignan niya ang damit nito. Wala namang traces ng tumapon na inumin doon. So, anong problema nito?

Humugot siya ng limandaang papel mula sa bulsa ng pantalon niya at iniabot iyon sa lalaki. Tinignan lamang iyon ng lalaki at mukhang hindi nito naintindihan ang ginawa niya.

"Here's for your spilled drink." Sabi niya.

Lalong sumama ang mukha nito nang eksaherado itong sumimangot sa kanya.

"Ang yabang mong babae ka ha! Bakit lalaban ka ba ha?" inilapit nito ang mukha sa mukha niya kaya naamoy niya ang mabahong hininga nito. Napangiwi siya saka iwinagayway ang kamay sa pagitan ng mga mukha nila para mapalis ang amoy na iyon. Lalo lamang dumilim ang anyo nito. "Aba't--- ang tapang tapang mo ha!"

Nanlaki ang mga mata ni Joelle nang hablutin nito ang neckline ng suot niyang t-shirt. Mukhang barumbado in nature ang lalaking ito. Akala yata nito uurungan niya ito dahil mas malaki ito sa kanya. Asa pa ito! Kayang kaya niyang patumbahin ito. May lesson sa taekwondo training na kinuha niya kung paano gamitin ang bigat ng kalaban niya to her advantage.

"Get that hand off me or get it off your own body, take a wise pick." Cool na cool na sabi niya rito.

"Ano? Hindi porke tomboy ka magmamatapang ka na!"

"What did you say?" Tanong niya. Unti-unting naningkit ang mga mata niya. What was that? Tomboy raw siya? Sino ito para mag-conclude na lesbian siya eh ngayon pa lang naman siya nito nakilala?

Mapang-asar na tawa ang isinagot nito bago siya tinignan mula ulo hanggang paa at pabalik muli sa mukha niya.

"Nasubukan mo na bang humarap sa salamin ha, tomboy?"

That did it! Umigkas na ang kamao niya papunta sa mukha nito pero bago pa man niyon tuluyang mapatumba ang kaharap ay may kamay na pumigil doon. Naramdaman na lamang niyang nahila siya patungo sa likuran ng isang lalaki na siya namang may hawak sa kamay niya.

"Don't you think it's wrong to fight with a girl?" came the guy's cool but determined voice. Hindi niya nakikita ang mukha nito dahil nakapuwesto siya sa likod but there was something on that voice that reminds her of someone. Parang pamilyar ang boses nito although she was not really sure kung saan niya narinig iyon. "That uniform. Empleyado ka ng Eliseo Tradings tama? Mahal mo ba ang trabaho mo?"

"S-sino ka ba?" halata sa boses ng lalaki ang bahagyang pag-aalinlangan nito. Mukhang nasisindak na ito ng lalaking humaharang sa line of view niya ng mga oras na iyon. Ang tangkad pa naman ng lalaki and he's literally towering over her kaya likod na lang nito ang nakikita niya.

"I'm Ridge Daniel Eliseo, son of your big boss. And unless you want to lose your job anytime soon, I think you should be getting yourself out of my sight now." Mababa ang boses ng lalaking maganda ang likod pero bakas sa boses nito ang awtoridad kaya naman hindi na siya nagtaka nang madapa-dapa pa ang lalaking kausap niya kanina sa pagmamadaling makaalis sa lugar na iyon. Nabalik lamang ang atensiyon niya sa lalaking nasa harap niya ng harapin siya nito. Tiningala niya ang mukha nito para magpasalamat ngunit naglahong bigla ang intensiyon niyang iyon nang makita niya ang mukha nito.

"Ikaw?"

avataravatar
Next chapter