22 22

INIP na pinaglalaruan ni Joelle ang ilang piraso ng yelo sa iced tea niya gamit ang straw. Nasa isang Karaoke hub siya kasama ang kaibigang si Madeline at dalawang lalaking nagsilbing date nilang magkaibigan ng gabing iyon. nagkakatuwaan ang mga ito sa pagkanta habang siya naman ay inip na inip na roon. Nasa mesa rin doon ang samu't saring finger foods at beer na hindi man lang nila tinikman ni Madeline. Hindi kasi sila umiinom kaya naman nagkasya na lamang sila sa kanya kanyang baso ng iced tea samantalang ang dalawang lalaki naman ang umuubos sa beer na naroon.

Tinitigan niya ang mga lalaki. Wala siyang kainte-interes sa mga ito kahit masasabi niyang gwapo naman ang mga ito at halatang may sinasabi sa buhay. Isa lamang kasi ang dahilan niya kung bakit sumama siya sa double date na iyon at siya pa mismo ang nagsabi kay Madeline na magsama ang ka-date nito ng kaibigan. Ito ay para patunayan sa sarili niyang kaya rin niyang magpaka-babae kahit wala ang tulong ng Ridge na iyon. Pinaghandaan pa nga niya ang date na iyon na lubos na ikinagulat ng pamilya niya.

She wore a baby blue short sleeve casual dress and white peep-toe sandals courtesy of Madeline. Ito kasi ang namili ng suot niyang iyon nang sabihin niya ritong gusto niyang mag-ayos babae for once. Nagprisinta pa nga itong lagyan siya ng light make-up, na ayon dito at sa mga kapatid niya, ay nagpatingkad sa ganda niyang matagal din daw niyang itinago.

"Ikaw naman." Nilingon niya si Chris, ang kaibigan ng ka-date ni Madeline na Aldrin naman daw ang pangalan. Iniaabot nito sa kanya ang microphone na hawak nito.

"No, thanks. Kayo na lang." Nakangiti at magalang na tanggi niya rito. Namumula na ang mukha ng kaharap niya tanda na naaapektuhan na ito ng iniinom na alak ngunit sige pa rin ito sa pag-inom. Napailing na lamang siya. Kung si Ridge siguro ang kasama niya ay hindi ito iinom ng ganoon lalo pa at ito ang magdadrive sa pag-uwi nila.

Ridge na naman? Wala ka na bang ibang maisip kundi ang i-compare ang lahat ng tao sa lalaking 'yon? Kastigo niya sa sarili. Kung bakit kasi pumasok na naman ang lalaking iyon sa isip niya.

Nang makaramdam ng tawag ng kalikasan ay nagpaalam siya sa mga kasama na pupunta saglit sa comfort room. Saglit lang naman siya roon at nagulat pa siya nang sa paglabas niya ay makita niya sa labas mismo ng comfort room ang halatang lasing nang si Chris. Nakalapat palad nito sa gilid ng pinto tanda nang pagkuha nito ng suporta upang makatayo ng maayos.

"C-chris, anong ginagawa mo rito?" tanong niya rito. Nakakaramdam siya ng kaba sa hindi niya malamang dahilan.

"Hi, Joelle." He grinned at her which gave her the chills.

"B-bumalik na tayo sa loob. Baka hinahanap na nila tayo." Alanganin ang ngiting ibinigay niya rito bago sinubukang lagpasan ito ngunit hinawakan nito ang braso niya at marahas siyang isinandal sa dingding sa gilid ng pinto ng comfort room. Inilapat din nito sa pader, sa gilid ng ulo niya at inilapit ang mukha nito sa kanya. Nalalanghap niya ang masangsang na amoy ng alak mula sa bibig nito at napangiwi siya.

"C-chris, ano ba? Lumayo ka nga!" reklamo niya at inilapat ang mga palad sa dibdib nito sa pagtatakang itulak itong palayo sa kanya ngunit hinawakan nito ang mga kamay niya ng mahigpit. "Bitawan mo nga ako or I swear you'll regret ever touching me!" galit na banta niya rito ngunit parang baliw na tumawa lamang ito.

"What could you possibly do to me huh?" gagamitin sana niya ang tuhod upang saktan ito ngunit nakaiwas ito. "Nice try, Joelle. Iyon nga lang, well-informed na ako sa kakayahan mong manakit ng lalaki kaya napaghandaan na kita."

"Duwag! Bakit hindi mo bitawan ang mga kamay ko nang magkaalaman na tayo!"

"I won't risk it, sweetie. Mahal ko pa ang mukha ko at ayokong mapingasan mo pa 'toh." Nakakaloko ang ngiti nito sa kanya habang lalo pang inilapit ang mukha nito sa kanya. "Who would've thought that you're this pretty kapag naayusan."

"Shut up and let me go!" nagpumiglas siya ngunit walang saysay iyon dahil ipininid nito ang mga kamay niya sa gilid gamit ang mga kamay nito. Alam niyang kung mano-mano ang labanan ay hindi ito uubra sa kanya pero ngayong nagawa nitong i-secure ang mga kamay niya ay imposibleng mapatumba niya ito. Kahit anong sabihin ay lalaki pa rin ito at lakas ng lalaki ang gamit nito sa pagpapatahimik sa kanya.

"Let's see kung masarap din humalik ang mga tomboy na gaya mo." At lalong inilapit nito ang mukha sa kanya hanggang sa gahibla na lamang ang layo ng labi nito sa mga labi niya. mariin siyang pumikit at hinintay ang paglapat ng mga labi nito sa labi niya nang hindi iyon dumating sa halip ay malakas na kalabog ang narinig niya. Ang nakabalandrang katawan ni Chris sa sahig ang nasumpungan ng mga mata niya pag-mulat niya.

"Isang beses pang lumapit ka sa fiancée ko at hindi lang yan ang aabutin mo." Said that familiar voice.

Kasunod niyon ay naramdaman niya ang mahigpit ngunit maingat na paghawak sa kamay niya. Awtomatikong lumipad ang tingin niya sa kung sino mang may hawak ng kamay niya.

"Ridge..."

"Let's go. You have a lot of explaining to do." Pagkatapos niyon ay hinila na siya nito paalis sa lugar na iyon.

avataravatar
Next chapter