13 13

IRITADONG pinindot ni Joelle ang snooze button ng nag-iingay na alarm clock na nakapatong sa bedside table pagkatapos ay pinakatitigan niya iyon ng masama. Wala siyang naaalalang nagset siya ng oras sa alarm clock niya para mag-ingay ng mga oras na iyon. Wala siyang pasok ngayong araw kaya naman hindi niya kailangan ng alarm clock at isa pa, ayon sa orasan ay alas-sais pa lang ng umaga.

Nakapagtataka man ay binalewala na lang niya iyon at nahiga na lang ulit sa kama niya. Araw ng Linggo at ito ang araw na gusto niyang burahin na lamang sa kalendaryo. Pero dahil nga imposibleng magawa niya iyon ay gagawa na lang siya ng paraan upang makaiwas sa nakatakdang mangyari sa araw na iyon. Mariin siyang pumikit at pinilit ang sariling bumalik sa pagtulog pero makalipas ang ilang sandali ay sunod sunod na katok naman sa pinto ng kuwarto niya ang narinig niya.

"Joelle! Breakfast time!" malakas na sigaw mula sa labas ng kuwarto niya. Ang boses na iyon ay nakilala niyang boses ng Kuya Enzo niya na nagpakunot naman sa noo niya. Nakakapagtakang binubulabog siya nito gayong Linggo nga ngayon at hindi pa nga pumapatak ang alas-otso na usual na gising ng kapatid kapag weekend at hindi nito kailangang pumasok sa opisina.

Nakasisiguro siyang may mali sa mga nangyayari, una na ang pagwawala ng alarm clock niya na hindi naman siya ang nag-set at ngayon nga ay ang pambubulabog sa kanya ng kapatid. But she decided to ignore it. Itinalukbong niya ang kumot sa mukha at umaasang kahit papaano ay mababawasan niyon ang ingay na ginagawa ng kapatid.

Nakahinga na sana siya ng maluwag nang tigilan na ng kapatid ang pagkalampag sa bedroom door niya pero bumalik ang inis niya nang mayamaya ay bumukas ang pinto ng kuwarto niya. Nakalimutan niyang may spare key nga pala ang pinto ng kuwarto niya.

Desidido siyang palabasing natutulog pa siya kaya mariin niyang ipinikit ang mga mata at pinagbuti ang pagkukunwaring mahimbing ang tulog pero ayaw talagang paawat ng kapatid niya at hinila nito ang kumot na nakatalukbong sa kanya.

"Gising na!" sigaw ng Kuya Enzo niya sa may tainga niya.

"Aray!" pinanlisikan niya ng mga mata ang kapatid habang hinihimas ang tainga niyang nabasagan na ata ng eardrums dahil sa kalokohan ng kapatid niya. "Ang aga-aga pa kuya, binubulabog mo na 'ko?"

"It's your big day sis, kailangan mo nang maghanda kung hindi male-late ka." He grinned at her.

"Big day? Pauso niyo ah" papilosopong sabi niya sa kapatid bago muling nahiga patalikod rito. "Labas na nga! Inaantok pa ako eh!"

"Maligo ka na, bata! Mamaya lang nariyan na ang prince charming mo. Ayaw mo naman sigurong humarap sa kanya ng mukha kang bruha, 'di ba?" nilingon niya ang Kuya Brix niya na nakatayo sa nakabukas na pinto ng kuwarto niya. Ang galing! Mukhang joined forces na naman ang mga kapatid niya sa pangti-trip sa kanya. At base sa kinikilos at pinagsasasabi ng mga ito ay alam niyang may alam na ang mga ito. Pero paanong...?

"Teka nga, paano niyo ba nalamang may---"date kami? bakit ba hindi niya masabi iyon ng diretso? Parang naiilang siya na ewan.

"Siyempre bago ang lahat kailangan may permiso muna ng kinauukulan." Ngumiti ng nakakaloko ang Kuya Brix niya. " At kami 'yon. Mabuting bata naman ang prince charming mo eh kaya nagkusa na siyang humingi ng permiso sa amin bago ka niya ilabas."

"Ano?" That guy! Mukhang nanigurado pa ang lalaking iyon na hindi siya makakaiwas sa usapan nila at mukhang tama naman ito ng nilapitan dahil kulang na lang ay i-gift wrap siya ng mga kapatid at ibigay rito! "Kayo ang nag-set ng alarm clock ko 'no?" akusa niya sa mga ito.

"Hindi ah! Ask Craig. Baka pinakialaman niya ang alarm clock mo pagkatapos niyang i-upgrade ang wardrobe mo." Kinindatan siya ng Kuya Enzo niya at naglakad na papunta sa pinto bago pa man ito tuluyang makalabas ay nilingon pa siya nito. "Kung ako sa'yo, mag-aayos na ako. Baka kasi maisipan ng mababait mong kuya na paakyatin na lang rito ang Prince Charming mo kapag natagalan ka sa pagbaba." Nakangising sabi nito sa kanya bago nakipag-high-five sa Kuya Brix niya at lumabas ng kuwarto niya.

Kainis! Mukhang naisahan na naman siya ng mga kapatid. Bilib na talaga siya sa katalinuhan ng mga ito sa pang-aasar sa kanya.

"Baka pinakialaman niya ang alarm clock mo pagkatapos niyang i-upgrade ang wardrobe mo." Naalala niya ang sinabing iyon ng kapatid at naniningkit ang mga matang tinungo niya ang wardrobe niya at binuksan. Namilog ang mga mata niya sa nakita. Wala na ang maluluwag na t-shirt niya at jeans at napalitan iyon ng mga----

"KUYA!"

avataravatar
Next chapter