2 Chapter 1

❝Art is my happiness so you are an art.❞ - To Uriel by Sayuri Lavinia (Chapter III)

♤♡◇♧

"Yuri!" itinigil ko ang pinipinta kong abstract nang may narinig akong tumatawag sa akin.

"Teka, sandali lang!" ipinahid ko sa scratch paper ang natitirang basang pintura sa kamay ko. Baka kasi madumihan ko 'yong door knob. Mahirap pa't baka dumumi lalo 'yong silid ko.

"Oh, bakit ba?" binuksan ko na ang pinto.

Bumungad sa akin ang repleksyon ni Guiniveve.

Compared to mine who have a messy bun and a messy self too, napakaayos ng sarili niya. Her hair may not be tied but it was styled well. Malinis rin 'yong suot niya, na ni lukot o mantsa ay 'di mo agad mapapansin.

"Oh, goodness! Look at yourself, Yuri!" nag-aalala niyang sambit.

Inikutan ko na lamang siya ng mga mata. Sa sobrang daming beses niya nang sinasabi 'yan, hindi ko na mabilang.

"Bakit, 'di ka pa rin ba sanay?" tanong ko pabalik sa kanya.

"Yuri naman, parang mas nagiging dugyot ka naman kasi araw-araw!" hindi ko maiwasang matawa ng mahina sa isinambit niya.

"Why of all people ba kasi, kailangan anak pa ni Engr. Santos at ni Atty. Santos ang makakahousemate ko na ubod ng arte?" sagot ko pabalik.

"Yuri naman, joke lang eh! You know naman na unlike my parents e I'm not super great like them." nagpout siya.

"At least may pera ka." I sarcastically said.

Isasara ko na sana 'yong pinto eh kaso hinarang niya ang paa niya.

"Teka, wait lang!"

"Oh?" I raised an eyebrow on her.

"Do me a favor, please? Pretty please!" at nagpuppy eyes pa siya.

Tinitigan ko lang siya. Nagpacute pa siya ng husto. Hanggang sa may kinuha siyang pera sa bag niya, that was 5,000 pesos.

Naningkit ang mga mata ko. Hindi ko maiwasang bumuntong hininga. So that was the magic word, huh.

"Okay, ano 'yon?" I said.

Hindi na rin ako makakatanggi. As if I really had no choice here. Pero wala e, ginusto ko 'to. I've been doing her projects, and even her reviewers pero syempre may bayad. Madalas 3,000 pesos pero ngayong 5,000 pesos na ang inabot niya, sigurado akong mas malaking favor pa 'to.

She took Bachelor of Science and Business Administration in Marketing Management because she wanted to manage her parents' Company at palaguin pa ito balang-araw. I see the fire and the determination in her.

Pero parang 'di yata para sa kanya, paano ba naman kasi, kada assignments at projects sa akin pinapagawa. Paano siya matututo niyan? Parang dalawang course na tuloy inaral ko.

Well, 'di rin ako makakatanggi, pera 'yan e.

And because of those negotiations, Guiniveve Santos and I became partners in crime.

Huminga muna siya ng malalim. "You know I've been troubled with my friends---"

"I did not know." tipid kong sagot.

"Wait, kumalma ka kasi muna! Okay so ganito, I've been troubled with my friends. Kasi they don't want to be friends with me anymore---"

"Then don't." sagot ulit.

"Hindi mo nagegets, Yuri, eh. Friends matter to me! Like OMG! Sinamahan ko sila sa mga parties instead of studying tapos they're just gonna talk behind my back na I'm so bobo?" she rolled her eyes.

Hindi ko maiwasang tumawa. Now, she glared at me. Kaya naman agad akong tumayo ng maayos at nagpekeng umubo.

"And you see, there will be a party tomorrow. Oo rushed nga, pero your exsistence needs to be there!" Oh shi--! Ha? Did I just heard her saying parties?

I hate parties in my life. Anong makukuha ko d'yan? Amoy alak at puro kalokohan pa nga. Not to forgot na maraming mga gahol na gahol dyan maghanap ng jowa temporarily.

That doesn't suit me. Should I return the 5,000 back?

"Bakit naman ako invited?" I asked.

"To prove them na I still have friends at 'di sila kawalan 'no. Though I really cried that hard every night knowing they're backstabbing me." at kunwari'y nagpunas pa siya ng luha niya.

"Bakit 'di ka humanap ng better? Dami-dami d'yan oh. You know I don't do friends. Isa pa, ipapahiya mo lang sarili mo sa kanila if you brought me there." I replied. Inabot ko na rin 'yong 5k pero tumanggi siya.

"No, Yuri. You're the only one I can count on. Simpleng abot lang sa 'yo ng pera, G ka na agad. I don't want to find other people na for this, for sure, mas lalo akong mapapahiya." I sighed.

Para lang pinapamukha lang sa 'kin ni Guiniveve na mukha akong pera e. Pero totoo rin naman. I need money for survival. Aside from scholar ako at simpleng sidelines, 'di pa rin 'yun sapat. Need ko ng ipon.

And right, I need her. So bakit ako tatanggi?

Even if it's to sacrifice my comfort zone...

"So anong plano mo para 'di kita mapahiya?" I asked.

Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Na para bang kinicriticize niya ang itsura ko. Nakaramdam naman ako ng panlalamig sa ginawa niya.

"Maganda ka kaso tinatago mo." aniya.

That's also the reason why I was adopted...

"Kung aalisin ko 'tong salamin mo, at bibihisan ka ng mga damit ko, 'di ka naman makakatanggi 'di ba?" she smirked.

Napatalon naman ako sa narinig ko. "What?! No way! 'Di pwede! Ano 'yang iniisip mo?" naging hysterical agad ako.

Tinuro niya 'yung 5,000 php na hawak-hawak ko. Oh right, 5,000 pesos lang pala halaga ko. Tama, 'di talaga ako makakatanggi.

Kahit pa na sobrang uncomfortable pa ng gagawin ko.

I owe her either so she left me with no choice.

Umalis na siya sa tapat ng kwarto ko samantalang ako naligo na rin pagkatapos kong tapusin 'yung abstract.

Habang tinitingnan ko 'yong artworks ko na nakasabit sa dingding at ang mga libro kong nakaorganize sa kanya-kanya nilang shelf, hindi ko maiwasang mapangiti.

Hindi naman ako aalis sa comfort zone ko eh. Magtratry lang ako na hindi para sa 'kin pero that doesn't mean magbabago na ako.

I won't, never!

Because of this will of mine—because I was eager not to change my interests and hobbies, my foster parents gave up on me. 19 years old na nga ako, kaya ko na sarili ko. They stopped supporting me and everything.

Dahil lamang sa ayaw kong kunin ang kursong Politcal Science. Oo, pulitiko ang nag-ampon sa akin. Kaso sa kasamaang palad, hindi ko gusto ang pagsunod sa yapak nila.

Andami mong msgiging kaaway, karibal at 'yong iba pa dun ay mga kaplastikan lang. Sasakit lang ulo ko d'yan, saka kahit kaya ko naman, pero hindi ako masaya d'yan. Gusto ko ng Fine Arts.

Fine Arts na minamaliit lang nila na kesyo hindi ako kikita. Ang mga sining na nalikha ko raw 'e 'di ko mapapakinabangan. Mapapakinabangan ko lang pag namatay ako.

Edi wow!

Ngayon na napag-aaral ko naman sarili ko at matyaga rin ako sa pagpinta st pagguhit, wala na akong angal sa buhay.

kaso mamahalin talaga ang art mats kaya kailangan ko pa rin si Guiniveve. Give and take lang.

Anak naman din kasi siya ng mayaman at suportado pa siya kaya madali lang sa kanyang maglabas ng pera. Pero kung alam lang nila na si Guineve ay 'di rin ganon kagalingan, baka magrounded pa 'to or for worse, itigil ang support sa kanya.

Pero hindi. According to my observations, hindi ganyan kasama ang pamilya niya. Hindi gaya ng akin, todo suporta sila kay Guiniveve at higit sa lahat, mahal na mahal nila si Guiniveve.

Kaya ito, si Guiniveve, problema lang sa buhay e about social stuffs. Pero, siguro, kasi meron naman na siya ng mga bagay na kailangan ko kaya 'yon ang naging problema niya.

Kaya minsan, naiisip ko, sinusuwerte rin ako sa kahousemate ko.

"Housemate" oo. Hindi PBB ang ganap namin dito ha, pero maliit lang 'tong bahay na 'to at para sa mga College students na gustong matutok sa pag-aaral. Syempre, ito rin ang dahilan ba't nabuo 'yong parties, para stress reliever ng mga College Students.

Pero para sa akin, hindi naman. Masaya na ako sa pagpipinta e. Stress reliever na agad 'yon.

At dahil sa mabilis lang ang oras, 4 am pa lang ng umaga e inaayusan na ako ni Guiniveve. Bagong ligo na rin ako.

Alam niya rin kasi na ang mga damit ko ay madalas tshirts, pajamas, hoodies o 'di kaya'y skirts na mahahaba. Kung ganyan itsura ko sa Party, baka mapahiya lang ako.

Kaya mangheheram muna ako ng damit niya.

Buti na lang e same size pa kami ng katawan. Medyo payat lang ako ng onti pero kasya naman.

"Yuri, ba't ka pala nagsasalamin?" bungad tanong niya habang sinusuklay ang hanggang bewang kong buhok.

"Bakit pa ba tinatanong 'yan, e syempre malabo mata ko." sagot ko.

120/120 ang grado ng mata ko. Paano ba naman kasi, nagbabasa ako kahit saan at kahit madilim eh pagpipilitan ko talaga. Ayun, lumabo tuloy.

"Sorry naman. May iba kasi d'yan, nagsasalamin for fashion. Pampahakot likes lang kasi kesyo cute sila." umikot na naman ang mata niya.

"Huwag mo na kasi sila isipin," reaksyon ko sa sinabi niya.

"Oo nga pala, wala kang pake sa iba." sagot naman niya.

Hindi naman sa wala akong pake pero kasi masyado na akong busy sa buhay ko para isipin pa ang opinyon ng iba sa akin. I want to live my life as I am as what I want to be. Hindi para mabuhay sa expectations at opinyon ng iba.

"Anyways, lalagyan kita ng bangs para medyo maging approachable itsura mo. Kahit 'di ka pa nakangiti."

Hindi na ako nakatanggi sa ginawa niya. Ginupit ba naman niya kasi agad.

Tama nga siya, bumagay ang bangs sa itsura ko. Para na tuloy akong chic girl o 'di kaya 'yong mga pormahan nitong si Guiniveve.

Nilagyan niya rin ng kung ano-anong kolorete ang mukha ko. Kaya mas lalong nahalata ang haba at kapal ng pilikmata ko. Mapapansin ko na rin ang heart shaped lips ko na pinakikinang ng lipstick. Light lang ito pero kahit sa dilim ay mapapansin mo pa rin. Hindi naman ganoon katangusana ng ilong ko pero napapansin ko ang arko at kurba nito. My curved eyebrows are already in fleek.

Grabe, I just looked like an art. If only Guiniveve is somehow interested in arts, she could have been a good artist.

Pinasuot niya sa akin ang light pink na off shoulder na dress na hindi pa umaabot ng tuhod. Siguro 3 inches or 4 inches above the knee. Mayroon rin 'tong ibang layers.  Medyo backless naman ang likod nito.

"Perfect!" aniya.

"Teka, hindi ba ako ma-op niyan? Parang ang bait yata ng pinasuot mo sa akin---"

"Eh pag pinasuot kita ng bralette o see through na cropped top at shorts, baka 'di mo suotin. Saka okay na 'yan, bagay naman sa 'yo. You look angelic pero hindi 'yong ugali ha," Wow! What an insult! Pasalamat nga siya e tinutulungan ko pa siya.

"Anyways bagay siguro sa 'yo 'yung platforms plump ko." Nalula naman agad ako nang makita ko ang heels na 'yon.

Antaas! 'Di ba ako madadapa dito?

"I know that reaction, Yuri! Kaya mo 'yan, girl. Basta wag ka titingin sa baba dapat laging sa taas ka tumingin." hindi ko maiwasang umirap. Seriously?

"Noted." I said in a sarcastic way.

"You looked perfect na!" muli niyang papuri sa akin.

"Teka, ano ba kasi 'tong party na pupuntahan natin at big deal pa 'yong friends mo?"

"Birthday Party Celebration ni Rafael." she replied.

"Oh, what's the big deal?" tanong ko.

"Tangeks! Ayan 'yong heir ng Evangelion Corp. kaya malaking celebration party ang magaganap. And my friends are there too. Tsaka, graduating na siya this year." pagpapaliwanag niya.

"Oh,"

"Oh, oh, ka dyan! Malamang 'di mo 'yan knows kahit mag-explain pa ako."

Tumango na lang ako sa sinabi niya. Since this is my first time meeting those people around her, alam ko na agad na hindi ko 'to lugar.

Those people are so rich and aside from being rich, they are know my their families' wealth and fame. Na ako, isang ampon,at itinakwil pa ay hindi karapat-dapat dito.

But I'm here already, there's no turning back.

Nang makaapak ako sa loob ng venue. Everyone is busy in their own business. Kaya nakakahinga na rin ako ng maluwag. Of course, no one would pay an attention to me.

Even him.

avataravatar