1 Prologue

😈

[Danskie Montpellier]

*WEE WOO WEE WOO WEE WOO WEE WOO

Nakabibingi na ang sirena ng mga police cars ngunit mas naririnig ko pa ang lakas ng tibok ng puso ko.

My heart was like a speaker bass boosted inside my chest.

I glanced at the side mirror, which reflects cop cars chasing us.

Sa dami ng kasamaan ko, ngayon lang ako hinabol ng mga pulis na desperado akong mahuli.

Gigil namang nagmamaneho ang driver nitong sasakyang sinasakyan ko. Wala na nga siyang paki kung banggain niya lahat ng sasakyan dito sa highway.

Dumagdag pa ang ingay ng mga busina.

'Headline: Two 15 year-old teens chased by full force of the police'

Hindi na'ko magtataka kung maging wanted kami sa buong bansa. O kahit sa buong mundo pa.

Sumulyap ako palikod. Nakalayo na kami. It's a big relief.

Takte! Hindi pa pala! I thought this was a theater play or concert when a spotlight pointed on us.

"Tangina!" i exclaimed when i saw a heli following us.

"Huwag mong sabihin ang tangina. Dapat juicemother para sosyal" suway sa'kin ng katabi ko.

"Juicemother!" sigaw ko. Dumampot ako ng baril sa backseat.

Babarilin ko ang mga helicopter shit.

Nilabas ko ang ulo ko sa bintana, habang hawak ang baril at inasinta sa mill nito.

*BANG!

.

.

.

.

.

How did we get here?

avataravatar
Next chapter