2 Tayong tatlo, bilang magkakaybigan

*SHAYNA'S POV*

*Pangako babalik ako after 15 years, magkikita tayong muli, kahit anong mangyare*

*alarm rings*

"Aaaahhh" humikab ako ng mahaba nang marinig kong nag alarm na ang alarm clock ko. Grabe umaga nanaman, isa nanamang mahabang araw ang parating. Pero teka? ano yung panaginip ko? sino yung pinangakuan ko na babalikan ko after 15 years? Hmm dibale na, laging random talaga yung panaginip ko. Minsan nga zombie apocalypse yung panaginip ko, may mas weird pa dun, lol.

College nako ngayon, grabe parang kaylan lang uhugin pako pero ngayon, ilang taon nalang makakapag sariling buhay nako! Gising na kaya si Deborah? teka wait wait, chat ko nga baka tulog pa.

*binuksan ang cellphone at nag chat sa group chat nila.

Shayna: Uy Deb! gising kanaba?

Deborah: Yes of course, madami pakong ihahanda kaya kanina pako gising, Ewan kolang kay Zayan kung gising na sya, Alam monaman yun tulog mantika

Shayna: Hahahaha Kaya nga

Zayan: Hoy ano't pinag uusapan nyoko? gising nako.

Deborah: Okaaaayy, here comes the devil

Shayna: osige na kilos kilos na, sabay na tayo pumasok magkakaklase naman tayo.

Zayan: sige, dun ba ule sa park meeting place?

Deborah: yah sure, as always.

*seen by Zayan and Shayna*

*ZAYAN'S POV*

Hay bwiset talaga si Deb, sinisiraan nanaman nya ako kay Shayna. *screams* Aaaahhhhccccccckk nakakahiyaaaaaaaa!

"Zayan kakain na"

Tinatawag nako ni mama, teka mag hihilamos muna ako.

*nag hugas ng muka at bumaba na sa kusina*

"Anak, paki kuha nga yung juice sa ref, gumawa ako ng blended fruits para tumalino ka naman"

"Mama naman eh!"

"Joke lang, sige na kunin mo na para maka kain na tayo"

"Di talaga pumapalya adobo mo ma, kahit kaylan aba"

"Sus! kelangan mo ng extra money no?"

"uy di ah, pero pwede bako mag baon neto? Baka mahal yung pagkain sa cafeteria"

"sige wala naman problema, ipag babaon kita"

Ngumiti ako at tinapos kona ang pagkain. Excited nako pumasok kase after a month makikita kona uli si Shayna. Matagal ko nang gusto si Shayna, simula pa noong highschool kami, talaga namang nahulog na ang loob ko sa kanya. Napaka bait nya at sweet-looking. Maganda din sya tsaka napaka humble. Kaso di ko kayang sabihin sa kanya na gusto ko sya kase ayokong masira ang pagkakaybigan namin. Baka hindi nya ako gusto at maging awkward lang kami sa isa't isa.

Naligo nako after ko kumain. Pagkatapos ay nagpabango para dagdag points kay Shayna. Inihanda ko narin ang baon kong Adobo na luto ni mama. At ready nako pumasok.

*DEBORAH'S POV*

"Nanay, papasok napo ako"

"Sige anak, mag iingat ka ha"

"opo, may mga kasama naman po ako"

"osige, good luck sa first day!"

Galing ako sa mayamang pamilya. May company ang mommy ko na pinapatakbo dito sa Pilipinas at ang Daddy ko naman ay nasa Japan para patakbuhin ang branch namin dun kaya si Nanay Pacing lang ang kasama ko simula bata ako, kaya mas pinili kong mamuhay ng simple dahil ganun din naman ang mga kaybigan ko.

Maaga pa lang ay gumising nako para aasikasuhin ang mga bagay na dadalhin ko sa school. Sobrang kabado ako kase ibang iba ang high school life kesa sa college, but I am thankful kase kaklase koparin ang best friends ko.

Malapit lang ang bahay namin mula sa park na meeting place namin, Kaya naman di na ako nagpapahatid sa family driver namin. Mag lalakad nalang ako, exercise din!

Pag labas ko ng gate, ay sinuot kona ang earbuds ko at nag lakad.

Malapit nako sa plaza nang makalimutan ko yung handbook ko.

Awww sheemsss! Ang aga aga ko gumising para mag ayos ng gamit, pero yung mahalagang bagay pa yung naiwan ko!

Bumalik ako sa bahay namin para kuhanin yung handbook ko.

*ZAYAN'S POV*

Asan naba sila? Pilipino time nga naman aba.

"ZAAAAYYY"

Uy, boses ni Shayna yun ah! Pag lingon ko ay nakita ko ang napaka fresh at napaka gandang si Shayna, nag slow-mo ang paligid ko nang makita ko syang tumatakbo papalapit sakin. Ang ganda nya talaga at ang sweet Ng boses haaay.

"Uy zay! Kanina kapa ba? Asan si Deb?"

"Medyo lang, si Deb diko alam, diko pa sya nakita eh, lapit lapit nang bahay tas sya pa yung huli"

"Hayaan mo na maaga pa naman, intayin nalang natin"

*silent awkwardness*

aaaaaccckk bat wala akong masabi? ang awkward, bakit wala akong mai-topic? Natataranta ako, natatameme nanaman ako.

"Uy Zay nga pala, may handbook ka?"

*hay buti nag salita sya! buti nalang!*

"wala nga eh, pero si Deborah meron, Sabi nya bibigyan nya tayo"

"GUUUYSSS!! Sorry I'm late"

Narinig namin si Deborah na sumisigaw sa di kalayuan habang tumatakbo

"oh andyan na pala si Deborah, Shay"

*Ang awkward ko mag salita, Baka nahahalata ni Shayna na kinakabahan ako*

"Deeeeebb! Long time no see, I miss you! Bat ang tagal mo?"

*hay ang cute talaga ni Shayna, ano kayang feeling nang sabihan ng I miss you ni Shayna*

"Sorry guys, naiwan ko yung handbook eh, malapit nako kanina nung ma alala ko kaya bumalik muna ako sa bahay."

"Osige na tara na baka ma late pa tayo"

*SHAYNA'S POV*

Ako lang ba o talagang nauutal si Zayan kanina? Baka nahahalata nyang may gusto ako sa kanya kaya sya nagiging awkward sakin. Buti nalang dumating si Deborah.

avataravatar
Next chapter