1 Chapter 1: The Antique House

Alas sais na ng gabi, oras ng paguwi ng mga taong abala sa buong maghapon. Oras para umuwi na sa mga kanya kanyang bahay para makasama ang pamilya pero may isang babaeng taliwas ang ginagawa sa mga oras na yon

"Malas ka talaga Bree eh" Naiiling na lang na sabi ni Sabreena.

Tinatahak niya ang daan papunta sa di malamang lugar, palayo sa bahay niya at palayo sa mga kamalasang nangyari sa kanya maghapon.

Maya maya ay napansin niyang pakonti konti nalang ang mga bahay na nadadaanan niya sa paglalakad at maya maya ay nakakatanaw na sya ng ilang taniman na senyales ngang nakalayo na sya kahit papano sa maingay at mailaw na syudad ng Sentro.

Isang malakas na liwanag ang galing sa langit na sinundan naman ng malakas na dagundong ng kulog ang naghudyat sa pagbagsak ng malalakas na patak ng ulan

na nagpabagsak lang lalo ng ng balikat ni Bree.

Sinubukan niyang buksan ang cellphone para sana kontakin ang kaibigang si Mariz kung nakarating na ba ito mula sa bakasyon pero low battery na rin ang cellphone. Tumingin sya paligid, wala ng mga bahay bahay at puro taniman nalang ng mais na siya namang nagsimula ng kaba ng dibdib niya.

"Ano ba kasing klaseng kaengotan meron ka Bree tsk" pilintik na lang nito sa basang basa na sarili nang biglang pumungas pungas ang ilaw sa tabi ng kalsadang tinatahak niya.

Sumiklab ang takot sa dibdib niya lalo pa ng maglaro sa utak niya ang itsura ng payaso sa napanuod na pelikulang "It" nadagdagan pa ito ng lumingon ito sa likod at may matanaw na pigurang itim ng lalaki na nahihirapan niyang matanaw daw sa patay sinding ilaw ng kintatayuan nito.

Walang anu ano'y kumaripas ng takbo si Bree kahit pa umuulan at patay sindi ang mga ilaw ay nag patuloy ito dahil sa takot.

Lalo pang bumilis ang takbo nito ng paglingon nito sa likod ay isa isa ng tuluyan nawawala ang sindi ng ilaw ng poste. Sa pagkakataon na ito ay may kasama ng tili ang pagkaripas niya ng takbo nang bigla syang natisod at sumubsob padapa.

Napaiyak na lamang sya kasabay ng pag alala sa sinapit ng mga biktima ng payaso sa pelikulang napanuod

" Jusmeyo wag naman po" Hagulgol nito habang nakadapa at hirap paring bumangon

Nanglaki ang mata nito ng may dalawang pares ng binti ang nakatayo sa harapan niya

" Wag po! huhuhu malas po akong tao, payat at wala akong laman please wag niyo po akong patayin!" pakiusap nito na parang timang

" Ineng ayos ka lang ba?" napatingala nalang siyang para tignan kung kaninong boses ang nagsalita na iyon. Bumungad sakanya ang isang matandang babae na may hawak na payong.

" Halika at sumilong ka muna saamin" sabay nguso nito sa isang mailaw tila bahay na tindahan sa tabi ng kalsada.

Tinulungan syang bumangon nito at inalalayan sa paglalakad dahil mukang napasama yata ang bagsak niya.

"Halika tuloy ka, iha" yaya nito

" WELCOME TO ORLAITH'S HOUSE OF ANTIQUES"

Pagpasok ay bumungad dito ang napakaraming kagamitan na tila luma pero may napakagagandang hitsura, nagtataka man dahil hindi naman niya natanaw ang mailaw na tindahang ito kanina bago sya nadapa eh ipinagpatuloy na lamang niya igala ang kanyang mga mata

" Dito ka lamang at kukuha ako ng pampalit mo, basang basa ka baka magkasakit ka niyan" ngiting sabi ng matandang babae na tinugunan naman ng magalang na "opo" at pasasalamat ni Bree

Sa paglilibot ng mata ay tila may kakaiba itong napansin sa mga larawan sa painting sa pader. Ito ay pinta ng lawa na kulay asul na kristal at mga puno sa paligid ngunit kakaiba ito! Lalo pa syang nagulat ng tila humangin sa loob ng painting at nagsihulugan ang mga dahon nito sa kristal na kulay ng tubig

tila nadagdagan pa ang gulat niya ng biglang may tila nagsasalamin naman sa loob ng salamin katabi ng painting, tila isang prinsipe na nagaayos ng suot at buhok nito ang nagsasalamin mula sa loob.

"Iha, ito na ang pampalit mo sige na at baka malamigan ka pa"

"O-opo" kinakabahan na tinanggap ito ni Bree habang naglalaro sa utak niya ang mga tanong na kung ..

Nasaan nga ba sya?

Anong klaseng lugar itong lugar na ito?

at kung sino nga ba ang matandandang babae na kasama niya?

avataravatar