7 Chapter 06

APRIL's POV

Medyo madami narin kami, kanina kasi may nakita pa kaming mga estudyante na nakikipag laban rin sa mga zombies, sinama narin namin sila. Mga higit 20 na ang mga kasama ko.

"Ate April! Papaano tayo makakaalis dito sa school?" tanong sa akin ni Opal na isa sa mga bata na nailigtas namin.

"We will find ways." yan nalang ang nasabi ko. Wala pa kasi akong plano kung papaano makakaalis dito.

"Ate! May school bus po sa parking lot! Magagamit natin yun!" sabi nung isa pa.

Tama! School bus! Andito kami ngayon sa isang room na walang laman, dito muna kami nag tago kasi kanina pa kami pagod. Malaki laki ang school kaya mahaba habang lakbayin ang aming gagawin.

"Sino ang may putong sa inyo?" tanong ko sa kanila. Nag taas ang kamay ng isang babae, binigay niya sa akin ang isang black na pang putong sa buhok.

HUENA's POV

Hello po! I'm Huena Abish, third year high school. Kasama ako sa mga tinulungan ni Ate April at ako rin ang nag bigay ng putong sa kaniya.

Alam niyo bang manghang mangha ako ngayon kay Ate April! Grabe pala siya makipag laban kanina! Nakakatakot at nakakamangha! Dati rati maraming nang bubully kay Ate kasi ang weird niya, minsan lang kasi siya mag salita at yung bangs niya na mahaba na tinatabunan ang mata niya nakaka weird. Hindi ko nga alam kung papaano pa siya niyan nakaka kita.

Pinutungan niya ang buhok niya at pati ang bangs niya. Naka pikit siya nung ginagawa niya yun at nang matapos na siyang mag putong ay minulat na niya ang mga mata niya. 0o0! What the!

"Yu-yung...yu-yung..." utal utal na sabi ko. Napa tingin sa akin yung iba naming kasama.

Naka tulala ako habang naka turo kay ate april. WHAT THE FUDGE!

"Huena, ayus ka lang?" tanong sa akin ni Riko.

"Yu-yung...YUNG MATA NI ATE APRIL!" biglang sigaw ko. Lahat sila napa tingin kay Ate April at katulad ko ay napatulala sila at napa nganga.

"Ang ooa niyo." sabi niya. OA?! Sinong hindi magugulat kung makakakita ka ng mata na kulay pula! Kasing pula ng dugo!

"Is that real?" tanong ni Kaye.

Nag kibit balikat lang ito, kinuha niya yung katana niya at iwinasiwas ito. Para kaming nangilabot ng ngumisi ito at hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o ano pero parang nakita kong kumislap ang mapupula niyang mata.

"I have a plan." kahit na namamangha parin kami ay nakinig na kami sa sasabihin niya. "We will split into two groups the first group will go to the parking lot ang isa ay papuntang guard house para kunin ang susi ng school bus. I will go to the guard house at you *turo niya sa Secretary ng Principal* you will be the leader of the second group. Five members lang sa akin. Sino ang sasama sa akin?" tanong niya. Nag taas ako ng kamay at ganun din ang tatlong lalaki at isang babae.

"Good, tabi kayo sa akin. At kayong papuntang parking lot. Dumaan kayo sa mapunong part ng school papuntang parking lot, wala doon masyadong walkers dahil may wires dun na harang. Tayo namang grupo. Madaming walkers ang makakasalubong natin kaya mag hahanap tayo ng alternative ways kung saan ang wala masyadong walkers tayo na makakasalubong. All ways remember! Heat the head. Kill or be killed." napatango kami sa sinabi niya. Hindi ko mapigilang mamangha habang nag sasalita siya, seryoso ito pero ang lakas ng appeal.

Maganda siya! Walang halong bero! Idagdag pa ang mapupula niyang mata na bagay na bagay sa kaniya! Ang ganda talaga niya. *q*

"All right! Let's move out."

GENERAL KAYATO's POV

Kahit hindi parin nag sisink-in sa akin ang mga nang yayari ngayon ay mas minabuti ko nang gumalaw.

"EVERYONE MOVE OUT!" sigaw ko. Lumapit ako kay General Gomez, na nag tataka.

"What is happening General?" he ask.

"Alam kong hindi madaling paniwalaaan ito at ang hirap explain, pero kailangan na nating umalis sa lugar na ito. Zombies are here." sabi ko. Mag sasalita sana ito ng may sigawan kaming narinig.

May mga naka pasok sa zombies mga apat ito at may kinakagat silang mga estudyante.

"Shot the head! Shot the head!" sigaw ko. Hindi man nag dalawang isip ang grupo ko at pinatamaan ng bala ang mga walkers.

"We can't just stand here General! We have to do something!" sabi ko sa kaniya. Tumango ito at pumunta sa grupo niya.

Maya maya pa ay bumalik sa pwesto ko si General Gomez.

"May plano ka na ba General?" tanong nito sa akin, tumango ako.

"May isang estudyante ang nag sabi sa akin na may daanan sa pinto na yun *turo sa pintuan na hindi ganun kalakihan.* may gubat sa labas ng pinto na yan at sinabi sa akin na we can use that to escape, less walkers to encounter, less problem." tumango ito.

Pina sara namin ang main door ng gym at tinipon ang buong estudyante. Nasa mga More than 40's nalang ang mga estudyante na andito.

"Sinong nakakaalam ng daanan sa likod ng pinto na yun?" tanong ni General Gomez. Nag sitaasan ang kadamihan sa mga lalaki. Tsk.. alam ko na kung bakit alam na alam ng mga toh ang daan diyan. Scape route nila ata kapag mag cucutting or mag eescape.

"Ok! Kayong mga nakakaalam ang tuturo sa dadaanan natin. Let's move out!" binuksan na namin ang pinto papalabas ng gym, pinauna ang sapo na militar at sumunod ang mga estudyante, medyo mabagal dahil sa hindi ganun kalaki ang pintuan.

Ako na sana ang papasok ng may maalala ako.

"SHIT!"

Si Ms. Night pala! Shit! Shit! Shit! Bakit kasi hinayaan kong umalis yun kanina! At seguradong may mga estudyante pa ang buhay sa school na toh!

"Group Omega and Beta! Come with me!" sigaw ko. Nag linya naman ang Omega and Beta group.

"General Gomez, mag kita kita nalang tayo sa Headquarters niyo! Group Alpha, you all go with General Gomez." Tumango ito, nag saludohan muna kamo bago sila umalis.

"Omega and Beta we are going to rescue some students that is still alive in this school. Is that cleare?!"

"Sir! Yes, Sir!"

"Oha!"

avataravatar
Next chapter