6 Chapter 05

APRIL's POV

Hindi ko mapigilang mainis dito sa baliw na lalaking naka sunod sa akin. Alam kong natatakot siya pero hindi naman kailangan na humawak siya sa dulo ng damit ko na para bang anak ko siya na ayaw mawala. -.-"

Naka rating na kami sa isang room, ang room ng Principal. Biglang bumalik ang alaala ko sa room na toh nung una kong pagpunta rito. Kung hindi ako nag kakamali may naka sabit na dalawang katana sa room na toh! Dahan dahan kong pinihit ang siradura ng pinto at tahimik ko itong binuksan.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko ang Secretary ng Principal na hawak hawak ang isang katana at naka tutok ito sa harapan. Mukhang marunong itong gumamit ng katana. Napa tingin siya sa akin.

"Sino ka?" he ask.

"I'm April."

Dahan dahan akong pumasok, pumasok din yung lalake saka niya sinara ang pintuan.

"Are you like them?" tinago ko na ulit ang mata ko kaya hindi na niya makita. Umiling ako. Napa tingin ako dun sa lalagyan ng katana at andun pa ang isa. Lumapit ako dun at kinuha ang isa, siya naman naka tingin lang sa akin at pinagmamasdan ang galaw ko.

Tinignan ko ang talim ng katana. Hmm.. matalim na matalim. Iwinasiwas ko ito sa eri sabay hampas nito sa table ng Principal. Nahati ito sa dalawa, nan laki ang mata nung secretary ng pricipal.

"You." tinuro ko siya gamit ang katana. Table lang ang namamagitan sa aming dalawa siya naman ay napa atras.

"Do you want to live?" malamig na tanong ko sa kaniya. Tumango tango ito. Binaba ko na ang katana at tumalikod sa kaniya.

"Follow me." sabi ko, umalis na kami sa Principal's Office. As we walk out the room ay may humarang na kaagad sa amin na mga zombies. Siya nalang ang pinapatay ko sa mga ito--kahit nag aalangan ito sa una dahil mga estudyante at mga teachers ito ay wala siyang nagawa dahil sinabi ko na sila ang papatyin niya o siya ang mamatay. Yung lalake naman na isa naka tago lang sa likod ko.

Hindi naman ako masamang tao para mang iwan ng mga buhay. Tao parin sila, may kalayaang mabuhay.

"Ahhhh!! Huhuhuhu!! Tulungan niyo kami! Please!" may narinig kaming sigaw mula sa hindi kalayuan. Sinundan namin ang sigaw na yun hanggang sa dinala kami nito sa dulo ng hall.

Maraming zombies ang nasa isang pwesto lang at pinipilit nilang pumasok sa isang pinto na tingin ko ay andun yung mga nag sisi-sigaw.

Tinignan ko ng mabuti ang dami ng zombies. Hindi pweding susugod nalang kami bigla dahil kahit na may katana kami ay marami sila at magiging dehado ang lahat. Tumingin tingin ako sa paligid kong may magagamit kaming bagay.

Hindi narin kami nag tago dahil wala nang kinikilala ang mga zombies aatakihin ka nila kong narinig ka nilang gumawa ng ingay. Kahit kaunting ingay lang, maririnig nila.

I saw something!! Tama!! Kapag ginamit ko ang upuan na ito ay magiging pangharang ito! Lumapit ako dun sa Secretary at bumulong.

"Kumuha ka nang upuan. Gagawin nating pang harang." sabi ko sa kaniya. Tumango ito, dahan dahan itong nag lakad pero sa hindi inaasahan ay natapilok ito sa pagmamadali at naka gawa ng ingay ang hawak nitong katana dahil sa nabitawan niya ito.

Letche! Napa tingin ako dun sa mga zombies! Ang iilan ay napa tingin sa gawi namin at nag simula nang lumapit. Shit! Mukhang mapapaaga ang labanan.

"HALA! Papunta na sila dito!" sigaw nung lalake na nasa likod ko.

"Tang'na! Huwag ka nalang kumuha ng upuan! Lumapit ka na rito at makipaglaban!" sabi ko sa kaniya. Mabilis na lumapit ako sa mga zombies at pinag puputulan ito ng ulo. Ang iba naman ay sa kamay o sa paa at ang iba ay tinuturok ko ang katana sa ulo.

Napa tingin ako sa gawi nung dalawang lalaki at nakitang pumapatay narin ang mga ito. Tsk. May palapit sa akin kaya pinutol ko ang ulo nito.

"April! Sa likod mo!" nang marinig ko ang sigaw nito ay mabilis na nag back kick ako. Sumugod na ako dun sa iba pang walkers na naka harang sa pinto at pinag papatay ito. Medyo hinihingal narin ako dahil sa dami ng mga walkers na sumusugod.

Nang makitang kakaunti nalang sila ay pinaubaya ko na ito dun sa dalawa. Lumapit na ako dun sa pinto at pinilit itong buksan ngunit sa tingin ko ay may naka harang sa likod nitong pinto.

"Buksan niyo na ang pintuang ito!! Kailangan na nating mag madali!" sabi ko. May narinig akong mga kalampag mula sa loob at hindi kalaunan ay bumukas na ang pinto.

Iniluwa nun ang apat na tao. Dalawang lalaki at dalawang babae. Yung isa babae at isang lalaki ay mukhang nasa higher level na at yung dalawa naman ay mga juniors.

"Kumuha kayo na maaaring magamit para mapa taob ang mga walkers, hindi namin kakayanin na kami lang ang makikipag laban sa atin" mabilis naman silang gumalaw.

Lumapit na sa akin ang dalawang lalake at kitang kita ang pawisan at duguan nilang mukha. Medyo nanginginig ang lalaking nailigtas ko kay Manang Baby pero mukhang mas determinado na ito at parang ok na din siya.

Bumalik na ang mga estudyante at may mga dala dala na itong mga pamalo at kung ano ano pa. Umarko ang gilid ng aking labi, hmm.. I think we will rock these fucking school.

avataravatar
Next chapter