webnovel

Xiao Yu

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Makalipas ang tatlong araw, si Li Fei ay dumating sa nakatakdang oras.

Matapos ipaalam kay Ke Er at sa kanyang ina, nilisan ni Duan Ling Tian ang lugar ng Li Clan kasama si Li Fei.

Ang lugar ng Xiao Clan ay nasa labas ng south city gate ng Aurora City at malapit sa mga bulubundukin.

Matapos nina Duan Ling Tian at Li Fei ilabas ang kanilang mga Hidden Dragon Invitations, pumasok sila sa lugar ng Xiao Clan at ilalim ng pangunguna ng isang disipulo ng Xiao Clan, sila ay pumasok sa Star Observation Platform.

Ang Star Observation Platform ay nasa kalagitnaan ng isang burol, na sumasakop ng malawak na lugar.

Sa tabi ng resting pergolas sa gilid, mayroong maraming mga lagayan ng sandata.

Sa lagayan ng mga sandata ay may iba't ibang mga sandata na maaaring hangarin ng sinuman.

Pagdating nina Duan Ling Tian at Li Fei, mayroon agad iilang bata na pakalat-kalat sa paligid.

Ang pagdating ng pares ay nakakuha ng mga mata ng mga tao.

Siyempre, ang tingin ng mga bata ay napunta kay Li Fei.

Para sa mga batang ito na kakagaling lamang sa pagbibinata, si Li Fei na mapusok ang katawan ay tiyak na lubhang nagtitiis.

"Humph! Mga maliliit na bata."

Ang mga kilay ni Duan Ling Tian ay napakunot, binabalewala ang mga titig na kayang pumatay na nagmumula sa kapaligiran. Inilapit niya ang kanyang kamay at hinawakan ang malambot, at mala-jade na kamay ni Li Fei na parang nagpapakita siya ng lakas sa mga bata.

Buksan nang malawak ang inyong mga mata at tumingin nang mabuti...

Akin ang babae na ito!

Si Li Fei ay biglang nagulat sa mga kilos ni Duan Ling Tian. Ang kanyang mala-diyablo na katawan ay bahagyang nanginig, at ang kanyang mala-anghel na mukha ay namula.

Si Li Fei ay naglabas ng isang tinig na halos tulad ng lamok habang sinasabi niya, "Bitawan mo ako..."

"Hindi! Hindi ko gusto na ang mga maliliit na bata na ito ay nakatingin sa aking magiging asawa."

Si Duan Ling Tian ay labis na mapilit.

"Sira-ulo!"

Matapos magpumiglas nang sandali at hindi makawala mula kay Duan Ling Tian, ​​tinitigan siya ni Li Fei nang bahagyang galit.

"Kahit na pagkatapos, ikaw lamang ang nag-iisa na maaaring tumawag sa akin ng 'sira-ulo;' ang iba babae ay hindi karapat-dapat."

Si Duan Ling Tian ay napakapranka.

"Talaga?"

Bahagya siyang pinagdudahan ni Li Fei.

"Kahit ang mga perlas ay ganito katotoo."

Si Duan Ling Tian ay may isang malawak na ngiti.

Ang malinaw na mga mata ni Li Fei ay nanliit habang siya ay nangungutya, "Paano naman si Ke Er?"

"Iba si Ke Er, hindi siya kasama roon," Si Duan Ling Tian ay umungol. Ang kanyang tono ay napuno ng nangingibabaw na tikas.

"Ikasiyam na antas ng Body Tempering Stage?"

Mga titig ng paninibugho at inggit ay isa-isang napunta kay Duan Ling Tian. Ang lahat ng mga bata ay mabilis na nalaman ang cultivation ni Duan Ling Tian.

Ang bawat isa sa kanila ay nasa Core Formation Stage.

Isang martial artist ng Body Tempering na biglang lumitaw sa kalagitnaan ng kanilang ginagawa ay nakuha ang pansin ng lahat.

At saka, ang martial artist ng Body Tempering na ito ay talagang humihingi ng pangbubugbog sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ng isa sa tatlong mga pinakamaganda ng Aurora City, si Li Fei ng Li Clan.

Agad na makikita sa mukha ng ilan sa mga bata ang kanilang pagtutol.

Para sa kanila, ang isang lalaki sa ika-siyam na antas ng Body Tempering ay walang karapatan na angkinin si Li Fei.

"Hmph! Ang pagkuha ng mga bata ng Aurora City ay talagang mas nagiging masahol kada taon... Kahit ang isang magandang batang lalaki na walang kwalipikasyon upang makakuha ng isang Hidden Dragon Invitation ay maaaring umasa sa isang babae upang makapasok."

Isang bahagyang matipunong bata ang umirap kay Duan Ling Tian.

Ang kanyang tinig ay matigas, sinira ang sandaling katahimikan sa Star Observation Platform.

Ang mata ni Duan Ling Tian ay nanliit nang tanungin niya ang dalagita sa kaniyang tabi, "Magandang batang lalaki? Little Fei, ganun ba talaga ako kagwapo?"

"Pei! Iniinsulto ka nila..."

Kahit si Li Fei ay nahihiya sa makapal na mukha ni Duan Ling Tian.

"Bata, naiinggit ka, 'di ba? Dapat mong malaman na hindi madali ang maging isang magandang lalaki. Sa iyong mukhang tanga na itsura at ang iyong itim na mukha... siguradong hindi ka makahahanap ng asawa sa hinaharap."

Tiningnan ni Duan Ling Tian ang matipunong bata habang siya ay bahagyang nakangiti.

Agad na tinitingnan ng iba mga bata ang batang matipuno nang may mga kakaibang ekspresyon na may bakas nang awa.

Katatapos lamang niya tawagin itong magandang lalaki bilang isang insulto, ngunit isang segundo pagkatapos, ang taong iyon ay gumanti at sinabi na hindi man lang siya maaaring ihambing sa isang magandang lalaki.

"Bata, gusto kitang hamunin!"

Ang matipunong bata ay sumabog sa galit, at pagkatapos ay nagsimula siyang lumakad patungo kay Duan Ling Tian nang may malalaking hakbang at buong galit.

"Humph!"

Sa sandaling ito, isang malamig na ungol ang maririnig mula sa malayo.

Tatlong bata ang mabilis na lumapit.

Ang ungol na iyon ay tiyak galing sa malamig na bata na nangunguna.

Ang bata na nasa edad na labing-walo ay may malamig at tahimik na tindig, at ang kanyang matutulis na mata ay puno ng pagmamataas at kawalang-katapatan.

"Young Master Yu."

Ang ekspresyon ng matipunong bata ay naging magulo; parang daga na nakakita ng pusa. Sa sobrang natakot niya ay napaatras siya.

"Young Master Yu."

Sa sandaling ito, ang iba mga bata ay nagmamadaling binati ang malamig na bata.

Ang kanilang mga tono ay puno ng paggalang.

Ang malamig na bata ay hindi sila pinansin nang siya ay mag-isang lumakad patungo kina Li Fei at Duan Ling Tian.

Nang inaasahan nilang babatiin niya si Li Fei, isang hindi kapani-paniwalang eksena ang nangyari.

"Ikaw si Duan Ling Tian? Ako ay interesadong interesado sa iyo. "

Ang malamig na mga mata ng bata ay napunta kay Li Fei, at ang kanyang matutulis na mga mata ay kumutitap nang puno ng determinasyon.

"Patawad, ngunit hindi ako interesado sa iyo... Ang aking orientation ay lubos na normal." Nang sabihin ito ni Duan Ling Tian, ​​itinaas niya ang kamay na hawak-hawak ang maliit at mala-jade na kamay ni Li Fei at ngumiti.

Namula si Li Fei. Gusto niyang magpumiglas, ngunit napansin niya na ang kamay ni Duan Ling Tian ay tulad ng isang iron pincer...

"Ang aking orientation ay normal din... Li Fei, isa sa tatlong pinakamaganda ng Aurora City, mayroon kang isang karapat-dapat na reputasyon.

Ang mga sulok ng bibig ng malamig na bata ay bahagyang nanginig. Ang kanyang titig ay napunta mula kay Duan Ling Tian patungo kay Li Fei nang siya ay tumango, pagkatapos ay lumakad siya patungo sa pinakaloob na pergola sa Star Observation Platform.

Iyon ang lugar na pinagpapahingahan ng host.

Sa Star Observation Platform, ang lahat ng mga bata na naroon ay 'di makapaniwalang tumingin kay Duan Ling Tian.

Ang batang Body Tempering na ito ay sineseryoso ng malamig na bata? Ito ay higit pa sa kanilang inaasahan.

"Sino ang bata na ito?"

"Ika-siyam na antas ng Body Tempering Stage... Maaari kaya na siya ay ang disipulo ng Branch Family na si Duan Ling Tian na nakakuha ng second place sa Martial Meet ng Li Clan isang buwan na ang nakalilipas?"

"Hindi iyon maaari. Ayon sa aking nalalaman, dapat mayroong limang disipulo na Core Formation sa buong nakababatang henerasyon ng Li Clan."

"Oo nga, paano nila hinayaan ang isang disipulo sa ikasiyam na antas ng Body Tempering na makuha ang second place kahit mayroon naman silang limang mga disipulo ng Core Formation na sumali? Ito ay imposible at hindi ako naniniwala dito!"

"Narinig ko rin ang balita na ito, at hindi ako ay naniniwala! Siguradong may isang bagay na nangyari sa likod ng eksena."

"Sa tingin ko rin. Si Young Master Yu siguro ay nanduga rin, kundi ay hindi niya bibigyan ng espesyal na paggalang ang batang ito."

...

Ang mga bata ay tumingin sa Duan Ling Tian na may mas masamang titig.

"Sino siya? Mukha siyang mapagmataas," Tanong ni Duan Ling Tian kay Li Fei.

"Xiao Yu, ang batang henyo na ikalawa sa Hidden Dragon List ng nakaraang taon... Sa oras na ito, siya ay labing-pitong taong gulang. Isang taon na ang lumipas mula noon, kaya ang kanyang lakas ay umunlad nang napakalaki. Sabi-sabi ng iba na siya ay malapit nang magtagumpay sa ikatlong antas ng Core Formation Stage."

Ang malinaw na mga mata ni Li Fei ay may bakas ng paggalang.

"Nakikita ko na mas malakas siya kaysa kay Li Feng ng ating Li Clan noong nakaraang taon?"

Ang mga mata ni Duan Ling Tian ay nanliit.

"Oo, tinalo niya si Li Feng gamit lamang ang siyam na galaw noong pagtitipon noong nakaraang taon... Sa wakas, dahil sa isang maliit na pagkakamali, natalo siya kay Lin Hong ng Lin Clan, na naging top ranked na batang henyo sa Hidden Dragon List. Sa oras na iyon, inamin ni Lin Hong na kung sila ni Xiao Yu magkaparehas ng edad, tiyak na mas mahina kaysa siya sa kanya."

"Si Xiao Yu ang henyo ng Martial Dao ng Xiao Clan na bihira sa loob ng isang daang taon. Kung walang mangyayaring 'di inaasahan, ang top rank ng taong ito sa Hidden Dragon List ay tiyak na magiging kanya!" dahan-dahang sinabi ni Li Fei.

"Mukhang mas malakas pa siya kaysa kay Li Qing."

Si Duan Ling Tian ay tumawa.

Inilang Li Fei ang kanyang ulo nang kaniyang sabihin, "Li Qing? Hindi man lang sila pareho ng antas. Si Li Qing ay sumali rin sa mga rangguhan na labanan ng Hidden Dragon List noong nakaraang taon, ngunit man lang siya kwalipikado na maranggo sa listahan."

"Inaamin ko, ang marinig kang magsalita nang mataas tungkol kay Xiao Yu, kahit ako ay bahagyang naiinggit."

Ang mga mata ni Duan Ling Tian ay nanliit dahil sa siya ay nagpapanggap na hindi siya masaya.

"Sinasabi ko lang ang katotohanan. Kung hindi mo nais na marinig ito, eh 'di talunin mo siya... Sa oras na iyon, ihihinto ko ang pagpuri sa kanya."

Binigyan ni Li Fei si Duan Ling Tian ng isang nagagalit na sulyap.

"Kung matalo ko siya, may mga gantimpala ba?" Tanong ni Duan Ling Tian.

"Anong masasamang mga ideya ang iniisip mo?" Maingat na sabi ni Li Fei.

"Anong masasamang ideya ang aking iniisip... Mukhang sa tingin mo ay kaya ko siyang talunin, o kung hindi ay hindi ka magiging maingat sa akin."

Tumawa si Duan Ling Tian.

Nang napansin si Duan Ling Tian na ginagamit ang pagkakataong patuloy na makipaglandian sa kaniya, si Li Fei ay bahagyang hindi makapagsalita.

"Si Li Qing ay dumating na!"

"Si Li Qing ay ang champion ng Li Clan Martial Meet isang buwan na ang nakalipas. Siya ang ganap na karapat-dapat na champion ng nakababatang henerasyon ng Li Clan! Sabi nila, ang kanyang cultivation ay nakayapak na sa ikalawang antas ng Core Formation Stage."

"Ikalawang antas ng Core Formation Stage? Hindi ba parehas sila ni Young Master Yu?"

"Kahit na pareho sila na ikalawang antas ng Core Formation Stage, mayroong pa rin silang kaibahan... si Young Master Yu ay nakapagcultivate ng tatlong high grade Profound Rank martial skills; ang kanyang offensive martial skill ay nacultivate na sa yugto ng pagiging perpekto, at ang kanyang defensive martial skill at movement technique ay parehong nacultivate na sa yugto ng pagkadalubhasa."

"Tama, kamakailan lamang nakayapak si Li Qing sa ikalawang antas ng Core Formation Stage; Gayunpaman, si Young Master Yu naman ay nagtagumpay noong isa't kalahating taon na ang nakalilipas."

"Isang taon na ang nakalipas, si Young Master Yu ay niraranggo bilang ikalawa sa Hidden Dragon List habang si Li Qing ay wala pa rin sa kwalipikasyon na maranggo... Ang pagkakaiba sa pagitan nilang dalawa ay tulad ng langit at lupa!"

...

Ang bata na may puting kasuotan na dumating nang mag-isa ay narinig ang mga talakayan ng mga tao sa Star Observation Platform.

Ang kanyang ekspresyon ay dahan-dahang nagdilim.

"Xiao Yu!"

Ang kanyang tingin ay napunta sa pinakaloob na pergola patungo sa anino ng malamig na bata na nasa loob nito.

Ngunit sa kasamaang-palad, mula nang siya ay lumitaw, hindi man lang kahit isang beses na tumingin si Xiao Yu patungo sa kaniyang direksyon.

Ang titig ni Li Qing ay bahagyang naging malamig.

Nagtakda siya ng isang target para sa kanyang sarili bago dumalo sa pagtitipon ngayong taon.

Ang talunin si Xiao Yu at maranggo sa tuktok ng Hidden Dragon List!

"Xiao Yu, hahayaan muna kitang maging kampante sa ngayon, ngunit tiyak na matatalo kita... sigurado!"

Ang mga mata ni Li Qing ay napuno ng malakas na liwanag.

"Hmm?"

Sa mabilis na sandali, ba parang may napansin siyang kung ano, ang tingin ni Li Qing ay napunta sa bata at dalagita na nasa kaniyang harapan.

Ang isang bata na may damit na kulay-lila at isang dalagita sa mga damit na bahagyang kulay-lila ay nakatayo nang magkakasama; mukhang sila ng isang pares, isang makalangit na pares.

Lalo na't ang kanilang mga kamay ay magkahawak...

"Fei Fei!"

Ang isang nagbabagang galit ang lumitaw sa puso ni Li Qing. Hindi na niya ito matiis at direktang lumakad palapit.

"Ilayo mo ang iyong mga kamay, kundi ay ilulumpo kita!"

Ang malamig na titig ni Li Qing na puno ng kagustuhang pumatay ay napunta sa bata na nakadamit na kulay-lila, na tila handa siyang lamunin.

"Nagtataka ako, paano mo pinaplano na lumpuhin ako?"

Si Duan Ling Tian mapang-asar na ngumiti na parang hindi niya pinansin ang banta ni Li Qing.

"Tinatawag mo ang kamatayan!"

Ang kanang kamay ni Li Qing ay napuno ng Origin Energy at ang kanyang mga mata ay naglabas ng lamig habang naghahanda siyang umatake kay Duan Ling Tian.

"Li Qing! Sinabi na ko sa iyo, hinding hindi ako sasama sa iyo, kaya't itigil mo na ang pag-aaksaya ng oras sa akin."

Ang ekspresyon ni Li Fei ay naging seryoso nang siya'y nagalit.

"Fei Fei, sa sandaling malumpo ko ang basura na ito, ay malalaman mo kung sino ang karapat-dapat bilang iyong lalaki."

Si Li Qing ay huminga nang malalim. Nadama niya na mahirap pigilan ang galit sa kanyang puso.

Nang siya ay humakbang palapit, ang kanyang nakakatakot na tindig ay tila tumagos sa kalangitan!

"Li Qing!"

Sa sandaling ito, ang isang napakalamig na tinig ang maririnig, na nagsanhi ng pagtigil ni Li Qing.

"Li Qing, kung naglalakas-loob kang umatake bago magsimula ang pagtitipon, hinihiling ko na umalis ka, at ang Hidden Dragon List ng taong ito ay hindi na maiuugnay sa iyo."

Hindi alam kung kailan, si Xiao Yu ay lumapit nang may malalaking hakbang, ang kanyang tinig napakalamig at tila makabutas-buto.

Next chapter