1 Weapons Specialist - Ling Tian

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Biglang nagising si Ling Tian sa isang silid na mala antigo ang itsura.

"Hindi ito maganda, Nahulog ako sa isang patibong!"

Hindi man lamang niya nabuksan ang kanyang mga mata nang hinampas niya ang kanyang mga kamay sa sahig para makabangon at makaalis...

Isa ito sa pangkaraniwang reaksyon ng isang magiting na miyembro ng Special Forces!

Noong lumapat ang kanyang mga kamay sa sahig ay may naramdaman siyang matinding pananakit sa kanyang kamay na sinundan ng sobrang panghihina.

<Paano ako nanghina ng ganito?!>

Binuksan ni Ling Tian ang kanyang mga mata habang ang kanyang isip ay nanginginig.

"Gising ka na sa wakas Tian"

Mula sa isang mahinahon at kaaya-ayang boses ng isang babae ang bigla niyang narinig sa kanyang mga tainga.

Biglang napatingin si Ling Tian sa pinanggalingan ng boses na kanyang narinig at doon niya nakita ang isang mahinhing mukha na punong puno ng pagmamahal na nakatingin sa kanya.

At nakita niya ang isang makapigil-hininga at napakaklasikal na kagandahan.

<Anong nangyari?< p>

Hindi ba dapat ay bitayin na ako sa pamamagitan ng firing squad dahil nahuli ako sa patibong ng mga taga R?>

Sa isip ni Ling Tian ay may mga pamilyar na mga ala-ala ang biglang nagpakita

Ling Tian na taga Hua.

Na dating nagsilbi sa Elite Wolf Fang Special Forces, Army Division ng Hua. Na kung saan siya ay nagpakita ng hindi mabilang na magigiting na mga bagay sa kanyang serbisyo.

Siya ay sumali sa International Special Forces Competition, At napanalunan ang award na top individual combatant at tinagurian siya na "Hari ng mga Weapons Specialists."

Kasunod nito ay ang pagbuwis ng buhay ng isa niyang kasamahan dahil sa isa lang niyang maliit na kamalian noong sila ay nasa isang SSS ranked multinational mission.

At dahil sa konsensyang na bumabalot sa kanya ay napagpasyahan na niyang magretiro sa Wolf Fang Division

Pagtapos nito ay nawalan na sila ng balita tungkol sa kanya sa loob ng maikling panahon. Pinili niyang mag-abroad at maging alas ng isang kilalang organisasyon ng mga mersenaryo sa buong mundo.

Anumang misyon na kanyang salihan ay may di mapantayang pagtatagumpay!

Kahit na kinailangan niyang magretiro sa Wolf Fang Division maraming taon na ang nakalilipas, ang kanyang puso ay mananatili sa kanyang sinilangang-bayan.

Kung ang misyon naman ay makakapaminsala sa bansang Hua, Bukod sa pagtanggi niya sa misyon ay ilalabas niya kung sino ang nagbigay ng misyong iyon at brutal niyang papatayin ito.

Sa paglipas ng panahon ay naging balakid siya sa lahat ng bansa maliban na lamang sa bansang Hua.

Nagmistula siyang time bomb sa mga mata ng ibang mga bansa.

Saan man siya magpunta ay mayroong magaganap na madugong patayan.

Iba't ibang bansa ang nagbalak na patayin siya at kumuha ng mga world-class assassins sa anumang halaga.

Ngunit lalo pang naging maginhawa ang buhay ni Ling Tian sa mga sumunod na araw at ang mga assassin ay biglang naglaho sa ihip ng hangin. Hanggang sa wala ng assassin ang tumanggap ng tinatawag nilang "Suicide Mission"

Sa pagsubok na patayin si Lin Tian ay walang pinagkaiba sa pagpapakamatay!

Yan ang tinanggap ng parehong mga assassin at mga mersenaryo sa buong mundo.

Si Ling Tian ay hindi lamang isang magaling na weapon specialist, isa rin siyang maestro sa larangan ng Form at Will Boxing na nagawa pang palakasin ang kanyang internal energy.

Madalang lamang siya na makakita ng makakalaban sa buong mundo. At kahit na makakita man siya ay hindi siya natatalo!

Nang hindi nagtagal ay nakatanggap si Liang Tian ng balita mula sa kanyang pinaka pinagkakatiwalaang broker.

Lumikha ang R Nation ng isang uri ng walang kulay at lasang biological weapon. Binabalak nila itong ipasok sa bansang Hua upang magsimula ng matinding sabwatan.

Natural na hindi niya ito hinayaang mangyari.

Agad siyang kumilos!

Sa tulong ng kanyang broker ay natunton niya ang lugar kung nasaan nakatago ang sinasabi nitong biological weapon.

Matapos ang madugong pakikipaglaban niya papunta sa isang underground laboratory at bago niya pa man masira ang isang batch ng biological weapon ay biglang nagsara ang mga lagusan sa underground laboratory at siya ay natrap dito.

Noong makita niya ang mga taga R na may mga dalang armas na isa isang lumitaw sa labas ng laboratory ng isa isa ay naintindihan na ni Ling Tian ang mga pangyayari.

Isa itong sabwatan… isang sabwatan laban sa kanya.

Siya ay pinagtaksilan ng taong pinagkakatiwalaan niya ng lubos!

Kung hindi lamang sa kanyang makitid na pangintindi sa mga pangyayari sa kanyang paligid ay hindi sana nagtagumpay ang sabwatang ito ng mga taga R.

<Bakit?! >

Kahit na mamatay pa siya ay hindi pa rin ito maiintindihan ni Ling Tian.

<Matapos ang napakaraming taon na umasa tayo sa isa't isa panahon ng hirap, Kuya Jian, bakit mo ako nagawang pagtaksilan?!< p>

Hindi ko lubos maisip na ako na si Ling Tian, na hindi kayang hadlangan ng kahit na sino ay babagsak sa kamay ng aking pinaka pinagkakatiwalaang kapatid sa bandang huli.

Nakakatawa, sobrang nakakatawa!

Gayon pa man, hindi ako nawalan!

Sa buong buhay kong ito, na kung saan ang bilang ng mga terorista, mga tiwaling opisyal, at iba't ibang uri ng special agents ang nangamatay sa aking mga kamay ay umabot na sa sampung libo…

Patas na!

Ito ay sapat na!>

"Ha ha ha ha…"

Habang ang kanyang mga bagay bagay ay dumadaloy sa kanyang isipian, hindi napigilan ni Ling Tian at bigla siyang tumawa ng malakas; at siya ay napuno ng galak.

"Tian, anong nangyayari sa iyo? Wag mong takutin ang iyong ina."

Sabi ng mahinahong boses na muling nagsalita, ngunit balot na ngayon ng pagkabalisa

Napakagulo na ng isip ni Ling Tian…

Sigurado siyang hindi niya makilala ang babae na nakikita ng kanyang mga mata.

Gayunman ay nakita niya ang katapatan sa mga mata ng babae na parang nakatingin siya sa isa niyang kamag-anak.

<Sino siya?< p>

Tinatawag niya ang sarili niyang aking "Ina" at tinawag niya akong Tian…

Ang "Ina" ba ay isang pangalan na matatawag mo ang iyong sarili!?>

Noong naghahanda si Ling Tian na makipagtalo sa babaeng ito ay biglang dumaloy sa kanyang isipan ang napakaraming ligaw na ala-ala…

Tuluyan siyang natigilan na para bang tinamaan ng isang kidlat ng lagyan ng malakas na puwersa ang kanyang mga acupuncture points.

<Aaa…Ako ba'y nakatawid na sa ibang mundo?< p>

Ang mundong ito ay kapareho sa mga sinaunang panahon sa nakaraan kong buhay.

Sa mundong ito ay laganap na laganap ang mga martial artist, at kinahahangaan nila ng husto ang mga pinakamalalakas.

At hanggang ikaw ang pinakamalakas, lahat ng kinauukulan dito ay yuyuko sa harapan mo, kabilang na ang mga pinakamatataas na pinuno.

Gayunman, kahit na sabihin nating nakatawid ako papunta sa mundong ito, ang pagsanib sa kahit sino rito ay walang problema… pero paano na lamang kung sumanib ako sa isang malas na lalaki??>

Ang nagiisang bagay na nakapagpalugod kay Ling Tian ay ang isang lalaki na nagngangalan ding Ling Tian…"Duan Ling Tian"

Duan Ling Tian isang 15 taong gulang na binata.

Isa siyang miyembro ng pamilyang Li na nagdadala ng ibang apilyedo sa isang bayan na kung tawagin ay Fresh Breeze Town.

Ang kanyang ina na si Li Rou ay ang ika siyam na nakatatanda sa pamilyang Li.

Ang kanyang ama… ay wala kahit sa kanyang mga ala-ala.

<Single parent na pamilya?< p>

Mabuti na lang ay mayroon siyang ina na magmamahal sa kanya kaysa sa dati kong buhay kung saan isa lamang akong ulila.>

Habang dudugtong dugtong niya ang mga bahagi ng kanyang mga ligaw na ala-ala sa kanyang isipan ay nalaman ni Ling Tian ang rason kung bakit malubhang nasugatan at nakaratay na sa kama si Duan Ling Tian.

Nitong umaga lamang, ang bunsong anak ng ikapitong nakatatanda sa pamilyang Li na si Li Xin ay ininsulto si Duan Ling Tian sa pagtawag nito sa kanya na anak sa labas at ang alam lang daw niya ay kung sino ang kanyang ina at hindi ang kanyang ama.

Agad na nagalit si Duan Ling Tian at nagsimulang makipag-away kay Lin Xi…

Pero paanong nagawa ni Duan Ling Tian na matumbasan si Li Xin na nakarating na sa level two ng Body Tempering Stage nang hindi nararating ang kanyang sariling Body Tempering Stage. Agad siyang nasaktan ng husto ni Li Xin at napunta sa bingit ng kamatayan.

Sa huling hininga na ni Duan Ling Tian ay agad itong sinaniban ni Ling Tian. Siya na ang pumalit at namahala sa buong katauhan ni Duan Ling Tian kabilang na ang katawan at mga ala-ala nito.

<Walang kwenta, napakawalang kwenta!< p>

Tama na. Wala nakong gana na bugbugin ka pa… Rest in peace. Tutulungan na lamang kita alagaan ng husto ang iyong ina sa hinaharap.>

Napabuntong hininga na lamang si Ling Tian noong matapos na niya mabuo ang kanyang mga ligaw na ala-ala

Alam niya na mula ngayon ay gagamitin na niya ang buong katauhan ni Duan Ling Tian para mapabilang siya sa dayuhang mundong iyon.

At mula ngayon ay siya na si Duan Ling Tian at si Duan Ling Tian ay magiging siya na.

<Humph!< p>

Kung hindi lang ako pinagtaksilan ng taong iyon, nag eenjoy pa sana ako sa kumportableng buhay sa Daigdig na kung saan ako ay hindi nauubusan ng mga babae o ng pera.>

"Madam, nagpadala po ang ama ng gamot sa inyo."

Isang boses ang dumampi sa dulo ng kanyang mga tainga na nagpatingin kay Duan Ling sa pinanggalingan ng boses na iyon.

Isang binibining tagapaglingkod ang mabilis na pumasok sa silid at ibinigay ang isang maliit at magandang kaha sa mga kamay ni Li Rou.

Ang amoy ng gamot na ito ay agad humalo sa hangin nung mabuksan ang kaha.

"Halika rito Tian, Inumin mo na itong tableta ng gamot. Gagamutin ng iyong ina ang iyong mga sugat"

Nilabas ni Li Rou ang isang maitim na tableta mula sa kaha at hinawakan ito papunta sa bibig ni Duan Ling Tian.

<Isa ba itong tableta ng gamot?< p>

Napakabango.>

Huminga ng malalim si Duan Ling Tian at ininom ang tableta.

Agad na nalusaw ang tableta sa loob ng bibig niya at naging isang mainit na likido na dumaloy sa kanyang katawan.

Pagkatapos ay napansin ni Duan Ling Tian na nilagay ni Li Rou ang kanyang kamay sa kanyang dibdib.

Ang mainit na likido ay nalusaw at naging napakalamig na likido na gumamot sa kanyang mga sugat.

<Isa ba itong 'Origin Energy'?< p>

Parang katulad ito ng internal energy mula sa dati kong buhay.>

Matapos ang isang oras ay natapos na si Li Rou.

Napansin ni Duan Ling Tian na kalahati ng kanyang mga iniindang sakit ay nawala na ng tuluyan.

Ikinagulat niya ito.

Ang kanya bang ininom ay isang uri ng salamankang gamot ng buhay?

Samantala, napansin ni Duan Ling Tian na namumutla si Li Rou. Napakalamig din ng mga pawis nito na tumutulo sa kanyang noo. Malamang ay napakarami ang nagamit nitong Origin Energy upang magamot sa kanyang mga sugat.

"Ayos lang po ba kayo ina?"

Biglang uminit ang pakiramdam ni Duan Ling Tian sa kanyang puso.

Ang kanyang boses ay taos-puso na walang bahid ng pagkukunwari.

"Ayos na si ina. Kailangan ko na ring magpahinga ng kaunti."

Tumango si Li Rou habang nakangiti.

Para sa kapakanan ng kanyang anak ay wala lamang sa kanya ang paggamit ng kanyang kaunting Origin Energy.

Makalipas ang kalahating oras ay pumasok sa loob ng silid ang binibining tagapaglingkod at mahinang sinabi na "Nagpadala po ang ama ng tao upang alamin kung puwede niyo na po bang pakawalan ngayon ang panginoong Xin. Naghihintay po sa Bulwagan ng Kaparusahan si Li Xin at ang ikapitong nakatatanda."

"Pakawalan siya? Sabihin mo sa taong ipinadala ng ama na ako mismo ang bahala sa pangyayaring ito!"

Biglang nawala ng tuluyan ang mahinahon at mabait na itsura ni Li Rou at napalitan ito ng napakalamig na itsura na nagpalamig ng bahagya sa silid.

Nagkaroon ng matinding kaba si Duan Ling Tian.

Hindi lamang niya maisip na ang isang napakagandang babae na maihahalintulad sa isang bulaklak ay iba rin kung magalit.

"Ina, ano po ang tabletang ibinigay mo po sa akin kani-kanina lang? Nararamdaman ko pong malapit nang gumaling ang aking mga sugat."

Bumangon na sa higaan si Duan Ling Tian at unti unti niyang inuunat ang kanyang katawan.

"Lokong bata ito. Isa yung 'Grade Eight Gold Injury Pill" sabi ni Li Rou habang nakangiti.

Grade Eight Gold Injury Pill!

Tinuon agad ni Duan Ling Tian sa kanyang mga ligaw na ala-ala ang kanyang isipan.

Iyon pala ay kahit na sa buong pamilya ng Li sa loob ng Fresh Breeze Town ay mayroon dalawang Grade Eight Gold Injury Pills lamang, na sa ngayon ay nagamit na ang isa ng mga ito sa kanya, na may ibang dinadala na apilyedo.

Mukhang mataas ang katayuan ng kanyang ina sa pamilyang Li.

"Halika na Tian, Naghihintay na sa atin ang ama"

Dinala ni Li Rou si Duan Ling Tian sa isang napakalaking patyo na pag-aari ng pamilya Li.

Iba't ibang gamit pang torture ang nakalatag sa loob napakalawak na patyong ito.

Dito nagaganap ang paparusa sa mga miyembro ng pamilyang Li. Tinatawag nila itong Bulwagan ng Kaparusahan!

Tirik na tirik ang araw nung tanghaling iyon…

Napalibutan ang paligid ng bulwagan ng maraming tao. Dumalo rin ang mga miyembro ng pamilya Li upang manood dito.

Sa gitna ng bakuran ay may nakagapos na isang binatilyo at dalawang nakatatandang mga lalaki na nakatayo sa kanyang magkabilang gilid.

Ang duling na nakatatandang lalaki sa kanyang kanan ay nagpakita ng galit noong makita niya ang pagdating nina Duan Ling Tian at ng kanyang ina.

"Dumating na si Duan Ling Tian… Sadyang napakalakas ng epekto ng pinaka kinaiingatan ng pamilyang Li na Grade Eight Gold Injury Pill sa kanya!"

"Oo, nandoon ako noong binubuhat ang naghihingalong si Duan Ling Tian. Pero ngayon matapos niyang inumin ang Grade Eight Gold Injury pill ay bumalik siya sa dati niyang lakas at sigla."

"Pangkaraniwan ay talagang inaapi ni Li Xin si Duan Ling Tian at walang anumang reaksyon ang ika siyam na nakatatanda tungkol dito. Ngunit ngayon matapos malagay ni Duan Ling Tian sa bingit ng kamatayan sa dami ng kanyang mga natamong sugat, ay malamang na magagalit talaga ang ikaw siyam na nakatatanda."

Isa isang nagbulungan ang mga miyembro ng pamilya Li noong Makita nila ang pagdating nila Li Rou at Duan Ling Tian.

"Ama!"

Dinala ni Li Rou si Duan Ling Tian sa nakatatandang lalaki sa kaliwa upang magbigay pugay.

"Ika siyam na nakatatanda, tungkol sa mga pangyayaring ito ay mali talaga ang aking anak na si Li Xin. Ang iyong anak naman ay magaling na ngayon pero ang aking anak ay nakabilad pa rin sa ilalim ng araw buong maghapon. Puwede ba nating alisin na siya doon?"

Sa sandaling ito ay dumilim ang itsura ng ika pitong nakatatanda sa pamilya Li na si Li Kun.

Sinong mag aakala na hindi man lamang siya sinagot ni Li Rou at hindi lang niya lamang ito pinansin.

Dinala ni Li Rou si Duan Ling Tian sa Harap ng nakagapos na si Li Xin.

"Oras na para magbayad siya sa mga nagawa niya sa iyo Tian!"

avataravatar
Next chapter