14 Violet Meteoric Iron

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Anong klaseng espada ang gusto mo, Ke Er?"

Tanong ni Duan Ling Tian sa batang babae na kanyang katabi nang sila ay lumakad palayo sa lugar ng Li Family.

Kaya sila lumabas ngayon ay upang bilhan ng ispada ang batang babae.

Siya ay nagcucultivate sa Frost God's Sword Technique, isang paraan ng sword cultivation.

Kahit na kailangan macultivate ang Frost God's Sword Technique sa Core Formation Stage bago magkaroon ng matching sword art, gusto ni Duan Ling Tian na maging pamilyar ang batang babae sa mga ispada sa lalong madaling panahon.

Ang ispada ay ang ninuno ng mga armas. Isang magaling na sword cultivator lamang ang may kakayahang mailabas ang buong lakas ng isang ispada kung ito'y kanilang mauunawaan.

"Hindi sigurado si Ke Er. Siguro mas mabuti na ang young master na lang ang pipili para sa'kin."

Bahagyang napailing ang batang babae.

Tumango naman si Duan Ling Tian.

Sa likod ng mga titig ay puno ng paghanga o 'di kaya ay inggit sa marketplace ng Li Family. Naglakad si Duan Ling Tian patungo sa Li Family Weapon Store habang hawak-hawak ang malambot na kamay ng batang babae.

"Young Master Tian!"

Nang sila'y makapasok sa Li Family Weapon Store, isang bata ang naglakad patungo sa kanila at magalang silang binati.

"Naaalala mo 'ko?"

Bahagyang namangha si Duan Ling Tian.

"Young Master Tian, isa akong miyembro ng Li Family Branch family member. Ako'y nagbakasyon ng kalahating araw sa aking trabaho para lamang mapanood ang laban niyo ni Li Jie. Napakalakas ni Young Master Tian na kahit si Li Jie ay walang laban sa'yo."

Bahagyang ngumiti ang bata.

"Sinwerte lang ako."

Napailing si Duan Ling Tian at ngumiti.

"Gusto ko bumili ng magandang ispada. Mayroon ka bang mairerekumenda?"

Sinabi ni Duan Ling Tian ang kanyang layunin sa pagpunta.

"Para ba sa'yo ito, Young Master Tian?"

Nakangiting tanong ng bata.

"Hindi, para ito sa aking Ke Er."

Umiling si Duan Ling Tian.

Nang marinig niyang siya'y para kay Duan Ling Tian, napataas ang mayabong na kilay ng batang babae, napakurap na lamang siya, at bakas ang kulay ng rosas sa kanyang mukha. Siya ay kumikinang at para bang napakadali niyang akitin sa isang pitik lamang.

"Dito po ang daan, Young Master Tian."

Napasulyap lamang ang bata sa batang babae bago ito nagpatuloy. Natatakot siya na baka magalit niya ang batang babae kapag siya'y nagtagal sa pagtitig.

Pagkatapos ay dinala niya ang dalawa sa lalagyan ng mga armas sa gilid.

Iba't ibang klase ng ispada ang nakalagay sa lagayan.

Si Duan Ling Tian, na siyang humalo sa alaala ng Rebirth Martial Emperor, ay sinulyapan lamang sa mga ispada bago malaman ang pinagkaiba ng kalidad ng mga ispada.

Sa wakas, napunta ang kanyang tingin sa ispada na gawa sa kulay lila na materyales.

Isa itong maliit, napakaganda at maikling ispada. Ang rason kung bakit ito ang kanyang nagustuhan ay hindi dahil sa ganda nitong pisikal, kundi dahil sa materyal kung saan ito gawa...Violet Meteoric Iron!

Kapag ang Violet Meteoric Iron ay napino ng isang Weapons Craftsman, ito ay nagiging isang hindi pangkararaniwang crafting material na kilala bilang Violet Meteorite.

50 grams pa lamang ng Violet Meteorite ay nagkakahalaga na ng malaking salapi, at itong maikling ispada ay maaaring mapulido upang maging 350 hanggang 400 grams ng Violet Meteorite.

Bahagyang bumilis ang tibok ng puso ni Duan Ling Tian.

Itong ispada ay gawa ng Violet Ore, Young Master Tian. Ito ay napakatibay at mas malakas ng kaunti sa Fine Steel Sword.

Pagpapakilala ng bata tungkol sa ispada.

Mas malakas ng kaunti sa Fine Steel Sword?

Natawa si Duan Ling Tian sa kanyang isipan. Sinong mag-aakalang ang Violet Meteoric Iron ay mapagkakamalang Violet Ora sa Weapon Store ng Li Family?

Totoo nga na halos parehas ang itsura ng Violet Meteoric Iron sa Violet Ore, ngunit ang presyo nito ay may napakalaking pagitan.

Dagdag pa rito, kung ang Origin Energy ay dumadaloy sa maikling Violet Meteoric Iron na ispada, hinding-hindi ito masisira kahi na ito'y subukang biyakin ng daan-daang Fine Steel Swords.

Totoong ito'y isang nakatagong hiyas!

Ang Violet Meteorite na pinino mula sa Violet Meteoric Iron ay tiyak na isang bagay na tanging may sapat na kaalaman sa weapons craftsman lamang ang makakaalam at makakakilala.

Ngunit ang Violet Meteoric Iron naman ay mahirap makilala kahit para sa mga graded weapon craftsman, paano pa kaya ang mga blacksmith ng Li Family Weapon Store.

"Magkano itong ispada?"

Tinago ni Duan Ling Tian ang galit na kanyang nararamdaman at kalmadong sinabi.

"Dalawang daang pilak."

Sabi ng bata, at kanyang dagdag:

"Young Master Tian, dahil hindi ka naman tagalabas, sasabihin ko sa'yo ang katotohanan. Bukod sa panlabas nitong anyo, ang ispadang ito ay lubos na mas mahina pa sa Fine Steel Sword. Ang Fine Steel Sword ay eksaktong tatlong-talampakang-haba na ispada na kayang hiwain ang bakal nang walang kahirap-hirap, at doble pa ang haba noon sa haba ng ispada na ito ngunit iyon ay isang daan at walampung pilak lamang.

"Gusto mo ba iyon, Ke Er?"

Tanong ni Duan Ling Tian sa batang babae sa kanyang tabi.

"Masyadong mahal, Young Master."

Ang titig ng batang babae ay matagal nang naaakit sa napakagandang itsura ng maikling lilang ispada, ngunit nabigla nang marinig ang presyo nito.

Natawa si Duan Ling Tian sa kanyang isipan. Kung alam lamang ng batang babaeng ito kung gaano kamahal ang Violet Meteorite na maaaring mapino mula sa Violet Meteoric Iron Sword na ito... naiisip na lamang niya kung ano ang maiisip ng batang babae.

"Bibilhin ko itong maikling ispada, ngunit mayroon lamang akong isang daang pilak... Paano kung dalhin mo ang Fine Steel Sword at hanapin mo ako kapag nakabalik ka na galing sa lugar ng Li Family. Matapos ay saka lang kita babayaran ng dalawang daan at walumpung pilak. Ano sa tingin mo?"

Tumingin si Duan Ling Tian sa bata.

"Walang problema."

"Madaliang tumango ang bata."

Si Duan Ling Tian ang anak ng Ninth Elder ng Li Family, kaya ang bata ay tiwala sa mga salita ni Duan Ling Tian.

"Ito ang kauna-unahan mong ispada, kaya dapat alagaan mo itong mabuti... Bilang isang sword cultivator, ang pinakaimportante ay dapat mahalin mo ang iyong ispada na parang pagmamahal mo sa iyong buhay. At sa mga maling kasabihan na, 'kapag nariyan ang ispada, ang sword cultivator ay nabubuhay,''wag mo itong paniniwalaan.

Matapos matanggap ang maikling lilang ispada mula sa bata, pinasa ito ni Duan Ling Tian sa batang babae."

"Opo, Young Master."

Tinanggap ng batang babae ang maikling ispada mula kay Duan Ling Tian at sobra niya itong hinangaan.

Ang maganda niyang mukha ay puno ng kasiyahan.

Nang sila ay umalis sa weapon store ng Li Family, isinama ni Duan Ling Tian ang batang babae upang lumibot sa marketplace.

Bumili siya ng mga maliliit na kagamitan para sa batang babae bago sila tuluyang bumalik sa lugar ng Li family

Nang sila ay dumating sa pasukan tungo sa lugar ng Li family, huminto saglit si Duan Ling Tian at sumulyap sa kanto na nasa kanyang likuran.

Sa malayo ay may makikitang malabong anyo na biglang nawala nang sumulyap si Duan Ling Tian.

"May mali ba, Young Master?"

Tanong ng batang babae.

"Wala, pumasok na tayo."

Umiling si Duan Ling Tian.

Matagal na niyang napapansin ang taong iyon. Matagal na siyang sinusundan nito mula marketplace ng Li Family hanggang dito.

Hawak-hawak ang kamay ng batang babae habang papunta sa lugar ng Li Family, si Duan Ling Tian ay bahagyang nakangiti.

Sa oras na ito, dapat ay naroon na ang kanyang ina sa family meeting...

Sa isang napakalawak na kuwarto sa lugar ng Li Family.

Mula sa Patriarch na si Li Nan Feng hanggang sa Grand Elder na si Li Huo, lahat ng Li Family Elders ay nagsama-sama rito.

Pati ang Seventh Elder na ang anak ay nalumpo ay narito rin.

Umiwas ng tingin si Li Kun mula sa isang magandang babae. Siya ay ang Ninth Elder, si Li Rou.

"Mga kapwa ko Elders, ang rason na nagtipon tayong lahat ngayon para sa emergency meeting upang pag-usapan ang paglumpo ni Duan Ling Tian kay Li Jie. Tungkol dito, meron ba kayong mga opinyon na nais niyong ipamahagi?"

Diretsong tanong ng Patriarch na si Li Nan Feng.

Ang mga mata ng lahat ng Elder ay napunta sa Grand Elder na si Li Huo.

Kung walang masabi ang Grand Elder, kahit sila ay hindi magmamataas.

Sa aking opinyon, nararapat lamang na parusahan na'tin ang batang si Duan Ling Tian. Napakawalang awa sa kanyang murang edad; kung walang gagabay sa kanya, sinong makapagsasabi kung anong kapahamakan ang maaaring niyang idulot."

Sabi ni Li Huo.

"Ang Grand Elder ay talagang makatarungan!"

Ang Sixth Elder na si Li Ping ay daliang binola ang Grand Elder, hindi kinakalimutang tumingin nang masaya sa Fifth Elder na si Li Ting.

"Ngayong araw, hindi lamang nagpamalas ng pagiging walang awa si Duan Ling Tian sa pagbali ng braso ni Li Jie, ngunit siya ay sumobra pa at tuluyang dinurog ang buto sa likuran ni Li Jie, na nagsanhi sa kanyang tuluyang pagkalumpo... Si Li Jie ang dalubhasang martial artist na ang buong Li Family ay nagpakahirap upang malinang. Sa paglumpo sa kanya, nagsanhi lamang si Duan Ling Tian ng malaking kawalan sa Li Family. Para sa'kin ay dapat siyang paruhasan nang matindi!"

Dagdag ni Li Ping.

"Sixth Elder, sinabi ko na 'to kanina, ngunit si Duan Ling Tian ay level three pa lamang sa Body Tempering stage at si Li Jie naman ay nasa level four na sa Body Tempering stage. Ang katotohanan na hindi agad sumuko si Li Jie matapos mabali ang kanyang braso ay nagpapakita lamang ng malaking babala tungo kay Duan Ling Tian. Dahil ditto, sa tingin ko ay walang maling nagawa si Duan Ling Tian at wala siyang patakarang nilabag!"

Mahinang sabi ng Fifth Elder na si Li Ting, na nakikipagtalo pabor kay Duan Ling Tian.

"Ayon sa iyo, Fifth Elder, na kapag naglalaban ang mga disipulo, basta't hindi nila papatayin ang isa't isa, ay pwede na nilang apak-apakan at lumpuhin ang kanilang kalaban?"

Malungkot na sabi ng Seventh Elder na si Li Kun.

Kapag nadurog ang buto sa likuran ng isang martial artist, ibig sabihin noon ay habang buhay na lamang siyang lumpo at wala ng kinabukasan.

Noong ang lahat ay inaasahang magsasalita ang ina ni Duan Ling Tian, ang kaniyang muka ay matiwasay, na para bang isa lamang siyang tagalabas.

Tumaas ng bahagya ang kilay ni Li Ting. Naisip niya na baka ayaw na niyang makipagtalo para sa kanyang anak.

"Mayroon pa ba kayong maidadagdag, mga kapwa ko Elders?"

Tanong ni Lin Nan Feng sa mga Elders.

"Sa tingin ko, tama ang sinabi ng Seventh Elder. Masyadong marahas at walang awa si Duan Ling Tian, tuluyan pa niyang sinira kung sino ang dapat magiging haligi ng ating pamilya. Nararapat lamang siyang parusahan!"

Ang ibang Elders ay sumuporta sa katwiran ng Seventh Elder.

Wala silang kahit anong relasyon kay Li rou o Li Kun at sila'y nagsasalita ng walang kinikilingan.

Syempre, imposibleng sabihin na wala silang kahit anong tinatagong motibo.

Sa kanilang opinyon, kahit na mas natural na talentado si Duan Ling Tian, kahit na mas talentado siya kay Li Jie, isa parin siyang disipulo na may ibang apelyido; hindi siya isang tunay na miyembro ng Li Family.

"Mahusay. Tayo na at bumoto…"

Nang sabihin ito ng Patriarch na si Li Nan Feng, huminga nang malalim ang Fifth Elder at umiling.

Ang kasalukuyang kaganapan ay hindi pumapabor kay Duan Ling Tian.

"Patriarch!"

Walang nag-akala na sa sandaling ito, ang tahimik na si Li Rou ay biglaang sasapawan si Li Nan Feng.

Ang tingin nilang lahat ay napunta sa kanya.

"May gusto kang sabihin, Ninth Elder?"

Kumunot ang noo ni Li Nan Feng nang may konting hindi pagkatuwa.

"Sigurado ako na ang Partiarch at ang kapwa kong Elders ay napansin ang mga pagbabagong nararanasan ng aking anak noong nakalipas na buwan... Maraming Elders din ang nag-akala na ang aking anak ay nakatanggap ng kung anumang kakaibang paglakas, at iyon mismo ang katotohanan.

Seryosong sabi ni Li Rou.

Nang marinig ang sinabi ni Li Rou, kahit ang Sixth Elder na si Li Ping at ang Seventh Elder na si Li Kun ay natahimik.

Gusto rin nila itong malaman.

avataravatar
Next chapter