webnovel

Top Ten ng Martial Meet

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kumitid ang dilat ng mga mata ni Duan Ling.

Ang eksaktong dahilan kung bakit niya gustong makamit ang pagkakampeon sa Clan Martial Meet ay para sa maibibigay na premyo.

Ngayon na hiniling ni Patriarch Li Ao na siya ay sumuko at ipinangako na siya ay babayaran ng parehong premyo mamaya...

Sa dami ng sinabi ni Li Ao, kahit ano pa, ay dapat niyang bigyan si Li Ao ng dignidad.

Ngunit.

Ang kaniyang katunggali ay nakatayo na ngayon sa combat arena at nakatitig sa kaniya nang malagkit. Ang bata na nakadamit ng puti na nakatingin sa kaniya na may halong lait ay nagdulot sa kaniya ng pakiramdam na hindi niya nagustuhan.

Kaya niyang isipin kung gaano magiging kampante ang bata sa sandaling tinanggap niya ang pagkatalo.

Sa mataas na plataporma.

Si Li Ao ay nagkunot-noo nang napansin niya na si Duan Ling ay hindi nadala sa kaniyang inalok. Siya ay huminga ng malalim na tila siya ay nagdesisyon sa isang bagay.

"Duan Ling Tian, maliban sa pagbabayad sa iyo para sa mga premyo ng kampeon, sa karagdagan, bibigyan kita ng isang pangako. Sa hinaharap, ako ay sasang-ayon na tulungan ka sa mga bagay na nasa loob ng aking kakayahan at naaayon sa dahilan. Paano kung ganito?

Ibinigay ni Li Ao ang huling konsesyon.

Si Duan Ling Tian ay hindi maiwasang maganyak.

Ang pangako ni Patriarch Li Ao...

Iyon ay isang bagay na kahit 10,000 ginto ay hindi mo magagawang makuha!

Hindi niya inaasahan na si Patriarch Li Ao ay magbibigay ng ganitong konsesyon upang makamit lang ni Li Qing ang posisyon na kampeon sa Clan Martial Meet.

Siyempre, kaya niyang hulaan kung bakit ito ginagawa ni Li Ao..

Ang taunang Martial Meet ng Li Clan ay palaging isang kaganapan na napakahalaga.

Kung ang kampeon ng Li Clan Martial Meet ay nakuha ng isang disipulo na may ibang apelyido, kung ang balita ay kumalat, ang Li Clan ay tiyak na pagtatawanan...

Hindi maaring tanggapin ng Li Clan ang gayong kahihiyan!

Kahit na ano pa, si Li Ao pa rin ang Patriarch ng Li Clan.

Kung nais ni Duan Ling Tian na patuloy na manatili sa Li Clan, kahit ano pa, kailangan niyang bigyan ng dignidad si Li Ao.

Bilang Karagdagan, nagbigay na si Li Ao ng ganoong konsesyon.

Kung ayaw pa rin niya, ay hindi na ito makatarungan.

"Ako'y sumusuko na!" habang lahat ay nakatingin, sinabi ni Duan Ling Tian, sa mahinanon na paraan, kasunod ay bumalik siya sa gilid ng tatlong batang babae.

Ang kaniyang layunin ay makuha ang tatlong-daan-limampung-taon gulang na Blood Lingzhi.

Ngayon na nakuha na niya ang Blood Lingzhi, maituturing na ito bilang isang kasiya-siyang resulta.

At sa reputasyon bilang kampeon, wala talaga siyang pakialam tungkol doon.

Sumusuko?

Ang mga tao na naghihintay para sa laban sa pagitan ni Li Qing at Duan Ling Tian na may matinding pagkasabik ay nagulat.

Tinanggap ni Duan Ling Tian ang kaniyang pagkatalo?

Ito...

Simula nung nagpakita si Duan Ling Tian, siya ay tila isang itim na kabayo at tinatalo lahat ng kanyang kalaban sa isang dominadong pamamaraan, nang walang takot o kahit ano pa man.

Ngunit ngayon ay tinanggap niya ang pagkatalo.

Ang ganitong uri ng malaking pagbabago ang sanhi sa karamihan ng tao na naroroon kung bakit hindi nila ito kayang tanggapin.

Sa combat arena.

Nang marinig ang pagsuko ni Duan Ling Tian, sandaling natulala si Li Qing.

"Para isipin na itinuring kita bilang isa kalaban, ngunit ngayon ay mukhang hindi ka na karapat-dapat na maging aking kalaban."

Tumingin si Li Qing sa kalapit na kabataan na may damit na lila at napapalibutan ng tatlong batang babae. Ang pagkamuhi sa kanyang mga mata ay lalong lumakas, at naglalaman ng bakas ng inggit.

Sa ibaba ng combat arena, ay mga alon ng ingay.

"Tinanggap ni Duan Ling Tian ang kaniyang pagkatalo, talagang hindi ko inakala!"

"Mali ang husga ko sa kanya. Akala ko ay mayroon siyang lakas ng loob na labanan si Li Qing."

"Para isipin na taglay niya rin ang lakas ng tatlong sinaunang mammoths; nakalilinlang nga ang mga itsura."

"Sa huli ay mayroon talagang pagkakaiba sa pagitan ng Core Formation Stage at Body Tempering Stage."

"Si Li Qing ay nararapat na maging pinakamagaling na disipulo ng Li Clan sa nakababatang henerasyon. Mayroon siyang karapat-dapat na reputasyon!"

…....

Nasa isang panig lang ang talakayan ng mga tao.

Kahit ang mga tao na may mabuting tingin kay Duan Ling Tian ay tumalikod at minaliit si Duan Ling Tian ng buong puso, habang pinupuri naman si Li Qing.

"Duan Ling Tian, bakit mo tinanggap ang pagkatalo?"

Ang magagandang kilay ni Li Shi Shi ay sumimangot, hindi maintindihan ang desisyon ni Duan Ling Tian.

Naramdaman niya rin na ang kasalukuyang Duan Ling Tian ay mas lalong hindi pamilyar ...

Ang Duan Ling Tian na kilala niya, ang Duan Ling Tian na gusto niya, ​​ay hindi ang uri ng tao na tatakbo bago ang isang labanan.

Sa isang kurap, ang imahe ni Duan Ling Tian sa kanyang puso ay dumanas nang isang mapaminsalang pagbaba.

"Naramdaman ko na magpatalo , kaya tinanggap ko ang pagkatalo," kaswal na sinabi ni Duan Ling Tian.

"Ikaw!"

Si Li Shi Shi ay natataranta at nagngangalit, nagdabog sa kanyang mga paa habang lumalakad siya palayo ng galit.

"Hindi ba kayong dalawa interesado?"

Ang mga mata ni Duan Ling Tian ay kumitid habang tinitingnan niya ang dalawang batang babae sa tabi niya na hindi pa nakapagsasalita hanggang ngayon.

"Dahil nagpasya ang Young Master na gawin ito, tiyak na ang Young Master ay may sariling mga intensyon."

Bahagyang ngumiti si Ke Er.

"Nakakuha ka ng malaking halagang mga pabuya mula sa Patriarch, tama?"

Sumulyap nang malalim si Li Fei kay Duan Ling Tian.

"Ikaw… paano mo nalaman?"

Si Duan Ling Tian ay nabigla. Siya ay tumingin sa kaakit-akit at magandang batang babae na may bahagyang pagkagulat.

Ngumiti ng mahiwaga ang batang babae.

"Fei Fei!"

"Hindi alam kung kailan, si Li Qing ay dumating sa gilid ni Li Fei, ang kaniyang nagliliyab na tingin ay papunta kay Li Fei,

Gayunman, hindi siya pinansin ni Li Fei.

"Fei Fei, itong disipulo ng Branch Family na walang lakas ng loob na labanan ako ay hindi karapat-dapat sa iyo."

Huminga ng malalim si Li Qing, ang kanyang tono ay puno ng panlalait.

Ang mga mata ni Duan Ling Tian ay lumamig.

"Li Qing, kung siya ba ay karapat-dapat sa akin o hindi ay walang kinalaman sa iyo… Pero alam ko, na hindi kita kailanman pipiliin, kaya mas maayos pa na kalimutan mo na ako at itigil mo na ang paggambala sa akin."

Mapoot na tinignan ni Li Fei si Li Qing.

"Pumunta tayo doon."

Tinawag ni Li Fei sina Duan Ling Tian at Ke Er.

Tumango si Duan Ling Tian. Bago umalis, hindi niya kinalimutan na ngumiti ng pabanta kay Li Qing.

Ang kanyang ngiti ay nagdulot kay Li Qing upang maging malungkot, at ang kagustuhang pumatay ay makikita sa kanyang mga mata.

Duan Ling Tian!

Ang kagustuhan na pumatay na lumalabas sa mga mata ni Li Qing ay napansin ni Duan Ling Tian.

Ngunit ang antas ng kagustuhang pumatay na iyon ay parang larong bata lamang sa mata ni Duan Ling Tian.

Si Li Qing ay marahil na hindi pa nakapatay ng isang tao.

Ang kanyang kagustuhang pumatay ay kulang ng uhaw sa dugo.

Kasunod ng pagtatapos ng laban nina Li Qing at Duan Ling tian, kung saan si Duan Ling Tian ay tinanggap ang pagkatalo, ang Li Clan Martial Meet ay pumasok sa katapusan nito.

Ang huling resulta ay inilabas.

Ang top ten ng Clan Martial meet ngayong taon ay:

Kampeon, Li Qing, 86 puntos

Pangalawa, Duan Ling Tian, 84 puntos.

Pangatlo, Li An, 82 puntos.

Ikaapat, Li Fei, 80 puntos.

Ikalima, Li Zhong, 78 puntos.

Ikaanim, Li Hu, 76 puntos.

Ikapito, Li Kuang, 74, puntos.

Ikawalo, Li Shi Shi, 72 puntos.

Ikasiyam, Ke Er, 70 puntos.

Ika-sampu, Li Yuan, 68 puntos.

Si Ke Er ay hindi pumasok sa arena para sa laban nila ni Li Shi Shi, direktang tinanggap ang pagkatalo.

Hangga't siya ay nababahala, siya ay malapit na kaibigan ni Li Shi Shi, kaya hindi niya nais na makipaglaban sa kanya.

Pagkatapos nito ay ang pagbibigay ng Patriarch ng Li Clan ng mga premyo.

Nang sila ay umuwi, si Duan Ling Tian ay nasa grupo pa rin nilang tatlo, si Li Shi Shi lang ang wala sa ngayon.

Si Li Fei ang pumalit kay Li Shi Shi.

Sa Inner court ng Martial Arts Practice Field.

Habang nakatayo si Li Qing, ang kanyang katawan ay naglalabas ng katakot-takot na tindig.

Siya ay nakatingin ng malayo sa isang batang lila ang damit at kay Li Fei habang sila ay nag-uusap palayo nang palayo.

"Li Qing, paano kung tayo ay magkampi at humanap ng pagkakataon upang turuan ng leksyon si Duan Ling Tian?"

Hindi alam kung kailan, si Li An ay dumating sa tabi ni Li Qing at sinabi ang kanyang mungkahi.

"Humph!"

Si Li Qing ay tinignan ng malamig si Li An, ang kanyang mukha ay puno ng pagmamaliit.

"Li An, pareho ka sa kanya, parehong kalaban na dumanas ng pagkatalo sa mga kamay ko… Sa palagay mo ba ay makiki pagkampi ako sa isang taong tinalo ko upang harapin ang isa pang taong tinalo ko?

Si Li Qing ay lubhang mapagmataas, gamit ang tono na tila nagsisiyasat habang kinakausap si Li An.

"Dahil hindi ka interesado, kalimutan mo nalang."

Si Li An ay tumawa nang napahiya bago tumalikod at umalis.

Sa sandaling siya ay tumalikod, ang kanyang itsura ay napakapangit at ang kanyang mga mata ay kumislap na may halong lamig.

Si Duan Ling Tian at ang dalawang batang babae ay nakabalik na sa kanilang bahay.

Whoosh! Whoosh!

Ang dalawang maliit na ahas ay lumipad patungo kina Duan Ling Tian at Ke Er, pumulupot sa kanilang pulso.

Pagkatapos ay pinalawak nila ang kanilang mga maliliit na ulo upang sukatin ang batang babae na may kaaya-ayang katawan at magandang hitsura. Ang kanilang mga mata ay puno ng kuryusidad ...

"Eto ang… mga ahas na inyong inaalagaan?"

Nagulat nang kaunti si Li Fei ng makita ang mga ahas.

"Sobrang cute"

Habang siya ay tinititigan ni Duan Ling Tian, inabot ni Li Fei ang kanyang kamay upang hawakan ang maliit na itim na sawa na nakapulupot sa kanyang pulso.

Ang maliit na itim na sawa ay ipinikit ang kanyang mga mata dahil sa tuwa.

Pagkaraan ng sandali, ang maliit na ahas ay lumiwanag at pumulupot sa pulso ni Li Fei.

"Bastos!"

Si Duan Ling Tian ay tumingin sa maliit na ahas na may halong inggit.

"Tian, Ke Er, sino ito?"

Sa sandaling ito, lumabas si Li Rou sa kanyang silid, ang kanyang tingin ay naaakit ni Li Fei.

Si Li Fei ay talagang napakaganda.

Pagdating sa panlabas na anyo, siya ay hindi mababa kay Ke Er.

Bukod pa rito, dahil sa kanyang edad na labing-walo, ganap na niyang naipakita ang kanyang kariktan.

"Ina, ito ang iyong manugang sa hinaharap."

Tumawa ng palihim si Duan Ling Tian.

"Kamusta po Tita Rou, Ako si Li Fei."

Pagkatapos bigyan si Duan Ling Tian ng masamang tingin, bahagyang ngumiti si Li Fei nang batiin niya si Li Rou.

"Mabuti, mabuti. Mag-usap na kayo at ipaghahanda ko kayo ng hapunan."

Ang mukha ni Li Rou ay parang magdudugong bulaklak nang pumasok siya sa kusina.

"Madam, tulungan na kita."

Sumunod si Ke Er sa kanyang likod.

"Little Fei, hindi mo pa rin sa akin sinasabi kung paano mo nalaman na nabigyan ako ng gantimpala ng Patriarch at sinadya kong sumuko.

Ang mga mata ni Duan Ling Tian ay tumitig nang mabuti kay Li Fei.

"Bakit ko sasabihin sa'yo?"

Binigyan ni Li Fei si Duan Ling Tian ng isang mapanghamak na tingin.

"Ikaw ang aking mapapangasawa, anong mayroon sa marami mong 'bakit'?"

Patagong tumawa si Duan Ling Tian.

"Pei! Walang hiya ka. Sinong mapapangasawa mo."

Hindi pinansin ni Li Fei si Duan Ling Tian at inilapat niya ang kanyang magandang kamay upang bahagyang makipaglaro sa maliit na python.

Ang maliit na python ay bahagyang hindi mahiyain sa taong hindi nito kilala, at masayang nakipaglaro sa kamay ni Li Fei.

Bilang isang mapagmahal na weapons specialist at dumaan na sa maraming bulaklak, natural na mapapansin ni Duan Ling Tian na nag-iba ang pakikitungo sa kanyang ni Li Fei, simula nang iligtas niya ito sa combat arena.

Dati ay mabilis siyang nagagalit kapag nilalandi niya ito.

Naniniwala siya na hangga't hindi siya tumitigil sa pagsusumikap ay siguradong magagawa niyang mapagtagumpayan ang kaakit-akit na kagandahan nito…

'Di nagtagal, isang tao ang bumisita sa kanila.

May taong nagpadala ng isang napakahabang kahon.

Nang buksan ito ni Duan Ling Tian ay napangiti ito dahil sa kaligayahan.

Hindi niya inakalang napakahusay ni Patriarch Li Ao para ipadala kaagad sa kanya ang mga bagay na ito.

"Ito ang… tatlong daan at limampung taong gulang na Blood Lingzhi?"

Nakilala ni Li Fei ang Blood Lingzhi na nakalatag sa kahon. Siya ay saglit na nagulat bago siya tumingin kay Duan Ling Tian na hindi makapaniwala.

"Hindi mo pa rin nahuhulaan kung ano ito?"

Ngumiti si Duan Ling Tian.

"Ang iyong mga gantimpala sa pagkakataon ito ay mas maganda kumpara sa gantimpala ni Li Qing. Nakuha lamang ni Li Qing ang gantimpala para sa isang kampeon, ngunit ikaw ay hindi lamang nagkaroon ng gantimpala para sa isang kampeon, nakuha mo rin ang gantimpala para sa top three."

Tumingin si Li Fei kay Duan Ling Tian nang may paghanga.

"Paano naman ang tungkol dito? Hindi mo naman ako ikahihiya bilang asawa mo, hindi ba?"

Patagong tumawa si Duan Ling Tian, ang kanyang mainit na tingin ay napunta sa dalawang makinis na bundok sa dibdib ni Li Fei. Ang kanyang ibabang bahagi ay bahagyang nag-init.

"Saan ka nakatingin?"

Ang magandang kilay ni Li Fei ay kumunot habang ang kanyang mapang-akit na mukha ay namutla hanggang sa kanyang leeg.

"Napakaganda mo."

Ang paghinga ni Duan Ling Tian ay bumilis at huminga siya nang malalim bago niya mapakalma ang kanyang sarili.

"Talaga?"

"Kahit na ang mga perlas ay hindi masyadong totoo."

"Hindi ba't sinabi mo na kailangan kong magbawas ng timbang?"

"Nagsinungaling ako."

...

Next chapter