webnovel

Target, Champion!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang unang form ng Nine Dragon War Sovereign Technique, ang Spirit Serpent Form, orihinal na ginagamit upang mapalakas ang katawan ng cultivator habang pinapanatili ang kalambutan at liksi ng katawan na para bang spirit serpent.

Ngayon, ang mga galaw ng maliliit na black python ay makikita sa mga mata ni Duan Ling Tian, na parang may nag-aalab sa loob nito...

Ngayon ay naiintindihan na niya ang mga bagay na hindi niya maintindihan noon.

Bang!

Dahil sa biglaang pagkapuno ng karunungan at kaliwanagan, bahagyang nanginig ang katawan ni Duang Ling Tian nang ang kaniyang mga mata at isinagawa ang Spirit Serpent Form mental cultivation method...

Kasama ang bakas ng pagkakaintindi, nagsimula na siyang magcultivate.

Ang gabi ngayon para kay Duan Ling Tian ay isang gabi na walang tulugan.

Ang kanyang isip at mga pagbabagong nangyayari sa kaniyang katawa ay nagsama.

Napakabilis ng pagdami ng dugo...

Ang kaniyang katawan naman ay dumadaan din sa napakatinding pagbabago!

Hindi napansin ni Duan Ling Tian kung gaano katagal na siyang nagcucultivate hanggang sa tumagos sa bintana ang sinag ng araw at sinilawan siya. Matapos noon ay saka lamang siya nagising.

Ngayon lamang napansin ni Duan Ling Tian na napakadumi na ng mga damit na kaniyang suot!

Isang likido na katulad ng black oil ang umagos mula sa kanyang katawan. Ito ay napakalagkit at masangsang...

Tinanggal niya ang kaniyang damit at umupo sa paliguang bariles bago niya linisin ang kanyang katawan nang mabuti.

Pagkatapos niyang maligo, isinara niya ang kanyang kamay, at gumamit ng kaonting lakas!

Biglaang inangat ni Duan Ling Tian ang kanyang ulo.

Hua!

Sa itaas niya, ang pwersa ng langit at lupa ay nanginig bago pa man ito maging tatlong silweta ng ancient mammoth. Parang totoo ang mga ito.

Nang bawasan niya ng kaunti ang lakas na kanyang ibinuhos, ang isa sa silweta ng ancient mammoth ay nawala.

Binawasan niya muli ang kanyang lakas, at isa pang silweta ng ancient mammoth ang nawala.

"Napakahusay!"

Biglaang tunayo si Duan Ling Tian at nagpalit ng damit. Hindi mapigilan ng kaniyang expresyon na mapuno ng mga ngiti.

Siya ay nagtagumpay!

Bago ang Clan Martial Meet, ay maayos siyang nagtagumpay sa ika-siyam na antas ng Body Tempering Stage.

Pag-angkin sa lakas ng tatlong ancient mammoths!

Ang nakakabaliw na teorya ng Rebirth Martial Emperor ay perpektong nakamit.

Hiss hiss~

Pumasok sa kanyang tenga ang tunog ng little black python na nagbagong-anyo bilang isang kidlat, pumalibot sa pulso ni Duan Ling Tian, at magsimula itong tumango-tango sa kanya.

Ang kilos ng little black python, sa mga mata ni Duan Ling Tian, ay mukhang nanghihingi ito ng puri para sa kanyang nakamit.

"Pagkatapos ng Clan Martial Meet, bibigyan kita ng masarap na makakain."

Bahagyang hinimas ni Duan Ling Tian ang katawan ng Little Black at siya'y bahagyang napangiti..

Ipinikit ng Little Black ang kanyang mga mata na may ekspresyon ng kasiyahan.

"Pakiusap umalis ka na, hindi ka namin tanggap dito."

Ang boses ni Ke Er ay biglang maririnig mula sa labas, naglalaman ng bakas ng galit.

Naging magulo ang mukha ni Duan Ling Tian.

Simula noong sundan siya ni Ke Er, iyon ang unang beses niya marinig siyang magsalita sa ganoong tono. Mukhang may gumalit sa kanya.

Matapos niyang buksan ang pinto ng kaniyang silid, ay lumabas si Duan Ling Tian nang may malalaking hakbang.

Sa isang sulyap, napansin niya ang dalawang batang nakatayo sa pintuan ng courtyard. Ang isa sa kanila ay ang batang nakadamit na kulay grey noon.

"Inuutusan ka ni Brother An sumunod sa kanya sa Martial Arts Practice Field at mataas ang tingin niya sayo. Naging mapagbigay-loob na ako sayo, ngayon huwag mong itulak ang iyong swerte."

Ang isang bata naman na nakadamit ng kulay berde ay tumingin kay Ke Er, siya'y bahagyang nagagalit dahil sa kahihiyan.

"Young Master!"

Ngunit sa mga mata ng dalagita, ang Young Master na kakalabas lang ng kanyang silid nang may malalakingpahakbang ang importante.

Ang mukha ng batang nakadamit ng kulay berde ay naging nakakatakot nang sumigaw siya sa mababang boses, "Ikaw ang kausap ko!"

"Huwag kang magulo!"

Malamig na ipinagtabuyan ni Duan Ling Tian ang batang nakadamit ng kulay berde gamit ang kanyang titig, ang boses niya ay mayroong bakas ng lamig.

"Tinatawag mo ang kamatayan!"

Ang titig ng batang nakadamit ng kulay berde ay naging malamig nang papasok na siya ng courtyard upang labanan si Duan Ling Tian.

Smack!

Sa sandaling ito, ang kamay ng batang nakadamit ng kulay grey ay napunta sa balikat ng batang nakadamit ng kulay berde, pinipigilan siya.

Mababa kung tiningnan ng batang nakadamit ng kulay grey si Duan Ling Tian haban seryoso niyang sinabi, "Hindi ikaw ang karapat-dapat para sa kaniya!"

"Ang ibig sabihin mo ba ay ikaw ang karapat-dapat?"

Natawa si Duan Ling Tian.

May mga mayayabang na siyang nakilala noon ngunit, wala ang ganito kayabang.

Kumislap ang mga mata ni Li An's nang pabanta niyang sinabi, "Syempre. Ako, si Li An, na nasa edad labing-walo, at ang pangalawa sa pinakamalakas sa mas batang henerasyon sa ating clan. Paano mo na ikumpara ang sarili mo, isang walang pinagaralan na bumpkin, sa akin? Bata, kung matino ka, magmadali ka at umalis ka na sa tabi niya."

"Pangalawa? Kung 'di alam ng iba, matapos makita kung gaano ka kawalang-hiya, iisipin nila na ikaw ang nangunguna. Ngunit pangalawa ka lang pala."

Tumawa si Duan Ling Tian.

"Sabihin mo kung ano ang gusto mo, pero sa Clan Martial Meet, sisiguraduhin kong nakababad ang tatlong talampakan kong ispada sa iyong dugo! 'Di porket nagtagumpay ka na sa ika-siyam na antas ng Body Tempering Stage ay pwede nang maging mababa ang tingin mo sa iba.. Ang Core Formation Stage ay ang simula pa lamang ng landas ng Martial Dao...At isa ka pa lamang ordinaryong martial artist."

Minaliit siya ni Li Anbago umalis kasama ang batang nakadamit ng kulay berde.

Ang mga mata ni Duan Ling Tian ay nanliit at malamig na liwanag ang makikita sa loob ng mga ito.

Mababad sa dugo ang kanyang tatlong talampakang ispada?

"Young Master, nagtagumpay ka?"

Bahagyang nagulat si Ke Er.

"Oo, kakatagumpay ko lamang."

Bahagyang ngumiti si Duan Ling Tian habang siya ay tumango.

"Ke Er, ano ang nangyari kanina?" tanong ni Duan Ling Tian.

"Sinabihan nila ako na pumunta sa Martial Arts Practice Field kasama sila. Tinanggihan ko sila, ngunit pilit akong kinukulit ng batang nakadamit ng kulay berde."

Habang binabanggit silang dalawa, ang mga mata ni Ke Er ay nagpapakita ng bakas ng pandidiri.

"Sa susunod, 'di mo na kailangang mag-abala para sa mga taong walang pang-unawa tulad nila; huwag mo na lamang sila pansinin."

Ngumiti si Duan Ling Tian.

"Sige, Young Master. Tutulungan ko na si Madam sa kusina."

Tumango si Ke Er bago pa man siya mag bagong-anyo bilang isang hangin at pumasok sa kusina.

Habang nag-aalmusal.

"Tian, siguradong pupuntiryahin ka ni Li An sa Clan Martial Meet. Mag ingat ka," paalala ni Li Rou kay Duan Ling Tian. "Alam ko, Ina," ang sagot ni Duan Ling Tian sa isang pagsasawalang-bahalang ekspresyon.

"Hindi porket napaslang mo lang si Fang Qiang sa Fresh Breeze Town ay pwede ka nang maging mapangahas... Bagaman si Fang Qian ay isang martial artist na nasa unang antas ng Core Formation Stage at may lakas ng dalawang ancient mammoths,

nang dahil sa limitasyon sa kanyang martial skills, ang lakas niya ay wala pa sa kalahati ng kay Li An," ang pagpapatuloy ni Li Rou.

Bahagyang ngumiti si Duan Ling Tian.

Natural lang na alam niya ang mga ito.

Siguro noong umatake si Fang Qiang, ang kanyang buong kalagayan ay magiging katulad ng kay Li An, parehas na first level Core Formation martial artists at may kakayahan na gamitin ang pwersa ng langit at lupa, gawin itong silweta ng dalawang ancient mammoth.

Ngunit, ang pagkakaiba nila sa martial skills, sa isang head on battle, kayang patayin ni Li An si Fang Qiang sa isang galaw lamang.

Kung nagcirculate si Li An ng kanyang defensive martial skill, kaya nyang tumayo lang doon. Kahit na atakihin siya ni Fang Qiang hanggang sa matumba sa sa pagod, ay hindi masasaktan ni Fang Qiang ang ni isang buhok sa kanyang katawan.

Kung nag circulate si Li An ng kanyang movement technique, kakainin lamang ni Fang Qiang ang alikabok.

Ganoon ang pagkakaiba sa martial skills.

Ang mas mataas na ranggo ng martial art, ay mas perpekto ang pagbuhos ng lakas sa katawan ng cultivator.

Bahagyang ngumiti si Duan Ling Tian. At nang makita ito ni Li Rou, ito ay ipinagwalang-bahala niya at pipilitin niyang gawin ang gusto niya.

"Ke Er, bilisan mo at himukin mo siya."

Nagmadaling nagpasya si Li Rou na magpatulong kay Ke Er.

"Madam, naniniwala ako sa Young Master."

Ang sagot ng dalagita gamit ang isang pangungusap, nagpapakita ng pagtitiwala kay Duan Ling Tian.

"Ano kayang magic potion ang ibinigay sayo ni Tian."

Walang magawa si Li Rou.

"Ina, huwag kang mag-alala. Ang inyong anak ang tatalo sa kanila; At ako ang hindi makakaranas ng pagkatalo. Pagkatapos Clan Martial Meet, iuuwi ko ang premyo ng champion at ipapakita ko sainyo."

Pagkatapos niyang kumain, iniwan ni Duan Ling Tian ang kanyang linya bago umalis kasama si Ke Er.

Nagpatuloy sila sa Martial Arts Practice Field.

"Young Master, si Big Sister Shi Shi."

Sa daan nila, ay nakita nilang dalawa si Li Shi Shi.

Ang dalawa ay naging tatlo.

"Sa Clan Martial Meet, ang tatlumpung bagong advanced inner court disciples ay sasali kasama ang limamput-anim na inner court disciples... Ayon sa aking kaalaman, ang lima sa inner court disciples ay nasa Core Formation Stage na."

Ibinahagi ni Li Shi Shi ang impormasyong kanyang nalalaman.

Bahagyang tumango si Duan Ling Tian.

"Bali wala tayong pagkakataon na makasali sa top three. Ang Core Formation Stage

ay hindi basta-basta maikukumpara sa Body Tempering Stage. Ang magagawa lang natin ngayon ay ang magsikap na makapasok sa top ten. Para kay Little Sister Ke Er at sayo, hindi 'yon magiging mahirap. Paano kung ganito? Nagtitiwala ka ba na kaya mong talunin si Li Kuang at kunin ang top six?"

Tumingij si Li Shi Shi kay Duan Ling Tian.

Ika-anim?

Inalog ni Duan Ling Tian ang kanyang ulo at ngumiti.

"Ano?"

Naguluhan si Li Shi Shi.

"Hindi ako interesado na maging ika-anim lamang," ang walang interes na sinabi ni Duan Ling Tian.

"Kung ganoon sa anong posisyon ka interesado?" tanong ni Li Shi Shi.

"Sa champion!"

Kumislap ang mga mata ni Duan Ling Tian na may bakas ng pagtitiwala.

Biglang nasurpresa si Li Shi Shi.

Champion?

Itong si Duan Ling Tian ay talagang umaasa.

"Hahahaha...."

Sa isang iglap, isang malakas na tawa ang nang gagaling sa likod nilang tatlo. Ang tawang 'yon ay puno ng panghihiya.

Dalawang anyo ang mabilis na lumagpas sa kanilang tatlo.

At sila ang magkuyang, si Li Zhong at si Li Xiao.

Tunay na narinig nila ang sinabi ni Duan Ling Tian.

"Duan Ling Tian, kung gusto mo maging champion, kailangan mo muna akong talunin... Maghihintay ako!"

Ang sulyap ni Li Zhong Duan Ling Tian, ang kanyang mukha ay puno ng pangungutya.

Hindi pinansin ni Duan Ling Tian si Li Zhong.

Ginagamit niya ang katotohanan para patunayan niya ang lahat; walang saysay ang pakikipagtalo.

Si Duan Ling Tian at ang dalawang babae ay nakarating na sainner court Martial Arts Practice Field.

May tatlumpung combat arenas ang natira.

Sa ngayon, ang tatlumpung combat arenas ay puno ng mga tao. Ang iba sa kanila ay mga inner court disciple na sasali sa Clan Martial Meet at meron namang mga disipulo ng Li Clan na pumunta para sa kasiyahan.

Sa isang saglit, dumating ang tatlong Chief Judges.

Ang tatlumpung judges, sa kabila naman, ay nagsikuha ng isa sa tatlumpung combat arenas.

"Magsi-tahimik."

Ang may puting kilay na matanda na nasa harapan ay matagumpay na naiparinig ang kanyang boses sa mga dumalo.

Sa isang iglap, ang maingay na Martial Arts Practice Field ay naging tahimik.

"Ipagsama-sama ang Origin Energy at gawin itong tunog, ito ay kaya lamang ng mga martial artist na umabot sa ika-pitong antas Origin Core Stage."

Tumingin si Duan Ling Tian sa matandang may puting kilay at bahagyang nagulat.

"Ngayon, ang mga inner court disciples na nasa edad labing-anim hanggang labing-walo ay dadalhin ang huling bahagi ng Clan Martial Meet.

Ang kumpetisyon na 'to ang magpapasya ng top ten, top three, at ang champion, ang lahat ay makatatanggap ng premyo mula sa Clan," ang mabagal na sinabi ng matandang may puting kilay.

Pagkatapos, isa pang Chief Judge ang nagsimulang sabihin ang premyo ng top ten disciples ng Clan Martial Meet ngayong taon, ang premyo ng top three, at sa huli ang premyo ng champion.

Matagal nang alam ito ni Duan Ling Tian.

Ngunit ang mga premyo na sinabi ng Chief Judge ay napataas ang moral ng halos lahat nang mga inner court disciples na dadalo.

"Ang Clan Martial Meet ay isasagawa sa sistema ng puntos kung saan ang lahat ay magsisimula sa isang puntos. Ang bawat panalo ay dagdag isa sa kanilang puntos, samantalang mababawasan ang puntos nila ng isa kung sila ay matalo. At sa huli, ang ranggo ay ililista depende sa puntos na nakuha. At para sa tanong kung patas, ay pwede na kayong huminga ng maluwag; sa walumpu't-anim na inner court disciples, maliban kung may aksidenteng mangyari, ang lahat ay kakailanganing lumaban ng walumpu't-limang beses."

Ipinaliwanag ng Chief Judge ang mga patakaran.

Sa isang saglit, maraming tao ang huminga ng malamig na hangin.

Walumpu't limang mga laban...

Ang ibig sabihin nun ay kakailanganing kalabanin ang lahat ng inner court disciple?

Ang ganoong tulin ay ang papagod sa mga tao hanggang sa ikamatay nila!

"Ang Clan Martial Meet ngayong taon ay mahahati sa tatlong araw. Pinapagplanuhan na ng Clan ang mga magiging laban niyo, sinisiguradong nasa tatlumpu pababa ang magiging bilang ng laban niyo kada araw." ang pag-patuloy ng Chief Judge.

Ngayon lamang nagsibuntong-hininga ang mga inner court disciples.

"Ngayon, ang mga taong tatawagin ng judge, ay papasok sa kanya-kanyang arena. Kung hindi ka sunipot sa loob ng limang minuto, ito ay ituturing na pagsuko," ang sabi ng Chief Judge.

Ang tatlumpung judges sa combat arenas ay agad na nagtawag ng pangalan.

Ang unang laban sa first round ni Duan Ling Tian ay may pamilyar na mukha sa para sa kanya.

Si Li Yuan.

Next chapter