webnovel

Pakikipaglaban kay Li Zhong

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang Clan Martial Meet ay nagpatuloy.

Matapos talunin si Li Kuang, nagkaroon si Duan Ling Tian ng 74 na puntos.

Pagkatapos nito, nakalaban at tinalo niya ang ilang mga inner court disciples na bahagyang malalakas.

Walang Body Tempering na martial artist ang kayang magtagal sa kaniyang mga atake!

Sa kasalukuyan, kinilala si Duan Ling Tian ng publiko bilang numero uno sa Li Clan sa ilalim ng Core Formation Stage.

Hindi nagtagal bago ang kanyang naipon na mga puntos ay tumaas sa 79.

Para naman kay Ke Er.

Mayroon siyang 77 puntos, na natatalo sa isang laban pa lamang hanggang ngayon.

Natalo siya kay Li Kuang.

Kahit na ang cultivation at mga yugto ng cultivation ng mga martial skills ni Ke Er ay katulad ng kay Li Kuang, si Li Kuang pa rin ang nangungunang disipulo ng outer court, at nagawa rin niyang pumasok sa pinakaloob ng Misty Forest upang labanan ang mga ligaw na hayop.

Kung karanasan sa pakikipaglaban ang usapan, tiyak na mas magaling siya kaysa kay Ke Er.

"Young Master."

Matapos na matalo kay Li Kuang, ang dalagita ay may bakas ng pagkalugi.

"Ke Er, natalo ka dahil hindi sapat ang iyong karanasan. Hindi ka matatalo kay Li Kuang sa anumang iba pang abilidad. Papasok tayo sa Misty Forest at makikipaglaban sa mga ligaw na hayop sa susunod, pagtapos, ang iyong karanasan sa paglaban ay likas na magiging sagana."

Pinaginhawa siya ni Duan Ling Tian.

"Sige."

Ang dalagita ay masunuring tumango.

Sa paglipas ng oras, ang Clan Martial Meet sa wakas ay nasa kasukdulan na nito.

"Duan Ling Tian, ​​Li Zhong!"

Ang tinig ng judge ay maririnig.

"Li Zhong?"

Ang mga mata ni Duan Ling Tian ay nanliit, at nagkaroon siya ng isang ngiti sa kanyang mukha habang ang kanyang katawan ay biglang napunta sa combat arena.

Si Li Zhong ay pumasok sa combat arena bago niya ito kutyain. "Duan Ling Tian, ​​sa wakas ay nagbanggaan din tayo. Ngayon, tingnan na'tin kung ano ang kakayahan na mayroon ka dahil mayroon ka namang lakas ng loob na magsalita ng bagay na walang kwenta na nais mong kunin ang pamagat ng Champion sa Clan Martial Meet!"

Si Duan Ling Tian na nakikipagkumpitensya laban sa isang Core Formation na inner court disciple ay nakakuha ng atensyon ng maraming tagapanood.

Matapos marinig kung ano ang sinabi ni Li Zhong.

Ang karamihan ay nagkagulo.

"Hindi ito maaari... Ang ambisyon ni Duan Ling Tian ay napakalaki! Talaga bang nag-iisip siya na kuhain ang pamagat ng Champion sa Clan Martial Meet?"

"Talaga bang iniisip niya ang isang Martial Artist ng Body Tempering lamang na tulad niya ay maaaring matalo ang isang martial artist ng Core Formation? "

"Psh! Hindi mahalaga kung gaano kakalakas ang isang martial artist ng body tempering, imposible pa rin itong maging kapantay ng isang Core Formation na martial artist. Kahit na ito ay unang antas pa lamang na martial artist ng Core Formation nagsisimula pa lamang bumuo ng Origin Energy, ang lakas na mayroon sila ay katumbas ng isang ancient mammoth."

"Oo, ang lakas ng dalawang ancient mammoths ay maaaring magamit sa unang antas ng Core Formation Stage. Kahit ang Duan Ling Tian na ito ay malakas, siya ay hindi pa rin sapat na malakas maliban na lang kung mailabas niya ang pwersa ng langit at lupa upang bumuo ng silweta ng dalawang ancient mammoth."

"Siya ay masyadong mayabang. Talaga bang iniisip niya na ang limang Core Formation na inner court disciples ay mga papel na tigre?"

"Ngayon, hayaan si Li Zhong na sirain ang sariling kahibangan, at hayaan siyang maging matino!"

...

Kahit si Duan Ling Tian ay hindi inakala na ang mga salita mula kay Li Zhong ay maglalagay sa kanya sa tulis ng pampublikong opinyon, inaakit ang galit ng napakaraming tao.

Ngunit nauunawaan niya.

Ngayon ay maaari lamang siyang umasa sa kanyang sariling lakas upang patunayan ang kanyang sarili; pagkatapos noon ay saka lamang niya mapapatahimik ang mga tao na ito.

Clan Martial Meet champion.

Determinado siyang mapanalunan ito!

Gagamitin niya ang kanyang lakas upang patunayan ang lahat.

Si Duan Ling Tian ay nanatiling nakatitig kay Li Zhong at walang-alinlangang sinabi, "Li Zhong, kung mayroon akong kakayahan o hindi, malalaman mo iyon sa sandaling susubukan mo."

"Talagang susubukan ko! Hindi ko lang susubukan, tatalunin din kita sa isang galaw lamang at maayos na ipararanas sa'yo ang pagkakaiba sa pagitan ng Core Formation Stage at Body Tempering Stage!"

Umirap si Li Zhong.

Isang galawa?

Ang mga mata ni Duan Ling Tian ay nanliit.

Whoosh!

Gumalaw si Li Zhong at ang Origin Energy sa kanyang mga paa ay sumabog. Agad niyang ginamit ang lakas ng dalawang ancient mammoth, lumipad sa isang tumalon, at mabilis na patungo kay Duan Ling Tian.

Ang kanyang bilis ay halos dobleng ng kay Li Kuang nang gamitin niya ang kanyang movement technique!

Ang movement technique na ginamit ni Li Zhong ay isang high grade profound rank movement technique, ang Crossing River On A Reed.

Ito ang kanyang premyo para sa pakikipaglaban sa top ten sa Clan Martial Meet noong nakaraang taon.

Gumugol siya ng isang taon upang macultivate ito sa unang yugto.

Lagi niyang pinagmamalaki ang kaniyang mga nakakamtan.

"Ang iyong bilis ay napakabilis."

Nagliwanag ang tingin ni Duan Ling Tian habang ang kanyang katawan ay gumalaw, biglang kumikislap patalikod.

Sa isang iglap.

Bang!

Malakas na iniyapak ni Duan Ling Tian ang kanyang mga paa sa lupa. Ang kanyang buong katawan ay tila nagbago sa isang bola ng kanyon, na lumilipad nang tuwid.

Ang silweta ng isang ancient mammoth ay dahan-dahang nabuo, at lumilitaw sa kaniyang ibabaw.

Spirit Serpent Movement Technique!

Nagbago si Duan Ling Tian sa isang kidlat, na gumagalaw upang batiin ang marahas na papalapit na si Li Zhong.

Hindi mahalaga kung ito man ay si Patriarch Li Ao, ang elders sa mataas na plataporma, o ang mga tagapanood, lahat sila ay nakapigil ang hininga.

Nang makita ang tindig na ito, malinaw na nagpaplano si Duan Ling Tian na labanan nang harap-harapan si Li Zhong.

Nang tumalsik siya paabante, ang itaas na katawan ni Duan Ling Tian ay sumandal patalikod at naging silweta ng isang pana, na parang nagbabago sa isang malakas, mabigat na pana.

Samantalang sa kaniyang kabaligtaran, si Li Zhong ay nakaranas ng mga katulad na paggalaw.

Collapsing Fist!

Ibinato ni Duan Ling Tian ang kanyang kanang kamao sa isang tuwid na linya, na may kasamang lakas na tulad ng kulog.

Howling Tiger Fist!

Umataki rin si Li Zhong; ang kanyang kamao ay gumalaw na parang gumuguhong bundok.

Bang!

Ang kanilang mga kamao ay nagbanggaan.

Si Li Zhong ay umirap habang ang puwersa sa kanyang kamao ay nauubos!

Hanggang sa dulo ng kaniyang nalalaman, kung mga yugto ng cultivation ng martial skill ang pag-uusapan, ang Howling Tiger Fist ni Duan Ling Tian ay nasa yugto pa lamang pagkadalubhasa.

Ngunit ang kanyang Howling Tiger Fist ay nakayapak na sa yugto ng pagiging perpekto.

Kung lakas ang pag-uusapan, ang kanyang katawan at Origin Energy sa buong lakas ay maihahambing sa lakas ng dalawang ancient mammoth.

Bagaman hindi naman masama ang lakas ni Duan Ling Tian, ​​hindi pa rin nito naabot ang lakas ng dalawang ancient mammoth, at sa gayon ay mas mababa sa kanya.

Sa sandaling ito.

Ito ay para bang naririnig niya ang pagkabasag ng mga buto ni Duan Ling Tian.

Parang nakikita niya ang pangyayari na tumalsik si Duan Ling Tian.

"Humph!"

Nang mapansin ang pagngiti sa mga sulok ng bibig ni Li Zhong, paano hindi malalaman ni Duan Ling Tian kung ano ang iniisip niya?

Sa isang iglap, ang puwersa sa kanyang kamao ay naubos din, binabangga ang puwersa ng kamao ni Li Zhong.

Ang lakas ng kamao ni Li Zhong ay agad na pumigil at pinuksa ang lakas ng kamao ni Duan Ling Tian, ​​at sumabog sa kanang braso ni Duan Ling Tian.

Sa mabilis na sandaling ito, kung hindi ito agad na matugunan, ang kanang braso ni Duan Ling Tian ay maaaring masira ang ilang buto o maging lumpo!

Greater Teleportation!

Ngunit si Duan Ling Tian ay handa; agad siyang napalabas ang kanyang defensive martial skill.

At saka, ang lakas ng kamao ni Li Zhong ay bumangga sa kanya, kaya habang pinipigilan at sinisira ang kanyang lakas ng kamao, ito ay lubhang humina.

Ang unang yugto ng defensive qi barrier ng Greater Teleportation ay higit pa sa sapat upang lubusang mapaglabanan ang lakas ng kamao na ito.

Hindi lamang iyon, ngunit kahit na gamit ang kapangyarihan ng teleportation upang ibalik ang karamihan sa puwersa...

Gawin sa iba ang ginawa nila sa iyo!

Sa kasalukuyan, ang tanawin sa combat arena ay isang bagay na lubhang kakaiba sa mga tagapanood.

Nang makita ang suntok ni Li Zhong na patungo sa atake ni Duan Ling Tian, ​​at maya-mayang papatalsikin si Duan Ling Tian...

At sa isang iglap.

Ang katawan ni Duan Ling Tian ay bahagyang gumalaw at pagkatapos ay hindi na muling gumalaw nang kahit isang pulgada.

Sa kabilang banda, ang ekspresyon ni Li Zhong ay naging seryoso habang siya ay tumatalsik na parang isang arrow na iniiwan ang pana, bumagsak sa sulok ng combat arena, halos mahulog palabas.

Ang paligid ng combat arena ay lubos na tahimik.

Karamihan ng mga tao ay hindi maintindihan kung bakit si Li Zhong, na tila mas lamang, ay biglang lumilipad.

Maaaring bang isinusuko na niya ang laban?

Sa mataas na plataporma.

"Ang high grade Profound Rank defensive martial skill na kinultivate ni Duan Ling Tian ay ganap na naiiba mula sa martial skill na kinultivate ng maliit na dalagita sa kaniyang tabi. Mukhang mas nagiging kakaiba...."

Ang mga mata ni Patriarch Li Ao ay kumislap.

Gamit ang kanyang cultivate base, madaling mapansin ang ilang mga pahiwatig.

"Hindi ba sila ay mga disipulo ng branch clan mula sa Fresh Breeze Town? Paano posible na magkaroon ng napakaraming high grade profound martial skill? Dagdag pa rito, ang mga martial skill na ito ay mukhang mas kapansin-pansin kaysa sa mga martial skill ng ating Main Clan."

Ang isa pang matandang tao sa gilid ay bahagyang nagulat.

"Huwag mong kalimutan, sila ay mga disipulo na may ibang apelyido. Ang Duan Ling Tian ay apelyido ng Duan! Ang apelyido na Duan ay kilala sa aming Crimson Sky Kingdom," dahan-dahan na sinabi ng matandang lalaki na may puting kilay.

"Ang ibig mo bang sabihin ay... ang Duan Clan ng Imperial City?"

"Kung si Duan Ling Tian ay isang talagang miyembro ng Duan Clan ng Imperial City, ang pagkakaroon ng napakaraming kahanga-hangang martial skill ay hindi isang bagay na kakaiba. Ngunit ako ay nagtataka; kung talagang siya ay isang disipulo ng Duan Clan, ano ang kaniyang dahilan na manggaling mula sa branch family ng Fresh Breeze Town at marekomenda nila sa ating Li Family Main Clan? "

"Siguro may mga ilang mga dahilan sa likod nito. Matapos ang Clan Martial Meet, magpapadala ako ng ilang tao sa branch family ng Fresh Breeze Town upang makagawa ng ilang paghuhukay ng impormasyon."

...

Sa sulok ng combat arena.

"Walang kabuluhan! Tunay na pinapahiya ang mukha na'ting mga martial artist ng Core Formation."

Ang batang nakadamit ng kulay grery ay nagbigay ng malamig at seryoso na tingin kay Li Zhong.

"Li An, tila ikaw ay sobrang nagagalit kay Duan Ling Tian."

Ang isang masayang pagtawa ay lumapit habang ang isang bata na nakadamit ng kulay berde ang lumakad sa malalaking mga hakbang patungo sa kanya.

"Li Hu!"

Ang mga mata ni Li An ay nanliit kapag napansin niya kung sino ito.

Si Li Hu ay katulad niya, isa ring inner court disciple ng Core Formation na nakikilahok sa Clan Martial Meet.

"Ano ang mali? Wala kang kumpiyansa?"

Si Li Hu ay tumawa.

"Paano kaya iyon naging posible? Ang lahat ng kaniyang ginagawa ay ang makipaglaro sa isang basura tulad ni Li Zhong."

Si Li An ay tumawa.

Sa kabilang banda.

"Ang lakas ni Duan Ling Tian ay lubos na mabuti," sabi ng isang payat at kaaya-ayang dalagita na may suot na damit na kulay-lila. Ang kanyang kaakit-akit na pulang mga labi ay bahagyang inilipat sa isang tono na mayroong bakas ng pagkabigla.

Ang dalagita ay may nagniningning na mga mata at puting ngipin, na may walang kapantay na kagandahan.

"Humph! Isang hamak na martial artist ng Body Tempering.

Sa tabi ng dalagita ay nakatayo ang isang mapagmataas at malayo na bata na nakasuot ng puting damit.

Ang kanyang paraan ng pagsasalita ay tila inilalarawan na siya ay mababa ang tingin sa lahat.

"Li Qing, siya ay hindi isang simpleng martial artist ng Body Tempering. Noong ikaw ay nasa Body Tempering Stage, maaari mo bang makamit ang isang gawain na tulad nito? Medyo interesado ako sa kanya. Isang kagiliw-giliw na tao."

Ang dalagita ay bahagyang ngumiti, ang kanyang malinaw na mga mata ay kumislap na may kaakit-akit na kalinawan.

Gayunpaman, ang dalagita ay hindi napansin na sa sandaling ito, matapos marinig ang sinabi niya, ang batang may puting kasuotan sa kaniyang tabi ay may ganap na madilim na ekspresyon.

Ang kanyang mga mata ay tumitig pa sa batang lila ang kasuotan sa combat arena, at kumikislap sa isang bahagyang nakahahamak na sinag.

Malapit dito.

"Little Sister Ke Er, lagi mo bang napapansin na si Duan Ling Tian ay abnormal?"

Napansin ni Li Shi Shi na ang dalagita sa kaniyang tabi ay hindi kahit kaunting nagulat sa mga ginagawa ni Duan Ling Tian.

"Ate Shi Shi, paano mo nasabi ang isang bagay na tulad niyan tungkol sa Young Master?"

Ang dalagita ay bahagyang hindi nasisiyahan.

"Sige, sige, hindi na ako magsasalita ng kahit ano."

Si Li Shi Shi ay nagmamadaling ngumiti, ang kaniyang titig ay muling napunta sa batang nakadamit ng kulay-lila sa combat arena.

"Duan Ling Tian, nagtataka ako kung gaano karaming buhay ng pagkasuwerte ang natamo mo upang makakuha ng isang dalagita na tulad ni Ke Er sa iyong tabi."

Si Li Shi Shi ay mahinang napabuntong-hininga.

Naunawaan niya na batay lamang sa katotohanang ito, walang sinuman ang maaaring palitan ang posisyon ni Ke Er sa puso ni Duan Ling Tian.

"Kapatid..."

Sobrang malubha ang ekspresyon ni Li Xiao. Ang kanyang kapatid na lalaki ay napilit sa isang kawalan na posisyon ni Duan Ling Tian sa isang labanan.

Sa combat arena.

Si Li Zhong ay huminga nang malalim, dahan-dahan na pinapakalma ang kaniyang nagagalit na saloobin.

"Duan Ling Tian, aaminin ko, ang iyong defensive martial skill ay talagang kakaiba... Ngunit ang lahat ay tapos na."

Nang mawala ang kanyang tinig, gumalaw muli si Li Zhong.

Crossing River on a Reed!

Ang kanyang buong katawan ay mabilis na lumundag, tulad ng isang matulin na ihip ng hangin...

"Maliban kung ang iyong bilis ay mas mabilis kaysa sa akin, ako ay nasa isang walang makatatalo na posisyon. Kapag natagpuan ko ang iyong kahinaan, tiyak na matatalo ka na!"

Ang tinig ni Li Zhong ay maririnig, na parang nagmumula ito sa paligid.

Ang kanyang katawan ay mabilis na gumalaw sa combat arena, sinasagabal ang mga nakikita ni Duan Ling Tian.

"Ganiyan ba kataas ang iyong kumpiyansa?"

Nagsimulang tumawa si Duan Ling Tian.

Next chapter