13 Pahangain ang Mundo sa pamamagitan ng Isang Mahusay na Gawa

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Seryoso ang laman ng mga mata ni Duan Ling Tian nang siya ay lumipad paitaas.

Nang pababa na ang katawan ni Li Jie, walang awang sinuntok ni Duan Ling Tian ang mismong mga buto sa likuran ni Li Jie…

Ka!

Kacha!!

Nakabibinging tunog ng nababaling mga buto ang patuloy na maririnig.

Sa isang iglap, si Li Jie ay lumipad na namang muli paitaas. Umugoy patalikod ang kanyang ulo at ang matinis niyang sigaw ay mabilis na tumigil at matapos ay nawalan siya ng malay.

"Bang!"

Ginamit ni Duan Ling Tian ang counterforce at biglaan siyang natumba.

Itinaas niya ang kanyang kanang kamay upang saluhin si Li Jie.

Nagmukha siyang isang hindi natatalong war god.

Nang siya'y makahinga nang malalim, si Duan Ling Tian ay kaunting napangiti.

Nanalo rin siya sa wakas, at ang lahat ng iyon ay dahil sa Paralyzation Inscription sa kanyang singsing.

Ang Paralyzation Inscription ay ang inscription na inihanda ni Duan Ling Tian nitong nakaraang buwan. Kapag ginamit, ang target ay panandaliang makararanas ng pagkaparalisa, at bilang sanhi ay mauubos ang lahat na nalikom na enerhiya sa katawan ng gumamit.

Iyon ang naging rason kung bakit natalo si Li Jie kay Duan Ling Tian.

"Ito…"

Sa buong Martial Arts Practice Hall, lahat ng disipulo ng Li Family ay nagulantang. Lahat sila ay natagalan bago makabalik sa kanilang kamalayan.

Lahat sila ay sobrang 'di makapaniwala sa mga pangyayaring kanilang nakita.

Nang mapansin niya na ang Seventh Elder ay nanginginig sa sobrang galit, si Duan Ling Tian ay napangiti.

Gamit ang puwersa ng kanyang kamay, inihagis niya si Li Jie patungo kay Li Kun.

Duan Ling Tian!''

Sinalo ni Li Kun si Li Jie. Nang siya'y tumingin kay Duan Ling Tian, ang kanyang mga mata ay puno ng pagnanasang pumatay.

Tanging nung dumating si Li Rou at tumabi kay Duan Ling Tian ay saka niya lamang inalis ang kanyang tingin dahil sa kaunting takot na kanyang naramdaman.

"Ayos ka lang ba, Tian?"

Inilabas ni Li Rou ang kanyang panyo at pinunasan ang pawis sa noo ni Duan Ling Tian. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.

"Ayos lang ako, ina."

Nakadama ng init sa puso si Duan Ling Tian. Napangiti siya ng kaunti habang siya'y umiiling.

Ayos lang s'ya, pero may ibang taong hindi…

"Grand Elder!"

Biglang sumigaw si Li Kun na puno ng kalungkutan. Hawak-hawak si Li Jie, lumingon siya at tumakbo patungo sa entablado upang salubungin ang mga nakatataas sa Li Family na kasalukuyang pababa ng entablado.

Sa mga nakatataas na ito, ang mukha ng Sixth Elder na si Li Ping ay pinakapanget habang ang Fifth Elder ay may pagpapahayag ng kasiyahan sa sarili.

Tinignan ni Grand Elder Li Huo ang mga pinsala na natamo ni Li Jie at unti-unti siyang naging seryoso.

"Ang mga buto sa likod ni Li Jie ay halos tuluyang madurog, bata. Kahit na ang Grade Seven Gold Injury Pill ay hindi siya kayang iligtas. Sa tingin mo ba'y nasobrahan ka ng kaunti sa pagiging walang awa? Talagang sinira mo ang kanyang buhay."

Madiing sinabi ni Li Huo habang itinataas niya ang kanyang tingin upang tignan ang papalapit na si Li Rou kasama ang kanyang anak, Ang kanyang mga mata ay nakatitig lamang kay Duan Ling Tian.

Si Lie Jie ay ang batang may pinakamataas na pag-asa kumpara sa ibang disipulo ng Li Family.

Pero ngayon ay napaaga ang kanyang pagkawala. Ito ay napakalaking kawalan sa Li Family.

"Ano?!"

Matapos pakinggan ang sinabi ni Grand Elder Li Huo, labis na gumulo ang mukha ni Li Kun at ang kanyang katawan ay nanginig na para bang tinamaan ng kidlat.

Hindi niya inakala na ang kanyang anak ay labis na mapipinsala ni Duan Ling Tian…

Mga buto sa likod na halos tuluyang madurog?

Kahit na ang Grade Seven Gold Injury Pill ay hindi siya maliligtas?

"Mamatay ka na!"

Humiyaw nang malakas si Li Kun, matapos ay biglaan niyang sinugod si Duan Ling Tian at galit na umatake!

Sa taas ng kanyang ulo, apat na hugis ng ancient mammoth ang nabuo.

Si Li Rou, na binabantayan si Li Kun, ay agad na nagkaroon ng anim na hugis ng ancient mammoth sa ibabaw ng kanyang ulo, na agarang binagsak si Li Kun sa iisang palitan ng atake.

"Li Kun, subukan mo ulit na atakihin ang aking anak, at papatayin kita!"

Ang kanyang boses ay malamig at kakaiba na parang ito ay nanggagaling sa kailaliman ng impyerno.

"Li Rou!"

Nagberde ang mukha ni Li Kun, ngunit kahit siya ay galit na galit ay hindi niya pinagdudahan ang mga salita ni Li Rou.

"Grand Elder, panindigan mo ang katarungan para sa aking anak!"

Miserableng sinabi ni Li Kun kay Grand Elder Li Huo. Makaririnig ng tunog na "pu tong" na tunog nang siya'y lumuhod nang pabigla.

Noong ang braso ng kanyang bunso ay nalumpo, ang kanyang hinaharap ay nakakapag-alala.

Sa puso ni Li Kun, matagal na niyang ibinigay ang lahat ng kanyang pag-asa sa kanyang panganay, si Li Jie.

Pero ngayon, ang buong buto sa likod ni Li Jie ay halos durog at wala ng pag-asa ng paggaling. Buong buhay na lamang siyang hihiga sa isang higaan.

Nang ganoong kabilis, ang mga mata ni Li Kun ay nawalan ng buhay. Ang mundo ay napakadilim na parang walang liwanag; na para bang ang buong mundo ay babagsak sa kanya.

"Li Kun, ang patakaran ng pamilya ay nagpapahayag na kapag ang isang disipulo ng pamilya ay may laban—bukod sa pagbabawal na pumatay ng iba—hindi dapat siya nililimitihan upang ang disipulo ay maibigay ang lahat ng kanyang kakayahan. Kapag ang martial artist ay lumalaban, ang pinsala ay hindi maiiwasan. Ngayon, ang iyong anak ay nakahiga lamang d'yan, pero paano kapag ang anak ko ang naroon? Magmamakaawa ka ba sa Grand Elder na panagutan siya?"

Si Li Rou ay umungol dahil sa galit.

"Ninth Elder, hindi ka nakikipag-usap nang may katwiran. Ang anak mo na si Duan Ling Tian ay dinurog na ang isa sa mga braso ni Li Jie, at s'ya ay nakatakdang manalo. Pero imbis na magpakita s'ya ng awa, tuluyan n'ya itong inatake at kinawawa si Li Jie. Para sa akin, sinadya niya itong gawin, at ito ay kontra sa diwa ng pagkakaisa at pagkakaibigan sa mga disipulo ng Li Family!"

Seryoso ang mga mata ni Sixth Elder Li Ping.

"Sixth Elder, mali ang iyong mga sinasabi. Matapos durugin ni Duan Ling Tian ang braso ni Li Jie, maaari na si Li Jie na sumuko. Ngunit hindi siya sumuko dahil sa tingin niya ay meron pa rin siyang pagkakataong manalo; akala niya kaya niya pa rin na talunin si Duan Ling Tian...Bukod dito, 'wag mo kalimutan na si Duan Ling Tian ay ikatlong antas pa lamang sa Body Tempering stage. Kung ilalaban siya sa isang kalaban na iisa lamang ang maayos na braso at nasa ika-apat na antas sa Body Tempering stage, ito ay delikado parin. At dahil dito, kinailangan niyang patuloy na umatake upang maiwasang mabigyan ng pagkakataon umatake pabalik si Li Jie. Maaaring mas marami mawala sa kanya kaysa sa makuha kapag hindi niya ito itinuloy."

Simpleng sabi ng Fifth Elder na si Li Ting. Hinarap ng mga katwiran na pinatibay ng katunayan, si Li Ping ay naging seryoso sa kadahilanang wala siyang pangontra sa katwiran na ito.

"Tama na. Itigal ang pagtatalo. Ngayon hapon, magkakaroon tayo ng pampamilyang emergency meeting upang mapag-usapan itong paksa. Ang importante ay ang maibalik si Li Jie upang makapagpahinga. Seventh Elder, pakibalik si Li Jie sa kanyang tahanan."

Ang Patriarch na si Lin Nan Feng ay napakunot ang noo.

"Opo, Patriarch!"

Dahan-dahan na tumayo si Li Kun at binuhat si Li Jie sa kanyang mga braso. Seryoso ang kaniyang mukha.

Ang kanyang mga mata ay nagpapakita ng kagustuhang pumatay nang siya'y sumulyap kay Duan Ling Tian bago umalis.

Simpleng ngumiti si Duan Ling Tan. Hindi niya pinansin ang masamang sulyap ni Li Kun.

Tungkol sa mga pangyayari ngayong araw, hindi siya nakaramdam ng pagsisisi.

Kahit sa kanyang nakaraang buhay, sa kanyang paglalakad sa gitna ng digmaan bilang isang mercenary, siya ay sanay na maging walang awa.

Ngunit iyong mga walang awang pahayag sa kanya ni Li Jie, kung ito ang kanyang nakaraang buhay, marahil ay patay na si Li Jie ngayon. Sa kanyang pananaw, iyon na ang pinakita niyang awa.

<Kung gusto mong habang buhay na lamang akong humiga sa aking higaan, then gagawin ko iyon sa'yo!">

Ang mga nakatataas sa Li Family ay isa-isang lumabas sa Martial Arts Practice Hall.

Ngunit noong umalis ang mga taong ito, tinignan nila nang masama si Duan Ling Tian.

Matapos ang lahat, para sa kanila, si Duan Ling Tian ay hindi parte ng Main Li Family dahil ang kanyang apelyido ay hindi Li.

Samantala, si Li Jie ang dalubhasang Martial Artist ng Li Family, ang susunod na haligi ng suporta para sa Li Family.

Tungkol sa pangyayaring ito, sila ay hindi pabor para kay Duan Ling Tian.

Ang mga disipulo ng Li Family na pumalibot sa Martial Arts Practice Hall ay umalis na rin.

Kung ano man ang nangyari ngayon ay nagsanhi ito ng hindi pag-imik at pagkagulat sa mga disipulo.

Ang dalubhasa ng Li Family na si Li Jie, ang pinakamalakas na ika-apat na antas na martial artist ng Body Tempering Stage ng Li Family, ay natalo sa isang ikatlong antas ng Body Tempering stage na disipulo na may ibang apelyido.

Nakakahiya, lahat sila ay hiyang-hiya!

"Akala ko pa naman ay nakakakilabot na kalaban si Li Jie. 'Di ko inakalang ganun siya kahina!"

"Si Duan Ling Tian ay nasa ikatlong antas pa lamang ng Body Tempering Stage at kinayang talunin si Li Jie. Kapag siya'y nakapatong sa ika-siyam na antas ng Body Tempering stage, kahit sino kayang nasa Core Formation stage ay kaya niyang talunin?"

"Nakapagtataka talaga kung anong ginawa ni Duan Ling Tian para makamit ang napakabilis na pagbabago sa loob ng isang buwan lamang at mapahanga ang mundo sa isang mahusay na gawa!"

Ang usapan sa pagitan ng mga disipulo ng Li Family ay mabilisang napunta kay Duan Ling Tian.

Ang nakaraang hindi kilala na si Duan Ling Tian ay naging usap-usapan ng mga tao sa Li Family.

Nang umalis isa-isa ang mga disipulo ng Li Family, apat na tao na lamang ang natira sa Martial Arts Practice Hall.

Sina Duan Ling Tin, Li Rou, Ke Er, at ang Fifth Elder na si Li Ting.

"Ayos ka lang ba, ina?"

Biglang napansin ni Dua Ling Tian na ang kanyang ina ay nakasimangot.

"Napakabata at mayabang ka talagang bata ka. Nilumpo mo si Li Jie. Syempre nasiyahan ka sa ginawa mo, pero hindi mo naisip ang mga maaaring mangyari… Si Li Jie ang kahanga-hangang bata ng Li Family kaya napakalaki ng tiwala sa kanya ng pamilya. Sa hapon, ang family meeting ay tungkol daw sa pangyayari ngayon pero ang totoo ay iyon ay talakayan kung paano ka nila paparusahan. Sabihin mo, bakit hindi dapat mag-alala ang nanay mo?"

Umiling at huminga na lamang nang malalim si Li Ting.

Sa kanyang pananaw, si Duan Ling Tian ay isang bagong silang na baka at hindi takot sa tigre; wala siyang kinakatakutan kaya ginawa ang lahat ng pwede niyang gawin.

"Kailangan pa rin ng Grand Elder ang tulong ko. Dahil sa katayuan ng Li Family, basta't may magsasalita para sa'kin, kahit sino dapat bigyan s'ya ng karangalan, 'di ba?"

Walang paking sabi ni Duan Ling Tian.

"Kung ganoon ka mag-isip, ibig sabihin mali ka. Ang Grand Elder ay laging pinaghihiwalay and pampubliko at pribadong paksa. Ito ang rason kung bakit lahat ng miyembro ng Li Family ay nirerespeto siya. Ang pagkakakilala bilang Grade Nine Alchemist ay hindi sapat para respetuhin siya ng lahat."

Umiling si Li Ting,

Kaunting kumunot ang noo ni Duan Ling Tian. Hindi niya inaasahan na ang kanyang sikretong armas ay agad na mawawalan ng kwenta.

Pagbalik nila ng kanilang mga tahanan, bakas parin kay Li Rou ang pag-aalala.

Ang dalagita ay tahimik, hindi binabalak na magsalita dahil sa takot na baka magalit niya si Li Rou.

"Wag ka mag-alala, ina. Mayroong paraan kung paano 'to aayusin. Walang mangyayari sa akin."

Si Duan Ling Tian, ang nag-iisip habang pauwi na sila, biglang tumawa.

"Anong paraan mayroon ka?"

Halatang hindi naniniwala sa kanya si Li Rou.

"Ina, ang ikinakabahala mo lang naman ay kung magiging mas kampi ang Li Family Elders kay Li Jie at saka nila ako parurusahan, 'di ba?

Magpahinga ka na lang, mayroon akong paraan para mas kumampi sila sa'kin.

"Anong paraan?"

Tanong ni Li Rou.

Ang dalagita sa gilid ay tumingin sa kanila na puno ng pag-asa.

"Hayaan niyo munang ako ang maghanda ng mga bagay. Sasabihin ko sa inyong dalawa kapag magtatanghalian na tayo."

Bumalik si Duan Ling Tian sa kanyang kwarto nang matapos siyang magsalita.

Pag-alis niya, nagtinginan ang dalawa na pawang wala silang magagawa.

"Ke Er, alam mo ba ang paraan na sinasabi ni Tian?"

Tanong ni Li Rou sa dalagita.

"Hindi rin alam ni Ke Er."

Umiling ang dalagita.

"'Yang bata na 'yan, mas nagiging misteryoso siya nitong mga nakaraang araw."

Umaninag ng kaunti ang mga mata ni Li Rou at tumawa ito matapos.

Matapos ang tanghalian, kumuha si Duan Ling Tian ng isang daang perang papel at tatlumpung baryang pilak mula sa kanyang nanay bago niya isama ang dalagita, palayo sa lugar ng Li Family.

Nakita ito ng mga disipulo ng Li Family at lahat sila ay walang imik.

"Hindi ba n'ya alam ang pwedeng mangyari? Nasa mood pa rin siya para bumili?"

"Hindi siya naghahandang umalis kasi nag-aalala siya na parurusahan siya ng pamilya pagtapos ng family meeting, 'di ba?"

"Nagbibiro ka ba? Siya ang anak ng Ninth Elder. Parang kung paano pwedeng umalis ang isang monk pero ang temple ay hindi pwede. Kung gusto pa rin niyang umalis, wala siyang mapupuntahan…"

"Kakaiba talaga siya! Pagtapos ng family meeting ngayon—kung walang mangyayari sa kanya, siguradong siya ang magiging idulo ko at hihilingin sa kanya na siya'y maging boss ko!

avataravatar
Next chapter