webnovel

Pagbuo ng Linya sa Pamamagitan ng Tunog

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ayos ka lang ba?"

Ang ulo ni Li Fei bumagsak sa dibdib ni Duan Ling Tian. Wala man lang kahit gasgas. Inangat niya ang kanyang ulo at nag-aalalang tiningnan si Duan Ling Tian.

Ang mga desperadong paraan ni Duan Ling Tian upang iligtas siya ay malinaw pa rin sa kanyang isipan.

Labis niyang naapektuhan ang kaniyang damdamin.

"Ate, pwede bang bumaba ka muna mula sa akin. Masyado kang mabigat, dapat kang magbawas ng timbang..."

Si Duan Ling Tian ay mapait na tumawa, at ang sakit na nagmumula sa kanyang likod ay nagdulot sa kanyang malamig na pawis upang tumulo.

Sa kabutihang-palad, siya ay nacultivate na sa ika-siyam na antas ng Body Tempering Stage, kaya ang kanyang laman at mga buto ay dumaan sa pagbabago na mas malayo sa isang ordinaryong martial artist na ika-siyam na antas Body Tempering, kaya hindi niya talaga napinsala ang kanyang mga kalamnan at buto.

Ang mukha ni Li Fei ay namula.

Siya ay nalito. Talaga bang ganoon siya kabigat?

Sa ilalim ng mga hindi-makapaniwalang mata na napunta sa kanila, si Li Fei ay bumaba mula kay Duan Ling Tian.

"Ikaw... seryoso ba ang iyong mga pinsala?"

Inilapit niya ang kanyang kamay at tinulungan si Duan Ling Tian na tumayo. Nang napansin niya na ang laman sa likod ni Duan Ling Tian ay nakabuka, ang kanyang mukha ay agad na naging maputla.

"Huwag kang mag-alala, hindi ako mamamatay."

Si Duan Ling Tian ay napabuntong-hinga sa kaluwagan, at nanginginig na tumayo.

Si Li Fei ay tahimik ng isang sandali bago niya sinabi, "Salamat!"

"Pwede ba akong makatanggap ng isang bagay na mas makatotohanan..."

Si Duan Ling Tian ay bahagyang ngumiti.

"Ano ang gusto mo?"

Si Li Fei ay natigilan.

"Paano kung ipangako mo ang iyong sarili sa akin ..."

Nag-alab muli ang titig ni Duan Ling Tian.

"Pei!"

Si Li Fei ay namula; na parang ang kanyang mukha ay papatak ng dugo sa anumang sandali.

"Ehem, ehem..."

Ang mahinang ubo ng mga judge ay maririnig, sinisira ang romantikong kapaligiran sa paligid nilang dalawa.

"Kayong dalawa, gusto niyo pa bang magpatuloy?"

Siyempre, hindi na kaya ng judge na magpatuloy na panoorin ang dalawang magkasintahan na mag-asaran at landiin ang isa't isa.

"Hindi na kailangan, inaamin ko ang pagkatalo."

Iniling ni Li Fei ang kanyang ulo, kasunod noon ay sinusuportahan niyang bumaba si Duan Ling Tian mula sa combat arena sa maingat na paraan, natatakot na maapektuhan niya ang pinsala ni Duan Ling Tian.

"Young Master!"

"Ayos ka lang ba?"

Sina Ke Er at Li Shi Shi ay binati siya sa isang ekspresyon na puno ng pag-alala.

Sa isang sandali, napalilibutan ng tatlong dalagita si Duan Ling Tian.

Hindi mabilang na mga titig ng paninibugho at inggit ang napunta Duan Ling Tian mula sa mga nakapaligid.

Ang bawat lalaki na naroon ay nagnanais na ang nasaktan ay hindi si Duan Ling Tian kundi ang kanilang sarili...

"Fei Fei, ayos ka lang ba?" si Li Qing ay dumating sa tabi ng Li Fei habang nagtatanong siya nang may pag-aalala.

"Li Qing, gaano karaming beses ko bang sasabihin sa iyo na dapat ang tawag mo sa akin ay Li Fei?"

Kumunot ang noo ni Li Fei dahil siya ay bahagyang 'di natutuwa. Nakatuon siya sa pagtatrabaho kasama ni Ke Er upang tulungan si Duan Ling Tian na balutin ang sugat sa kanyang likod...

Mula sa simula hanggang matapos, hindi man lang siya tumingin kay Li Qing.

Ang ekspresyon ni Li Qing ay naging malungkot nang siya ay huminga nang malalim.

"Duan Ling Tian, sana maliit na pinsala na ito ay hindi magiging sanhi sa iyo na umatras sa iyong mga laban mamaya."

Ang malungkot na tingin ni Li Qing ay napunta kay Duan Ling Tian.

"Huwag kang mag-alala, ang puntirya ko ay ang maging Champion."

Tiningnan ni Duan Ling Tian si Li Qing sa mata nang walang bakas ng takot.

"Humph!"

Si Li Qing ay tumalikod at umalis pagkatapos sumingasing nang malamig.

Natatakot siya na kung mananatili siya roon ng ilan pang mga sandali, ay hindi niya mapipigilan ang kanyang sarili na patayin si Duan Ling Tian.

Matapos maayos ang panganib na hinarap ni Li Fei, ang pansin ng mga tao ay napunta kay Duan Ling Tian.

Ngayong araw, binigyan sila ni Duan Ling Tian ng lubos na pagkabigla.

Una ay ang talunin ang isang Core Formation na inner court disciple gamit ang cultivation ng ika-siyam na antas ng Body Tempering Stage.

Pagkatapos nito, nagawa pa niyang tawagin ang puwersa ng langit at lupa at nakabuo ng silweta ng dalawang sinaunang mammoth...

Nagtataglay ng lakas ng dalawang ancient mammoths sa ika-siyam na antas ng Body Tempering Stage.

Ito ay isang bagay na hindi pa nila kailanman naririnig!

Ngunit pa it ang wakas.

Sa huli, upang iligtas si Li Fei mula sa panganib.

Si Duan Ling Tian ay sumabog muli, at nagsanhi ng paglitaw ng ikatlong silweta ng sinaunang mammoth...

Mula sa simula, hindi pa nila kailanman nakita si Duan Ling Tian na gumamit Origin Energy.

Sa ibang salita.

Si Duan Ling sa ika-siyam na antas ng Body Tempering Stage ay mayroong lakas ng tatlong ancient mammoths.

Kung hindi nila nakita ito gamit ang kanilang mga mata, hindi sila naniniwala na ang kanilang nakita ay totoo kahit na sila ay bugbugin hanggang kamatayan.

"Kaya pala ipinahayag ni Duan Ling Tian na makikipagpaligsahan siya para sa premyo ng champion; siya pala ay napakalakas."

"Oo nga, bagaman si Li Qing ay nasa ikalawang antas ng Formation Stage Core, si Li Qing sa buong lakas ay maihahambing lamang sa lakas ng tatlong ancient mammoths... batay sa katotohanang ito, si Duan Ling Tian ay hindi kahit kaunti na mas lugi sa kaniya."

"Bukod dito, ang mga martial skill ni Duan Ling Tian ay lubos na mahihirap, kaya ang talunin si Li Qing ay hindi imposible."

"Naniniwala rin ako kay Duan Ling Tian."

...

Kabilang sa bulong at mga talakayan ng mga tao, maraming tao ang pabor kay Duan Ling Tian.

Ang mga salitang ito ay masakit para sa mga tainga ni Li Qing.

Ang kanyang ekspresyon ay naging seryoso habang ang kagustuhan niyang pumatay ay kumislap sa kanyang mga mata, mahigpit na isinara ang kanyang kamao hanggang ang mga ugat sa kanyang kamao ay nagsilakihan...

"Duan Ling Tian!"

Kahit na si Duan Ling Tian na may lakas ng tatlong ancient mammoth ay naging dahilan upang siya ay magulat, tinitingnan pa rin niya nang mababa si Duan Ling Tian.

Para sa kaniya, si Duan Ling Tian ay isang pa ring maliit na bata sa huli, at ang pagkakaroon ng ganitong uri ng lakas ay dahil sa kung anong kakaibang paglakas.

Isa lamang siyang masuwerteng disipulo ng Branch Family.

Paano siya magiging kapantay niya, ang henyo ng Li Clan.

"Hindi ko inaasahan na si Duan Ling Tian ay may tinatagong ganitong lakas. Ang matalo sa kanya ay hindi na isang kawalan ng katarungan."

Si Li Zhong ay may kumplikadong tingin habang siya'y nagbuntong-hininga.

Kasunod nito ay tumingin siya patungo sa hindi makapagsalita na si Li Xiao sa kaniyang tabi.

"Maging mabait ka na mula ngayon; huwag mo na siyang aagrabyaduhing muli! Siya ay hindi isang tao na maaari na'tin saktan."

Si Li Zhong ay nagbigay ng babala.

"Oo."

Si Li Xiao ay mapait na tumawa habang siya ay tumatango.

"Hindi ko inaasahan na ang kanyang tunay na lakas ay ganito kahirap talunin; tapos inakala ko pa nung simula na kapantay ko siya bilang aking kalaban."

Nang si Li Yuan ay tumingin sa batang nakadamit na kulay-lila sa malayo, ang kanyang kalooban ay hindi magawang huminahon nang matagal.

Una niyang naisip na ang pagcultivate ng kanyang Unfettered Steps patungo sa yugto ng pagkadalubhasa ay sapat na upang talunin si Duan Ling Tian.

Ngunit ngayon, ito ay nagmumukhang isang biro lamang.

Sa mataas na platform.

"Hindi ko inasahan na ang Duan Ling Tian na ito ay may kakayahang gamitin ang lakas ng tatlong ancient mammoths sa pamamagitan ng pag-asa sa cultivation ng ikasiyam na antas ng Body Tempering Stage..."

Ang ekspresyon ni Patriarch Li Ao ay bahagyang seryoso.

Ang tunay na lakas ni Duan Ling Tian ay lubos na lumagpas sa kanyang mga inaasahan.

"Ayon sa sentido komun, tiyak na nakakuha niya ang isang uri ng kakaibang paglakas, pagkuha ng isang uri ng likas na kayamanan na nagpaloob sa kanya upang makakuha ng kanyang abnormal na lakas," hula ng isang nakatatandang tao sa gilid.

"Sa tingin ko rin."

Ang matandang kulay puti ang kilay ay tumango sa pagsang-ayon.

Ang Clan Martial Meet ay nagpatuloy.

"Li Qing, Li Fei!"

Ang tinig ng judge ay maririnig.

Sa isang sandali, ang lahat ng mga titig ay napunta kay Li Fei, na tinutulungan si Duan Ling Tian na gamutin ang kaniyang mga pinsala.

"Inaamin ko ang pagkatalo."

Si Li Fei ay hindi man lang itinaas ng kanyang ulo, patuloy na maingat na ginagamot ang mga pinsala ni Duan Ling Tian.

"Si Li Qing ang nanalo!"

Kahit na nanalo si Li Qing, wala siyang bakas nang pagkasiya sa kaniyang mukha.

Ang kanyang madilim na tingin ay hindi kailanman umalis sa malapit na batang nakadamit na kulay-lila.

Hindi masyadong malayo.

"Umaasa ako na si Duan Ling Tian ang unang matatagpo kay Li Qing."

Ang puso ni Li An ay hindi mapakali at nag-aalala.

Nang kumilos na si Duan Ling Tian at tinawag ang puwersa ng langit at lupa upang bumuo ng mga silweta ng tatlong sinaunang mammoth, nadama niya sa kanyang puso na siya ay mahina.

Alam niya ang sarili niyang mga limitasyon.

Si Duan Ling Tian ay hindi isang taong kaya niyang talunin.

"Kapatid An, si Duan Ling Tian ay talagang itinatago pala ang kanyang lakas."

Ang batang nakadamit na kulay-berde sa kaniyang tabi ay nanginig noong maisip niya na muntik na niyang atakihin si Duan Ling Tian noong isang araw.

Nang isipin ang tungkol dito ngayon, ang malamig na pawis ay tumutulo sa kanyang noo.

Hu!

Pagkatapos gamutin nina Ke Er at Li Fei ang kanyang mga sugat, uminom si Duan Ling Tian ng isang Grade Nine Gold Injury Pill, at ang kanyang mga pinsala sa wakas ay nagsimula nang gumaling.

Pagkatapos ng lahat, hindi naman niya napinsala ang anumang kalamnan o buto, kaya mabilis siyang gumaling. Ang kanyang mga pinsala ay gumaling sa punto na hindi ito makaaapekto sa kanyang mga susunod na laban.

"Duan Ling Tian, ​​Li An!"

Ang tinig ng judge ang maririnig sa sandaling ito.

Ang mukha ni Li An ay kaagad na naging seryoso.

Ang pinag-aalala niya ng todo ay kung ano ang tunay na nangyari.

"Mag-iingat ka."

Pag-akyat ni Duan Ling Tian sa combat arena, pinaalalahanan siya ni Li Fei.

"Mukhang ang masaktan ng ganito ay sulit. Huwag kang mag-alala, hindi ko hahayaang may mangyaring anumang bagay sa aking sarili. Marami akong mga bagay na hindi ko pa nagawa..."

Si Duan Ling Tian ay tumingin kay Li Fei sa isang nagbabagang titig. Saka lamang pagtapos niyang bigyan siya ng naiinis na titig ay saka siya umakyat sa combat arena.

Hinawakan ni Li Shi Shi ang kamay ni Ke Er at hinila siya sa isang sulok, iniwasan si Li Fei bago magtanong, sa isang mababang boses, "Ke Er, ang Duan Ling Tian na ito ay isang babaero. Hindi ka ba magagalit?"

"Ate Shi Shi, hangga't ang isang sulok ng puso ng Young Master ay akin, masaya na ako."

Si Ke Er ay bahagyang ngumiti.

Nang marinig kung ano ang sinabi niya, si Li Shi Shi ay hindi makapagsalita.

Saan ba nakakuha ang Duan Ling Tian na ito ang ganitong alindog upang maging ganito katapat si Ke Er sa kaniya?

Sa combat arena.

Tiningnan ni Duan Ling Tian si Li An na may tahimik na ekspresyon.

Huminga nang malalim si Li An. Ang kanyang isip ay napuno ng mga eksena kung saan si Duan Ling Tian ay tinatawag ang mga pwersa ng langit at lupa upang bumuo ng silweta ng tatlong ancient mammoth...

Ang lakas ni Duan Ling Tian ay maihahambing sa isang tao na nasa ikalawang antas ng Core Formation Stage!

Para naman sa martial skill cultivation stage, siya ay hindi kahit kaunti na mas lugi kaysa sa kaniya.

"Inaamin ko ang pagkatalo!"

Kahit na ayaw niya, ginawa pa rin ni Li An ang desisyon na ito.

Kung sila ay maglalaban, hindi niya alam kung paano tutugon si Duan Ling Tian sa kanya. Kung sasadyain niyang umatake nang walang awa, hindi ito magiging kapaki-pakinabang.

Hindi siya maglalakas-loob na sumugal.

Agad na maririnig ang mga kantiyaw ng mga nakapaligid.

Ang lakas ni Li An ay kinilala sa publiko bilang ikalawa sa buong nakababatang henerasyon ng LI Clan.

Ngunit ngayon wala man lang siyang lakas ng loob na labanan si Duan Ling Tian.

"Masyadong d**ag!"

Nang mapansin ang mga galit na titig mula sa paligid, si Li An ay huminga ng malalim at pinigilan ang kahihiyan at galit sa kanyang puso.

Ang kanyang mga mata na puno ng poot at lamig ay napunta kay Duan Ling Tian.

"Li An, Li Qing!"

Matapos ang ilan pang labanan, ang tinig ng judge ay muling maririnig.

Sa pagkakataong ito, muling inamin ni Li An ang pagkatalo.

Nanalo si Li Qing!

Sa paglipas ng oras, ang gabi ay sumapit.

"Li Qing, Duan Ling Tian!"

Ang pinaka-nakakasabik na sandali na inaasahan ng lahat sa wakas ay dumating.

Dalawang bata na mayroong lakas ng tatlong ancient mammoths ay itataas ang Clan Martial ng taong ito patungo sa kaniyang kasukdulan...

Habang ang kanyang puting damit ay nililipad ng hangin, si Li Qing ay agad na naghihintay sa combat arena.

Ang kanyang nakapangbababa na tingin ay napunta kay Duan Ling Tian, ​​puno ng galit at paghamak.

"Ang Li Qing na ito ay talagang mapagmataas!"

Ang ekspresyon ni Duan Ling Tian ay bahagyang madilim.

Ngunit nang malapit na siyang maglakad at pumasok sa combat arena...

"Duan Ling Tian!"

Isang tinig ang pumasok sa kanyang pandinig.

Ngunit agad niyang napansin na ang mga tao sa paligid ay tila hindi napansin ang tinig.

Sa ibang salita, tanging siya lang ang nakaririnig sa tinig na ito.

Dahil sa Rebirth Martial Emperor, ay nalaman ni Duan Ling Tian.

Ang mga martial artist na may antas ng cultivation sa itaas ng ikapitong antas ng Origin Core Stage ay may kakayahang gawin ang kanilang Origin Energy bilang tunog bago ito gawing isang linya.

Ang pinanggalingan ng boses ay walang iba kundi ang Patriarch ng Li Clan, si Li Ao.

Bahagyang itinaas ni Duan Ling Tian ang kanyang ulo upang tumingin kay Li Ao, na nasa mataas na platform. Mayroon siyang nalilitong ekspresyon, nagtataka kung ano ang nais ni Li Ao.

Tinitingnan din siya ni Li Ao.

"Duan Ling Tian, ​​sa laban na ito, inaasahan kong ikaw ay susuko..."

Ang sinabi ni Li Ao ay naging sanhi ng pagkunot ng noo ni Duan Ling Tian.

Sumuko?

Imposible!

Ang kanyang target ay ang premyo ng champion, ang tatlong daan limampu't taong gulang na Blood Lingzhi. Ang paghiling sa kanya na ipaubaya ito ngayon ay isang bagay na hindi niya magagawa.

"Alam ko na ang hiling na ito ay mahirap para sa iyo, ngunit ipinangangako ko sa iyo, patago kong ibibigay ang mga premyo ng champion sa iyo. Payag ka ba?"

Ang tinig ni Li Ao ay muling pumasok sa kaniyang pandinig.

Next chapter