webnovel

Origin Gathering Pill

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kahit na si Duan Ling Tian at Li Fei ay walang pag-unlad sa oras nila.

Sa ngayon, hindi na naiinis sa kaniya si Li Fei, at sa para sa kanya, ito mismo ay mabuting balita na.

Ngayon ang kailangan niyang gawin ay hampasin ang bakal habang mainit pa ito.

Magaang nagtanong si Duan Ling Tian nang magtanong siya kay Li Fei, "Bukas nang hapon, plano kong maglakbay sa Misty Forest kasama si Ke Er. Interesado ka ba?"

"Tinatanong mo ba ako kung gusto kong maging third wheel?. "

Binigyan ni L Fei si Duan Ling Tian nang masamang tingin.

"Kung gayon ay kalimutan mo na ito. Iniisip kong isama ka upang makakita ng isang Snow Python ... Hehe, isang mabangis na hayop na maihahalintulad sa isang Nascent Soul powerhouse. Iyon ay isang bagay na bihirang makita sa buhay ng sinuman. "

Sinadyang bumuntong hininga ni Duan Ling Tian.

"Ano? Isang Snow Python?"

Ang malinaw na mga mata ni Li Fei ay nagningning at sa kanyang maganda at kaakit-akit na mukha ay lumilitaw ang kagalakan.

Narinig niya na ang balita dati.

Ang isang Snow Python ay lumitaw sa Misty Forest. Ang balitang ito ay naging sanhi ng kanyang pagkagulat, at ang kanyang puso ay napuno ng kuryusidad at pagnanasa.

Iniyuko ni Duan Ling Tian ang kaniyang ulo, abala sa pakikipaglaro sa maliit na itim na python nang mag-isa.

"Hoy, mayroon ka talagang paraan upang makita angSnow Python?" tanong ni Li Fei sa mahinang boses.

Hindi itinaas ni Duan Ling Tian ang kaniyang ulo tila hindi niya ito narinig.

"Hoy!"

Sigaw ni Li Fei.

Si Duan Ling Tian ay may tamad na ekspresyon habang dahan-dahan niyang sinabi, "Hoy ano? ang pangalan ko ay hindi hoy. Hindi ba't hindi ka interesado? "

"Ikaw…"

Tila biglang nainis si Li Fei. Ang kanyang malinaw na mga mata ay may tanda ng pagluha na parang siya ay iiyak sa anumang sandali ...

"Anong ginagawa mo? Wala namang dapat iiyak… isasama kita."

Kinabahan siya pagkat ang eksena sa kaniyang harapan ay hindi niya inasahan.

Mula sa kaniyang nakaraang buhay hanggang sa kasalukuyan, ang bagay na hindi niya kayang tingnan ay ang luha ng isang babae.

"Nangako ka! Hindi ka maaring tumaliwas sa sinabi mo!"

Ang nakaka-akit at magandang mukha ni Li Fei ay naglabas ng ngiting nagpakita na ang kaniyang plano ay nagtagumpay.

"Dinaya mo ako!"

Doon lamang napagtanto ni Duan Ling Tian, at may mapait siyang ngiti sa kaniyang mukha.

Si Li Fei at Ke Er ay lubos na magkabaligtad.

Siguro ay ito ang dahilan kung bakit siya napa-ibig kay Li Fei sa unang pagkikita.

Nang gabing iyon.

Pagkatapos ng hapunan, hinatid ni Duan Ling Tian si Li Fei pauwi.

Ngayon lamang niya napansin na ang bahay ni Li Fei ay nasa likod mismo ng sa kaniya, nahahati lamang ng isang maliit na pasilyo.

Kahit na lumakad siya sa pangunahing pinto, ang pag-ikot sa paligid ay hindi aabot sa sampung metro ang distansiya.

At kung siya ay direktang tumalon sa pader, maaari pa siyang makabawas ng ilang distansiya.

Pagkatapos makauwi, pumasok si Duan Ling Tian sa kaniyang kwarto at nagsimulang magcultivate.

Ang Nine Dragons War Sovereign Technique's Spirit Serpent Form mental cultivation method ay nacultivate na sa pinakamataas na stage.

Ang kailangan niyang malaman ay ang pagcultivate ng ikalawang form ng Nine Dragons War Sovereign Technique.

Raging Python Form!

Ngayon na ang kanyang katawan ay nakarating na sa tuktok ng Body Tempering Stage, napansin ni Duan Ling Tian na ang Seven Treasures Body Tempering Liquid ay naging ganap na walang silbi sa kanya.

Ang kailangan niyang mlaman ay ang pagcultivate ng kaniyang Raging Python Form mental cultivation upang makagawa ng Origin Energy.

Kapag nakagawa siya ng kaniyang Origin Energy, magiging isa siyang Core Formation martial artist.

Ang kaniyang lakas ay muling tataas!

"Bukas, bibili ako ng ilang Origin Gathering Pills. Iyon ay magkakahalaga sa akin ng isang braso at binti…"

Mayroong masakit na ekspresyon si Duan Ling Tian.

Ang Origin Gathering Pill ay isang Grade Eight Medicinal Pill.

Isang uri ng medicinal pill na tumutulong sa Body Tempering martial artists sa pagdaragdag ng kanilang bilis sa pagbuo ng Origin Energy. Ito ay isang medicinal pill na ginagamit para makatuntong sa Core Formation Stage, kaya sobrang mahal nito.

Ang isang pill ay nagkakahalaga ng 10,000 na pilak!

Ang mga martial artists na may mahusay na likas na talento ay kinakailangang kumonsumo ng hindi bababa sa 10 Origin Gathering Pills kung nais nilang tumuntong sa Core Formation Stage sa maikling panahon.

Ang mga martial artis na may hindi kagalingang likas na talento ay kinakailangan ng kahit papaano ay libu-libong pills.

Siyempre. hindi yun importante…

Ngunit kapag hindi kinunsumo, kahit na ang martial artist na may mahusay na likas na talento ay kinakailangang maglaan ng ilang taon sa cultivation upang mapagtagumpayan ang Core Formation Stage.

Halimbawa, ang mga Core Formation martial artist ng Fresh Breeze Town Branch Family, kasama na ang Patriarch, si Li Nan Feng, at lahat ng elders.

Noong nagcultivate ang lahat sa kanila mula sa Body Tempering Stage patungo sa Core Formation Stage sa mga nakalipas na taon, kahit na ang mga indibidwal sa kanila na may mahusay na likas na talento ay naglaan ng tatlo hanggang limang taon, habang ang mga indibidwal na may hindi kagalingang likas na talento naman ay naglaan ng pito hanggang walong taon.

Hindi dahil sa ibang rason, ngunit dahil sa wala silang kapasidad na gumamit ng Origin Gathering Pills.

Sa Clan Martial Meet ngayong taon, kasama si Li Fei, ang limang batang henyo ay nakaya lamang tumuntong sa Core Formation stage sa murang edad na labingwalo dahil bukod sa mayroon silang mahusay na likas na talento, kumunsumo sila ng Origin Gathering Pills.

Ang mga medicinal pills ay may kakayahang baguhin ang buhay ng isang tao.

Ito ang rason kung bakit ang mga alchemists ay mayroong mataas na posisyon sa Cloud Continent.

Kapag mas mataas ang grade ng isang alchemist, mas mataas ang kaniyang estado. Sila ang mga katauhan na pinaglalabanan dahil sa iba't-ibang kapangyarihan.

"Napakamalas at hindi ko pa nagagawa ang aking Origin Energy. Kapag nagawa ko na, magiging isa akong Grade Nine Alchemist!"

Huminga nang malalim si Duan Ling Tian sa kaniyang puso.

Kung ang isang ordinaryong tao ay gustong maging alchemist, kahit na mayroong napakataas na likas na talento ng isang alchemist at may gabay ng isang master, kinakailangan pa rin ng ilang taong cultivation upang maunawaang lubos ang mga pamantayan.

Gayunpaman, taglay ni Duan Ling Tian ang alaala ng Rebirth Martial Emperor.

Ang Rebirth Martial Emperor ay isang Royal Grade Alchemist.

Pagdating sa alchemy, maituturing siya bilang ikalawang Rebirth Martial Emperor.

Hanggat ang kaniyang Origin Energy ay magawa ang mga kinakailangang kondisyon, magiging isa siyang alchemist na may napakalawak na karanasan.

Kung anong alam ng ibang alchemist, alam niya.

Kung anong hindi alam ng ibang alchemist, alam pa rin niya.

"Ang importanteng bagay sa oras na ito ay ang paggawa ng Origin Energy at pagtuntong sa Core Formation Stage upang maging alchemist ako. Sa oras na iyon, makakagawa na ako ng medicinal pills na papataasin ang cultivation ng Core Formation Stage, and kaya pang hayaan si ina na magdaan sa pagbabago, hahayaan siyang macultivate ang isang top ranked cultivation method."

Humugot nang malalim na paghinga si Duan Ling Tian.

Mabilis na napunta ang kaniyang atensyon sa Raging Python Form mental cultivation method.

"Ito…"

Matapos maghanap sa Raging Python Method mental cultivation method ng matagal na sandali, ang mga itim ng mata ni Duan Ling Tian ay nanliit.

Katulad ng inaasahan sa cultivation method na ginawa ng Rebirth Martial Emperor na nakaranas ng dalawang buhay; ang ikalawang form ng Nine Dragons War Sovereign Technique, ang Raging Python Form, bukod sa hinahayaan nito ang cultivator na makagawa ng Origin Energy tulad ng mga ordinaryong martial artists, hinahayaan din nito ang cultivator na painitin ang katawan sa pamamagitan ng Origin Energy, dahilan para ang katawan ay sumailalim sa isa pang pagbabago!

Kapag nakacultivate na si Duan Ling Tian sa unang antas ng Core Formation Stage sa pamamagitan ng paggamit ng Raging Python Form, bukod sa pagkontrol ng parehong Origin Energy tulad ng mga ordinaryong martial artists, maaari pa rin niyang magamit ang kaniyang Origin Energy upang painitin ang kaniyang katawan, hinahayaan nito ang kaniyang katawan na sumailalim muli sa isa pang pagbabago.

Ang lakas ng kaniyang katawan ay magbabago mula sa kasalukuyang lakas ng tatlong sinaunang mammoths hanggang sa lakas ng apat na ancient mammoths.

Dagdagan pa ng Origin Energy na maikukumpara sa lakas ng isang ancient mammoth.

Sa madaling salita, sa oras na tumuntong siya sa unnag antas ng Core Formation Stage, tataglayin niya ang lakas ng limang sinaunang mammoths.

Ang lakas ng limang ancient mammoths…

Kumpara sa ika-apat na antas ng Core formation Stage, bahagya itong mahina.

Kumpara sa ikatlong antas ng Core Formation Stage, bahagya itong mas malakas.

Humugot nang malalim na paghinga, nagsimulang magcultivate si Duan Ling Tian.

Ngunit kapag walang Origin Gathering Pills ang pag-unlad ng kaniyang cultivation ay napakabagal,

Hanggang sa kalaliman ng gabi, walang makikitang pag-unlad.

"Masiyado pa rin akong mainipin."

Habang umiiling ay tumigil na si Duan Ling Tian upang matulog.

Natulog siya hanggang ang langit ay magliwang.

Kinaumagahan.

Pagkatapos kumain ng umagahan, sinama niya si Ke Er at umalis.

Dumating siyang muli sa medicine store ng pamilihan ng kalakal sa Aurora City kung saan niya binenta ang kaniyang Six Treasures Body Tempering Liquid.

"Mamimili, sa wakas ay dumating ka."

Nang makita si Duan Ling Tian, tila nakita ng manager ang kaniyang tagapagligtas. Nagmadali siyang lumapit at binati ito.

"Ano, ubos na lahat?"

Tumawa si Duan Ling Tian.

"Naubos na lahat, ang uong 2,000 na piraso, naubos lahat…"

Tumango ang manager, kinuha ang salansan ng silver bills sa kaniyang bulsa at iniabot ito kay Duan Ling Tian.

"Ito ay…"

Natuliro si Duan Ling Tian.

"Mamimili, nakagawa ka ng 2,000 ng Six Treasures Body Tempering Liquid noong nakaraang araw. Ibinenta ko sila sa halagamg 200 silver bills kada isang piraso, ngunit ang suplay ay hindi sapat para sa pangangailangan. Ayon sa ating napagkasunduan, makukuha mo ang 80% ng benta, ang kabuuan ay 320,000 silver bills. Bawas na ang 200,000 silver bills na ibinigay ko s aiyo noong nakaraang araw, ito ang natira 120,000 silver bills."

Paliwanag ng manager.

"200 na pilak kada piraso?"

Nagulat si Duan Ling Tian, sinundan ng pag-iling niya at pagtawa.

Kailangan mo talagang maging matalino para magnegosyo!

"Mamimili, dahil nandito ka naman, paano kung gumawa ka ulit ng Six Treasures Body Tempering Liquid?"

Tumingin nang naghihintay ang manager kay Duan Ling Tian.

"Pumunta ako rito dahil diyan. Tulungan mo akong ihanda ang mga medicinal materials."

Tumango si Duan Ling Tian.

"Handa na silang lahat."

Nang pumasok si Duan Ling Tian at Ke Er sa isang maliit na kwarto at nakita ang dalawang malalaking palayok at ang malaking tumpok ng medicinal materials, pareho silang natulala.

Sa pagkakataong ito, dalawang oras ang nailaan nila upang makagawa ng Six Treasures Body Tempering Liquid sa dalawang malalaking palayok.

Matapos suriin ang mga paninda, bahagyang nag-alala ang manager at sinabi, "Mamimili, wala na akong sapat na likido rito, kaya't 200,000 silver bills lamang ang paunang maibibigay ko sa iyo. Ano sa tingin mo? Kapag ang mga medicinal liquids na ito ay maibenta, ibibigay ko sa iyo ang natitirang pilak."

Pagkatapos ng lahat, kahit na saang medicine store dalhin ni Duan Ling Tian ang pangkat ng Six Body Tempering Liquid, kaya niya pa rin itong ibenta at maaring mas mataas na presyo pa.

"Hindi iyon problema, siyempre. Pinagkakatiwalaan kita, Manager."

Tumango si Duan Ling Tian, initabi ang isa pang 200,000 silver bills.

Minsan ang pagtitiwala ay kabilaan.

"Manager, hindi maaaring mag-isa ka lang sa paghati sa dalawang palayok ng Six Body Tempering Liquid noong nakaraan sa 2,000 piraso, tama?"

Tumingin si Duan Ling Tian sa manager nang kakaiba.

"Siyempre hindi, hindi ko kayang magtiwala sa iba, kaya't kumuha ako ng tao mula sa miyembro ng aking pamilya upang hatiin ito."

Tumawa ang manager.

"Oo, Manager, may alam ka bang medicine store sa pamilihan ng kalakal sa Aurora City na nagbebenta ng Origin Gathering Pills?" tanong ni Daun Ling Tian.

"Origin Gathering Pills? Siguro ay kailangan mong magtungo sa branch medicine stores na nasa ilalim ng tatlong dakilang clanas ng Aurora City… Mamimili, ang medicine store ng iyong Li Clan, ang Spirit Reserves Pavilion ay nasa kalye lamang sa harap."

Tumuro sa labas ang manager.

Tumango si Duan Ling Tian at kinuha si Ke Er at umalis sa medicine store.

Matapos ang ilang sandali, dumating siya sa Spirit Reserves Pavilion na sinabi ng manager.

Katulad ng inaasahan sa branch medicine store ng Li Clan, ang kabuuang sukat ng Spirit Reserves Pavilion ay napakalaki, hinati pa sa dalawang palapag.

"Mamimili, maaari ko bang malaman ang iyong kailangan?"

Matapos lamang pumasok sa pintuan, isang tagapaglingkod ang bumati nang may marespetong tono.

"Kailangan ko ng ilang Origin Gathering Pills."

Sinabi ni Duan Ling Tian ang dahilan ng kaniyang pagpunta.

"Ang Origin Gathering Pills ay nasa ikalawang palapag. Mamimili, sumunod kayo sa akin."

Dinala ng tagapaglingkod sina Duan Ling Tian at Ke Er sa ikalawang palapag.

"Ang mamimiling ito ay nangangailangan ng Origin Gathering Pills," sinabi ng tagapaglingkod sa isang babaeng tagapaglingkod na nasa likod ng counter bago bumaba sa unang palapag.

"Mamimili, maaari ko bang malaman kung ilang Origin Gathering Pills ang kailangan mo?"

Katamtaman lamang ang itsura ng babaeng tagapaglingkod, ngunit ang kaniyang ngiti ay napakasaya at maliwanag.

Tinapik ni Duan Ling Tian ang perang pilak sa kaniyang bulsa bago mabagal na sinabi," Bigyan mo ako ng 32 pills."

Nang marining ang kaniyang sinabi, ang babaeng tagapaglingkod ay nagulat.

Ngunit mabilis siyang nagbigay reaksyon.

"Mamimili, sigurado kang 32 pills? Ang isang Origin Gathering Pill ay…"

Bahagyang nagaalinlangan ang babaeng tagapaglingkod.

"ay 10,000 na pilak, tama?"

Normal na ngumiti si Duan Ling Tian nang kunin niya ang salansan ng perang pilak na nakuha niya sa manager ng medicine store, direktang tinapon ito sa counter.

"Mamimili, patawad. Ihahanda ko na sila agad!"

Matapos makita ang maraming perang pilak, alam niyang hindi nagbibiro ang bata, Ang babaeng tagapaglingkod ay naglabas ng malamig na hininga bago sumagot sa kaniya at umalis para ihanda ang Origin Gathering Pills.

"Young Master, anong medicinal pill ang binibili mo? Sobrang mahal."

Mapaglarong inilabas ni Ke Er ang kaniyang dila at may ekspresyon nang pagkagulat.

Ngumiti si Duan Ling Tian nang sinabi niya, " Ang Origin Gathering Pill, isa itong medicinal pill na makakatulong sa ating mapagtagumpayan nang mas maaga ang Core Formation Stage."

Next chapter