3 Nine Dragons War Sovereign Technique

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Mamatay ka na!"

Sigaw ng nagliliyab sa galit na isipan ni Duan Ling Tian.

Bigla siyang nakaramdam ng napakatinding sakit na siyang nakapagpahimatay kay Duan Ling Tian.

Ito ay nanggagaling sa kaloob looban ng kaluluwa ni Duan Ling Tian na nagdulot ng malakas na panginginig sa kanyang buong katawan.

"Hindi! Imposible! Hindi ka isang tunay na tao sa mundong ito!

Hinding hindi ko matatanggap ito! Kaunti nalaaaang!

At biglang nawala ang nakakatakot na tinig na para bang nakaramdam ito ng napakatinding takot.

Matapos ng isang ungol ay bigla itong nawala na para bang hindi ito lumabas kailanman sa isipan ni Duan Ling Tian.

"Anong nangyari?"

At nagkaroon na siya ng malay matapos mawala ang napakatinding sakit na kanyang naramdaman.

Pagkatapos ay maluwag na bumukas ang kanyang mga mata at mabilis na bumalik sa kanya ang lahat ng kanyang mga ala ala na para bang dinakma niya ito ng sapilitan.

"Ito…"

Natutulala pa rin si Duan Ling Tian sa mga ala alang pumapasok sa kanyang isipan kahit na siya ay nagdaan na sa dalawang buhay.

Ang mga ala alang ito ay pagmamayari ng "Rebirth Martial Emperor" na isa sa mga dakilang Martial Emperor ng Cloud Continent sampung libong taon na ang nakalilipas!

Ang mundong ito ay may pangalan na Cloud Continent.

Ang Pitong Dakilang Martial Emperor ay ang mga pinakatinitingalang mga tao sa Cloud Continent. Ang kanilang walang kapantay na lakas ay halos katumbas na ng mga Diyos. Na para bang kaya nilang hawakan ang mga bituin at takpan ang araw at ang buwan sa pamamagitan lamang ng kanilang mga kamay.

Ang Rebirth Martial Emperor ang pinakamalakas sa Pitong Dakilang mga Martial Emperor noong panahon na iyon. Siya ay minsang kumuha na ng ibang katawan upang magkaroon ng panibagong buhay. At dahil dito, nakapagkamit na siya ng dalawang buhay.

Isa rin siyang napakagaling na alchemist bukod sa pagiging Martial Artist na nagpupursiging abutin ang tuktok ng Martial Arts noon sa kanyang unang buhay.

Isa naman siyang mapanganib na manggagawa ng sandata na nagawa pang tuklasin ang iba't ibang pamamaraan ng paghinang at makumpleto ang kanyang kaalaman sa paggawa ng sandata.

"Hindi kapani-paniwala!"

Napahinga ng malalim si Duan Ling Tian.

<Patuloy na umaasa ang Rebirth Martial Emperor sa isang technique tinatawag Three Lives Technique. Nagawa niyang tuklasin lahat ng tungkol pagpulido master pill, pamamaraan paggawa armas at ibat ibang uri pag-hinang… At maituturing pangkalahatan kanyang kaalaman dahil dito.< p>

At siya ay naghahandang wasakin ang kaluluwa ni Duan Ling Tian upang makuha niya ang katawan nito at simulan ang kanyang ikatlong upang lalo pang magpalakas.

Pero ang lahat ng plano niyang iyon ay nasira noong pagdating ko galing daigdig. pinalitan ko ang winasak niyang kaluluwa ni Duan Ling Tian at tuluyan kong kinontrol ko ang buong pagkatao at katawan nito.

Matapos niyang subukang wakasan rin ang aking kaluluwa, paano niya nalaman na ako ay hindi galing sa mundong ito? Kahit na napakalakas at walang kapantay ng kanyang kaluluwa sa mundong ito, ay bigla itong nadurog at naging parang abo nung magdikit ang aming mga kaluluwa!

Mukhang ilang taon na siyang nagtatago rito sa loob ng katawan ni Duan Ling Tian at naghahanap lamang ng tamang pagkakataon upang maagaw ang katawan nito, na isa ring rason kung bakit napakahina ni Duan Ling Tian. Ito ay dahil sa kanyang takot na kapag lumakas ito ay mahirapan siyang makamit ang kanyang mga binabalak dito.

At noong malubhang nasugatan si Duan Ling Tian ay nahanap na niya ang pagkakataong matagal na niyang hinihintay. Ngunit paano niya nalaman na darating ako na sisira sa lahat ng kanyang masasamang plano!

Isa itong tadhana! Itinakda ito ng tadhana!>

Ang Rebirth Martial Emperor ay isang mala diyos na nilalang sa buong Cloud Continent.

At kung matatapos niya ang kanyang ikatlong buhay ay makukumpleto na niya ang Three Lives Rebirth Technique.

At sa puntong iyon, kahit na magsama sama pa ang mga natitirang miyembro ng pitong mga dakilang Martial Emperor ay hindi na nila ito kayang tumbasan.

<Kaawa awang sa punto kung saan ay malapit mo ng makuha ang iyong ikatlong buhay bigla akong lumabas at sinira lahat mga plano loob lamang napakaikling panahon!< p>

At salungat man sa iyong kagustuhan, higit na makatutulong sa akin ang lahat ng iyong pagsasanay at paghihirap sa iyong mga nakaraang buhay dahil ang lahat ng ito ay naging parte na ng aking mga ala ala!

Higit akong nagpapasalamat sa iyong naging tulong sa akin!>

At nagsimulang tumawa si Duan Ling Tian.

"HA HA HA HA"

Noong una ay nababagabag pa siya kung paano niya magsisimulang palakasin ang mahinang katawan ni Duan Ling Tian. Pero dumating ang Rebirth Martial Emperor sa tamang tama na panahon at binigyan siya ng isang napakagandang regalo!

<Hmmm… Napakarami ng pamamaraan pagpapalakas ang nakikita ko sa mga ala galing Rebirth Martial Emperor. Pero bukod Three Lives Technique, isa pa pinakamagagandang uri pagsasanay ay Nine Dragons War Sovereign Technique. Isa itong technique na nilikha Emperor matapos nitong makumpleto kanyang ikalawang buhay. pagpipino lakas nakapokus parehong internal at external lakas. Ang Technique siyang makakapagpabagsak kalaban dahil taglay walang kapantay.< p>

Huminga ng malalim Duan Ling Tian at nagdesisyon.

Sasanayin niya ang kanyang sarili sa Nine Dragons War Sovereign Technique!

<Sadyang napakahina ng aking katawan upang direktang sanayin ang Nine Dragons War Sovereign Technique. Kailangan kong sabihan si ina na bilhan ako mga sangkap sa paggawa gamot makagawa isang isasabay ko pagligo.>

Isang Royal Grade Alchemist ang Rebirth Martial Emperor noong siya ay nasa kanyang ika unang buhay.

Napakadali para kay Duan Ling Tian na paglikha sa gamot na ito.

Nahahati sa siyam na mga grade ang mga Alchemist sa mata ng mga tao sa buong Cloud Continent. Ang Grade nine ang pinaka mababa at Grade one ang pinakamataas.

Gayunman ay ang mga nakatataas na tao lamang ng Cloud Continent ang tanging nakakaalam na ang mga ranggo na mas mataas pa sa Grade 1 ng pagiging alchemist. Ito ay ang Quasi-Royal Grade alchemist na pumapangalawa sa Royal Grade Alchemist na siyang nangunguna sa lahat ng mga alchemist sa buong Cloud Continent.

At ang Rebirth Martial Emperor lamang ang nag iisang Royal Grade Alchemist sa buong Cloud Continent.

"Kailangan ko po ng mga sangkap sa paggawa ng gamot ina."

Matapos nito ay nagbigay ng isang pirasong papel na may nakalistang mga sangkap sa paggawa ng gamot si Duan Ling Tian sa kanyang ina.

"Ang lahat ng ito ay sangkap sa paggawa ng gamot na nakakapagpatibay at nakakapagpalakas ng katawan Tian. Matagal na panahon na ang nakalilipas noong huli akong nakakuha ng ilan sa mga sangkap na ito upang makagawa ang pinakanakatatanda ng gamot para sa iyo. Ngunit wala itong epekto sa iyo."

At kahit na wala gaanong alam si Li Rou sa paggawa ng tabletang gamot ay pamilyar siya sa iilang mga nakalagay na mga sangkap sa listahan.

Ang pinakanakatatanda sa pamilya Li na si Li Huo ay isang Grade Nine Alchemist sa pamilya Li kahit na mayroong siyang mataas na katayuan sa buong pamilya.

"Gusto ko pong subukan ina."

Kasabay ng kanyang pagtango na wala anumang bahid ng pagaalinlangan.

"Sige anak bibilhin ko na ang mga ito para sa iyo." Sabi ni Li Rou kasabay ng kanyang pagtango ng may kasamang pagmamahal.

Para sa kanya ay hangga't masaya ang kanyang anak, wala lang sa kanya kung masayang lamang ang lahat ng sangkap na iyon. At materyal na bagay lamang ang lahat ng iyon.

Makalipas ang kalahating oras ay nagbalik si Li Rou bitbit ang mga sangkap sa paggawa ng gamot na hiniling ni Duan Ling Tian.

"Gusto mo ba Tian na tawagin ko ang pinakanakatatanda upang makatulong sa iyo sa pagaayos ng mga sangkap na ito paggawa ng gamot?"

"Hindi na po kailangan ina, Akin na po ang mga sangkap."

Matapos niyang makuha ang mga sangkap ay bumalik na ito sa kanyang silid.

"Huwag mong sabihin na nagtatangka si Tian na gumawa ng isang gamot gamit ang mga sangkap na iyon! Di bale, wala namang nakalalason sa mga sangkap na iyon at hangga't masaya siya. Hahayaan ko nalang siyang maglibang gamit ang mga iyon.

Kinabahan si Li Rou, pero hindi siya nag aalala

Pinabili ni Duan Ling Tian si Li Rou ng pitong uri ng sangkap na gamit sa paggawa ng gamot upang malikha ang Seven Treasures Body Tempering Liquid.

Ang gamot na ito ay kayang palakasin ang palakasin at pabilisin ang katawan ng isang tao na kung saan lumalakas ang Body Tempering Stage nito.

Matagal ng wala ang formula sa paggawa ng Seven Treasures Body Tempering Liquid sa buong Cloud Continent matagal na panahon na ang nakalilipas. Natuklasan ito ng Rebirth Martial Emperor sa isang ancient ruin noong ikalawang buhay niya.

Pinlano niyang gamitin ito sa kanyang ikatlong buhay. Ngunit ito ngayon ay pinakikinabangan na ni Duan Ling Tian.

Ang paggawa ng mga gamot na gawa sa likido ay iba sa paggawa ng mga tabletang gamot.

Upang makagawa ng tabletang gamot ay kinakailangan na iyong mabuo ang Pill Fire. Isa itong kakayanan na maari lamang makuha ng mga Graded Alchemist.

Pero ang paggawa ng mga gamot na gawa sa likido ay nangangailangan lamang ng formula. Ang kaalaman lamang sa paggawa ng gamot at ang mga sangkap na kakailanganin ang tanging kailangan ng sinuman upang makagawa ng likidong gamot.

Isang oras ang ginugol ni Duan Ling Tian para malikha ang Seven Treasures Body Tempering Liquid sa unang pagkakataon gamit ang mga ala ala ng Rebirth Martial Emperor.

Matapos nito ay inutusan niya ang binibining tagapaglingkod ng kanyang ina na maghanda ng isang tuwalyang pamunas at maligamgam na tubig.

Nilagay ni Duan Ling Tian ang gamot sa isang batya, hinalo itong maigi, at tumalon sa batya matapos hubarin ang kanyang mga damit.

Habang nakaupo si Duan Ling Tian sa kanyang batya ay nararamdaman nitong namamanhid ang kanyang buong katawan.

Alam niyang pumapasok at binabago ng kanyang katawan ang Seven Treasures Body Tempering Liquid.

Pinikit niya ang kanyang mga mata at nagsimula na siyang magsanay ng Nine Dragons War Sovereign Technique.

Nahahati sa siyam na anyo ang Nine Dragons War Sovereign Technique.

At kapag nakumpleto niya ito, makokontrol na niya ang lakas ng siyam na dragon at makakamit ang lakas ng isang Martial Emperor na nagtataglay ng di mapapantayang lakas!

Sa ngayon ay sinasanay na ni Duan Ling Tian ang kanyang sarili sa unang anyo ng Nine Dragons War Sovereign Technique na kung tawagin ay Spirit Serpent Form.

At dahil sa malakas na pagsipsip ng kanyang katawan sa gamot ay agad na naubos ito.

Samantalang ang pagsasanay sa Spirit Serpent Form ay nasa ay nasa tamang landas.

Ang pundasyon sa pagiging isang Martial Artist ay ang mga sumusunod: Una, ang Body Tempering process, ikalawa ang pagpapalakas ng vital energy at ng dugo at ang huli ay ang pagbabagong anyo ng katawan.

Matapos ang ilang araw at matapos maubos ng ikatlong batsa ng likidong gamot ay narating na rin di Duan Ling Tian ang unang antas ng Body Tempering Stage.

"Hua La La~"

Tiningnan ni Duan Ling Tian ang kanyang sarili sa harap ng salamin at nakita niya ang pagkakaiba ng katawan niya ngayon sa katawan niya tatlong araw na ang nakalilipas at nagsimulang tumawa.

Sinimulan niyang banatin ang kanyang katawan at siya ay namangha sa taglay flexibility ng kanyang katawan.

Ito ay dulot ng pagsasanay niya sa Spirit Serpent Form. Binibigyang kakayahan nito ang kanyang katawan na maging sobrang flexible na parang isang spirit serpent.

<Ang Nine Dragons War Sovereign Technique ay talagang karapat dapat bilang nilikha ng Rebirth Martial Emperor. Gamit ang kanyang karanasan sa dalawang buhay, napaka layo nito Three Lives Technique.< p>

Normal sa mga Martial artist ng paglakas ng mahigit 20 pounds. Pero ang inilakas ko ay higit pa sa 30 pounds na malapit na sa lakas ng isang Martial Artist na nasa ikalawang antas ng kanyang Body Tempering Stage.

At kung ngayon ko haharapin si Li Xin na nasa ikalawang antas ng Body Tempering Stage ay madali ko itong matatalo gamit lamang kakayahan ko sa Form at Will Boxing at ang sarili kong mga kakayanan sa dati kong buhay kahit na mas mababa pa ang lakas ko sa kaniya.>

At sumingkit ang mga mata ni Duan Ling Tian.

<Sa kasamaang palad ay kinakailangan ko pang makatungtong sa ikapitong antas ng Body Tempering Stage upang magamit ang Spirit Serpent Moving Technique form.< p>

Pero kahit na ang gamitin ko lamang sa ngayon ay ang bilis ng Spirit Serpent Movement Technique at ang mga technique na nakuha ko sa Form at Will Boxing ay kaya ko pa ring manalo ngayon laban sa isang Martial Artist na nasa ikatlong antas.

avataravatar
Next chapter