webnovel

Nascent Soul Powerhouse

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hiss hiss~

Ang mata ng dalawang maliit na pythons ay nagliwanag habang sila ay nakatitig sa isang malaking nilalang sa kanilang harapan.

Ang kanilang mga dila ay pumilantik na parang kidlat.

Growl~

'Di nagtagal, ang Savage Tiger ay mahinang umungol at ibinaba nito ang kanyang katawan at apat na binti.

Ang malaki nitong katawan ay bahagyang nanginginig na parang sinusumite nito ang kanyang sarili sa pagsamba.

Whoosh! Whoosh!

Hindi pinansin ng dalawang maliit na pythons ang Savage Tiger at nagpatuloy sa kanilang landas. Matapos ito maging puti at itim na kidlat ay unti-unti itong naglaho.

"Tara na!"

Pinigilan ni Duan Ling Tian ang kanyang pagkagulat at agad na sinundan ang mga ito.

Si Li Fei at Ke Er ay may gulat na ekspresyon.

Sa harap ng Savage Tiger, ang dalawang sobrang liit na mga nilalang ay nagawang pasambahin ang Savage Tiger. Ito ay talagang hindi kapani-paniwala.

Samantala, si Duan Ling Tian ay nakaisip ng isang posibilidad…

Kung ang dalawang maliit na python ay talagang anak ng Snow Python, siguradong sila ay mayroong aura ng Snow Python sa kanilang mga katawan.

Bilang isang mabangis na hayop na maihahalintulad sa isang Nascent Soul Stage powerhouse, sigurado na ang Snow Python ay isa sa mga leader-ranked na nilalang sa Misty Forest.

Ang takutin ang lahat ng hayop ay isang simpleng bagay lamang para sa Snow Python.

Samakatwid, dahil ang dalawang maliit na pythons ay nagtataglay ng aura ng Snow Python, natural na hindi sinubukang kumilos nang masama ng Savage Tiger.

Masasabi na ang suwerte ng grupo ni Duan Ling Tian ay umaayon sa kanila.

Sa kanilang paglalakbay sa itaas ng mga puno ay hindi sila nakatagpo ng kahit anong nakatatakot na bird-type na mga hayop.

Kahit na ang dalawang maliit na pythons ay nakabubunggo ng ilang mammal-type na mga hayop, lahat sila nakababahala ngunit hindi ito delikado dahil ang aura ng Snow Python ay tinatakot ang mga mababangis na hayop na ito.

Kahit saan ay nakalalagpas sila at lahat ng hayop ay sinasamba sila.

Kung hindi niya ito mismo nakita ay hindi maniniwala si Duan Ling Tian na totoo ang mga bagay na ito.

Sa kalaunan, dahil sa pangunguna ng mga maliliit na pythons, ang grupo ni Duan Ling Tian ay narating ang pinakaloob na parte ng Misty Forest.

Bang!

Biglang may isang malakas na tunog ang maririnig mula sa malayo, na naging dahilan ng paggalaw ng lupa at pagyanig ng mga burol.

Ang mga malalaking puno sa ilalim ng grupo ni Duan Ling Tian ay bahagyang gumalaw, at nagkaroon sila nang mahirap na sitwasyon bago mapapirmi ang kanilang mga sarili.

Sa pagpapatuloy.

Ang lugar sa kanilang harapan ay bigla nilang nakita.

Isang nakagugulat na eksena ang kanilang nakita.

Sa kanilang harapan, sa isang malawak at bakanteng espasyo.

Isang napakalaking python na kulay nyebe at may habang dalawampu or tatlumpung metro, ang lumalaban sa isang matanda na nakasuot ng kulay-abo na damit.

Ang katawan ng python ay mayroong mantsa ng dugo at halatang nagdudusa ito sa mga malalaking pinsala.

Ang matanda ay nasa isang malubhang sitwasyon rin at magulo ang kanyang aura.

Whoosh!

Ang titig ng matanda ay biglang lumamig nang bigla niyang itaas ang kanyang kamay.

Ang patalim na may habang tatlong talampakan ay kumislap nang may nakakasindak na kinang.

Biglang may isang maliit na bahagi ng swoard qi ang nabuo, at dumikit ito sa tatlong talampakang patalim nang ikumpas ito palabas. Tumagos ito sa hangin nang ito ay mabilis na tumungo papunta sa napakalaking python.

Sa parehong oras, ang lakas ng langit at lupa ay kumulog sa itaas ng matanda, at isang makapal na puting ulap ang nabuo at naging maraming silweta ng ancient mammoth…

Hindi ito bababa ng ilang daan!

Whoosh!

Ang buntot ng napakalaking python ay kuminang na parang nagbabagong anyo ito papunta sa isang puting kidlat. Ang buntot nito ay nababalutan ng mga layer na kapangyarihan at tila katulad ito ng pagsanib ng puting ulap sa sword qi.

Muling nagkaroon ng ilang daang silweta ng ancient mammoth ang lumitaw sa itaas ng napakalaking python, na tila kinukuha nito ang lakas ng hangin at kidlat.

Bang!

Nawala ang sword qi at nahulog ang puting ulap.

Ang tao at python ay magkasinglakas.

"Nadischarge na ang Origin Energy… Nascent Soul Stage powerhouse!

Ang mukha ni Li Fei ay basang-basa ng pawis at ang kanyang paghinga ay bahagyang bumilis.

Tanging isang Nascent Soul Stage powerhouse lamang ang kayang mag-alis ng Origin Energy.

"Hindi ito maganda!"

'Di nagtagal ay tila may napansin si Duan Ling Tian. Ang kanyang mukha ay bahagyang naging seryoso nang siya ay bumaba.

Spirit Serpent Movement Technique!

Bago pumunta ang dalawang maliit na pythons, na hindi naiintindihan ang nangyayari, sa lugar ng pinaglalabanan ay nahuli niya ito at hinawakan gamit ang kanyang mga kamay.

Hiss hiss~

Ang mata ng dalawang maliit na pythons ay puno ng pag-aalala.

"Mga maliliit na nilalang, alam ko na nag-aalala kayo, ngunit kapag pumasok kayo ay maguguluhan lamang ang inyo ama."

Kahit hindi niya alam kung maiintindihan siya ng mga maliliit na pythons ay ipinaliwanag pa rin ito ni Duan Ling Tian sa kanila.

Hiss hiss~

Walang sawang pinanood ng dalawang maliit na python ang isang python at tao na naglalaban.

Samantala, si Ke Er at Li fei ay kumalma na rin.

Pumunta sila sa tabi ni Duan Ling Tian at itinago nila ang kanilang mga sarili sa likod ng isang malaking puno.

"Snow python, sa halip na maghibernate ka nang matiwasay ay pinatay mo ang anim na disipulo ng Clan Origin Core, na naging dahilan ng pagkasira ng pangalan ng He Clan… Ngayon, ako, He Zu Dao, ay nangangakong papatayin ka. Pagkatapos ay papaliguan ko ang mga kaluluwa ng mga disipulo ng He Clan gamit ang iyong dugo.

Ang ispada ng matandang nakasuot ng kulay-abo na damit ay kumislap na parang kidlat habang kinakalaban niya ang Snow Python. Ang kanyang boses ay malamig at walang malasakit.

"He Zu Dao!"

Madamdamin at mahinang sabi ni Li Fei habang ang kanyang mata may malamig na tingin.

"Kilala mo siya?"

Mausisang tanong ni Duan Ling Tian.

"Nabanggit siya sa akin ng aking lolo. Siya ang Superme Elder ng Aqua Mist City's He Clan, at isang kakila-kilabot na Nascent Soul Stage powerhouse… Hindi ko inakalang gagawa talaga siya ng paraan upang ipaghiganti ang mga disipulo ng He Clan.

Ang tono ng pananalita ni Li Fei ay bahagyang mabilis.

Aqua Mist City's He Clan?

Ngayon lamang napagtanto ni Duan Ling Tian ang balita na kumalat noong nakaraan mga araw. Ang ilang martial artists ng Origin Core na pinatay ng Snow Python ay galing sa Aqua Mist City's He Clan.

Bang! Bang! Bang! Bang! Bang!

...

Nagpatuloy ang labanan.

Ang grupo ni Duan Ling Tian ay nakatitig habang sila ay nanonood.

Si He Ze Dao at ang Snow Python ay lubhang mabilis.

"Mukhang kung gusto kong patayin ka ngayon ay kailangan ko munang pagdusahan… Ang mamamatay sa ilalim ng inskripsyon na ito ay maituturing mong isang magandang kapalaran!"

Ang malamig na boses ni He Zu Dao ay nahaluan ng walang katapusang kumpyansa.

Whoosh!

Direkta siyang sumugod papunta sa Snow Python at pinuntirya ang madugo nitong bibig.

"Mamatay ka na!"

Ang boses ni He Zu Dao ay kasing lamig ng yelo. Ang tatlong talampakang patalim sa kanyang kamay ay agad na lumiwanag at nabalutan ng mga layer ng blood qi nang maisaksak niya ito sa madugong bibig ng Snow Python.

"Hindi ito maganda!"

Ang ekpresyon ng mukha ni Duan Ling Tian ay naging seryoso.

Nakilala niya ang inskripsyon sa sandata ni He Zu Dao.Bang!

Isang malakas na tunog ang maririnig nang bumulwak ang dugo sa ibaba ng ulo ng Snow Python.

Isang nakatatakot na pwersa ang kumalat sa buong katawan ng Snow Python. Maraming pagtulo ng dugo sa bawat sulok ng katawan ng Snow Python ang makikita. Nagdulot ito ng matinding sakit at naging sanhi ito para magalit nang lubusan ang Snow Python.

Ito rin ang naging huling paghihirap niya bago siya mamatay.

Whoosh! Whoosh! Whoosh! Whoosh! Whoosh!

...

Ang galit na Snow Python ay mabagsik na winalis ang kanyang buntot, at patuloy na hinahampas ang katawan ni He Zu Dao hanggang sa ito ay bumagsak sa lupa.

Ang buntot ng python ay patuloy na humahampas na naging dahilan upang ang Origin Energy ni He Ze Dao ay tuluyang masira.

Ang kanyang aura ay miserable at nasa bingit ng kamatayan.

Nang bumagsak ang malaking katawan ng Snow Python sa lupa ay saka lamang napangiti ang sugatang si He Zu Dao.

Nagtagumpay siya!

Ang pagkakaroon ng sugatang katawan kapalit ang buhay ng Snow Python ay tunay na sulit.

Hangga't kaya niyang makahinga nang bahagya ay kaya niyang makakuha ng Grade Seven Gold Injury Pill at mapagaling ang kanyang mga pinsala.

Whoosh! Whoosh!

Ang dalawang maliit na pythons ay kumawala sa pagkakahawak ni Duan Ling Tian at tumungo papunta sa Snow Python nang bumagsak ito sa lupa.

Hiss hiss~

Nang makarating sila sa harapan ng Snow Python ay nagtama ang kanilang mga mata na mayroong mga luha.

Nang dumating ang dalawang maliit na pythons ay nawala ang pagiging malamig at brutal ng Snow Python.

At ito ay naging mga luha.

Ang makita ang kanyang mga anak bago siya mamatay nawala na ang kanyang pagsisisi.

Sa sandaling ito, dumating si Ke Er at Li Fei sa harap ng Snow Python. Hinawakan ni Ke Er ang puting maliit na python sa kanyang kamay at malumanay na sinabi, "Aalagaan namin sila nang mabuti."

Ang mga mata ng Snow Python ay nagpakita ng pasasalamat bago ito dahan-dahang pumikit.

Hiss hiss~

Ang mga mata ng dalawang maliit na python ay kumislap dahil sa luha sa kanilang mga mata.

Ang lubhang sugatan na si He Zu Dao ay narinig ang kanilang mga boses at naging seryoso ang kanyang mukha.

Ang kanyang kasalukuyang kondisyon ay lubhang mahina, kahit na ang ordinaryong tao ay kaya siya mapatay…

Agad niyang napansin ang isang batang nakasuot ng lila sa kanyang harapan.

Ang kanyang tingin ay napunta sa Li Clan crest na nasa dibdib ng bata.

"Ikaw ay isang miyembro ng Aurora City's Li Clan? Ako ay mabuting kaibigan ng iyong Li Clan's Supreme Elder Li Qiu. Bilisan mo at ipakain mo sa akin ang medicinal pill na nasa aking kamay… Lubos kitang pasasalamatan at ibibigay ko sa'yo ang anumang gustuhin mo."

Ang tono ng pananalita ni He Zu Dao ay bahagyang mabilis, na tila lubhang natatakot ito na atakihin siya ng batang ito.

Sa kasalukuyan, wala siyang lakas upang itaas ang kanyang kamay.

Ibinaba ni Duan Ling Tian ang kanyang ulo at tumingin.

Sa palad ni He Zu Dao ay makikita ang isang berdeng medicinal pill.

Ang kanyang mga mata ay biglang lumiwanag.

Hindi ito dahil sa nagulat siya sa medicinal pill.

Kahit na mamahalin ang Grade Seven Gold Injury Pill ay namana niya ang alaala ng Rebirth Martial Emperor, kaya naman ay alam niyang hindi mahalaga para sa kanya ang Grade Seven Gold Injury Pill.

Ang kanyang atensyon ay napunta sa simpleng singsing sa daliri ni He Zu Dao.

Nakilala niya ito bilang isang Spatial Ring.

Magkaiba ang Spatial Ring sa isang normal na singsing. Isa itong uri ng kahanga-hangang singsing na may espayo sa loob at maaaring gamitin upang makapaglagay ng gamit.

Sa Cloud Continent, ang mga weapons craftsmen na nasa ikapitong antas o higit pa ang tanging makagagawa lamang ng Spatial Ring.

Kahit na ang Patriarch ng Li Clan ay walang Spatial ring.

Siguro ay tanging ang ninuno lamang ng Li Clan ang mayroon.

Yumuko si Duan Ling Tian at kinuha ang Grade Seven Gold Injury Pill sa kanyang kamay.

"Bilis… bilis… ibigay mo… kakainin ko…"

Ang mga mata ni He Zu Dao ay lumiwanag at napuno ng pag-asa.

Lumiit ang dilat ng mga mata ni Duan Ling Tian at nagtanong, "Kung ipapakain ko sa'yo ang medicinal pill na ito, handa ka bang alisin ang iyong pagmamay-ari sa Spatial Ring at iregalo sa akin ito?"

Sa sandaling natuluan ng isang tao ng kanyang dugo ang Spatial Ring, bumubuo ito ng pagkamay-ari, ibig sabihin ay tanging ang may-ari lamang nito ang makagagamit nito.

Maliban kung ang may-ari ay ginustong tanggalin kanyang pagkamay-ari, o kung namatay ang may-ari, ay walang sinumang makagagamit ng Spatial Ring.

Biglang lumaki ang dilat ng mga mata ni He Zu Dao.

Ang pinakamahalagang gamit para sa kanya ay walang dudang ang Spatial Ring…

Ang kanyang paghinga ay bumilis at ang pagnanasang pumatay ay kumislap sa kanyang mga mata.

Sa huli, mapait niyang pinigilan ang poot sa kanyang puso.

"Regalo… Ireregalo ko."

Sumang-ayon si He Zu Dao.

Sino si Duan Ling Tian?

Isang taong namuhay sa lugar ng digmaan. Paano niya hindi mapapansin ang pagnanasang pumatay sa mga mata ni He Zu Dao.

Si Duan Ling Tian ay napasimangot at inilagay niya ang kanyang kamay sa baywang, habang hawak ang dulo ng kanyang Violet Meteorite Flexible Sword.

Nang siya ay naghahanda nang patayin si He Zu Dao at kunin ang kanyang Spatial Ring.

"Huwag kang maniwala sa kanya!"

Lumakad papalapit si Li Fei.

"Huh?"

Si Duan Ling Tian ay napatulala.

"Hindi mapagkakatiwalaan si He Zu Dao. Animnapung taon na ang nakalilipas, kahit na ang kanyang kasama sa kanyang pakikipagsapalaran ay pinatay niya. Pinatay niya ito nang walang pag-aalinlangan para sa Spirit Weapon." sabi ni Li Fei

"Ikaw… Sino ka…"

Lumaki ang dilat ng mga mata ni He Zu Dao.

Ang sikretong ito ay isang bagay sa buong mundo na tanging siya lamang dapat ang nakakaalam.

"Siguro ay hindi mo alam, ngunit isa sa mga taong pinatay mo noong taong iyon ay nag-iwan ng sulat gamit ang kanyang dugo at itinago sa kanyang personal na mga gamit… Ang taong iyon ay ang ama ng aking lolo… Siguro ay hindi mo siya makakalimutan sa iyong buong buhay.

Ang mga mata ni Li Fei ay nagpakita ng pagkapoot.

"Li…Li Hua?"

Habang nakatingin sa Li Clan crest na nasa damit ni Li Fei ay bumilis ang paghinga ni He Zu Dao.

"Mukhang nahulaan mo."

Sambit ni Li Fei.

"Kung gayon ay pinatay mo pala ang lolo sa tuhod ng mapapangasawa ko? Ang tanging masisisi mo lamang ay ang sarili mo sa pagiging malas…"

Ang mukha ni Duan Ling Tian ay mayroon napakalupit na ngiti.

Ito ay isang pagkakataon na dapat niyang samantalahin.

Whoosh!

Ang kanyang Violet Meteorite Flexible Sword ay tahimik na sumaksak sa dibdib ni He Zu Dao at tumagos sa kanyang puso.

Next chapter