webnovel

Muntik na

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ako'y… sumusuko na."

Noong una, si Li Zhong ay may nakakatakot na itsura na kayang tumagos sa mga ulap.

Kahit na alam niya na hindi siya isang tugma para kay Li Qing, siya ay hindi man lang natatakot nang kahit kaunti.

Ngunit ngayon...

Ang silweta ng tatlong ancient mammoth ang nabuo sa ibabaw ni Li Qing, na naging sanhi sa kanya upang maramdaman ang pagiging mahina.

silweta ng tatlong ancient mammoth.

Malinaw na nakayapak na si Li Qing sa pangalawang antas ng Core Formation Stage.

Ang tunog ng paghigop malamig na hangin ay maririnig na tumataas at bumababa mula sa kapaligiran ng combat arena.

Pangalawang antas ng Core Formation Stage!

Si Li Qing ay talaga ngang nakayapak sa pangalawang antas ng Core Formation Stage sa edad lamang ng labing-walo.

Nakagugulat!

Kahit na ang Champion ng Clan Martial Meet noong nakaraang taon, si Li Feng, ay kamakailan lamang na nagtagumpay sa ikalawang antas ng Core Formation Stage.

Ang likas na talento ni Li Qing ay mas mataas kaysa kay Li Feng!

Kung lakas ang pag-uusapan, maliwanag na siya ay nalampasan na niya ang Li Feng ng nakaraang taon.

"Isang labing walong taong gulang na disipulo ng Core Formation Stage; kahit na sa nakalipas na 100 taon ng kasaysayan ng ating Li Clan, maaari mabilang gamit ang isang kamay ang mga ito."

"Oo, ang likas na talento ni Li Qing ay talagang kasindak-sindak!"

"Tulad ng inaasahan sa apo ng apo ng Grand Elder."

...

Sunod-sunod na mga sigaw ang maririnig mula sa mga tao. Lahat sila ay nagulat dahil sa pagpapahayag ng cultivation ni Li Qing.

"Ikalawang antas ng Core Formation Stage, huh?"

Ang mga mata ni Duan Ling Tian ay nanliit at ang mga sulok ng kanyang bibig ay nakabaluktot sa isang bahagyang ngiti.

Ang Clan Martial Meet ay nagiging mas kawili-wiling.

Habang dahan-dahang lumubog ang araw, ang Clan Martial Meet ay malapit nang magwakas.

Dalawang anino ang kumislap sa combat arena.

Si Li An, at Li Fei.

Si Li An ay may kaunting kalamangan nang maglaban silang dalawa, at tinalo si Li Fei.

Ang magagandang mga kilay ni Li Fei ay bahagyang kumunot, tila bahagyang hindi nasisiyahan.

Pagkatapos ng ilang mga laban.

"Duan Ling Tian, ​​Li Fei."

Ang tinig ng judge ay maririnig mula sa kalayuan.

Sa combat arena.

"Muli tayong nagkita."

Si Duan Ling Tian ay tahimik na ngumiti habang ang kanyang nagbabagang mga titig ay walang pagpipigil na tiningnan ang mapusok na katawan ni Li Fei.

"Humph! Malibog!"

Nang mapansin ang pagtingin ni Duan Ling Tian, ​​nagalit si Li Fei at naging kulay pula ang kanyang magandang mukha.

Sa labas ng combat arena.

"Diyos ko, ano ang aking nakita? Namula ang mukha ni Li Fei... namula nga siya! "

"P**a, totoo nga... Hindi kaya, merong relasyon sa pagitan nila ni Duan Ling Tian? Bakit kaya siya mamumula sa sandaling magkita sila?"

"Tiyak na mayroon silang kung anong relasyon."

"Sa tingin ko rin."

"Si Duan Ling Tian ay talagang may magandang kapalaran tungkol sa pag-ibig, mayroong isang dalagita sa kaniyang tabi na ang hitsura ay hindi kahit kaunti matatalo ng kay Li Fei, at ngayon ay nakuha rin niya pati ang puso ni Li Fei."

...

Ang mga tao ay napaka-ingay.

Si Li Fei, ang kilalang pinakamaganda ng Li Clan na may hindi mabilang na mga manliligaw at bihirang titigan ang isang lalaki sa mata ay ngayon ay namumula dahil sa isang lalaki.

Kung ibang tao ay ginamit ang parehong tingin na ginamit ni Duan Ling Tian upang titigan siya, siguradong lalabas lamang ang nakamamatay at galit na galit niyang titig.

Ngunit ngayon ...

Nang makaharap si Duan Ling Tian, ​​siya ay talagang namula!

Mahirap paniwalaan!

Si Li An ay tumabi kay Li Qing at dahan-dahang sinabi, "Li Qing, matagal mo nang nililigawan si Li Fei, ngunit wala siyang paki... Ngayon siya ay tila naging interesado kay Duan Ling Tian."

Habang nagsasalita, ang kanyang nag-aalab na mga mata ay sumulyap sa malapit na dalagita.

Ngunit ang tingin ng dalagita ay ganap na nasa batang nakadamit na kulay-lila sa combat arena, at hindi siya pinapansin.

Hindi mapigilan ng kanyang ekspresyon na maging malungkot.

"Humph! Siya lang, siya ba ay karapat-dapat na makipagkumpitensya sa akin?"

Si Li Qing ay umirap sa galit.

Ipinakita ng kanyang mga salita kung paanong ganap niyang tiningnan nang mababa si Duan Ling Tian.

"Sigurado iyan. Nagtagumpay ka na sa ikalawang antas ng Core Formation Stage ngayon, kaya kung lakas ang pag-uusapan, hindi ka kayang abutan ni Duan Ling Tian kahit na gaano kahirap pa niyang subukan... Ngunit dapat ka pa ring mag-ingat; siya ay dalubhasa sa matamis na pakikipag-usap sa mga kababaihan. Kahit na ang mga mata ni Li Shi Shi ay mukhang nasa kanya," pagmamalabis na sinabi ni Li An.

"Li An."

Biglang tumitingin si Li Qing kay Li An na may malamig at seryoso na titig.

"Huh?"

Si Li An ay natigilan sa ilang sandali.

"Kung hindi ako nagkakamali, interesado ka sa dalagita sa tabi ni Duan Ling Tian, 'di ba? Ano, wala kang kumpiyansa na pakitunguhan siya kaya gusto mo akong gamitin?"

Nalaman ni Li Qing mga iniisip ni Li An.

"Siya lang? Huwag ka ngang magbiro. Depende iyon kung ikaw o ako ang una niyang makatatagpo. Kung ako ang una niyang makatatagpo, tiyak na uubusin ko ang kaniyang lukas upang hindi na siya makalaban muli, at makatitipid ka rin ng lakas."

Si Li An ay hindi nakaramdam ng kahihiyan kahit malaman ang kaniyang mga iniisip.

"Parehas lang tayo. Kung siya ay sa akin muna matatagpo, tiyak na pagtapos ko ay hindi ka na niya makakalaban."

Ang titig ni Li Qing ay napunta sa bata na nakadamit na kulay-lila sa combat arena, habang kumikislap ang kaniyang kagustuhang pumatay.

Sa combat arena.

Natural na naririnig Li Fei ang talakayan ng mga tao, kaya siya ay nahihiya at galit.

"Duan Ling Tian!"

Nang napansin ni Li Fei na ginagamit pa rin ni Duan Ling Tian ang ganitong uri ng pagtingin upang titigan siya, ang kaniyang malilinaw na mga mata ay tinitigan siya habang pinagkikiskis ang kanyang mga ngipin at sumigaw dahil sa kahihiyan at galit.

"Huh? May problema ba?"

Si Duan Ling Tian ay bumalik na sa kaniyang sarili at natigilan.

Ang pangyayaring ito ay nagsanhi ng mga sunod-sunod na tawanan.

"Duan Ling Tian, ​​kung ayaw mong makasira ng isang bulaklak, sumuko ka na," sabi ng isang tao mula sa nakapalibot na mga tao.

"Aminin ang pagkatalo? Little Fei, gusto mo ba akong sumuko?"

Ngumiti si Duan Ling Tian matapos niyang tingnan si Li Fei.

Little Fei?

Sa isang sandali, ang mga taong naroroon ay tiningnan silang dalawa sa isang naghihinalang titig.

"Duan Ling Tian!"

Ang titig ni Li Qing ay naging madilim at malamig at ang Origin Energy sa kanyang katawan ay hindi mapakali na parang gusto siya nitong lamunin.

Sa combat arena.

Si Li Fei ay hindi na makapagtiis, kaya siya ay umatake sa galit.

Hindi niya kailanman naisip na si Duan Ling Tian ay isang taong salbahe, talagang tinawag pa siya sa kaniyang palayaw...

Siyempre, siya ay nagtataka sa kanyang puso kung paano nalaman ni Duan Ling Tian ang kanyang palayaw.

Wanderer's Flash!

Gumalaw ang kaakit-akit, maganda at payat na katawan ni Li Fei, na parang nagbago ito sa isang kidlat, mabilis na patungo kay Duan Ling Tian.

Sa kaniyang ibabaw, ang silweta ng dalawang ancient mammoth ay lumabas at sumunod.

Ang mga mata ni Duan Ling Tian ay nanliit.

Ang bilis ni Li Fei ay bahagyang mas mabilis kaysa kay Li Zhong.

"Hmm?"

Mabilis na napansin ni Li Fei.

Napakalapit na niya kay Duan Ling Tian, ​​ngunit wala siyang intensyon na umiwas o umatake.

"Binababaan mo ako ng tingin, huh...."

Isang pakiramdam ng kahihiyan at galit ay lumitaw sa puso ni Li Fei.

Starfall Fist!

Sa ilalim ng kanyang mga damit na lila, ang kanyang kamao ay tumalsik na parang isang bumabagsak na bituin, bumababa patungo sa dibdib ni Duan Ling Tian.

Ang mga mata ni Duan Ling Tian ay kumutitap.

Ang katawan ay agad na naglabas ng lakas ng 28,000 pounds...

Greater Teleportation!

Ipinalabas niya ang kanyang defensive martial arts bilang paghahanda upang harapin ang sapak ni Li Fei.

Bang!

Sa susunod na sandali, ang kamao ni Li Fei ay malakas na bumangga sa dibdib ni Duan Ling Tian.

Nagulat si Li Fei.

Si Duan Ling Tian ay talagang hindi umiwas, hinayaan ang kanyang kamao na matamaan siya nang buong puwersa.

Siya ay nakaramdam ng bahagyang pagsisisi. Masyadong bang mabigat ang kanyang pag-atake?

"Ang lakas ng dalawang ancient mammoth!"

Biglang narinig ni Li Fei ang mga sigaw dahil sa pagka-alarma sa kanyang mga tainga.

Bago pa man makatugon si Li Fei, naramdaman niya na parang ang kamao na kanyang isinuntok sa dibdib ni Duan Ling Tian ay hindi man lang napawalang-bisa ang kanyang defensive qi barrier.

"Ito... Paano ito posible?!"

Ang magagandang mga mata ni Li Fei ay nanliit at ang kanyang kaakit-akit at magandang mukha ay may hindi naniniwalang ekspresyon.

Siya ay walang malay na itinaas ang kanyang ulo at malinaw na nakita.

Sa espasyo sa ibabaw ni Duan Ling Tian, ​​ang silweta ng dalawang ancient mammoth ay malinaw na nakikita...

Ika-siyam na antas ng Body Tempering Stage, lakas ng dalawang ancient mammoth?

Ang kanyang magandangat kaakit-akit na mukha ay naglabas ng isang ekspresyon ng pagkagulat noong...

Sa susunod na sandali, naramdaman niya ang isang walang hanggang lakas na tumalbog mula sa defensive qi barrier ni Duan Ling Tian, patungo sa kanyang kamao.

Ang puwersa na ito ay pamilyar sa kanya.

Tiyak na ito ang puwersang inilabas ng kanyang Starfall Fist...

"Atras!"

Napakunot ang noo ni Duan Ling Tian. Napagtanto niya na maaaring siya ay nasobrahan, kaya ang kanyang katawan ay gumalaw at siya ay nagmamadaling umatras.

Sa kabilang panig naman, si Li Fei ay hindi naka-atras sa oras.

Bagaman pinigilan ni Duan Ling Tian ang karamihan sa nakapagbabalik na puwersa mula sa kanyang Greater Teleportation, mayroon pa ring maliit na halaga na hindi pinansin ang defensive qi barrier sa katawan ni Li Fei, at dumaloy sa kaniyang kanang braso bago sumabog sa kanyang katawan.

Ang mukha ni Li Fei ay agad na naging sobrang maputla.

Lumipad siya tulad ng isang arrow na iniwan ang pana, pababa patungo sa isang sulok ng combat arena.

"Hindi ito mabuti!"

Isa nagulat na sigaw ang biglang maririnig mula sa labas ng combat arena.

Si Duan Ling Tian ay tumingin sa harap at ang kanyang expression ay agad na naging mabangis.

Sa kasalukuyan, ang sobrang maputla na si Li Fei ay walang lakas, hindi magawang igalaw ang kanyang katawan sa hangin.

At ang ulo ng kanyang nahuhulog na katawan ay malapit nang bumangga patungo sa poste sa sulok ng combat arena...

Ang matalim gilid ng kuwadradong haligi ay nakadirekta sa ulo Li Fei.

Kung si Li Fei ay babangga rito, siguradong magdudulot ito ng mga hindi mailalarawan na mga kahihinatnan!

Sa mataas na platform.

Ang ekspresyon ni Patriarch Li Ao ay naging seryoso nang siya ay naghanda na iligtas si Li Fei.

Subalit siya ay mabilis na natigilan sa kaniyang kinatatayuan.

Sa sandaling ito, hindi lamang siya; kahit na ang lahat na nanonood sa labanan ni Duan Ling Tian at Li Fei ay hindi makapagsalita.

Sa sandaling ito, tila ay nakalimutan nila ang tungkol kay Li Fei, na malapit sa panganib.

Sa combat arena, ang bata na tila nagbabago sa isang spirit serpent nang siya ay biglang gumalaw, at nagpakita ng kagulat-gulat na bilis...

Sa hangin sa kaniyang ibabaw, ang silweta ng tatlong ancient mammoth ay biglang nabuo. Napakaganda nila.

"Hindi... Imposible... Imposibleng..."

Nang makita ang pangyayari na ito mula sa malayo, iniling ni Li An ang kanyang ulo sa kawalang-paniwala.

Hindi niya gustong maniwala na ito ay totoo.

Sa combat arena.

Nang mapansin na si Li Fei ay malapit sa panganib, hindi na nag-abala si Duan Ling Tian tungkol sa iba pang bagay, kaya pinasabog niya ang kaniyang buong lakas, ipinakita ang kanyang pinakamataas na bilis, at lumipad patungo kay Li Fei.

Ngunit, nang siya ay nasa kalagitnaan na, napansin niya na ang kanyang bilis ay bahagyang mas mabagal kaysa sa kinakailangan.

"Hindi!"

Sa isang iglap, ang mga mata ni Duan ling Tian ay naging pulang pula at naglabas siya ng isang hindi kanais-nais na sigaw.

Sa mataas na plataporma, napansin ni Patriarch Li Ao at ng mga Elder ito, kaya ang kanilang mga ekspresyon ay naging magulo.

Ngunit sa oras na ito, kahit sila ay hindi maaabot si Li Fei sa oras...

Ang distansya ay masyadong malaki.

Si Li Fei, na patalsik na lumilipad, ay mayroong bakas ng kawalang-pag-asa na kumislap sa kanyang mga mata.

"Mamamatay na ba ako?"

Sa isang iglap, nakita niya ang bata na nakadamit na kulay-lila na may mabangis na ekspresyon habang siya ay desperadong lumilipad patungo sa kaniya...

Sa sandaling ito, ang pagkadismaya ng bata ay naging sanhi ng init sa kaniyang puso na tumaas.

Hindi pala talaga siya kasuklam-suklam...

"Ah!!" Si Duan Ling Tian, ​​gumalaw nang napakabilis, ay biglang sumigaw.

Ang mga kalamnan sa kanyang buong katawan ay lumaki at ang kanyang mga ugat ay nagsimulang gumalaw-galaw...

Bang!

Muli siyang yumapak nang malakas sa lupa upang makakuha ng momentum.

Sa sandaling mahawakan ng kanyang mga binti ang lupa, may isang eksenang lumabas sa isip ni Duan Ling Tian.

Sa eksenang ito, ang isang puting at isang itim na maliliit na mga python ay mabilis na lumilipad tulad ng kidlat na kumikislap-kislap...

Hindi tiyak, si Duan Ling Tian ay tila may nakuhang isang bagay.

Sa sandaling ang kanyang katawan ay bumagsak sa lupa upang makakuha ng momentum, ang kanyang Spirit Serpent Movement Technique ay nagdaan sa isang pagbabago dahil napilitan sa mga pangyayari...

Yugto ng pagkadalubhasa!

Whoosh!

Ang bilis ni Duan Ling Tian ay sumabog sa pagtaas, mabilis na gumalaw at dumarating sa tabi ng poste bago pa makarating si Li Fei.

Ngunit ang layo ng ulo ni Li Fei sa sulok ng haligi ay napakalapit, walang masyadong puwang sa pagitan.

Si Duan Ling Tian ay kiniskis ang kanyang mga ngipin at direktang pinilit ang kanyang katawan na tumuwid sa pagitan niya at ng haligi.

Bang!

Bago pa man niya mailabas ang kanyang defensive martial skill, ang katawan ni Li Fei ay nahulog, at napunta sa yakap ni Duan Ling Tian.

Ang napakasakit na butas na nanggagaling sa kanyang likod ay nagsanhi sa mukha ni Duan Ling Tian upang maging maputla at siya napa-ungol...

Next chapter