webnovel

Mga Kakaibang Kilos ng Little Python

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang paggastos ng pera na parang pag-inom ng tubig ay ang eksaktong ginagawa ni Duan Ling Tian ngayon.

Ang lahat ng silver bills na nakuha niya sa manager ng medicine store ay naggastos niya sa 32 Origin Gathering Pills.

Hindi man lamang nag-init ang mga silver bills na ito sa kanyang kamay nang ito'y kanyang ginastos.

Ngunit walang bahid ng pagsisisi kay Duan Ling Tian.

Sa paglalakbay sa cultivation, kung gusto mong magshortcut ay talagang kinakailangan mong gumastos ng pera.

Isang tanghali.

Katatapos lamang kumain ng tanghalian ni Duan Ling Tian kasama ang kanyang pamilya nang dumating si Li Fei.

Siya'y nakasuot ng light violet na mga damit na bahagyang masikip, dahil dito ay nagmuka itong nagdadalaga na parang isang honey peach na mukhang kaakit-akit na rosas. Ang kanyang maganda at balingkinitang katawan ay naakit ang lahat ng buhay na nilalang.

Ang bahaging ibaba ni Duan Ling Tian ay nag-iinit.

Itong si Li Fei ay talagang may gandang kaakit-akit.

"Eh?'

'Di nagtagal ay inalis ni Duan Ling Tian ang kanyang matakaw na tingin at tumingin sa kanang kamay ni Li Fei.

Sa sandaling ito, ang mga balingkinitang daliri ni Li Fei sa kanyang maputi at makinis na kamay ay mayroong mga kulay itim na singsing, maliban sa kanyang hinlalaki.

Ang mga singsing na ito ay magkakonekta sa isa't isa na mukhang simple ay payak.

"Spirit Weapon," sabi ni Duan Ling Tian sa kanyang puso. Ang kanyang mukha ay mayroong gulat na ekspresyon.

Bukod sa pagiging Royal Grade Alchemist, ang Rebirth Martial Emperor ay isa ring Royal Grade Weapons Craftsmen.

Ang kanyang mga alaala ay namana ni Duan Ling Tian, dahil dito ay kaya niyang malaman sa isang tingin lamang ang mga singsing na nasa kamay ni Li Fei ay isang Spirit Weapon.

Grade Nine Spirit Weapon

Naalala niya na sa Clan Martial Meet kahapon ay hindi ginamit ni Li Fei ang Spirit Weapon na ito.

Kung hindi ay siguradong hindi niya magiging kapantay si Li An.

Agad na napansin ni Li Fei ang tingin ni Duan Ling Tian sa kanyang kanang kamay. Wala siyang ibang nagawa kung hindi gumalaw nang ang kanyang puso ay kinilig.

Hindi kaya nalaman niya na ang bagay sa kanyang kamay ay isang Spirit Weapon?

Makalipas ang ilang sandali, binigay sa kanya ni Duan Ling Tian ang sagot.

"Little Fei, bakit hindi mo ginamit itong Spirit Weapon na nasa ikasiyam na antas, kahapon sa Clan Martial Meet? Kung ginamit mo ito, magiging mas malakas ka kay Li An."

Ang dilat ng mga mata ni Duan Ling Tian ay lumiit nang bigyan niya ng hindi tunay na ngiti si Li Fei.

"Gusto kong gamitin ito, ngunit ang aking lolo ay kinuha ito sa akin at sinabing hindi ito patas para sa iba." Sabi ni Li Fei nang may nakatagong kapaitan.

Siya ay bahagyang nagulat sa kanyang puso.

Itong si Duan Ling Tian ay talagang nakilala ang Spirit Weapon sa kanyang kamay sa pamamagitan lamang ng isang tingin.

Matapos ang lahat, tanging isang weapons craftsman na may matinding karanasan at paningin lamang ang makakagawa noon.

Liban rito, kahit na napakataas pa ng cultivation ng isang martial artist, makakaya lamang nila mapansin at makilala ang Spirit Weapon kapag ito ay ginamit na.

Biglang niyang naramdaman na mas mahirap nang basahin ang batang ito kaysa sa dati.

Tila ba may nakapaligid sa kanya na ulap.

Sa isang saglit, isang walang hanggang kuryusidad ang nabuo sa kanyang puso. Siya ay mayroong pagnanasang alisin itong ulap at tuluyang makilala si Duan Ling Tian.

Tumango si Duan Ling Tian at dahan-dahang sinabi, "Totoo iyon. Kahit na ang iyong Grade Nine Spirit Weapon, ang mga abilidad na kayang palakasin nito ay parang katulad din sa mga Spirit Weapon na nasa ikawalong antas… Sigurado ako na ang weapons craftsmen na gumawa ng Spirit Weapon na ito ay nasa simula na ng ikasiyam na antas.

Ang mga salitang sinabi ni Duan Ling Tian ay tinamaan siya na parang kidlat.

Ang katotohanan na ang kanyang lolo ay malapit na maging Grade Eight Weapons Craftsmen ay isang bagay na kamakailan lamang niya nalaman.

Sigurado siya na bukod sa kanya at sa kanyang lolo, wala ng iba pang tao ang nakakaalam nito sa buong Li Clan.

Ngunit ngayon ay tinignan lamang ng isang bata ang kanyang Spirit Weapon sa kanyang kamay, at kaya na niyang sabihin na ang kanyang lolo ay malapit na maging Grade Eight Weapons Craftsmen?

"Ikaw… Paano mo nalaman?"

Ang tono ng pananalita ni Li Fei ay mabilis at hindi makapaghintay na malaman ang sagot.

"Gusto mo malaman?"

Si Duan Ling Tian ay misteryosong ngumiti.

Agad na tumango si Li Fei.

"Ito ang aking sikreto. Bukod sa aking mga babae, hindi ko na sasabihin ito kahit na kanino pa…"

Ang mga labi ni Duan Ling Tian ay nagkaroon ng isang masamang ngiti.

"Ikaw! Kung ayaw mong sabihin ay huwag mo nang sabihin. Wala akong pakialam." Sabi niya sa isang galit na paraan.

Paanong hindi napapansin ni Li Fei na nilalandi na siya ni Duan Ling Tian?

"Talaga bang wala kang pakialam?" Tanong muli ni Duan Ling Tian.

"Wala akong paki!"

Si Li Fei ay kasalukuyang galit, kaya naman ay diretso niya itong sinagot.

Sinadya ni Duan Ling Tian na magbuntong hininga at sinabing, "Sige, kalimutan mo na. Gusto ko talaga sanang balaan ka na kahit na ang weapons craftsman na gumawa ng iyong Spirit Weapon ay malapit nang maging isang Grade Eight Weapons Craftsmen… gusto ko sanang sabihan mo siya na pansamantala ay 'wag niya piliting taasan ang antas ng kanyang Weapon Flame.

"Anong ibig mong sabihin?"

Ang kaakit-akit at magandang mukha ni Li Fei ay bahagyang namutla.

Hindi sinagot ni Duan Ling Tian ang tanong ni Li Fei, ngunit sa halip ay sinabi nito, "Kung hindi ako nagkakamali… Kamakailan, araw-araw sa kalagitnaan ng gabi, ang weapons craftsman ay nararamdaman ang Origin Energy sa kanyang katawan at nagdudulot ito ng sobrang init na pakiramdam. Iyon ay sobrang masama para kanya dahil nahihirapan siyang matulog.

Ang mukha ni Li Fei ay bahagyang namutla at galit na sinabi, "Paano mo nalaman ang kasalukuyang kondisyon ng aking lolo? Umakyat ka sa aming pader at sumilip sa aming bahay?"

Ito ay isang bagay na alam niya, sa katunayan ay mayroon siyang mga espesyal na gamot para sa kanyang lolo, ngunit lahat ng ito ay walang kwenta.

"Mukha ba akong isang taong walang magawa?"

Si Duan Ling Tian ay hindi makapagsalita. Siya ay mabait na binalaan si Li Fei ngunit sa halip ay pinagbintangan pa siya nito. Kaya naman ay hindi na ito nagsalita pa.

Inamin niya na isa siyang mapagmahal na tao, ngunit kailanman ay hindi siya gagawa ng mga mahalay na gawain.

Napansin ni Li Fei na hindi na siya pinapansin ni Duan Ling Tian. Dahil dito ay napagtanto niya na nagawa niyang husgahan si Duan Ling Tian nang hindi makaturungan.

Maaari kayang lahat ng sinabi ni Duan Ling Tian ay galing lamang sa kanyang obserbasyon sa Spirit Weapon na nasa kanyang kamay?

Ngunit ito ay talagang hindi kapani-paniwala.

Matapos ang malalim na paghinga, lumingon si Li Fei kay Ke Er para humingi ng tulong.

"Young Master, 'wag ka na magalit. Hindi naman iyon sinasadya ni Big Sister Li Fei."

Siya ay hinihikayat ni Ke Er habang ito ay bahagyang nakangiti.

"Ke Er, lahat ng tao ay kailangang maging responsable sa kanilang ginawa. Pwede mo siyang tulungan, ngunit hindi mo siya pwede tulungan habang buhay.

Napagtanto ni Ke Er na talagang galit ang kanyang Young Master. Ang tanging nagawa niya ay tumingin kay Li Fei na may mukhang wala siyang magagawa para tulungan siya.

"Ikaw!"

Ang mukha ni Li Fei ay nagkulay pula dahil sa galit. Ang kanyang mata ay mayroon ng luha.

"Ito ulit?"

Tinignan siya ni Duan Ling Tian nang malamig at may masamang tingin habang ito'y hindi niya pinapansin.

"Binubully mo ako! Wuwu…"

Hindi na napigilan pa ni Li Fei at nagsimulang umiyak, tila ba hindi siya mapigilan.

P**a!"

Talagang umiiyak siya.

Si Duan Ling Tian ay bahagyang hindi makapagsalita.

Hindi siya nasaktan kanina nung siya ay hinusgahan, pero itong batang babae, saang bagay siya nasasaktan…

Sinumang taong hindi alam ang kwento ay iisipin na talagang binubully niya ito.

"Tian, binully mo si Fei?"

Lumakad galing sa kusina si Li Rou ay tumingin kay Duan Ling Tian habang nakakunot ang noo.

"Hindi."

Walang ibang magawa si Duan Ling Tian.

"Tama na. Hindi ko na iyon babanggitin sa iyo. Huwag ka na umiyak."

Sa dulo, pinili ni Duan Ling Tian na makipagkasundo.

"Wuwu… Binully mo ako."

Ngunit ang luha ni Li Fei ay bumabagsak na tila isang ulan at walang intensyong tumigil.

"Kung gusto mong magpatuloy sa pag-iyak, pwede kang maghintay hanggang sa may mangyari sa iyong lolo."

Nang mapansin ni Duan Ling Tian na hindi umuubra ang pagiging magiliw, agad niyang sinubukan ang malupit na pamamaraan.

Ang paraang ito ay totoong epektibo.

Nang matapos magsalita si Duan Ling Tian ay natapos din ang pag-iyak ni Li Fei.

"Anong sabi mo? May sinabi ka tungkol sa maaaring mangyari sa aking lolo?"

Nanginginig ang boses ni Li Fei.

Ang kanyang mga magulang ay naaksident noong siya bata pa lamang.

Kaya naman ang tanging lolo na lamang niya ang kanyang naging kasama. Sa kanyang puso, ang kanyang lolo ay mas mahalaga pa sa kanyang buhay.

"Naramdaman ko ang isang bakas ng walang awang qi sa Spirit Weapon na kanyang ginawa… Kung hindi ako nagkakamali, ang iyong lolo ay gumamit ng kakaibang pamamaraan upang pataasin ang antas ng kanyang Weapon Flame. Matapos ang mahabang panahon, ang ugat ng kanyang mga problema ay dahil sa ginagawa niyang ito." Dahan-dahang sabi ni Duan Ling Tian.

Sa sandaling ito, nagmukha siyang isang dalubhasang weapons craftsman at nagsasalita nang may pinagbasehan ay ebidensya.

"Kung ganoon ay ano ang kailangan kong gawin?"

Ang magandang mukha ni Li Fei ay namutla at puno ng pag-aalala.

"Ito ay tila walang solusyon. Basta't sabihin mo sa kanya na pansamantala niyang itigil ang pagtaas ng antas ng kanyang Weapon Flame, kung hindi ay hindi na siya mabubuhay pa sa loob ng tatlong buwan…"

Banayad ang tono ng pananalita ni Duan Ling Tian.

"Tama na. Umalis ka na at balaan mo ang iyong lolo, ako at si Ke Er ay maghihintay sa iyo sa labas ng north city gate. Kunin mo ang iyong sariling kabayo."

Sabi niya kay Li Fei bago siya bumalik sa kanyang kwarto.

Nang umalis si Li Fei, isinama ni Duan Ling Tian at Ke Er ang dalawang maliit na pythons nang umalis sila sa kanilang bahay at nilisan ang Li Clan Estate.

Pinatakbo nila ang kanilang mga kabayo papuntang north city gate at naghintay para kay Li Fei.

Matapos ang kalahating oras, dumating si Li Fei.

Si Li Fei ay tila isang magiting at dakilang tao habang siya papalapit sa kanila.

Ngunit ang kanyang ekspresyon ay hindi maganda.

"Ano?"

Si Duan Ling Tian ay napasimangot.

"Ang aking lolo… ang sabi ng aking lolo…"

Si Li Fei ay nag-aalangang magsalita.

"Hindi siya naniwala sa akin at sinabi pa niya na isa lang akong bata. Ano naman ang nalalaman ko…'di ba"

Hindi ito ikinagulat ni Duan Ling Tian.

Bahagyang tumango si Li Fei.

"Kung ganoon ay wala na akong magagawa pa."

Ibinuka ni Duan Ling Tian ang kanyang mga kamay upang ipakita na may puso siyang handang tumulong ngunit wala na siyang magagawa tungkol dito.

"Ipinangako ng aking lolo na bago kami bumalik ay hindi niya tataaasan ang antas ng kanyang Weapon Flame. Matapos kaming bumalik, maaaring mo bang tignan ang aking lolo?"

Nang matapos magsalita si Li Fei ay mayroon siyang nagmamakaawang ekspresyon.

Tinignan nang mabuti ni Duan Ling Tian si Li Fei at nagtanong, "Ano, naniniwala ka na sa akin ngayon?"

Agad na tumango si Li Fei.

"Sigem, nangangako ako sa'yo."

Tumango si Duan Ling Tian.

Matapos ito, kasama niya ang dalawang magandang dalaga na parang bulaklak papunta sa Misty Forest.

Nang makarating sila sa Misty Forest, ang pakiramdam ni Li Fei ay mas mabuti na.

Ngunit siya ay kulang sa sigla na mayroon siya dati.

Matapos ang lahat, ang problema tungkol sa kanyang lolo ay naitali na sa kanyang puso.

Nang mapasok nila ang Misty Forest, nagtanong si Ke Er, "Young Master, paano natin mahahanap ang ama ni Little White at Little Black?"

"Hindi ko rin alam. Halika at pumunta tayo sa pugad ng Black Python dati. Siguro ay makikita natin ang Snow Python doon," sabi ni Duan Ling Tian.

"Ang ibig mong sabihin… si Little Black at Little White ay anak ng Snow Python?"

Bahagyang tumango si Li Fei.

"Iyon ang amin palagay sa ngayon."

Tumango si Duan Ling Tian.

Ang grupo ni Duan Ling Tian ay agad na nakarating sa pugad ng Black Python.

Sa kasalukuyan, mayroon lamang bakas ng tuyong dugo ang labas na bahagi ang pugad ng Black Python. And labi ng Black Python at ng ilang kabataan ay nawala na, siguro ay kinain na ng mga mababangis na hayop.

Whoosh! Whoosh!

Biglang kumawala ang dalawang maliit na python na nakapulupot sa braso ni Duan Ling Tian at Ke Er.

Ito ay diretsong pumunta sa kalooban-looban ng Misty Forest.

"Sundan natin sila!"

Isinama ni Duan Ling Tian si Ke Er at sinundan sila Li Fei.

Sa palagay ni Duan Ling Tian ay naramdaman ng dalawang maliit na python ang presensya ng kanilang ama.

"Ito na ang pinakaloob na bahagi. Kung magpapatuloy pa tayo ay makahaharap tayo ng maraming mababangis na hayop."

Babala ni Li Fei.

"Alam ko, tayo ay maglalakbay sa itaas ng mga puno."

Isinama ni Duan Ling Tian ang dalawang babae nang siya ay umakyat sa dalawang malaking puno. Gamit ang maraming sanga ng puno bilang daanan, sinundan niya ang dalawang maliit na pythons.

Kahit na ang itaas ng mga puno ay mayroon ding mga bird-type na mga mababangis na hayop, ang kanilang bilang ay hindi kasing dami ng mga mammal-type na mababangis na hayop.

Sa pangkalahatan, ang pagdaan sa itaas ng mga puno ay mas ligtas.

"Roar!"

Biglang may tunog ng mabangis na hayop ang kanilang narinig.

Isang malaki at mabangis na hayop ang humarang sa daanan ng dalawang maliit na python. Habang nakatingin nang mabagsik sa dalawang maliit na python, ang matulis na pangil nito ay kumislap nang may makademonyong kinang.

"Hindi ito maganda!"

Nang mapansin ang malaki at mabangis na hayop, si Duan Ling Tian ay nagkaroon ng nakatatakot na ekspresyon.

"Ito ay ang Savage Tiger. Ang lakas nito ay maikukumpara sa isang martial artist na nasa ikaapat na antas ng Core Formation Stage."

Ang mukha ni Li Fei ay bahgyang namutla.

"Little White, Little Black…"

Ang mukha ni Ke Er ay nabalot ng pag-aalala.

Next chapter