19 Matigas na Ulong Panganay na Babae

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa Agarwood Restaurant, ang pinakamagandang kainan sa Fresh Breeze Town.

Naitayo sa pagitan ng mga pamilihan ng Li, Chen, at Fang Family, hindi ito pagmamay-ari sa alinman sa tatlong pamilya ng Fresh Breeze Town.

Sinasabing ito ay nagdaan na sa maraming kaganapan. Ito ay itinatag ng isang malaking grupo ng merchants na nagmula pa sa labas ng Fresh Breeze Town.

Maraming mga tao ang pumapasok at lumalabas ng Agarwood Restaurant upang mag-almusal.

Ang sinuman ang may kakayanang kumain sa Agarwood Restaurant ay isang taong nagmula sa isang malusog na pamilya; pwedeng galing sa mayaman o sa marangal.

Nang pumasok ang mag-asawa sa Agarwood Restaurant, nakuha nila ang atensiyon ng mga taong labas-pasok sa kainan. Karamihan sa kanila ay mga tingin ng inggit at paghanga.

Ang mga tingin ng inggit ay napunta sa dalagita, samantalang ang tingin ng paghanga ay sa bata.

"Kakain po ba kayong dalawa?"

Ang attendant na nakatayo sa pintuan ay binati sila sa isang magalang na tinig habang ang kanyang ulo ay nakayuko.

"Oo, isang puwesto sa ikalawang palapag. Mayroon pa ba kayong puwesto na nasa tabi ng mga bintana?"

Pamilyar na sinabi ng bata matapos tumango

"Oo, dito po ang daan."

Nang marinig ng attendant ang sinabi ng bata, alam niya na nanggaling na sila dito dati pa. Dinala niya agad sila sa ikalawang palapag, na mas tahimik kaysa sa unang palapag.

Syempre, doble ang presyo ng mga pagkain sa ikalawang palapag.

"Ang suwerte na'tin."

Nang makita ang puwesto sa tabi ng bintana, bahagyang nakunot ang mga kilay ni Duan Ling Tian.

Nang dinala ni Duan Ling Tian ang dalagita papunta sa gilid ng bintana, ang ilan sa mga tao sa ikalawang palapag ay nakatitig lamang kay Ke Er, naakit ng kanyang kagandahan at magandang hitsura.

Tatlong bata ang nakapuwesto sa tabi ng isa pang bintana sa hindi malayo ay makikita ang malalagkit nilang titig kay Ke Er.

"Ke Er, umupo ka."

Kinuha ni Duan Ling Tian ang violet short sword mula kay Ke Er at inilagay ito sa mesa, at pagtapos, tulad ng isang gentleman, siya ay kumuha ng isang upuan para makaupo si Ke Er.

"Salamat, Young Master."

Ang pihikan at mala-batang itsura ng dalagita ay namula nang siya'y umupo.

Nang paupo na si Duan Ling Tian sa tapat ni Ke Er, isang sipol ng hangin ay dumaan sa kanyang mga tainga nang ang isang hugis ang lumabas at naunang umupo sa kanyang upuan.

Nagulat si Duan Ling Tian nang makita niya ang maliit na dalagita na nakaupo sa kanyang upuan.

Ang berdeng nakadamit na dalagita marahil ay nasa labing anim na taong gulang na. Ang kanyang hitsura ay hindi itinuturing na napakaganda, ngunit ang kanyang bahagyang inosenteng mukha ay naglalaman ng maliit na kagandahan. Pinagsama sa kanyang tila walang-sala na ugali, nabuo ang magkakasalungat na kumbinasyon.

Isang babaeng servant ang sumusunod at tumindig sa kanyang likod.

"Miss Chen, pasensya na, ang Young Master na ito ay nakuha na ang upuan na ito. Maaari bang pumili ka na lang ng ibang upuan?"

Sinabi ng attendant na nagdala dito kay Duan Ling Tian at Ke Er. Ang kanyang mukha ay may mabait na ngiti, nangangahulugang na kilala niya ang berdeng nakadamit na dalagita.

"Ang Miss na ito ay gusto ang upuan na ito. Bilang suki ng Agarwood Restaurant, hindi ba ako pwedeng makakuha ng kahit maliit na espesyal na pagtrato?"

Itinaas ng nakaberdeng damit na dalagita ang kanyang mapagmalaking ulo, nakakpangbabang tumingin sa attendant.

"Ang Miss na ito ay hindi gusto ang pagkakaroon ng mga estranghero sa paligid habang kumakain ako."

Masamang sabi niya habang siya ay tumitingin kay Ke Er, na nakaupo sa tapat niya. Makikita ang inggit kanyang mga mata.

"Young master, bakit hindi ka..."

Ang isang attendant na sumusunod sa nakaberdeng damit batang babae ay tumingin kay Duan Ling Tian, ​​nagsasabi sa kanya na baguhin ang kanyang puwesto.

Ngunit nang napansin niya na hindi siya binibigyang pansin ni Duan Ling Tian, napatawa na lamang siya at isinara ang kanyang bibig.

"Young master, lumipat na lang kaya tayo ng puwesto?"

Sa sandaling ito, tumingin si Ke Er kay Duan Ling Tian.

Napansin niya na ang Miss Chen na ito ay galing sa isang kagalang-galang na pamilya na may mataas na katayuan.

Kahit na mas lamang si Ke Er sa itsura at antas, ang aura na hindi niya sinasadyang ilabas ay nagpahirap kay Ke Er hanggang hindi siya makapaghinga nang maayos.

Kahit na siya ay sumunod sa Duan Ling Tian sa loob ng mahabang panahon, mayroon parin siyang nararamdamang kababaan sa loob ng kanyang puso dahil mababa na siya noong pagkanganak pa lamang.

Napansin ni Duan Ling Tian ang tingin ni Ke Er at agad na naintindihan kung ano ang iniisip niya.

Naintindihan niya na kung nais niya si Ke Er na kalimutan ang nararamdaman niyang kababaan sa kanyang puso, kailangan niya gumawa ng magandang halimbawa.

Kinailangan niyang ipaalam kay Ke Er na sa mundong ito, ang dignidad at karangalan ay mga bagay na kailangan mong ipaglabanan para sa iyong sarili.

"Ke Er, maaari mo bang sabihin sa akin kung bakit dapat naming baguhin ang ating puwesto?"

Tanong ni Duan Ling Tian sa isang mahinahon na tinig habang nakatingin kay Ke Er.

"Young master, kasi..."

Hindi alam ni Ke Er kung ano ang sasabihin.

"Ke Er, dapat mong tandaan na mula pa noong araw na sumunod ka sa akin patungo sa bahay, tinigilan mo na ang pagiging dating Ke Er. Umaasa ako na makakakita ko ang isang ikaw na may kumpiyansa sa sarili, ikaw na may bagong buhay, at hindi ang luma na ikaw. Naiintindihan mo ba?"

Mahinay na gabay ni Duan Ling Tian.

"Young Master, nagkamali ako."

Ang mga mata ni Ke Er ay bahagyang pula habang iniyuko niya ang kanyang ulo.

"Hoy! Naririnig niyo ba akong dalawa? Ang dalagita na ito ay ayaw ng may mga estranghero sa paligid kapag siya'y kumakain, kaya bilisan niyo at umalis na kayo!"

Matapos marinig si Duan Ling Tian at Ke Er na nag-uusap, dalagitang nakaberdeng damit ay nagalit sa kahihiyan at sumigaw.

"Miss Chen, tama ba?"

Biglang tumingin si Duan Ling Tian patungo sa nakaberdeng damit na dalagita.

"Bibigyan kita ng oras ng tatlong paghinga para umalis mula sa aking upuan, kung hindi... makakaharap mo ang mga pwedeng mangyari!"

Ang mga mata ni Duan Ling Tian ay kumislap ng nakakapanginig na liwanag. Ang kanyang tinig ay kanyang pinipigilan hanggang sa ito ay nagtunog ng mabangis at mababa.

Nagbago ang mukha ng nakaberdeng damit na dalagita.

Nang magsisimula na siyang magalit.

Nadama niya ang isang malamig na awra na nagmula sa bata at napunta sa kanya, na pinahirapan siya hanggang sa halos hindi na siya makahinga; kahit na ang kanyang mukha ay naging maputla.

"Dalawa pang paghinga!"

Ang tunog na mababa at mabangis ay maririnig muli.

Sa oras na ito, ang malamig na malamig na aura ay mas nagpahirap sa kanya!

Ang nakaberdeng damit na dalagita ay halos mahimatay, ngunit bilang anak na babae ng Patriarch ng Chen Family, ang kanyang pagmamataas bilang panganay na babae ng Chen Family ay nagtulak sa kanyang itikom ng mahigpit ang kanyang mga ngipin at magtiyaga.

"Isang paghinga na lang!"

Ang mababa at matigas na boses ay tumunog sa pangatlong beses na para bang mahinang kulog.

Sa oras na ito, kasama ng tinig ay hindi lamang ang malamig na malamig na awra ngunit awra ng isang uhaw sa dugo.

Ang mukha ng nakaberdeng damit na dalagita ay namutla. Sa punto kung saan hindi na niya ito nakayanan, tumayo siya sa sindak.

Habang walang magawa niyang pinanood si Duan Ling Tian na umupo, ang nakakatakot na aura na pinahihirapan siya ay dahan-dahang nawala.

"Sino ka?"

Ang nakaberdeng damit na dalagita ay hindi sinasadyang napatanong pagkatapos ng malalim na paghinga.

Hindi niya maintindihan kung paano ang isang bata na mukhang mas bata pa kaysa sa kanya ay mayroong isang nakakatakot na awra.

Kanina, nadama niya na parang siya ay isang Asura na umakyat mula sa kalaliman ng impiyerno; ang kanyang buong katawan ay nagpapalabas ng malamig at uhaw sa dugo na awra.

Alam niya na kung patuloy siyang uupo, ang isang nakakatakot na kahihinatnan ay sasapit sa kanya.

"Dalhan mo ako ng dalawa sa iyong mga espesyal na dim sum. Hmmm, dalhan mo din ako ng dalawang mangkok ng gatas ng soya-bean."

Dahan-dahang sinabi ni Duan Ling Tian. Sinabi niya ito na para bang hindi niya narinig ang nakaberdeng damit na dalagita at sa halip ay tumingin sa mga natulalang attendant.

"Opo."

Ang isa sa mga attendant ay sumagot ng magalang at umalis.

Sa kanyang opinyon, ang isang taong may lakas ng loob na kalabanin ang panganay na babae ng Chen Family, si Chen Mei Er, ay hindi isang ordinaryong tao.

"Hoy! Kinakausap kita. Hindi mo ba ako naririnig?"

Kaunti na lang at si Chen Mei Er ay magwawala na.

Ang pagkakaalala niya, siya ang minamahal na anak na babae ng kanyang mga magulang at patuloy na mahal na mahal. Ito ang unang pagkakataon na ang isang tao ay hindi siya pinansin.

"Ke Er, ang sarap ng dim sum dito; subukan mo 'to. Kung gusto mo, dadalhin kita rito tuwing umaga."

Tiningnan ni Duan Ling Tian ang dalagitang nasa kanyang harapan, ang kanyang mga mata ay puno ng paglalambing habang siya ay bahagyang napangiti.

"Young Master, tama na ang minsan na pagpunta na'tin dito. Narinig ko na ang dim sum dito ay napakamahal."

Ang dalagita ay tahimik na iniling sa kanyang ulo.

"Ayos lang. Kahit na hindi ako ganoon kayaman, ito ay higit pa upang masiyahan ang panlasa ni Ke Er."

Ang hubad na mga salita ni Duan Ling Tian ang naging dahilan upang mapayuko ang ulo ng dalagita sa kahihiyan. Ang kanyang malambot at kaibig-ibig na pisngi ay namula.

"Young Master, ang aking dalagita ay kinakausap ka."

Ang babaeng tagapaglingkod sa tabi ni Chen Mei Er ay kaagad na nagsabi kay Duan Ling Tian habang tinitingnan niya si Ke Er sa paghanga.

"Ang pagsunod siguro sa ganitong dalagita ay mahirap para sa iyo."

Tiningnan ni Duan Ling Tian ang babaeng tagapaglingkod bago ngumiti.

"Hindi... Hindi po... dalagita... mabuti naman sa akin ang dalagita."

Ang mukha ng babaeng tagapaglingkod ay namutla dahil sa takot habang nagmamadali niyang sinabi ito.

"Sinabi ko bang magsalita ka?"

Tinitigan ni Chen Mei Er ang babaeng tagapglingkod.

Sa sandaling ito, nagkaroon ng bakas ng inggit sa kanyang puso. Kahit siya ay hindi naisip na magkakaroon ng isang araw kung saan siya ay mainggit sa babaeng tagapaglingkod sa kanyang tabi.

Hindi dahil sa kahit anong dahilan ngunit dahil ang nakakainis na lalaki na hindi siya pinansin ay kinausap nang mabuti ang tagapaglingkod na babae.

"Miss Mei Er!"

"Miss Mei Er, ikaw nga 'yan!"

...

Ang tatlong bata na nakaupo sa kalapit na mesa ay nakilala si Chen Mei Er, kaya't sila ay naglalakad at masigasig na binati siya.

Ang kanilang mga tono ay puno ng paghanga.

Ang ekspresyon ni Chen Mei Er ay kumalma at siya ay buong pagmamalaking tumingin kay Duan Ling Tian.

Tila ay gusto niyang sabihin kay Duan Ling Tian: Ako, si Chen Mei Er, ay natural na lubos na pinagkalooban at maraming tao ang kumikilala sa akin.

Ngunit nang napansin niya na hindi pa rin siya tinitignan ni Duan Ling Tian, ​​ang kanyang ekspresyon ay agad na naging malungkot.

"Miss Mei Er, may mali ba?"

Ang isa sa mga bata na mas matanda kaysa sa Chen Mei Er ay nagtanong nang napansin niya ang pagbabago ng dalagita.

"Oo nga, Miss Mei Er, kailangan mo ba kami para tulungan ka sa anumang bagay?"

Ang dalawang batang lalaki na kaparehong edad ni Chen Mei Er ay mabilis na nagtanong.

"Ang upuan na ito ay akin, ngunit pinilit niya ako na umalis at kinuha ang aking puwesto."

Tumingin si Chen Mei Er kay Duan Ling Tian. Ang isang bakas ng kawalan ng katarungan makikita mula sa kanyang malinaw na mga mata habang iniiba ang pangyayari.

"Ano? Naglakas-loob siya na agawin ang upuan ni Miss Mei Er?"

"Bata, napakatapang mo naman!"

...

Nang marinig ito ng tatlong bata, sumigaw sila at agad na nagalit kay Duan Ling Tian

"Miss, bakit mo sinisiraan ang ibang tao?"

Tanong ni Ke Er. Matapos marinig kung ano ang sinabi ni Chen Mei Er, ang kanyang batang mukha ay bahagyang naging pula.

Ang magagandang mata ni Ke Er ay bahagyang pula ang naging sanhi ng tatlong batang puno ng galit na mapipi.

Nakakita na ba sila ang ganoong kagandang dalagita?

Sa sandaling ito, nakalimutan pa nila kung ano ang kanilang ginagawa...

"Maganda ba siya tignan?"

Sabi ni Chen Mei Er, na may matigas na tinig habang ang kanyang mukha ay naging madilim.

"Oo, hindi, hindi!"

Ang tatlong bata ay nagulat at nabalik sa kanilang mga sarili.

Naaalala lamang nila ngayon na ang panganay na babae ng Chen Family ay kilala sa pagiging mainggitin.

Matagal na panahon nang nakalipas, sinasabi na ang isang

tagapaglingkod ng Chen Family ay pinuri ang isang tagapaglingkod na babae na

mas maganda kaysa sa kanya, at dahil dito parehong nawala ang tagapaglingkod at

tagapaglingkod na babae.

Sila ay tumingin kay Duan Ling Tian at galit na sinabi,

"Bata, kung alam mo kung ano ang mabuti para sa iyo, bilisan mo at umalis ka na dito. Hindi mo ba naisip na alamin kung si Miss Chen ba ay isang taong maaari mong saktan?"

"Kung hindi kayo aalis, huwag mo kami sisihin dahil hindi kami maaawa sa'yo!"

...

avataravatar
Next chapter