webnovel

Makalipas ang Kalahating Buwan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Sigurado ka ba na gusto mo akong mag-inscribe ng dalawampung Thunder Flame Inscriptions?"

Napakunot ang noo ni Duan Ling Tian nang makita niya ang bundok ng mga materyales na inihanda ng maliit na mataba. Naisip niya na ito'y bahagyang labis.

"Opo, Boss."

Tumango ang maliit na mataba tulad ng isang sisiw na tumutuko ng bigas, pagkatapos ay nagtanong, "Boss, may problema ba?"

"Walang problema."

Umiling si Duan Ling Tian.

Pagkatapos ay sinabi niya, "Gusto ko lang sabihin sa iyo na hindi mo maaaring gamitin ang Thunder Flame Inscription sa kahit sinuman maliban kay Li Ming, o kung hindi, hindi magtatagal bago malaman ng lahat na ginamitan mo siya ng inscription. Kung gagamitin mo lamang ito kay Li Ming, kahit ulit-ulitin mo ito, hindi niya maipapaliwanag ito dahil walang sinuman ang maniniwala sa kanya. "

"Oo, tama ka. Bakit hindi ko naisip iyon?"

Ang maliit na mataba ay sinampal ang kaniyang noo, at pagkatapos ay nagsisisi niyang sinabi, "Pusta ko kapag ginamit ko ang Thunder Flame Inscription kay Li Ming nang ilang beses pa, hindi siya maglalakas-loob na saktan ako muli... Boss, hindi ba ang matitirang mga materyales ay sayang?"

Seryosong sinabi ni Duan Ling Tian, ​​"Itago mo ang matitirang mga materyales, kakailanganin mo ang mga ito. Ang unang inscription na ituturo ko sa iyo ay ang Thunder Flame Inscription."

"Salamat, Boss, salamat ng marami."

Ang isang malawak na ngiti ay makikita sa mukha ng maliit na mataba.

Biglang napansin niya na inilalapit nu Duan Ling Tian ang kanyang kamay na nakabukas patungo sa kaniya. Sa pagkalito ay nagtanong ang mataba, "Boss, ano ang ibig mong sabihin mo dyan?"

"Bayad sa pagtuturo!"

Tinitigan ni Duan Ling Tian ang maliit na mataba sa habang pagalit niyang sinabi ito.

"Oo, oo, muntik ko na makalimutan."

Ang maliit na mataba ay bahagyang tumawa habang kumukuha siya sa kanyang bulsa, at naglabas ng isang salansan ng mga perang papel, at ipinasa ito kay Duan Ling Tian. "Boss, matagal ko na itong inihanda. Narito ang isang libong pilak. Ito ang bayad sa pagtuturo mo para sa susunod na buwan."

Pinalawak ni Duan Ling Tian ang kanyang kamay at kinuha ito mula sa kanya, pagkatapos ay tumango siya. "Simula bukas, pupunta ako at hahanapin ka sa iyong lugar pagkatapos ng tanghalian, tuturuan kita sa lahat ng aking makakaya. Ang maaari mong matututuhan ay nakasalalay sa iyo."

"Salamat, Boss. Kung gayo'y hindi na kita aabalahin."

Ang maliit na mataba ay may isang malawak na ngiti nang siya ay tumalikod at masayang umalis.

Matapos bilangin ng mabilis ang libo-libong papel na pilak sa kanyang kamay, ang mga sulok ng bibig ni Duan Ling Tian ay bumaluktot sa isang bahagyang ngiti. "Ang bawat barya ay mahalaga, kailangan kong mangolekta hanggang sa aking makakaya, dahil sa susunod, kahit na ito ay medicine refining, weapon crafting, o 'di kaya mga inscription, ang lahat ng ito ay butas na walang dulo..."

Simula sa susunod na araw, si Duan Ling Tian ay maglalaan ng kalahating oras mula sa kanyang iskedyul upang pumunta sa bahay ni Li Xuan pagkatapos ng tanghalian.

Sa simula, nadama ng Fifth Elder na si Li Ting na ito ay kakaiba.

Ngunit pagkatapos makita ang kanyang anak na lalaki at si Duan Ling Tian na naging mabuting magkaibigan, masaya siya na nangyayari ito.

Bagaman, sa nakalipas na mga araw, lagi siyang nakaririnig ng kakaibang tunog na nagmumula sa silid ng kanyang anak.

"Clap!"

Biglang tumunog muli ang ingay...

Umiling si Li Ting at lumabas ng courtyard.

Sa silid, ang guwapong bata na may hugis-espada na mga kilay at mala-bituin na mga mata ay sinampal ang maliit na mataba sa kanyang ulo. "Paano ka naging ganito katanga? Sinabi ko na sa iyo na ang Violet Gold Sand at Scorching Grass Powder ay hindi maaaring direktang ipaghalo, ngunit hindi mo pa rin inaalala!"

"Boss, huwag mo na akong hampasin. Kung ipagpapatuloy mo iyan, magiging mas bobo ako."

Ang maliit na mataba ay hinimas ang kanyang ulo. Ang kanyang mukha ay may isang namaling ekspresyon.

"Bakit ba ako sumang-ayon na magturo sa iyo ang inscription technique? Ikaw ay isang malaking tanga! Sinasabi ko na sa iyo ngayon: kapag wala kang nakamit na kahit anong pagbabago sa buwan na ito, gaano man karami ang pilak ang ibibigay mo sa akin, hindi na kita tuturuan sa susunod na buwan dahil ayokong mag-aksaya ng oras."

Ang bata ay may nabigong ekspresyon.

Ang maliit na mataba ay mapait na ngumiti. "Boss, huwag kang mag-alala, magsisikap ako nang husto at hindi kita bibiguin."

"Umaasa akong magagawa mo ang sinasabi mo, tapos na ang kalahating oras, kaya oras na para ako'y umalis. Babalik ako bukas.

Habang nakakunot ang noo, lumabas ang bata sa silid at umalis.

Kalahating buwan na ang nakalipas.

Sa bukang-liwayway, ang Martial Arts Practice Hall ng Li Family ay napupuno ng ingay at kaguluhan.

Ang mga nagtipon na mga disipulo ng Li Family ay puro bata at dalagita.

Ang kanilang mga talakayan ay tungkol sa bunsong anak ng Second Elder, si Li Ming, at anak ng Fifth Elder, si Li Xuan.

"Ngayon ay si Li Ming naman ang unang naghamon kay Li Xuan. Mukhang siya ay tapos na gumaling."

"Sabi ni Li Ming na natalo lamang siya kay Li Xuan dahil siya ay may sakit. Siguro totoo iyon."

"Kung matalo siyang muli kay Li Xuan, siguradong isa lamang iyong kasinungalingan."

"Oo nga, sa tingin ko rin, hindi naman siya laging may sakit, tama ba?"

...

Si Li Ming ay matagal nang naroon at nakatayo sa gitna ng Martial Arts Practice Hall.

Habang naririnig niya ang mga talakayan sa paligid, ang kanyang mukha ay mas pumapangit sa bawat sandali.

Hindi siya pinayagan ng kanyang ama na ipaalam sa iba ang tungkol sa Thunder Flame Pill, kaya maaari niya lamang idahilan ang pagkakaroon ng sakit.

Ngunit hindi niya inaasahan na maraming tao ang magdududa sa kanya.

Talaga bang iniisip nila na siya ay hindi isang tugma para sa Li Xuan?

"Li Xuan, ako naman ngayon ang magpapahiga sa'yo sa higaan sa loob ng kalahating buwan!"

Sabi ni Li Ming habang nagkikiskis ang kaniyang mga ngipin.

"Ayan na si Li Xuan!"

Sa isang iglap, ang mga bata at dalagita na nakapalibot sa Martial Arts Practice Hall ay lumingon upang tumingin sa may malayo.

Sa malayo, ang isang perpektong pares ay naglakad patungo sa harap, habang ang isang bahagyang kaawa-awang maliit na mataba ay sumunod sa likod ng mga ito na parang isang alagad. Ang maliit na alagad ay ang mismong bida ngayon, si Li Xuan.

"Narinig ko na si Li Xuan ay kinilala si Duan Ling Tian bilang kanyang boss."

"Kinikilala ang isang disipulo na may ibang apelyido bilang kanyang boss, isang kahihiyan sa Li Family."

"Ano ngayon kung siya ay isang disipulo na may ibang apelyido? Kung mayroon kang b**ag, ulitin mo kung ano ang iyong sinabi nang malakas, ikaw ba ay maglalakas-loob? Hindi ka maglalakas-loob, tama ba? Kung hindi ka maglalakas ng loob, eh 'di wag ka magmalaki!"

"Tama iyon, kahit na si Duan Ling Tian ay isang disipulo na may ibang apelyido, nagdala siya ng karangalan sa Li Family. Ang Fang Family ay napahiya niya nang maraming beses!"

"Ang tatlong buwan na kanilang napag-usapan ay bukas na. Iniisip ko kung maglalakas ba ng loob si Duan Ling Tian na bisitahin talaga ang Family."

...

Nang hawakan ni Duan Ling Tian ang kamay ni Ke Er, narinig niya ang mga talakayan tungkol sa kanya mula sa kalayuan.

Itinawa lamang niya ang mga ito.

Pagkatapos ay tiningnan niya ang maliit na mataba sa kaniyang likuran. "Huwag mo siya masyadong bigyan ng pinsala ngayon araw. Hayaan mo siyang sumuko kapag naunawaan niya na hindi siya mananalo, kundi ay makikipag-away ang Second Elder sa iyong ama kahit na siya ay sobrang mabait. 'Wag mo na pahirapan ang iyong ama, naiintindihan mo ba?"

Ang maliit na mataba ay mabilis na tumango.

Sa mundong ito, ang taong pinupuri niya ng lubos ay si Duan Ling Tian.

Nang kanilang napansin ang tatlo na padating, ang mga disipulo ng Li Family ay nagbigay-daan.

Hinawakan ni Duan Ling Tian ang kamay ni Ke Er matapos nila tumayo sa harap.

Ang maliit na mataba, sa kabilang banda, ay lumabas at pumasok sa arena. Siya ay ngumingiti nang malawak habang tinitingnan niya si Li Ming. "Li Ming, ayos ka na ba? Napakabilis mong gumaling."

"Li Xuan, ngayon ay tatanggalin ko ang kahihiyan na ibinigay mo sa akin noong kalahating buwan na ang nakaraan!"

Ang mukha ni Li Ming ay maliwanag na pula.

Ang galit na kaniyang pinigilan sa loob ng kalahating buwan ay sumabog na sa wakas...

"Huwag kang mag-alala, sinabi sa akin ng aking boss na huwag kita masyadong saktan ngayon."

Si Li Xuan ay bahagyang tumawa. Ang kanyang ekspresyon ay tila nakakainis at labis na kasuklam-suklam.

"Tinatawag mo ang kamatayan!"

Ang titig ni Li Ming ay naging malamig, ang kanyang mga binti, na nakapagtipon na ng enerhiya sa loob ng ilang oras, ay nanginig, at lumipad tulad ng isang mabangis na tigre patungo kay Li Xuan.

Ang mastered middle grade grade Yellow Rank martial skill na Fierce Tiger Fist ay kaniyang isinagawa, at mabilis na patungo kay Li Xuan.

"Fierce Tiger Fist?"

Nang makita ang eksena na ito, ang mga mata ni Duan Ling Tian ay nanliit.

Naalala niya na ang bunsong anak ng Seventh Elder, si Li Xin, ay gumamit din ng Fierce Tiger Fist.

Gayunpaman, ang Fierce Tiger Fist ni Li Xin ay mas mahina kaysa kay Li Ming; sila ay magkaiba ng antas.

Ito ang pagkakaiba sa pagitan ng unang yugto at pagkadalubhasa.

Ang mga martial skill ay nailalabas ang kanilang tunay na lakas kapag nacultivate na ito sa pagkadalubhasa.

Gumalaw si Li Xuan, direktang gumalaw upang hadlangan ang atake.

Hindi niya gumamit ng kahit anong martial arts; pasimple lamang niyang isinuntok ang kanyang kamao sa kamao ni Li Ming.

Sa isang iglap, ang mga sulok ng kanyang bibig ay nakabaluktot sa isang masamang ngiti at ginamit niya ang Thunder Flame Inscription...

Sa isang iglap, ang eksena noong kalahating buwan na ang nakalipas ay muling nangyari.

Ang buong katawan ni Li Ming ay napatigil na parang natamaan ng kidlat. Ang lakas sa kanyang mga kamao ay nawala, at nag-iwan lamang ng isang bahagyang pagkawalang-galaw. Hindi magawang pigilan si Li Xuan.

"Ping!"

Ang kamao ni Li Xuan ay sumuntok kay Li Ming itinaob siya, inilagay siya sa isang masakit na posisyon kaya nagsimula siyang magpawis ng labis.

Sunod-sunod na suntok at sipa ang sumunod...

Ang Martial Arts Practice Hall ng Li Family ay tahimik.

Sa mga taong nakakita ng kanilang labanan noong kalahating buwan na nakalipas, ang eksena na ito ay parehas na parehas...

Kalahating buwan na ang nakalipas, si Li Ming ay tinalo ni Li Xuan sa parehong paraan.

"Hindi, imposible… paano ito naging posible?!"

Matapos tumigil ni Li Xuan, napansin ni Li Ming na nawala na ang sakit ng kulog at apoy na umaatake sa kanyang katawan.

Siya ay tila natulala, hindi makapaniwala na ang nangyayari ay totoo.

Kung noong kalahating buwan ay swerte si Li Xuan, maaari kayang swerte siyang muli ngayon araw?

Paano kaya nagkakaroon ng ganitong pagkakataon?

"Huwag mo na akong gagalitin mula ngayon, o kung hindi, ayos lang sa akin na pahigain ka sa isang kama sa loob ng kalahating buwan muli."

Nanginginig ang mukha ni Li Xuan habang siya ay nagyayabang. Sa ilalim ng masidhing pagtingin sa mga nakapalibot na tao, bumalik siya sa tabi ni Duan Ling Tian.

Si Li Xuan ay may isang natutuwang ngiti sa kanyang mukha; parang siya ay ibang tao na. "Boss, nakikinig ako sa iyo at nagpakita ako ng awa. Sa pagkakataong ito ay hihiga na lamang siya sa loob ng ilang araw."

Seryosong tumango si Duan Ling Tian.

"Ang lakas ko, 'di ba, hipag?"

Tumingin si Li Xuan patungo kay Ke Er habang bahagya siyang ngumingiti.

Nang marinig kung paano siya tinawag ni Li Xuan, ang mukha ni Ke Er ay agad naging mapulo.

"Tigilan mo ang pagiging mayabang. Sa tulong ng Thunder Flame Pill at ang Seven Treasures Body Tempering Liquid, ikaw ay nasa ika-apat na antas ng Body Tempering stage palang ngayon, hindi ka ba nahihiya?"

Binigyan ni Duan Ling Tian si Li Xuan ng isang nang-iinis na sulyap.

Dahil napilitan siyang tanggapin si Li Xuan bilang kanyang alagad, nagdagdag siya ng mga materyales sa Six Treasures Body Tempering Liquid ng mataba, na binago ito sa Seven Treasures Body Tempering Liquid.

Siyempre, ito ay isang lihim sa pagitan nila ni Li Xuan; kahit ang Fifth Elder na si Li Ting ay hindi ito alam.

Saka lamang pagkatapos ay nalaman ni Li Xuan na ang Six Treasures Body Tempering Liquid ay aktwal na ginawa ng kanyang boss, at dahil dito ay nagsimula siyang hangaan si Duan Ling Tian mula sa ilalim ng kanyang puso.

Si Li Xuan ay nahihiyang kinamot ang likod ng kanyang ulo habang tumatawa nang mapait. "Boss, sa tingin mo ba lahat ng tao ay kasing abnormal mo at ni hipag..."

Kahapon, ang cultivation ni Ke Er ay sumunod sa likod ng cultivation ni Duan Ling Tian; siya ay yumapak na sa ikapitong antas ng Body Tempering Stage, na naging sanhi ng pagkapipi ni Li Xuan. Wala siyang magawa kundi ang hangaan sila.

"Tumigil ka. Ikaw ang abnormal."

Tumitig si Duan Ling Tian sa maliit na mataba. Habang hawak-hawak ang kamay ni Ke Er, tumalikod siya at naglakad palayo.

Habang nagbibigay-daan ang mga tao para sa kanila, ang lahat ng mga titig sa kaniya ay puno ng paggalang.

Ang Duan Ling Tian noong apat na buwan na ang nakalipas ay itinuturing ng mga tao na mababa.

Ngunit ngayon, hindi nila namalayan, si Duan Ling Tian ay naging isang tao na matitingnan nila ng mataas...

Ang ilan sa kanila ay nagsisisi pa rin na hindi sila nakipagbati sa kaniya nang siya ay mahina pa.

Kung pwede lang, ay susunod sila sa kaniyang tabi tulad ni Li Xuan. Napakamarangal sa pakiramdam!

"Boss, hintayin mo ako!"

Dala-dala ang kaniyang katawan na puno ng taba, masayang sumunod si Li Xuan.

Nang mawala ang anino ng kanilang katawan mula sa paningin ng lahat, ay saka lamang tumingin ang lahat sa taong nakahiga sa gitna ng arena. Si Li Ming, na may hindi makapagsalitang ekspresyon, ay nakatingin sa kalangitan. Nagsimula ang mga tao na insultuhin siya. "Sasabihin bang muli ni Li Ming na natalo siya dahil mayroon siyang sakit?"

"Sa palagay ko, nang sabihin niyang may sakit siya noong nakaraang buwan, siguradong isa lamang itong kasinungalingan. Kaya ngayon, napahiya niya ang kaniyang sarili!"

"Isang kahihiyan!"

...

Ang mga sulok ng bibig ni Li Ming ay naglabas ng walang magawa at mapait na tawa habang naririnig niya ang mga pangungutya ng mga nakapaligid na disipulo ng Li Family.

Hindi niya maintindihan kung bakit mangyayari sa kanya ang ganitong kakaibang bagay.

Next chapter