17 Kukunin Ko Ang Buhay Mo Sa Loob Ng Tatlong Buwan!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Walang sinuman ang nag-akalang magagawang umatake ni Fang Qiang sa loob ng audience hall ng Li family

Bukod dito, ginamit niya ang buong lakas ng kanyang Body Tempering na nasa ikasiyam na antas nang siya ay umatake.

Napakabilis ni Fang Qiang; nakarating siya sa harapan ng batang ito sa isang iglap lamang.

Sa sandaling sinampal niya ang kanyang palad, ang katawan ng bata ay nanginig at nag-react ayon sa likas na pakiramdam, pumadyak ito sa lupa habang mabilis na umuurong!

Gayunpaman, ang bata ay tinamaan pa rin ng malakas na puwersa. Siya ay mabilis na napaurong sa isang pader at napadura ng kakaunting dugo.

Ang muka ng batang ito ay lubhang namumutla at ang katawan niya ay umiindayog. Agad naman niyang nabalanse ang kanyang katawan ngunit hindi ito madali para sa kanya.

Hinigpitan niya ang kanyang mga kamao at ang kanyang mga kuko ay tumusok sa kanyang palad, ngunit hindi siya nakararamdam ng kahit anong sakit.

Ang kanyang matalas na mga mata ay naghahayag ng pagkauhaw sa dugo at ng pagnanasang pumatay.

Pinandyak ni Fang Qiang ang kanyang mga paa sa lupa at biglang sumugod. Pagkatapos magmintis ng kanyang unang atake ay gusto niyang umatake agad sa pangalawang pagkakataon.

"Walang hiya ka!"

Nang mapansin ito, ang Patriarch ng Li Family na si Li Nan Feng ay agad na tumayo at sumigaw nang malakas!

"Ikaw ay naghahanap ng kamatayan!"

Humubog ang Origin Energy sa mga paa ni Sixth Elder Li Ping at kumilos siya na parang kidlat tungo kay Fang Qiang.

Ang kanyang kamao ay sumilakbo gamit ang Origin Energy, kumuha ito ng lakas mula sa langit at lupa, at naging apat na silweta ng sinaunang mammoth.

Isang suntok na mayroong lakas ng apat na sinaunang mammoths! Kung tatamaan nito si Fang Qiang, kung hindi man siya mamamatay ay siguradong malulumpo ito!

Gayunpaman, sa malubhang sitwasyong ito, umatake pa rin ang Patriarch ng Fang family.

Siya ay sumugod at hinila si Fang Qiang upang mailagan ang suntok ni Li Ping.

Ang bilis ni Fang Yi ay dalawang beses na mas mabilis kaysa kay Li Ping!

Sa sandaling ito, walong silweta ng sinaunang mammoth ang agad na lumitaw sa itaas ng ulo ni Fang Yi.

Ang lakas ng walong sinaunang mammoths!

"Ayos ka lang ba?" Seryosong munang tumingin si Li Ping kay Fang Yi bago siya pumunta sa bata at tinanong ito.

"Ayos lang ako, Salamat, Sixth Elder"

Inalog ng batang ito ang kanyang ulo. Kahit na siya ay napinsala, hindi siya gumawa ng kahit na anong ingay.

Para sa kanya, ito ay simbolo ng pagiging mahina.

"Fang Yi!"

Isang malakas na tunog ang umalingawngaw mula sa Patriarch ng Li Family, ito'y ay parang kidlat na sumabog.

Ang buong audience hall ay nagsimulang umalog dahil sa pwersa.Li family!

"Ang aking Li family ay mag-iimbestiga tungkol sa problema sa pagitan ng iyong Fang family at ni Duan Ling Tian! Ngunit isang miyembro ng Fang family ang nagtangkang umatake at saktan ang aking kamag-anak sa Li family at dito pa mismo sa lugar ng mga Li family! Mukang ginagaya mo ang Li family! Tungkol dito, hindi ba't kailangan mo magbigay sa akin, at sa Li family ng eksplanasyon para sa usaping ito?!"

Si Li Nan Feng ay sobrang galit na galit. Si Duan Ling Tian ang kayamanan ng Li family.

Kung mapapatay si Duan Ling Tian, bukod sa katotohanan na hindi ito palalampasin ng Ninth Elder, ay tuluyang dudurugin din ng Li family ang pamilya ng Fang at ng Chen!

"Patriarch Li, patawarin mo siya. Ang nag-iisang anak ng aking Manager sa Fang family ay nalumpo dahil kay Duan Ling Tian. Ang kanyang anak ay habambuhay nang mananatili sa kanyang kama. Mayroon siyang magandang rason upang atakihin si Duan Ling Tian at wala siyang balak na saktan ang Li family… Ngayon, Ayos naman na si Duan Ling Tian, bakit hindi na lang natin palagpasin ang mga nangyari?"

Walang sinuman ang umakalang magkakaroon ng matiwasay na ekspresyon si Fang Yi; tila ba wala lang sa kanya ang mga nangyari

"Fang Yi!"

Naging seryoso ang mukha ni Li Nan Feng.

Ngunit bago siya magpatuloy, siya ay inistorbo ng isang batang naglakad ng ilang hakbang.

"Patriarch, gusto ko sanang ako na mismo ang umayos ng problema"

Sabi ni Duan Ling Tian, at hindi na niya hinintay ang sagot ni Li Nan Feng. Ang namumulang mata ng batang ito ay tumitig sa Manager ng Fang family.

Siya ang nagmukhang Asura na kalalabas lamang sa impyerno. Ang buong katawan niya nagpapakita ng pagka-uhaw sa dugo at pagnanasang pumatay na nagdulot sa iba ng takot.

"Ikaw si Fang Qiang, tama ba? Sa loob ng tatlong buwan, bibisitahin ko ang iyong Fang family at papatayin kita!"

Matapos ang kanyang sinabi, tumalikod ang bata at lumakad paalis.

"OK! Tatlong buwan mula ngayon, ako'y maghihintay sa'yo. Sa panahong iyon, papatayin kita gamit ang aking dalawang kamay at ipaghihiganti ko ang aking anak.

Sapagkat noong una ay inakala niyang hindi siya makapaghihiganti para sa kanyang anak, nang marinig ni Fang Qiang ang sinabi ng bata, ang kanyang maitim at pulang mata ay nagpakita ng pagkabalisa at pagkasabik.

"Iyon ay depende kung kakayanin mo"

Hindi na tumingin pa ang batang ito at siya ay tumawa na lamang at lumakad paalis sa audience hall ng Li family.

Siya ay nag-iwan ng maangas at walang malasakit na pagkatao.

Kalahati sa buong buhay ni Ling Tian sa kanyang nakaraang buhay ay walang humahadlang sa kanya; siya ay hindi mapigilan at hindi mapantayan.

Sa kanyang buhay ngayon, isang Manager ng Fang family lamang ang natangkang kunin ang kanyang buhay.

Sa loob ng tatlong buwan, siya ay tiyak na pupunta sa Fang family at sasaboy ang dugo sa kanyang espada na siyang aalis sa kahihiyang natanggap niya ngayon.

Tanging pagpatay lamang ang magpapakalma sa kanyang nagngangalit na puso!

"Patriarch Li, ang iyong Li family ay talagang may mga batang bayani… Itong si Duan Ling Tian ay maraming hangarin sa murang edad; mahirap makakita ng isang katulad niya! Dahil nagkaroon na siya ng buhay at kamatayan na kasunduan kay Fang Qiang, wala nang saysay pang ayusin ang problema. Sa loob ng tatlong buwan, ang buong Fang family ay maghihintay sa kanyang pagdating!"

Tumingin si Fang Yi kay Li Nang Feng at tumawa.

Matapos ang kanyang sinabi, hindi pinansin ni Fang Yi si Li Nan Feng na nagkukulay berde ang mukha, at isinama si Fang Qiang at umalis.

"Patriarch, masyadong padalos dalos si Duan Ling Tian!"

Kumunot ang noo ni Sixth Elder at puno ng pag-aalala ang kanyang mukha.

Hindi siya nag-aaalala para sa buhay o kamatayan ni Duan Ling Tian, bagkus ay nag-aalala siya na kapag may nangyari kay Duan Ling Tian, ang kanyang anak ay hindi na magkakaroon ng Six Treasures Body Tempering Liquid na magagamit.

Sa mga nakaraang araw, napansin niya na ang kanyang anak ay magandang pagbabago sa pagcultivate. Ang Six Treasure Body Tempering Liquid ay tunay na banal na bagay!

Si Li Nan Feng ay may komplikadong ekspresyon.

Kanina, nang nagpakita si Duan Ling Tian ng pagnanasang pumatay, naramdaman niya na parang may pumipigil sa kanya.

Hindi niya maintindihan na si Duan Ling Tian, na hindi pa nakapapatay noon, ay makakayang maghayag ng pagnanasang pumatay.

Sa kanyang opinyon, tanging isang beterano na nakapatay na ng maraming martial artists ang maaaring lamang makapagpakita ng ganung klase ng pagnanasang pumatay.

"Dahil nakagawa siya ng desisyon, ang tanging magagawa natin ay maniwala sa kanya na makalilikha siya ng isa pang himala… Sixth Elder, gusto kong malaman ang problema sa pagitan ni Duan Ling Tian at ng Fang family. Umalis ka at mag-imbestiga para sa akin.

Ang pagiging misteryoso ni Duan Ling Tian ay nagbigay ng kumpyansa sa puso ni Li Nan Feng.

"Opo, Patriarch."

Sagot ni Li Ping at umalis. Ang kanyang mukha ay hindi maipinta.

Kahit na ang pagkapanalo ni Duan Ling Tian kay Li Jie ay masasabing isang himala.

Si Li Jie ay nasa ikaapat na antas pa lamang ng Body Tempering stage, samantalang si Fang Qiang naman ay isang martial artist na nasa ikasiyam na antas ng Body Tempering. Hindi sila maihahambing sa isa't isa.

Ang isang batang nasa ikatlong antas ng Body Tempering stage na nagnanais na matalo ang isang martial artist na nasa ikasiyam na antas ng Body Tempering stage sa loob ng tatlong buwan ay napakaimposible sa kanyang opinyon.

Ang Body Tempering stage ay nahahati sa siyam na antas, bawat antas ay pahirap nang pahirap marating kumpara sa naunang antas.

Si Duan Ling Tian, na sapilitang iniinda ang sakit ay naglakad nang may mabibigat na yapak tungo sa kanyang tahanan.

Ang kanyang pride ay hindi siya hinayaang magpakita ng kahit na anong kahinaan.

Nang marating niya ang courtyard ng kanyang bahay, siya ay napa-ubo at naglabas ng dugo na kumalat sa sahig.

"Anong problema, Young master?"

Nang makita ito ni Ke Er na naghuhugas ng mga gulay sa courtyard, ang kanyang mukha ay lubhang namutla.

Matapos niyang ibaba ang kanyang mga hawak ay agad niyang inalalayan si Duan Ling Tian pabalik sa kanyang kwarto. Ang kanyang magandang mata ay naluluha.

"Young master, 'wag mo takutin si Ke Er, 'wag mo takutin si Ke Er…"

Nagsimulang umiyak ang batang babae.

"Lokong babae, nagkaroon lang ako ng mga maliit na pinsala sa katawan. Magiging ayos din ako; kailangan ko lang muna magpahinga."

Dahan-dahang pinunasan ni Duan Ling Tian ang mga luha na nanggagaling sa mga mata ng batang babae na pinipilit ngumiti.

Matapos ang isang oras, si Li Rou na kababalik lamang galing sa marketpalce ng Fresh Breeze Town ay pumasok sa bakuran.

Nang mapansin ang sahig na puno ng dugo, ang kanyang mukha ay lubhang nagbago.

"Tian, sinong nanakit sayo?"

Nagmadaling pumunta si Li Rou sa kwarto ni Duan Ling Tian. Ang kanyang tinig ay napakalamig.

"Ayos lang ako ina… at nakausap ko na rin ang Patriarch tungkol sa usaping ito, ako mismo ang aayos nito. Ina, kailangan mong maniwala sa akin!"

Dahil sa mapagmahal na pag-aalaga ni Ke Er at sa pagkain ng grade nine Gold Injury Pill na ibinigay ng Patriarch, si Duan Ling Tian ay bahagyang gumaling, kaya naman nakuha na nitong ngumiti.

"Si Fang Yi ba?"

Tanong ni Li Rou sa mababang tinig.

"Hindi, ito ay si Fang Qiang, ang Manager ng Fang Family. Ina, hindi na siya mabubuhay nang matagal pa; tatlong buwan mula ngayon ay mamamatay na siya!"

Ang mga mata ni Duan Ling Tian ay naglabas ng isang malamig na tingin nang matapos niya ang kanyang sinabi.

Pagkatapos nito ay tinamaan siya ng side effects ng grade nine Gold Injury Pill at agad na nakatulog si Duan Ling Tian.

"Ke Er, alagaan mo nang mabuti si Tian."

Saglit siyang siniyasat ni Li Rou. Matapos nitong masigurado na ayos lamang ang kanyang anak, siya nakahinga na nang maluwag. At umalis na rin siya sa courtyard upang makipagkita kay Patriarch Li Nan Feng.

Nang sabihin ni Li Nan Feng ang buong storya, nalaman ni Li Rou ang mga pangyayari at naintindihan na niya ngayon kung ano ang ibig sabihin ng kanyang anak.

Huminga siya nang malalim. Bagama't ang kanyang mata ay nagpapakita ng pagnanasang pumatay, nang naisip niya ang pagtitiyaga ng kanyang anak, pinilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili.

Napagdesisyunan niya sa kanyang puso na kung ang kanyang anak ay hindi pa kayang lumaban kay Fang Qiang sa loob ng tatlong buwan, kahit na ikagagalit pa ito ng buong Fang family ay papatayin niya pa rin si Fang Qiang!

Para sa kapakanan ng kanyang anak, kaya niyang ibigay ang lahat...

Maging ang kanyang buhay!

Ang matiwasay na Fresh Breeze Town ay nabalutan ng ingay at pagkasabik sa sandaling ang Fang family ay pasadyang naglabas ng balita...

"Hoy, Narinig mo na ba ang balita? Ang usap-usapan ay may isang disipulo ng Li family na may ibang apelyido ang hayagang humamon sa Manager ng Fang Family na si Fang Qiang, sa isang buhay at kamatayan na labanan tatlong buwan mula ngayon!"

"Oo, narinig ko na iyon. Ang disipulong may ibang apelyido ay nagngangalang Duan Ling Tian. Siya ang anak ng Ninth Elder ng Li family. Isang buwan ang nakalilipas, para sa kapakanan ng batang babae na nagbebenta ng kanyang katawan para mailibing ang kanyang ina, isang hidwaan ang naganap sa pagitan niya at ng young master ng Fang family na si Fang Jian, at nagawa rin niyang malumpo ang isang kasama ni Fang Jian!"

"Hindi umano, ang taong nilumpo ni Duang Ling Tian ay ang nag-iisang anak ng Manager ng Fang family!"

"Naaalala ko na. Isang buwan din mula ngayon, si Fang Jian ay natalo sa kamay ng isang bata, at naroon ako sa oras na iyon. Ang batang iyon ay si Duan Ling Tian? Kung titignan ang kanyang panlabas na anyo, natatakot ako na halos pa siya sa labing-anim na taong gulang.

"Hindi 'yan totoo, hindi pa siya labing-anim na taong gulang, pero nagawa na niyang hamunin ang Manager ng Fang family sa isang buhay at kamatayang labanan? Hindi naman siya baliw, 'di ba? Lahat ng tao sa Fresh Breeze Town ay alam na ang Manager ng Fang family ay isang martial artist na nasa ikasiyam na antas ng Body Tempering.

"Batang hambog!"

...

Pare-parehong talakayan ang maririnig sa buong Fresh Breeze Town.

Lahat ay iniisip na magpapakamatay si Duan Ling Tian.

Li family estate

Sa Main Hall, nagtipon-tipon sina Patriarch Li Nan Feng at lahat ng elders ng Li family.

Kahit na ang Seventh Elder na nakakulong sa kanyang bahay sa mga nakaraang araw ay dumalo.

Ang balitang lubhang kumalat sa buong Fresh Breeze Town ay nagawang makarating sa mga tainga nga mga elders ng Li family.

Lahat sila ay nangangamba.

Tatlong buwan mula ngayon, kung sakaling may mangyayari kay Duan Ling Tian, hindi ba't nangangahulugan itong wala nang magagamit na Six Treasures Body Tempering Liquid ang kanilang mga anak?

"Patriarch!"

"Patriarch!"

...

Bukod sa Grand Elder Li Huo, Seventh Elder Li Kun, at Ninth Elder Li Rou, lahat ng elders ay nangangamba nang tumingin sila kay Li Nan Feng.

Itinaas ni Li Nan Feng kanyang mga kamay upang mapigilan ang lahat sa pagpapatuloy.

"Mga kapwa ko elders, alam ko ang hiling ng lahat, ngunit ang problemang ito ay napagdesisyunan na. Bukod pa rito, ang balitang ito ay ikinalat na ng Fang family, kaya kung tayo aamin ng pagkatalo, ano na ang mangyayari sa reputasyon ng Li family? Ibig sabihin lang nito na kailangan nating magtiwala kay Duan Ling Tian. Napag-usapan na rin namin ni Grand Elder ang usaping ito. Para sa tatlong buwang ito, ang Li family ay walang ibibigay na anuman upang tulungan si Duan Ling Tian! Kapwa ko elders, Mayroon ba kayong anumang pagtutol?"

Sa sandaling ito, and elders ng Li family ay walang ibang nagawa kung hindi tumawa nang mapait at pumirma. Huli na ang lahat upang mapigilan ang labanang ito, kaya naman ay wala na silang mapagpipilian.

Nang makaalis ang mga nakatataas sa Li family at ang Seventh Elder na si Li Kun ay lumakad patungo sa kanyang bahay, siya ay malamig na napangiti.

"Munting Jie, 'di magtatagal ay may maghihiganti na para sa'yo… Ang Duan Ling Tian na iyon ay nagawang hamunin ang isang martial artist na nasa ikasiyam na antas ng Body Tempering sa isang buhay at kamatayang labanan. Siya ay talagang naghahanap ng kamatayan!"

avataravatar
Next chapter