webnovel

Ke Er's Strength

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa susunod na araw, nagpatuloy ang Clan Martial Meet.

Bagaman ang Martial Meet ngayong araw ay bahagyang mas matindi kaysa sa kahapon, sa ilalim ng intensyonal na pag-aayos ng mga 'invisible forces', ang mas malalakas na inner court disciples ay hindi pa rin nakakaharap ang isa't isa.

Si Duan Ling Tian at Ke Er ay hindi nakatagpo ng anumang kalaban na maaaring magbanta sa kanila, kaya patuloy nilang pinanatili ang kanilang sunod-sunod na pagkapanalo.

Pagdating ng takipsilim, ang mga resulta sa notice board ay nakaranas ng ilang pagbabago kumpara sa kahapon.

Ngayong araw, may isa pang laban si Duan Ling Tian kumpara kay Ke Er.

Ang kanilang mga puntos ay nabilang na, parehong nagtitipon ng isang kabuuang 57 na puntos.

Ngayong araw, ang mga inner court disciples na may pinakamataas na puntos ay ang limang mga disipulo pa rin ng Core Formation; ang bawat isa ay may 60 na puntos.

"Pagkatapos ng dalawang araw ng pakikipagkumpitensya, ang pagpapainit ay natapos na rin sa wakas. Bukas na ang pinakanakakasabik na sandali!"

Ang isang inner court disciple ay bumuntong-hininga.

Ang bawat tao'y labis na pareho ang nadarama. Ayon sa kasalukuyang sitwasyon, bukas ay tiyak na magiging mahirap...

Nang makarating sa bahay, pumasok si Ke Er sa kusina upang tulungan si Li Rou na maghanda ng pagkain.

Si Duan Ling Tian ay hindi pa man nakakaupo kahit saglit nang siya ay batiin ng isang hindi inaasahang bisita.

"Ikaw si Duan Ling Tian?"

Ang taong nangunguna ay tila isang matalinong 'di gaano katandang lalaki.

"Ikaw si?"

Si Duan Ling Tian ay nalilito.

"Ako ang outer court manager, Li Yi. Pagkatapos mong maging isang inner court disciple, nag-ayos ang Clan ng isang bagong tirahan para sa iyo sa inner court. Ngayong araw lamang iyon natapos, kaya dinala ko ang ilang mga tao upang makita kung kailangan mo ng anumang tulong sa paglipat."

Ang tono ng 'di gaanong matanda na lalaki ay puno ng kagandahang-loob nang walang anumang hangin, nakikipag-usap kay Duan Ling Tian sa maayos na paraan.

Ang lakas ni Duan Ling Tian ay isang bagay na narinig niya at alam niya na ang bata na ito ay makakakamit ng magagandang bagay sa hinaharap, kaya hindi niya magagawang agrabyaduhin siya kahit kaunti.

"Salamat, Uncle Li. Ngunit wala naman kaming anumang bagay na kailangang ilipat."

Si Duan Ling Tian ay nagmamadaling ipinahayag ang kaniyang pasasalamat.

Matapos ipaalam sa dalawang magaganda sa kusina, ang kanilang pamilya lumipat patungo sa inner court.

Ang dalawang magaganda ay pumasok sa kusina ng kanilang bagong tahanan, itinuloy ang kanilang mga hindi pa tapos na paghahanda ng hapunan.

Pagkatapos magpaalam kay Li Yi, inayos ni Duan Ling Tian ang kanilang bagong tahanan.

Ang bagong bahay na ito ay napakalaki at ang courtyard nito ay napakalawak, higit na ilang beses na mas malaki kaysa sa courtyard ng kanilang nakaraang bahay.

"Mula ngayon hindi ko kailangang pumunta sa Martial Arts Practice Field upang magcultivate ng aking movement technique."

Si Duan Ling Tian ay bahagyang ngumiti habang gumagalaw ang kanyang katawan.

Spirit Serpent Movement Technique!

Siya ay mabilis na nagsimulang magcultivate ng kanyang movement technique sa malawak na courtyard ...

Malambot ang katawan tulad ng isang spirit serpent, mabilis na tulad ng isang kidlat!

Whoosh! Whoosh!

Ang dalawang maliliit na pythons ay lumipad, pumulupot sa malaking puno sa looban. Sila ay lubos na masigla.

Ang itim at puting kidlat ay nakita ng mga mata ni Duan Ling Tian.

Walang katapusang paglaki!

Ang Spirit Serpent Movement Technique ay orihinal na ginawa ng Rebirth Martial Emperor batay sa mga ahas, at may isang napakamalapit na pakikipag-ugnayan sa mga ahas.

"Noong nakaraan, napagmasdan ko ang paggalaw ng Little Black at napuno ng kaalaman. Pagkatapos noon ay saka ko lamang nagawa ang Seven Treasures Body Tempering Liquid, Dark Spirit Fruit at macultivate ang aking Spirit Serpent Form sa pinakamataas na yugto sa isang gabi lamang, pagtatagumpay sa ika-siyam na antas ng Body Tempering Stage! Ang Spirit Serpent Form ay may kaugnayan sa mga ahas, at ang Spirit Serpent Movement Technique ay may kaugnayan din sa mga ahas," naisip ni Duan Ling Tian sa kanyang puso.

"Siguro..."

Mabilis na tiningnan ni Duan Ling Tian ang malalambot na mga katawan ng dalawang maliliit na python na naglalaro sa malaking puno, pinag-aaralan ang kanilang mga paggalaw sa abot ng kanyang makakaya.

Mabagal minsan, mabilis minsan!

Matapos ang isang hindi malaman na oras, si Duan Ling Tian na nadama...

Ang paraan na ito ay talagang gumana!

Bagama't malayo pa rin siya sa pagtatagumpay sa yugto ng pagkadalubhasa ng Spirit Serpent Movement Technique, nararamdaman pa rin ni Duan Ling Tian na ang kanyang Spirit Serpent Movement Technique na umuunlad nang lubos.

"Kapag ang Clan Martial Meet ay matapos bukas, kukuha ako ng anuman na maaaring makain para sa inyong dalawa."

Tumingin si Duan Ling Tian sa dalawang maliliit na pythons, ang kanyang kalooban ay naging masaya.

"Duan Ling Tian!"

Isang pamilyar na tinig ang maririnig mula sa labas ng courtyard.

"Paano mo nalalaman na lumipat kami dito?"

Pagdating sa labas ng courtyard at nakita si Li Shi Shi, si Duan Ling Tian ay bahagyang nagulat.

"Hindi lamang ikaw ang lumipat. 'Wag mong kakalimutan, ako ay isa na ring inner court disciple."

Ngumiti si Li Shi Shi.

"Ang ibig mong sabihin..."

Si Duan Ling Tian ay nagulat.

"Magkapitbahay na tayo mula ngayon."

Pagpapatuloy ni Li Shi Shi.

"Ate Shi Shi, lumipat ka sa katabng bahay?"

Sa sandaling ito, si Ke Er, na may dala-dalang mga pagkain, ay narinig ang mga sinabi ni Li Shi Shi. Siya ay bahagyang nasasabik habang ang kanyang maliit na mukha ay namula.

"Tama, Little Sister Ke Er, makikita na na'tin ang isa't isa nang mas madalas mula ngayon."

Si Li Shi Shi ay bahagyang ngumiti habang siya ay tumatango.

Habang kinakausap niya si Ke Er, hindi niya nalimutan ang tumingin kay Duan Ling Tian.

Ngunit siya nakatakdang mabigo.

"Ke Er, magpatuloy lang kayong dalawa na mag-usap. Tutulong ako kay ina na dalhin palabas ang mga pagkain," sinabi ni Duan Ling Tian kay Ke Er bago pumasok sa kusina.

Pagkatapos ilabas ang mga pagkain.

"Shi Shi, sumabay kang kumain sa amin."

Si Li Rou ay tumingin patungo kay Li Shi Shi habang kaniyang iniimbita ito.

"Aunt Rou, hindi na po kailangan; hinihintay ako ng aking ina sa bahay. Little Sister Ke Er, uuwi na ako. Kita tayo bukas."

Si Li Shi Shi ay magalang na tinanggihan ang imbita ni Li Rou bago bumalik sa kaniyang bahay.

Pagkatapos kumain.

Patuloy na kinultivate ni Duan Ling Tian ang kanyang Spirit Serpent Movement technique sa courtyard.

Nauunawaan niya ang prinsipyo ng ipang-atake ang bakal hangga't mainit pa ito!

Sa takipsilim ng susunod na araw.

Dala-dala ni Ke Er at Li Shi Shi, si Duan Ling Tian ay nagtungo sa Martial Arts Practice Field.

Sa daan, natural hindi niya maiiwasan ang makaakit ng maraming naiinggit na mga titig.

Kung ang isang tingin ay maaaring pumatay, si Duan Ling Tian malamang ay namatay na nang ilang beses.

Dahil ang kanilang tahanan ay nasa inner court, hindi ito malayo sa Martial Arts Practice Field. Dumating sila rito sa loob lamang ng ilang sandali.

"Napakaraming tao!"

Matapos makarating sa Martial Arts Practice Field, hindi mapigilan ni Li Shi Shi ang sarili na mapasigaw.

Ang kasalukuyang Martial Arts Practice Field ay napuno ng daloy ng mga taong rumaragasa. May mga bata, mga binata, at maraming 'di gaano katanda at matatandang tao.

Hindi lamang iyon, ngunit sa mataas na plataporma na napalilibutan ng tatlumpung combat arenas, mayroong isang 'di gaano katandang lalaki at ilang matatandang tao ang nasa tabi ng tatlong Chief Judge.

Tumingin si Duan Ling Tian.

Ang 'di gaano katandang lalaki ay may matigas na ekspresyon at may nakakatakot na itsura at may suot siya na berdeng robe na may mga dulo na kulay ginto, na tila may isang pambihirang tindig.

Umupo siya sa pinakagitnang upuan sa mataas na platform. Ang kanyang pagkakakilanlan ay halata ...

Siya ang Patriarch ng Li Clan, si Li Ao.

Para naman sa iba pang mga matatandang tao, tiyak na mayroon rin silang mga pambihirang pagkakakilanlan dahil nakakaupo sila sa tabi ni Li Ao.

Sa tingin niya sila ay mga tao na nasa antas na ng Elder.

"Hindi ko inaasahan na kahit na ang Patriarch ay personal na darating."

Matapos huminga ng malalim, ang puso ni Duan Ling Tian ay bahagyang gumalaw.

"Katahimikan!"

Pagkaraan ng maikling sandali, tumayo ang Patriarch na si Li Ao. Binago niya ang kanyang Origin Energy bilang tunog at ipinadinig ito sa tainga ng lahat ng naroroon.

Binabago ang Origin Enegery bilang tunog muli!

Ang puso ni Duan Ling Tian ay nanginig.

Ang Patriarch na ito na mukhang limampung taong gulang na ay isa palang powerhouse na hindi bababa sa isang ikapitong antas ng Origin Core na martial artist!

Bagaman rumaragasa ang daloy ng mga tao, ang buong Martial Arts Practice Field ay kasalukuyang napakatahimik.

Ang titig ng lahat ay napunta kay Patriarch Li Ao.

Sa gitna ng mga titig, ang ilan ay panatiko, ang ilan ay puno ng paggalang, at ang ilan ay nagulat...

"Lubos akong masaya na bawat taon, ay nasisilayan ko sa walang kapantay na pagtitiyaga ng mga nakababatang henerasyon ng aking Li Clan. Matapos ang araw na ito, ang Clan Martial Meet ngayong taon ay opisyal na matatapos. Ang mga disipulo ay niranggo sa top ten, top three, at ang champion ay makakatanggap ng mga premyo na ako mismo ang magbabahagi. Hindi na ko mag-aaksaya pa ng oras sa mga bagay na walang katuturan. Mga kapwa kong judge, simulan na!"

Si Li Ao ay umupong muli matapos magsalita.

Ang daloy ng mga tao ay nagragasa, pinalibutan ang tatlumpung combat arena.

Ang dalawang tao na ang mga pangalan ay matatawag ay papasok sa combat arena at maglalaban nang matindi.

Ang nagwagi ay makakakuha ng isang puntos at ang natalo ay mababawasan naman ng puntos.

Matapos lumipas ang oras na katumbas ng isang umaga.

Bagaman nakalaban niya ang ilang mga napakalakas na kalaban sa mga sumunod na laban, napanatili pa rin ni Duan Ling Tian ang kanyang sunod-sunod na pagkapanalo.

Sa tanghali, nakapagtipon na agad siya ng 73 puntos.

Ang pinakamataas na bilang ng mga puntos na maaaring matipon ay 86 puntos.

Hindi pa rin siya natatalo hanggang ngayon.

Sa madaling salita, kabilang sa 86 na mga inner court disciples, mayroon lamang 13 na ibang tao ang hindi pa siya nakakalaban.

Napanatili rin ni Ke Er ang sunod-sunod na pagpakanalo.

Hanggang ngayon, walang sinuman ang kayang iwasan ang Violet Meteorite Flexible Sword na nasa kanyang kamay.

Pagkaraan ng maikling sandali, si Ke Er ay nasa arena muli.

Ngayon naman, ang kanyang kalaban ay si...

Li Yuan!

Sa combat arena, tiningnan ni Li Yuan ang payat at kaaya-aya na dalagita, at mukhang nahihiya.

Ang dalagita ay nakatayo lamang doon at may tahimik na ekspresyon.

Gumalaw na si Li Yuan.

Unfettered Steps!

Ang lakas ng isang ancient mammoth ay lubos na kaniyang binuhos habang siya ay tumalsik patungo sa dalagita.

Sword Drawing Arts!

Gumalaw din ang dalagita, at pagkatapos ay lumiwanag ang kulay lila na ispada bago ito maglahong muli, lumalapit patungo kay Li Yuan.

Sa hangin, ang isang silweta ng ancient mammoth ay malinaw na makikita.

Hu!

Si Li Yuan ay mabilis na umiwas. Ang magaan ngunit napakatalin na malamig na ispada ay nagsanhi sa kanyang expression upang agad na magbago, hindi naglalakas-loob na harapin ang patalim ng dalagita.

"Siya ay talagang naka-iwas!"

"Sa mga tatlong araw na nakalipas, si Li Yuan ay ang unang tao na nagawang maka-iwas sa kaniyang espada."

"Tulad ng inaasahan sa dating top three sa outer court. Siya nga talaga ay mayroong lakas."

...

Ang mga tao na nakapalibot sa combat arena ay nagusap-usap.

Ang ilang mga tao ay humula na baka matalo si Ke Er.

Tanging si Duan Ling Tian ay may tahimik na ekspresyon.

Walang mas nakakaalam sa tunay na lakas ni Ke Er kaysa sa kanya.

Bukod sa Sword Drawing Arts na maihahambing sa isang nasa yugto ng pagkadalubhasa na middle grade Profound Rank sword skill, ang high grade profound Rank Defense skill ni Ke Er, ang Stealth Substitution, at ang kanyang movement technique, ang profound rippling steps, ang lahat ay nacultivate sa unang yugto.

Ang likas na talento at kakayahan sa pag-unawa ni Ke Er ay isang bagay na kahit siya ay hindi mapigilan ang sarili na mabigla.

Kung cultivation ang pag-uusapan, si Ke Er at Li Yuan ay pwedeng makumpara.

Kung movement technique ang pag-uusapan, wala sila kahit kaunting pagkakaiba.

Kung defensive martial skill ang pag-uusapan, ganap niyang talo si Li Yuan!

Kung offensive martial skill ang pag-uusapan, ganap niya ring talo si Li Yuan!

Hanggang ngayon, inuulit-ulit ni Ke Er ang paggamit ng kanyang Sword Drawing Arts, at hindi pa siya nagsasagawa ng kahit na anong ibang martial skill.

Sa combat arena.

Ang silweta ni Li Yuan ay walang humpay na gumagalaw pabalik-balik, na parang hinahanap niya ang kahinaan ni Ke Er.

Sa isang kisapmata, ang kanyang mga mata ay lumiwanag.

Heart Destruction Palm!

Pinatalsik niya ang kaniyang sampal kasama ang puwersa ng heart destruction, patungo sa likod ni Ke Er.

Nang maisip ng mga tao na si Ke Er ay seryosong mapipinsala, at kahit ang ilang mga tao ay nagsimulang sawayin si Li Yuan dahil sa pagiging walang awa at malupit.

Stealth Substitution!

Sa katawan ni Ke Er, isang mahinang qi barrier ang kumislap.

Bang!

Ang buong lakas na sampal ni Li Yuan ay sumalpok sa defensive qi barrier ni Ke Er. Sa isang iglap, ang lahat ng puwersa na kanyang ibinuhos ay inilihis ng kanyang defensive qi barrier, tinaboy patungo sa hangin. Ang defensive qi barrier ay nasira pagtapos noon, at kahit na ang kulay bahagyang berde na damit ng dalagita ay bahagyang galaw, siya ay walang natamong pinsala kahit gasgas!

Whoosh!

Lumitaw muli ang Sword Drawing Arts.

Ang Violet Meteorite Flexible Sword sa kamay ng dalagita ay napunta sa lalamunan ni Li Yuan, isang hiwa na lamang bago ito bumuka.

Sa sandaling ito, si Li Yuan ay may isang malabong ekspresyon.

Hindi na siya nakabalik sa kaniyang sarili sa loob ng mahabang oras.

"Si Ke Er ang nanalo!"

Ang judge ay mayroon ding namamanghang ekspresyon, at nagtagal bago makatugon sa wakas at nagmadali na inihayag ang mga resulta.

"Ito..."

Ang mga tao na nakapalibot sa combat arena ay hindi makapagsalita, hindi naniniwala na ang kanilang nakita ay totoo.

Ang isang mahina at maselan na katawan ay ngawang harangan ang middle grade profound rank martial skill ni Li Yuan na nasa yugto ng pagkadalubhasa, ang Heart Destruction Palm...

Hindi kapani-paniwala!

Tanging si Duan Ling Tian ay may tahimik na ekspresyon.

Matagal na niyang nahulaan ang magiging resulta.

Hindi na kailangan ni Ke Er na gamitin ang kanyang movement technique upang matalo si Li Yuan.

Ang Stealth Substitution ni Ke Er ay isang high grade profound Rank defensive martial skill na nasa unang yugto, na maitutulad sa isang middle grade Profound Rank defense martial skill sa yugto ng pagkadalubhasa.

Next chapter