webnovel

Kapuri-puring Gawain

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa isang sulyap lamang, madaling nakilala ni Duan Ling Tian ang pagkatao ng hindi gaano katandang lalaking mabangis na nakatitig sa kaniya. Ito ang Vice Mansion Master ng Mystical Sky Mansion, si Zhao Feng. Siya rin ang ama ni Zhao Ji.

Madali siyang nakilala ni Duan Ling Tian dahil 60%-70% ang pagkakahalintulad ng mga mata ng lalaki sa mga mata ni Zhao Ji. Imposibleng hindi niya makilala ang taong ito. Ngayon na kilala na niya kung sino ito, hindi na siya nagtaka kung bakit mabangis ang pagtitig nito sa kaniya.

Siya at si Zhao Ji ay parang tubig at apoy. Natural lamang na masama ang tingin ni Zhao Deng sa kaniya.

Para naman sa dalawang 'di gaano katandang mga kalalakihan, nakikilala rin sila ni Duan Ling Tian. Sila siguro ang dalawa pang External Affairs Vice Mansion Masters bukod kay Zhao Deng.

Mayroong kabuuan ng siyam na mga Vice Mansion Masters sa Mystical Sky Mansion.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter