webnovel

Kakaibang Maliit na Python

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa kalaliman ng gabi, ang kwarto ay naliliwanagan ng lampara.

Naka-de-kwatro ang bata sa loob ng paliguang bariles na puno ng medicinal liquid, masakit na nagcucultivate, praktikal na kinakalimutan ang lahat.

Nine Dragons War Sovereign Technique, Spirit Serpent Form!

Ang Seven Treasures Body Tempering Liguid ay patuloy na bumubuhos sa kaniyang katawan.

Ang medicinal strength ng Dark Spirit Fruit ay natutunaw din nang napakabilis, sumasama sa kalamanan ng bata, sa dugo at mga buto.

Kung nais niyang mapanalunan ang posisyon ng kampeon sa Clan Martial Meet sa susunod na tatlong araw at makuha ang tatlong daangtaong Blood Lingzhi….

Kailangan niyang magtagumpay hanggang sa ikasiyam na antas ng Body Tempering Stage!

"Kaunti pa."

Dinaramdam ang bilis nang pagdaan sa metamorphosis ng kaniyang katawan at pagbawas ng kaniyang dugo, minulat ang kaniyang mata at bumuntong hininga.

Nang humikab, ang inaantok na bata ay nakatulog.

Natulog siya hanggang kinabukasan ng umaga.

"Young Master, Young Master!"

Isang nababalisang tinig ang maririnig sa labas ng kaniyang kwarto na naging dahilan upang magulat at magising ang bata.

"Ke Er, anong nangyari?"

Wala ng oras para magsuot na panlabas na kasuotan, suot lamang ng bata ang kanniyang pantulog na kasuotan nang buksan niya ang pinto at tumingin sa dalagitang nasa labas.

"Young Master, tingnan mo."

Sa kamay ng dalagita ay mayroong dalawang singlaki ng kamaong itlog ng python na bayolenteng nanginginig.

Ka! Kacha!

Tahimik na napisa ang dalawang itlog ng phyton paisa-isa. Dalawang katangi-tanging maliliit na phyton ang inunat ang kanilang ulo at nilabas ang kanilang mga dila bago lunukin ang mga piraso ng balat ng itlog ng python.

Sumunod ay tiningnan nila ang isa't-isa ng may hindi nasisiyahang ekspresyon bago tumingin kay Duan Ling Tian at kay Ke Er.

Ang dalawang pares ng maliliit na mata ay naglalabas ng malalim na koneksyon.

Tila nakatingin sa kanilang mga magulang.

"Young Master, wala silang pinagkaiba sa isang black python."

Sinukat ni Ke Er ang dalawang maliit na phyton bago ang kaniyang mga hugis willow na mga kilay ay bahagyang nagsalubong.

"Hindi sila magkapareho…"

Sinukat din ni Duan Ling Tian ang dalawang maliit na phythons.

Ang dalawang maliit na pytons ay itim at puti.

Ang maliit na puting python ay mayroong kulay pilak na mga marka sa katawan nito. Ang mga marka ay napakakumplikado, mahirap maunawaan.

Ang maliit na itim na python ay may kulay gintong mga marka sa katawan nito, kapareho sa mga marka sa maliit na puting phyton.

Mayroon pa silang isang pagkakapareho.

Pareho silang may maliit na bukol sa kanilang ulo.

Naghanap si Duan Ling Tian sa alaala ng Rebirth Martial Emperor, ngunit hindi siya nakatagpo ng kahit anong alaala na konektado sa dalawang maliliit na phythons.

Sa ibang salita, kahit buhay ang Rebirth Martial Emperor, hindi niya makikilala ang dalawang maliliit na pythons.

Ngunit, sa alaala ng Rebirth Martial Emperor, may isang klase ng python na bahagyang kapareho sa pangkalahatang katangian ng dalawang maliliit na phytons.

Ang python na iyan ay hindi isang black python.

Ngunit isang mabangis na hayop, ang Snow Python.

Ayon sa alaala ng Rebirth Martial Emperor, ang mabangis na hayop na Snow Python ay maaaring ikumpara sa isang Nascent Soul martial artist kapag umabot ito sa tamang gulang.

Ang cultivation ng isang martial artist pagkatapos ng Body Tempering Stage ay ang Core Formation stage.

Pagkatapos ng Core Formation stage ay ang Origin Core Stage.

Pagkatapos lamang ng Origin Core stage ay ang Nascent Soul stage.

Ang isang colossus tulad ng Li Clan ng Aurora City ay mayroong maraming Origin Core martial artist.

Ngunit ang mga Nascent Soul martial artists ay mabibilang lamang sa daliri.

"Hindi maaaring ang mga anak ng itim na Python ay ginawa kasama ang isang Snow Phyton."

Umiling si Duan Ling Tian, inalis ang nakakatawa niyang ideya.

Hindi na babanggitin ang pagkakaiba sa pagitan ng isang black python at Snow Python, kahit na ang mga marka sa katawan ng dalawang maliliit na pythons ay isang bagay na wala pareho ang black python at Snow Python.

Mula rito maaaring matukoy na ang dalawang maliliit na pythons ay hindi Snow Pythons o black pythons.

"Siguro ay kapareho nila ang kanilang ama. Iniisip ko kung anong uri ng phython ang kanilang ama, Ang Rebirth Martial Emperor ay nakaranas at dumaan na sa dalawang buhay at mayroong malawak na kaalaman at karanasan, ngunit kahit siya ay hindi makilala ang uri ng python, " mahinang bigkas ni Duan Ling Tia sa kaniyang dibdib.

"Young Master, mukhang nagugutom na sila."

Ang boses ng dalagita ay naging dahilan upang bumalik sa katinuan si Duan Ling Tian.

Ang maliliit na mga mata ng dalawang maliliit na pythons ay nakabuka ng malaki, kumikinang na may nakakaawang ningning tila nagmamakaawa.

Kinuha ni Duan Ling Tian ang dalawang Violet Thorned Fruits na nakuha nila mula sa sulok ng kwarto noong nakaraang araw.

Ang dalawang Violet Thorned Fruits ay siguradong iniwan para sa kanila ng ina ng dalawang maliliit na phythons.

Nang dinala ni Duan Ling Tian ang dalawang Violet Thorned Fruits sa tabi ni Ke Er, ang katawan ng dalawang maliliit na phython ay nanginig at mabilis na gumalaw.

Whoosh! Whoosh!

Tila nagbagong-anyo at naging boltahe ng puting kidlat at isang boltahe ng itim na kidlat, lumipad sila patungo sa Violet Thorned Fruits sa kamay ni Duan Ling Tian.

Sa ilang sandali, ang dalawang Violet Thorned fruits ay marahang kinain nila hanggang sa walang natira.

Matapos mabusog, ang dalawang maliliit na pythons ay nakatulog nang mahimbing.

"Anong uri ng ahas sila?"

Tumingin sa isa't isa sina Duan Ling Tian at Ke Er, napansin ang pagkamangha sa mata ng bawat isa.

Ang bilis ng dalawang maliliit na pythons kanina, kahit na ikumpara sa kanilang ina, ang black phython, hindi sila mabagal.

Ang isang nasa tamang gulang na python na mayroong ganoong bilis ay hindi kakaiba.

Ngunit ang dalawang maliliit na phyton na ito ay kapapanganak pa lamang…

Sa likod ng isip ni Duan Ling Tian nakakaramdam siya na ang dalawang maliliit na pythons na ito ay hindi simple.

Matapos mahanap ang isang kahon at sumilip sa butas nito, inilagay ni Duan Ling Tian ang dalawang maliliit na pythons na mahimbing na natutulog. Pagkatapos lamang gawin nito ay doon lamang isya nagsuot ng panlabas na kasuotan, hinawakan ang kamay ni Ke Er at lumabas sa kaniyang kwarto.

"Ke Er, lumabas tayo para maglakad-lakad."

Lumabas sa kanilang tahanan sina Duan Ling Tian at Ke Er, mabilis na nakarating sa Martial Arts Practice Field.

Ang isang sulok ng Martial Arts Practice Field ay kasalukuyang napaliligiran ng ilang mga tao.

"Halika at tingnan natin."

Nagtungo sina Duan Ling Tian at Ke Er.

Akala nila ay may isang taong nakikipaglaban, ngunit nang makalapit sila ay doon lamang nila napansin na hindi.

Isang batang na naka-bughaw na damit ang nakatayo sa gitna ng bunton ng mga tao, lumulipad ang laway mula sa kaniyang bibig.

Kasama ang kaniyang tono, tila siya ay isang taga-kwento.

"Ayon sa aking narinig, ang nasa tamang gulang na Snow Phyton sa Misty Forest ay gumagalaw na parang isang kidlat, pumatay ng ilang Origin Core Martial artist mula sa He Clan ng Aqua Mist City sa ilang segundo lamang… Sa gitna ng mga taong martial artists, ikinukunsidira silang nagingibabaw, ngunit sa harap ng isang nasa tamang gulang na Snow Python, ni hindi nila kayang labanan ang isang hampas lamang!"

Ang batang naka-bughaw na kasuotan ay nagpatuloy, tila nakita ito mismo ng kaniyang mga mata.

"Li Yun, mayroon ba talagang Snow Phython sa loob ng Misty Forest?"

Isa sa mga bunton ng mga tao ang nagtanong.

"Ako, si Li Yun, tanyag sa Aurora City sa kakayahan kong alamin ang lahat, at ang aking reputasyon ay napakaganda. Ang balitang ito ay kakalat sa buong Aurora City sa madaling panahon. Sa oras na iyon, malalaman ninyo na ang aking sinabi ay totoo."

Itinaas ni Li Yun ang kaniyang ulo at may mukhang puno ng kumpiyansa.

"Li Yun, alam mo ang bawat balita sa unang sandali, hindi kami nagdududa roon. Ngunit ang bagay na ito ay sadyang hindi kapani-paniwala."

"Tama, ayon sa rason, sa panahon na ito, ang uri ng python na ito ng mga ligaw na hayop at mababangis na hayop ay dapat natutulog sa taglamig, lalong-lalo na ang isang top ranked na mabangis na hayop katulad ng Snow Python. Ayon sa maga tala sa libro, sa mga uri ng python na mababangis na hayop, ang Snow Python ang may pinakamataas na antas pagiging antukin."

Isa pang tao ang nagsabi ng kaniyang pagdududa.

"Ang sinabi mo ay hindi mali, ngunit ayon sa isang swerteng nakaligtas na nasa Origin Core stage mula sa He Clan ng Aqua Mist, ang Snow Python ay tila tuluyang naging masama, pinapatay ang sinumang makita, parang nilalabas ang kaniyang galit…"

Magaang tumango si Li Yun nang magpatuloy siya.

Ang nakapaligid na bunton ng mga tao ay masigla. Ilang mga tao ang nagtatakang nagtanong, "Ano sa tingin mo ang rason kung bakit naging ganito ang Snow Python?"

"Ang sarili kong hula ay maaaring ang kapareha nito ay pinatay ng mga tao, o ang mga anak nito ay namatay," sinabi ni Li Yun.

Ang nagsasalita ay walang partikular na intensyon sa pagsasabi nito, ngunit ang nakikinig ay naintindihan ito.

Tumingin sa isa't isa si Duan Ling Tian at Ke Er bago iwanan ang bunton ng mga tao.

"Young Master, sa tingin mo ba na ang Snow Phython ang ama ng dalawang maliliit na pythons?"

Ang malilinaw na mata ni Ke Er ay may bakas ng pagkahabag.

"May posibilidad."

Kumislap ang mga mata ni Duan Ling Tian.

Ang dalawang maliliit na pythons ay talaga ngang maaaring mga anak ng black python at Snow Python, at may dahilan kung bakit nagkaroon ng pagkakaiba.

Sa pamamagitan ng alaala ng Rebirth Martial Emperor, alam ni Duan Ling Tian na may kakaibang uri ng mababangis na hayop ang nabuhay.

"Young Master, dapat natin silang iuwi…" sinabi ni Ke Er. Ang malilinaw niyang mga ata ay bahagyang basa. Tila may naisip siyang isang bagay.

"Ke er, anong problema?"

May nag-aalalang ekspresyon si Duan Ling Tian.

"Naisip ko ang aking ina. Nang iniwan ako ng aking ina, naramdaman kong gumuho ang aking mundo. Ang nararamdaman ng Snow Python na iyon ngayon ay katulad ng naramdaman ko noon."

Bahagyang nanginig ang boses ni Ke Er habang nagsasalita.

Sinamantala ni Duan Ling Tian ang pagkakataon at niyakap niya ito sa kaniyang mga bisig, bahagyang tinatapik ang likod nito at mahinahong sinabi," Nakakatuwang babae, hindi ba't mayroon kang ako?"

"Ang magawang makita ka Young Master ay aking swerte, ngunit ang Snow Phython na iyon…"

Ang boses ni Ke Er ay halos paiyak na.

Hinawakan ni Duan Ling Tian ang magandang buhok ni Ke Er nang amuyin niya ang mabango nitong amoy na nilalabas nito at mabagal na sinabi," Ayos lang iyon. Ipinapangako ko sa iyo, pagkatapos ng Clan Martial Meet, iuuwi na natin sila."

Nang makauwi siya, napansin ni Duan Ling Tian na ang maliit na kahon ay wlaang laman.

Ang dalawang maliit na pythons ay naglaho.

Nang hahanapin na sana nila ni Ke Er ang mga ito.

Whoosh! Whoosh!

Isang itim at puting boltahe ng kidlat ang lumapit!

Ang itim na python ay pinulupot ang kaniyang sarili sa pulso ni Duan Ling Tian, at ang maliit na puting python naman ay pumulupot sa pulso ni Ke Er, mapaglarong inilalabas ang kanilang mag dila sa kanila.

"Talagang pilyo ang dalawang ito."

Umiling si Duan Ling Tian habang nakangiti.

"Ke Er, bigyan mo sila ng pangalan."

Tumingin si Duan Ling Tian kay Ke Er.

"Tawagin natin silang Little White at Little Black."

Magaang ngumiti si Ke Er.

"Simula ngayon, tatawagin kang Little Black."

Itinaas ni Duan Ling Tian ang kaniyang kamay at tumingin sa maliit na itim na python na nakapulupot sa kaniyang pulso.

Sa oras na iyon, isang kakaibang senaryo ang nangyari.

Nakita ni Duan Ling Tian ang maliit na python na tumingin sa kaniya at itinango ang ulo nito, dahilan para matulala si Duan Ling Tian sa gulat.

Ang maliit na itim na python na ito ay nakakaintindi ng salita ng tao?

Matapos ang ilang sandali, napansin niyang ang maliit na itim na python ay patuloy pa rin sa pagtango. Doon lamang napagtanto ni Duan Ling Tian na masiyado lang siyang nag-iisip.

Ang maliit na itim na python na ito ay tila pinulupot pa ang sarili kay Duan Ling Tian at ayaw umalis.

Ang maliit na puting python ay pumulupot din lalo kay Ke Er.

Silang dalawa ay walang magawa at dinala lamang nila ang mga ito sa kanilang tabi.

Matapos ng ilang sandaling pagtatangi, napansin ni Duan Ling Tian na ang maliit na itim na python ay isang lalaki, habang ang maliit na puting na python naman ay babae.

Nang gabing iyon, nang umupo sa loob ng paliguang bariles si Duan Ling Tian upang magcultivate, napansin niyang ang maliit na itim na python ay sumisid sa paliguang bariles, lumalangoy sa ibabaw ng tubig nang lunukin nito ang Seven Treasures Body Tempering Liquid.

Kasabay nito, ang gintong mga marka sa katawan nito ay nagsimulang kuminang na isang madilim na ginto hanggang sa matapos itong kainin lahat ng parte ng Seven Treasures Body Tempering Liquid. Nang masiyahan na ito ay doon lamang ito lumipad papalabas, humiga sa sulok ng paliguang bariles at natulog.

Sa pagkakataon na iyon, ang madilim na kinang ng ginto ay marahang lumabo.

"Nagtataka ako kung anong kakaiba sa maliit na python na ito," naisip ni Duan Ling Tian sa kaniyang dibdib.

Lumipas ang dalawang araw.

Bukas ang ikalawang yugto ng kompetisyon sa Clan Martial Meet, at ito ang totoong Clan Martial Meet.

Hindi pa rin nagtatagumpay ang cultivation ni Duan Ling Tian.

Bagaman nararamdaman niyang malapit na siya, hindi pa rin niya magawang magtagumpay pagatapos ng mahabang panahon.

Nasipsip na ng kaniyang katawan ang halos 80% medicinal strength ng Dark Spirit Fruits.

"Hindi ko ba kapalaran na makuha ang tatlong-daang taon at limampung taong gulang na Blood Lingzhi?"

Mapait na tumawa si Duan Ling Tian.

Hiss Hiss

May pumasok na mahinang tunog sa kaniyang tainga. Doon lamang napansin ni Duan Ling Tian na ang maliit na itim na python ay nakabaluktot sa sulok ng kama, nilalabas ang dila nito tila binabati siya.

Whoosh!

Sa sumunod na sandali, ang katawan ng maliit na itim na python ay nanginig at nagsimulang kuminang.

Minsan ay mabagal, minsan ay nagbabagong-anyo at nagiging itim na kidlat.

Tahimik tulad ng isang ermitanyo, gumaglaw tulad ng isang galit na kuneho!

Sa simula, gumamit lamang ng nagtatakang tingin si Duan Ling Tian upang sukatin ang maliit na itim na python.

Ngunit dahan-dahang ang mga galaw ng maliit na itim na python ay tila nagbigay sa kaniya ng tiyak na paliwanag.

Ang kaniyang mga tingin ay puno ng atensyon at malabo.

Sa oras na ito, ang mundo sa kaniyang mga mata ay laman lamang ang maliit na itim na python na patuloy sa pagkislap.

Next chapter