webnovel

Kaakit-akit na kagandahan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Spirit Serpent Movement Technique!

Mabilis na umabante si Duan Ling Tian at kumikislap siyang dumirekta patungo kay Li Zhong.

Sword Drawing Arts!

Isang tagos sa butong lamig na violet sword ang kuminang bago mabilis na nawala, at kumislap at nawala muli.

Tila nagbagong-anyo at naging kulay-lilang kidlat na may mga mata at lubos na tinatakpan ang lahat ng mga paggalaw Li Zhong ...

Dahilan upang hindi makaiwas si Li Zhong!

Whoosh!

Ang malamig na kinang ng violet sword ay tulad ng mapagmahal na haplos ng isang kasintahan, humahaplos sa lalamunan ni Li Zhong ...

Dahilan upang ang kaniyang katawan ay huminto at ang kaniyang eskpresyon ay mag-iba!

Walang malay na itinaas ni Li Zhong ang kaniyang kamay upang hawakan ang kaniyang lalamunan.

Ang malabong bakas ng dugo sa kanyang kamay ay tumatagos sa mata, nakasisilaw ...

"Si Duan Ling Tian ay nanalo!"

Narinig ang boses ng judge, mayroong bakas ng pagkagulat.

"Talo…"

May kumplikadong tingin si Li Zhong nang sumulyap siya sa batang nakakulay lilang kasuotan.

Sumunod, nang hindi nagsasabi ng isang salita, tumalon siya sa arena.

Ang mga sulok ng bibig ni Duan Ling Tian ay mayroong malamyang ngiti mula simula hanggang dulo.

Pakikipaglaban kay Li Zhong

Mula simula hanggang dulo, hinid niya ginamit ang lakas ng dalawang ancient mammoths.

Nagpigil siya.

Ang paggawa nito ay isag uri ng pagsubok sa kaniyang sarili.

"Hindi kataka-takang narinig ko ang mga disipulo ng ouer court na nagsasabi na ang pinakanakakatakot na kilos ni Duan Ling Tian ay ang kahanga-hangang sword skill. Ang makita ito ngayon, ito ay tunay na karapat-dapat na reputasyon.

"Ang sword skill na naisagawa niya ay eksaktong katulad ng ginamit ng dalagitang nasa tabi niya, ngunit ang antas na isinagawa ng dalagita mas mahina sa isinagawa niya"

"Siguro ang sword skill ng dalagita ay ipinasa sa kaniya ni Duan Ling Tian."

"Ang pagtalo ng isang unang antas na Core Formation na isang disipulo ng inner court na nasa ikasiyam na antas ng BodyTempering Stage ... Ang Duan Ling Tian na ito ay talagang nagtakda ng isang bagong tala sa ating Li Clan!"

"Oo, sa ating Li Clan. Ang ganiyang sunod-sunod na pagkapanalo ay hindi pa nagagawa!"

...

Ang karamihan ng tao na nakapalibot sa combat arena ay masiglang magtalakayan.

Sa sandaling ito, walang sinuman ang nangahas na tanungin ang pagnanais ni Duan Ling Tian na sakupin ang kampeonato.

Si Duan Ling Tian ay may ganitong uri ng lakas.

Sa mataas na entablado.

"Ang sword skill ng dalagita na iyon ay nagpahanga sa akin, ngunit hindi ko inaasahan na ang sword skill ni Duan Ling Tian ay mas malakas pa. Mahirap isipin kung paanong ang isang labing anim na taong gulang ay nacultivate ang kaniyang sword skill sa ganong yugto.

Bumuntong hininga si Patriarch Li Ao.

"Oo, ang ating Li Clan ay hindi nagkaroon kailanman ng ekstraordinaryong talento tulad ng sa kaniya."

Isa sa mga matatandang tao sa gilid ay tumngo nang pagsang-ayon.

"Ang magkaroon ng ganiyang lakas sa edad na labing anim, iniisip ko kung gaano pa kalawak ang kaniyang iuunlad sa susunod na dalawang taon."

Ang mga mata ng matandang lalaking may puting kilay ay kumislap at mayroong bakas ng kaunting pag-asa.

Matpos tumalon palabas ng combat arena, bumalik sa tabi ni Ke Er si Duan Ling Tian.

Mabilis na napansin ni Duan Ling Tian na sa tabi ni Li Shi shi, mayroon pang isang dalagitang nasa tabi ni Ke Er.

Ang dalagita ay nasa edad na labing-walo. Nakasuot siya ng maliwang na lilang damit at may baywang na maaaring mayakap sa isang braso. Ang kanyang katawan ay kaakit-akit sa maraming aspeto na may perpektong detalye, walang isang piraso ng labis na laman.

Ang kanyang hitsura ay hindi mas mababa kay Ke Er's, ngunit kumpara kay Ke Er, mayroon siyang mas nakatatandang kagandahan.

Siya ay may isang pares ng mga magaganda, malilinaw na mga mata na tila nilagyan ng walang hanggang kagandahan.

Sa isang sulyap lamang, makukuha niya ang kaluluwa ng mga kalalakihan.

Walang magawa si Duan Ling Tian kundi ang matuliro nang maduling siya sa dalagita.

"Isang kaakit-akit na kagandahan!"

Ang puso ni Duan Ling Tian ay mabilis na gumalaw, ang kanyang mas mababang rehiyon ay bahagyang nag-iinit.

Mula sa pagdating sa mundong ito, siya ay laging nasa ilalim ng kondisyon ng pag-iwas, mahabang panahon na nagdudulot sa kanya na makaramdam ng hindi mapakali at hindi makatiis.

Kung siya lamang ay birhen sa kanyang nakaraang buhay, ngunit siya lamang ay isang kilalang weapon specilaist na hindi maaaring maging masaya na walang mga babae.

Humugot ng mmalalim na paghinga, bahagyang ikinalma ni Duan Ling Tian ang likot sa kaniyang puso.

Sa oras na ito, alam niya na kung sino ang dalagita.

Siguradong siya ang pinakamaganda sa inner court, si Li Fei.

Napansin ni Duan Ling Tian na mayroong batang naka-puting kasuotan sa likod ni Li Fei.

Ang batang naka-puting kasuotan ay nasa parehong edad kay Li Fei at mayroong mukhang puno ng pagmamataas. Mula sa simula hanggang matapos, hindi niya kailanman tiningnan si Duan Ling Tian sa mata.

"Young Master, ito si ate Li Fei."

Ipinakilala siya ni Ke Er nang may magaang ngiti.

"Sa tingin ko na ang pinakamaganda sa inner court ay isinasabuhay ang kaniyang reputasyon."

Tumango si Duan Ling Tian. Nang ang kanyang tingin ay bumagsak kay Li Fei, ito ay isang nag-iinit na tingin.

Bahagyang nagsalubong ang mga magagandang kilay ni Li Fei.

Ang tingin ni Duan Ling Tian ay isang bagay na hindi na kakaiba para sa kaniya. Sa tuwing lumalabas siya ng Li Clan Estate, napapansin niya ang ganitong uri ng tingin kahit saan.

Ang uri ng tingin na ito ay ang tingin din na ikinaiinis niya sa lahat.

Ang mga tao na may ganitong uri ng tingin ay tila nais na sumunggab sa kanya at hubaran siya.

Mabilis na lumitaw ang panlalamig sa kaniyang puso.

Insip niya pang iba siya.

Ngunit hindi niya naisip na magiging mahalay din siya!

"Ke Er, Shi shi, mag-usap ulit tayo kapag may oras tayo."

Ang malinaw na mga mata ni Li Fei na nakatitig kay Duan Ling Tian ay sobrang nanlalamig, ngunit nang tiningnan niya ang dalawang dalagitang nasa kabilang banda niya, ang panlalamig ay natunaw na parang dumating na ang tagsibol.

Sa sandaling natapos siyang magsalita, naglakad siya palayo nang marahan at may hinhin.

"Humph!"

Sa pagkakataon lamang na ito na ang batang naka-puting kasuotan sa likod ni Li Fei ay tumingin kay Duan Ling Tian na may pagbabanta.

Hindi ito pinansin ni Duan Ling Tian.

"Young Master, tingnan mo ang sarili mo, tinakot mo si ate Li Fei kaya umalis. Kanina pa naman ay gusto niyang ipakilala kita sa kaniya."

Sumimangot ang kaakit-akit na mga kabi ni Ke Er, maganda at kamahal-mahal, dahilan uapang hilingin ng iba na mahalikan at masipsip ito.

Malinaw na kahit napansin niya ang malanding tingin ni Duan Ling Tian kay Li Fei kanina.

"Little Sister Ke er, natakot si ate Li Fei dahil sa kaniya?"

Bahagyang huling napagtanto ni Li Shi shi.

Nang hilain siya ni Ke Er sa gilid at pasikretong bumulong, doon lamang niya naintindihan.

Ang kaniyang tingin kay Duan Ling Tian ay may sobrang pakahulugan ng kapaitang itinatago.

Ngunit sa kasamaang-palad, ang atensyon ni Duan Ling Tian ay wala sa kaniya.

"Ang pagkakakilala niya sa akin ay hindi ganoon kaganda…"

Habang nakatingin sa anino ni Li Fei mula sa malayo, hawak ng mga sulok ng bibig ni Duan Ling Tian ang kaunting ngiti.

Inaamin niya na simula nang dumating siya sa mundong ito, si Li Fei ay ikalawang babaeng pumukaw sa kaniyang interes.

Ang una ay natural na si Ke Er.

Gayunpaman, si Ke Er at Li Fei ay lubusang magkabaligtad.

Kung sinabi na si Ke Er ay dalisay na lily, si Li Fei naman ay isang mainit na pulang rosas na puno ng walang hanggang tukso.

Ang Clan Martial Meet nagpatuloy tulad ng isang nagliliyab na apoy.

Sa oras na ito, si Ke Er at Li Shi Shi ay parehong nakatagpo ng mga dispulong nasa Core Formation sa inner court sa parehong oras, si Li Zhong at Li Hu ayon sa pagkakabanggit.

Nang pumunta sila sa combat arena, agad nilang tinanggap ang kanilang pagkatalo.

Pagkatapos ng lahat, hindi sila si Duan Ling Tian.

"Tinatanggap ko ang aking pagkatalo."

Nang tinawag ng judge si Ke Er at Li An, si Li An ay nakatayo sa combat arena at naghintay para kay Ke Er nang buong pag-asa, ngunit ang dalagita ay hindi pa manlang tumingin sa kaniya, diretsong tinaggap ang pagkatalo sa ilalim ng combat arena.

Tumingin siya sa malayo sa dalagitang hawak ang kamay ng batang nakakulay-lilang kasuotan, nakikipag-usap at tumatawa ngunit siya ay wala lamang sa kaniya.

"Duan Ling Tian!"

Nasusunog sa selos ang mukha ni Li An nang pagngalitin niya ang kaniyang mga ngipin.

Ang mga boes ng mga judge ay nagpatuloy sa pagtaas at pagbaba.

"Li Zhong, Li Hu!"

Ang boses ng judge ay narinig sa combat arena sa harap ni Duan Ling Tian.

"Li Hu?"

Ang mga mata ni Duan Ling Tian ay kumislap. Narinig niya si Li Shi Shi na binanggit si Li Hu na isa sa mga dispulo na nasa Core Formation sa inner court.

Mabilis na napansin ni Duan Ling Tian na bago pumasok si Li Li at Li Zhong combat arena, ang mga nakapalibot na tao ay pinaligiran na sila...

Sa mabilis na pag-iisp, naintindihan na ni Duan Ling Tian.

Ang labanan sa pagitan ng Li Zhong at Li Hu ang magiging unang labanan sa mga dispulo na nasa Core Formation sa kasalukuyang Clan Martial Meet ngayong taon.

Nakita ni Duan Ling Tian si Li Hu. Isa siyang matikas na bata na may bakas ng pangungutya sa gitna ng kaniyang mga kilay.

Sa combat arena.

"Sumuko ka na lang, Li Zhong. Hindi mo nga kayang talunin ang isang disipulo na nasa Body Tempering stage; kaya mo pang mangarap na matatalo mo ako?"

May tinamatad na eskpresyon si Li Hu, ang kanyang paraan ng pagsasalita ay naglalaman ng pangungutya.

"Depende iyon sa kapasidad mo."

Malamig na tumawa si Li Zhong.

Ang Li Hu na ito ay kailangang ungkatin iyon at hawakan ang kahinaan nito, lubos siyang ginagalit.

Crossing River On A Reed!

Tila nagbagong-anyo si Li Zhong at naging isang bugso ng hangin nang siya sumunggab siya patungo kay Li Hu.

Silang dalawa ay mabilis na napunta sa isang matinding labanan.

Sinasamahan ang kanilang mga paggalaw ng dalawang hugis ng ancient mammoth sa itaas ng bawat isa sa kanila, lumalabas sa kanila sa isang kahanga-hangang paraan na maaaring tumagos sa kalangitan.

Sila ay magkapantay.

Sa wakas ay nakakita si Li Zhong ng kahinaan ni Li Hu, winasak papalabas sa combat arena si Li Hu.

"Kasuklam-suklam!"

Si Li Hu ay nagbigay ng labis na pag-insulto, ngunit nang magmadali siyang makabalik sa combat arena para sa isa pang yugto laban kay Li Zhong, pinatigil siya ng judge.

"Li Hu, hindi ba't sinabi mong hindi ko kayang talunin ang isang dispulong nasa Body Tempering stage? Ngayon ay hindi mo ako kayang talunin, isang hindi mkatalo sa isang dispulong nasa Body Tempering stage. Anong nararamdaman mo?"

Nagsimulang tumawa si Li Zhing ng may ekspresyon ng pagkadakila matapos magawa ang kaniyang pakay.

Sa sandaling ito, karamihan sa mga nakapaligid na mga tao ay hindi mapigilan ang kanilang tawa.

Matapos ang ilang sandali, pumasok muli sa combat arena si Duan Ling Tian.

Ang lahat ng kanyang mga kalaban ay tinanggap ang kanilang pagkatalo isa-isa, dahilan upang tamasahin niya ang pagtrato sa isang disipulong nasa Core Formation.

Hanggang sa makaharap niya si Li Hu.

Sa sandaling pumasok si Li Hu sa combat arena, malinaw na napansin ni Duan Ling Tian na hindi ito mapakali.

"Mukhang gusto niya akong talunin upang mahugasan ang kahihiyan mula kay Li Zhong kanina."

Hinulaan ni Duan Ling Tian sa kaniyang puso ang rason.

Ngunit kahit natalo si Li Hu dahil sa kawalang-ingat ni Li Zhong, ang pagkakaiba sa lakas nilang dalawa ay halos wala.

Kahit na si Li Zhong ay hindi katapat ni Duan Ling Tian, ​​kaya si Li Hu ay hindi naiiba.

Mabilis na tinalo ni Duan Ling Tian si Li Hu, patuloy na pinapatali ang kaniyang nangingibabaw na sunod-sunod na pagkapanalo.

"Li Fei, Li Zhong!"

Ang tinig ng judge ay narinig sa likod niya. Bahagyang kumibit ang tingin ni Duan Ling Tian nanag hawakan niya ang kamay ni Ke Er at lumakad ng may malalaking hakbang.

Ang labanan sa pagitan ni Li Fei at Li Zhong.

Ang katawan ni Li Fei ay tila nagbago sa isang kumikislap na pulang rosas, umaakit sa walang hanggang bilang ng mga tingin at naging pokus ng pansin.

Bilang isang babae, ang makatuntong sa Core Formation stage sa edad na labingwalo ay talagang bihira.

Ang nagpagulat kay Duan Ling Tian ay ang lakas ni Li Fei ay may mainam kaysa kay Li Zhong.

Pagkatapos ng dalawang galaw, napilitang tanggapin ni Li Zhong ay kaniyang pagkatalo nang paulit-ulit.

"Interesante."

Ang mga sulok ng bibig ni Duan Ling Tian ay kumurba sa isang malamyang ngiti.

Hindi niya inaasahan ang maganda at kaakit-akit na dalagitang ito ay may ganoong lakas.

"Li Hu, Li An!"

Isa pang labanan sa pagitan ng mga disipulong Core Formation.

Ang naging sanhi ng pagkamangha ni Duan Ling Tian ay tinalo ni Li An si Li Hu sa isang galaw.

Siyempre, alam niyang may kinalaman ito sa moral ni Li Hu.

Mula sa pagpasok sa combat arena hanggang sa pagkatalo kay Li An, tila nagagambala siya, malinaw na hindi pa rin nakakalabas sa aninong bumalot sa kaniya kanina.

"Li Zhong, Li Qing!"

Ang laban sa pagitan ng mga disipulong Core Formation ay nagpatuloy.

"Siya si Li Qing?"

Habang nakatingin sa batang nakaputi sa combat arena, nagulat si Duan Ling Tian.

Ang lalaking ito, hindi ba't siya ang walang-hiyang alagad na nakasunod sa likuran ni Li Fei?

At napansin niyang hindi ito pinapansin ni Li Fei.

Ang Li Qing na ito ay malinaw na nasa isang relasyong siya lamang ang nagmamahal.

"Li Zhong, tanggapin mo na lang ang iyong pagkatalo."

Sa combat arena, itinaas ni Li Qing ang kanyang ulo sa isang mapagmataas na paraan. Siya ay tumingin kay Li Zhong na tila nakakababa at nagsalita sa isang dominanteng tono.

Ang eskpresyon ni Li Zhong ay nagdilim at ang kaniyang mga mata ay puno ng galit.

Nang ang Origin Energy sa kaniyang hita paa ay malapit nang sumabog pabalik at handa na siyang umatake.

Biglang ang mga itim ng kaniyang mga mata ay nanliit at ang kanyang katawan ay nanginig habang ang kanyang Origin Energy ay ganap na nalipol.

"Tinatanggap ko… ang aking pagkatalo."

Next chapter