webnovel

Isang Libong Pilak Kada Isang Oras

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Gusto man ni Li Rou na tulungan ang ika Limang nakatatanda ay hindi niya magawa dahil wala siyang kakayahang pinansiyal para tulungan ito.

Naubos ang kanyang salapi kabibili ng mga sangkap sa paggawa ng gamot na makatutulong sa pagpapalakas nang katawan ng kanyang anak.

Kasama na rin ang sunod sunod na pagbili nito ng mga sangkap sa paggawa ng Seven Treasures Body Tempering Liquid, ang natira na lamang sa kanyang ipon ay aabot na lamang isa higit isan daang piraso ng pilak.

"Anong problema ika limang nakatatanda? Hindi mo ba nais na makipagpustahan sa ika pitong nakatatanda?"

Tumawa ang ika anim na nakatatandang si Li Ping nang may buong tiwala sa kanyang sarili.

At noong kakausapin n ani Li Ting ang iba pang mga nakatatanda para humingi ng tulong.

"Ika pitong nakatatanda, pupusta ako sa iyo nang limandaang piraso ng pilak!"

Galing sa boses na nanggagaling sa malayo.

Makikita na nanggaling sa isang batang magkasintahan na sabay na naglalakad habang magkahawak ang kanilang mga kamay ang boses.

Isa sa mga iyon ang nagsalita at sumagot sa hamon ng ika pitong nakatatanda.

Ang batang iyon ay may matatalas na kilay na maihahalintulad sa isang espada at may maliwanag na mga mata; makikita ang kaguwapuhan nito at ang kaaya aya nitong tindig.

Iyon nga ay si Duan Ling Tian!

"Matapos mong gamitin ang karamihan sa iyong mga salapi sa iyong anak nitong mga nakaraang taon, hindi kaya ay may natitira ka pang limandaang piraso ng pilak sa iyong bulsa?"

Kutya ng ika pitong nakatatandang si Li Kun habang malalim na nakatingin kay Li Rou.

Kumunot ang mga noo ni Li Rou nang bahagya at marahang nagbuntong hininga sa kanyang sarili.

<Ang batang iyon na si Tian, hindi naman siguro siya umaasang mayroon pa akong limandaang piraso ng pilak ba?>

"Pagbati Ama, Pinaka nakatatanda at mga nakatatanda."

Umakyat si Duan Ling Tian sa platform habang hawak hawak ang kamay ni Ke Er at dahan dahang yumuko sa mga nakatataas na miyembro ng pamilya Li.

Gulat na gulat na tiningnan ng ama ng pamilya Li na si Li Nan Feng si Duan Ling Tian. Ang huling pagkakataon na nakita niya ito ay noong isang buwan na ang nakalilipas.

At noong panahon na iyon ay noong nagalit ng husto si Li Rou at pinarusahan ang anak ng ika pitong nakatatanda na si Li Xin.

Napakahina ng pangangatawan ni Duan Ling Tian noong mga panahong iyon.

Pero ngayon ay mukhang nagiba ng anyo si Duan Ling Tian!

"Ikatlong antas ng Body Tempering stage… Duan Ling Tian, Naabot mo nga talaga ang ikatlong antas ng Body Tempering stage!"

Noong binusising maigi ni Li Nan Feng ang pangangatawan ni Duan Ling Tian, nanliit ang mga mata nito at makikita sa mukha nitong hindi siya makapaniwala sa mga nakikita niya.

Ang pagkagulat na naramdaman ni Li Nan Feng ay parang isang malaking bato na nahulog sa isang swimming pool na lumikha ng libo libong mga alon.

Bigla namang nagtinginan na rin ang lahat ng nasa platform kay Duan Ling Tian.

At sa maikling sandaling iyon, ang lahat ng nasa platform ay hindi makapaniwala sa kanilang nakikita bukod kay Li Rou at kay Li Ting.

"Kung hindi ako magkakamali, isang buwan na ang nakalilipas noong malubha siyang nasugatan ni Li Xin at hindi niya maabot ang pangangatawan ng isang martial artist noong mga panahong iyon!"

"At sa loob lamang ng isang buwan ay napalakas niya ang kanyang pangangatawan mula sa pangangatawan ng isang ordinaryong tao hanggang sa ikatlong antas ng Body Tempering stage… Namamalik mata ba ako sa mga nakikita ko?"

"Hindi ka namamalikmata, naabot na niya talaga ang ikatlong antas ng kanyang Body Tempering stage. At mukhang nakakuha siya ng hindi kapanipaniwalang lakas!"

...

Ang iba pang mga nakatatanda kabilang ang ika pitong nakatatanda ay natigilan sa kanilang nakita.

Ang kanilang nakikita sa kanilang harapan ay isang bagay na aabutin muna ng ilang sandali bago pa sila makapagreact.

Naiintriga namang binuksan ng pinakanakatatandang si Li Huo ang kanyang mga mata at tumingin sa tinitingnan ng lahat na si Duan Ling Tian.

Napahinga naman ng malalim ang ika pitong nakatatanda na si Li Kun.

Hindi niya akalain ang pagabot ni Duan Ling Tian sa ikatlong antas ng kanyang Body Tempering stage sa loob lamang ng maikling panahon.

Pero noong maalala niya ang malaking pagkakaiba sa lakas ng ikatlo at ika apat na antas ng Body Tempering stage ay nakampante na muli ito.

Para sa kanya, kahit na maabot ni Duan Ling Tian ang ikalawa o ikatlong antas ng Body Tempering stage, wala pa ring pagkakaiba ito para sa kanyang anak na si Li Jie.

"Hindi ba sinabi mo kani kanina lang na gusto mong pumusta sa akin ng limangdaang piraso ng pilak tama?"

Tanong ni Li Kun habang nakatingin ito kay Duan Ling Tian.

"Opo"

Tumatangong sagot ni Duan Ling Tian.

"Pero kung hindi ako magkakamali, nagastos na ng ika siyam na nakatatanda ang karamihan sa kanyang ipon para sayo sa loob ng ilang taon, kung kaya ay ikinalulungkot ko na wala siyang ganoon kalaking halaga upang tanggapin ang aking hamon."

Sabi ni Li Kun.

Napuno ang kanyang mukha ng pagkakampante habang naghihintay sa pagsuko ni Duan Ling Tian sa kanyang hamon."

"Tama po kayo, wala pong ganoong kalaking halaga ang aking pamilya sa ngayon."

Yumuyukong tugon ni Duan Ling Tian.

Ang sitwasyong pinansiyal ng kanyang pamilya ay hindi lingid sa kaalaman ni Duan Ling Tian.

Ito rin ang dahilan kung bakit gusto niyang dayain si Li Kun para sa kanyang limandaang piraso ng pilak.

"Ang perang ipupusta ko, ng ika limang nakatatanda at ng ika anim na nakatatanda ay ibibigay naming sa ama upang maging saksi sa mangyayaring pustahan… Kung ang iniisip mo ay kaya mong pumusta nang wala kang dalang pera ay mas mabuti nang umatras ka na dahil nagkakamali ka."

Sabi ni Li Kun habang nangaasar itong nakangiti.

"Sinabi ko po bang pupusta ako nang walang dalang salapi? Iniisip niyo po ba na kagaya niyo po ako?"

Sabi ni Duan Ling Tian habang nanghahamon itong nakatingin kay Li Kun kung saan makikita na nagliliyab ang mga mata nito sa galit, dahan dahan nitong binitawan ang kamay ng dalaga at sinabing "pumunta ka kay ina Ke Er."

Matalino namang tumango ang dalaga at agad itong pumunta sa tabi ni Li Rou.

"Napakayaman naman pala ng ika siyam na nakatatanda kung gayon!"

Tiningnan ng ilang nakatatanda ang dalaga at isa isang binati si Li Rou matapos nito.

Nakita nila kung gaano ito kaganda paglaki at kung paano maihahalintulad ang kagandahan nito kay Li Rou.

Ngumiti naman si Li Rou bilang tugon sa pagbati ng mga nakatatanda.

Namula naman ang mukha ng dalaga dahil sa sobrang hiya nito.

<"Ano kaya ang pinaplanong gawin ni Tian">

Kumislap sa sobrang pagtataka ang mga mat ani Li Rou habang nakikita nitong hinahamon ng kaniyang anak ang ikapitong nakatatandang si Li Kun.

Nagiging mas mahirap na sa kanyang intindihin ang kanyang anak.

"Kung gayon ay tingnan natin kung paano ka makakakuha ng limandaang piraso ng pilak Duan Ling Tian. At kung hindi ako magkakamali, maging ang ikalimang nakatatanda ay hindi na kaya ang isa pang pusta na nagkakahalaga ng limandaang piraso ng pilak."

Sabi ni Li Kun habang galit na galit itong nakatitig kay Duan Ling Tian.

At noong kukunin na sana ni Li Ting ang natitira pang tatlongdaang piraso ng pilak sa kanyang ipon ay natigilan ito sa naging sagot ni Duan Ling Tian. Bukod pa diyan ang kanyang matinding pagkasurpresa sa naging sagot nito.

"Huwag po kayong magalala ika pitong nakatatanda, hindi po ako manghihirap ng salapi sa ika limang nakatatanda…."

Sabi ni Duan Ling Tian hindi makapaniwalang nakatitig sa kaniya ang mga nakatataas na miyembro ng pamilya Li. Matapos nito ay naglakad siya papunta sa pinaka nakatatandang miyembro ng pamilya Li.

"Pinaka nakatatanda, alam ko po na patuloy po kayo sa pagpapalakas at paggawa ng mga gamot, kaya nakatitiyak ako na ang inyong katawan ay mayoon nang iilang mga natatagong mga sakit… Paano po kung bibigyan ko po kayo ng masahe para mawala ang mga sakit sa iyong katawan kapalit ng limandaang piraso ng pilak bilang kabayaran. Ano po sa tingin niniyo?

Tumingin si Duan Ling Tian kay Li Huo at bahagyang ngumiti.

"Huwag kang gumawa ng gulo Tian!"

Sabi ni Li Rou habang ang mukha nito ay hindi na maipinta sa ginawa ng kaniyang anak na si Duan Ling Tian.

Mas mataas ang estado ng Pinakanakatatanda kaysa sa Ama sa pamilya Li. At nakaramdam siya ng matinding galit at pagaalala noong makita niya ang pagyayabang ng kanyang anak sa harap mismo ng pinakanakatatandang miyembro ng pamilya Li.

Natatagong mga sakit?

Ang pinakanakatatanda ay isang Grade Nine Alchemist. At kung malaman niya man na may mga natatago siyang sakit ay agad niyang gagamutin ang mga ito.

At noong inaasahan ng lahat ng nakatataas na miyembro ng pamilya Li ang matinding galit na lalabas mula sa pinakanakatatanda nitong miyembro.

"Gusto mo ng limandaang piraso ng pilak para lamang sa isang masahe? Alam na alam mo nga bata kung paano maningil ng napakamahal na halaga."

Naiintrigang tumingin si Li Huo kay Duan Ling Tian habang bahagya itong nakangiti.

"Paano po kung bigyan ko po muna kayo ng masahe… Pagkatapos po nito ay kayo na po ang maghusga kung babayaran niyo po ba ako nang ganoong halaga o hindi."

Hindi pinansin ni Duan Ling Tian ang sinabing iyon ni Li Huo sa kaniya.

Naging interesado ito nang marinig niya ang tugon sa kanya ni Duan Ling Tian.

"Sige, nagtataka ako kung ano ang kakayahan mo bata."

Ang tanging rason kung bakit siya napapayag ay dahil sa nakita niyang pagbabago sa pangangatawan ni Duan Ling Tian isang buwan na ang nakalilipas.

Isang hindi kapanipaniwalang bagay ang pagkamit sa ikatlong antas ng Body Tempering stage mula sa pangangatawan ng isang ordinaryong tao sa loob lamang ng isang buwan.

Alam niya ang mga iyon bilang isang Grade Nine Alchemist.

Alam niya na hindi kayang abutin ng isang ordinayong tao ang ikatlong antas ng Body Tempering stage niya sa loob lamang ng isang buwan kahit na mayroon siyang hindi matapos tapos na suplay ng mga tabletang gamot para sa pagpapabilis ng body tempering.

Sa ngayon ay nababalot ng misteryo ang mga nangyaring ito kay Duan Ling Tian.

At kasabay niyan ang mga natatagong sakit na kanyang nararamdaman sa kanyang katawan na nagsimula ilang taon na ang nakalilipas kaya gusto niyang subukang ang alok na iyon ni Duan Ling Tian.

Habang nakikita nila ang pagtayo ni Duan Ling Tian sa likod ng pinakanakatatanda at ang paglagay ng mga kamay niya sa likod nito, ang karamihan sa mga nakatatanda sa pamilya Li ay makikitaan ng kakaibang mga ekspresyon sa kanilang mga mukha.

Iniisip nilang nananaginip lamang ang anak ng ika siyam na nakatatanda. At kung ang isang simpleng masahe lamang ay nagkakahalaga na ng limandaang piraso ng pilak ay agad silang bababa sa kanilang mga katungkulan upang maging mga masahista.

Nagpakita naman ng isang malaking ngiti ang mukha ni Li Kun habang napapanood niya ang mga pangyayaring ito.

Paglapastangan sa nakatataas at ang pangloloko niya sa pinakanakatatanda!

Bukod sa matinding galit na haharapin nila sa pinakanakatatanda, isa ring iyong krimen sa pamilya Li!

Para sa kanya, naubusan na ng baraha si Duan Ling Tian kaya niya ito nagawa.

Si Li Jie naman kasama ang ibang mga miyembro ng pamilya Li na nasa Martial Arts Practice Hall ay walang kaalam alam sa mga nangyayari dahil hindi nila marinig ang pinaguusapan ng mga nasa platform sa ibaba.

Nagdilim ang mga paningin nila noong makita nila ang pagtayo at pagmasahe ni Duang Ling Tian sa likod ng pinaka nakatatanda.

Anong ginagawa ng Duan Ling Tian na iyon? Iniisip niya ban a bibigyan siya ng pinakanakatatanda ng isang hindi kapanipaniwalang lakas para matalo si Li Jie sa pamamagitan lang ng pagmasahe rito?

"Isang hanggal! Anong ginagawa ng Duan Ling Tian na iyon sa taas?!"

"Imbes na pumunta na siya rito sa area pagdating niya ay nagawa niya pang sumipsip sa mga nakatatanda. Sinusubukan niya bang kunin ang simpatya ng pinakanakatatanda dahil alam niya na mapupuruhan siya ni Li Jie sa magiging laban nila?"

"Sa tingin ko ay tama ko. Mukhang yan lamang ang posibleng paliwanag sa pinagagagawa niyang iyon."

...

Nagresulta sa matinding galit ng mga tao ang ginawang iyon ni Duan Ling Tian.

"Puwede po bang huwag ninyong paikutin ang inyong Origin Energy sa inyong katawan habang nagmamasahe po ako?"

Sabi ni Duan Ling Tian kay Li Huo. At gamit ang puwersa galing sa kanyang mga kamay, nagsimula na siyang masahiin ang mga balikat ni Li Huo….

Sa mga panahong ito, isang bugso ng mga alala ang kanyang nakita sa kanyang isip.

Ang bugso ng ala alang iyon ay mula sa Rebirth Martial Emperor; isa iyong malikhaing pamamaraan ng pagmamasahe. Ginawa ang technique na ito para gamutin ang mga side effect na nananatili sa mga katawan ng mga low-grade alchemists.

Noong makita niya nang unang beses ang pinakanakatatanda, agad na napansin ni Duan Ling Tian ang isang light black na bahagi sa gitna ng kanyang mga kilay. Senyales ito na ang kanyang katawan ay nakakaramdam ng side effects mula sa paglikha niya ng mga gamot.

Ang klase ng side effect na ito ay makikita sa mga low-grade alchemist na gumagawa ng pagsasaliksik sa mga pamamaraan ng paglikha ng mga gamot nang mag isa.

Pangkaraniwan na hindi magdudulot ng sakit ang mga side effect na ito. Mararamdaman laman nila ito kung paiikutin na nila ang kanilang Origin Energy sa kanilang buong katawan. At sa ilang pagkakataon, ang sakit na kanilang nararamdaman ay parang isang kutsilyo na inikot matapos itong isaksak sa kanilang mga puso at walang sinuman ang gugustuhin pang mabuhay habang nararamdaman ang sakit na ito.

Nalamang ni Duan Ling Tian ang lahat ng ito mula sa mga ala ala ng Rebirth Martial Emperor.

Bilang isang di mapapantayang alchemist, sinaliksik ng Rebirth Martial Emperor ang art sa paggawa ng mga gamot at minaster ang mga ito, kaya walang bagay na hindi niya kayang gawin pagdating sa panggagamot.

Bigla namang bumilis ang paggalaw ng mga kamay ni Duan Ling Tian sa pagmasahe sa balikat ni Li Huo!

Nagiba ang itsura ni Li Huo mula sa magiging payapa nito at nagsimulang manginig ng kanyang buong katawan.

Matapos nito, nagngitngit ang kanyang mga ngipin habang nagpapakita ng katakot takot na itsura na para bang dumadaan siya sa isang napaka tinding sakit.

Nanlamig hanggang sa kanilang mga buto ang mga matataaas na miyembro ng pamilya Li….

Gaano kasakit kaya ang pinagdadaanan ng pinakamatanda para ipakita ang ganyan katinding expresyon?

Matapos ang labinlimang minute ay tumigil ang pawis na pawis na si Duan Ling Tian.

"Hu!"

Sa sandaling ito, naglabas si Li Huo ng hindi kaaya ayang hangin mula ka kanyang bibig. At pagkatapos imulat ang kanyang mga mata, nagningning ito na para bang punong puno ng bituin ang loob ng mga ito. Naramdaman niya na para siyang bumata ng higit sa sampung taon.

Maayos na muling dumaloy ang Origin Energy sa kanyang buong katawan. Dahil dito ay umaliwalas ng husto ang kanyang pakiramdam!

Noong nakaraan ay nakakaramdam siya ng sakit sa kanyang katawan sa tuwing pinapaikot niya ang kanyang Origin Energy sa kanyang buong katawan, pero sa mga sandaling ito ay hindi na niya nararamdaman ang mga dating sakit na kanyang iniinda.

"Kailangan niyo pa po muling sumailalim sa dalawa pa pong pagmamasahe para tuluyang magamot ang mga natatagong mga sakit sa inyong katawan. Ano na po ang inyong nararamdaman pinaka nakatatanda? Magkano po ang bayad na nararapat para po sa akin?"

Tanong ni Duan Ling Tian habang pagod na nakangiti.

Tumawa ng malakas si Li Huo at kumuha ng bulto bultong mga pilak mula sa kanyang lalagyan.

"Kunin mo muna ang isang libong pilak sa ngayon. Bibigyan kita ng isang libong pilak pa sa kada bigay mo sa akin ng masahe kagaya nung ngayon… Ano sa tingin mo bata?"

Next chapter