webnovel

Ikawalong Antas ng Advance Sword Concept

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Kahanga-hangang trabaho?" Ang tagapaglingkod na si Xiao Yun ay kinunot ang kaniyang mga kilay nang siya ay magtanong, "Mayroon ba kayong nalalaman? O, maharil, narinig mo na ang tungkol sa batang Elder Duan na iyon?"

"Seryoso ka ba, Sister Xiao Yun, na hindi mo pa naririnig ang tungkol kay Elder Duan?" Ang anim na mga tagapaglingkod ay tumitig kay Xiao Yun na para bang siya ay kumikilos nang kakaiba.

"Ka-kaiba ba?" Nang makita ang tugon ng anim na mga taong ito, hindi mapigilan ni Xiao Yun na magulat.

"Sister Xiao Yun, sa tingin ko ang balita tungkol kay Elder Duan ay kumalat na sa buong Lu Clan. Pinaglilingkuran mo si Elder Duan, at kasing lapit mo na ang buwan... ngunit wala ka palang alam tungkol dito?" Ang anim na mga tagapaglingkod ay umiiling nang sila ay mapabuntong-hininga. Nararamdaman nila na si Xiao Yun ay nagkukulang tungkol sa paghabol sa kasalukuyang mga balita.

"Tigilan niyo nga ako, kayong anim!" Ngumiwi si Xiao Yun.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter